NANG maibigay ang mga order nila Fritz ay hindi na ako pumunta pa sa dinning area. Nandoon naman ang ibang crew, kayang kaya na nila yon.
Ako na rin ang nagprisintang maghugas ng mga pinaglutuan nila Chef Aldrin para hindi na ako lumabas pa doon. Naririnig parin naman ang asaran ng magkakaibigan dito sa loob ng kitchen.
Maya-maya pa ay narinig ko ang malakas na boses ni Fritz.
“The Great Radzkier is here!” Sigaw nito at narinig ko ang palakpakan ng mga kasama niya. Bigla na namang bumilis ang t***k ng puso nang marinig ko ang pangalan niya.
Bakit ganito nalang ang epekto ng halimaw na yon sa sistema ko?
“You told me you had a surprise, What is it?” Rinig kong tanong ni Radzkier kay Fritz.
“Later, bro, you’ll see..” Sagot naman nito na ikinakunot ng noo ko. Ano naman kayang surpresa ang sinasabi nitong si Fritz?
Nang sumilip ako sa table ng mga ito mula sa loob ng kitchen ay nakita kong kumakain na rin si Radzkier sa table katabi ni Cairo. Sabi na e. May gusto talaga itong si Radzkier kay Cairo.
Nakita kong lumapit na rin si Sir Bryle sa table at tinawag nito si Radzkier.
“Hoy Radzkier!” Tawag ni Sir Bryle dito at natigil sa pagsubo si Radzkier.
“What’s up?” Bati naman ni Radzkier dito.
“Kita mo tong dalawang magpinsan na to, halos magkatabi lang ang mga bahay pero hindi man lang nagkikita.” Sabi ni Cairo sa dalawa . Nagulat ako sa sinabi nito.
‘Small world’ talaga! Akalain mong ang boss ko sa trabaho ay pinsan pala nila Radzkier kaya pala nakita ko ito sa Village noon dahil magkakapit bahay lang pala sila.
“We’re busy.” Sabi naman ni Radzkier dito.
“Busy? Saan? Monday to Friday ka lang naman busy Radzkier at weekend wala ka nang busy. Hindi ko nga alam at lagi ka nang tumatanggi sa mga lakad kada Sabado at Linggo!” Sabi na naman ni Fritz. Kalalaking tao talaga nito pero napakaingay!
Natawa naman ang ibang kaibigan nila sa sinabi ni Fritz.
Malaya kong pinapanood ang grupo ng mga ito at nang mapadako ang tingin ko kay Radzkier ay bumalik na naman ang napakabilis na t***k ng puso ko. Aminado naman ako na gwapo talaga ito at mas nakadagdag pa sa kagwapuhan nito ang pagiging seryoso nito madalas at pagkunot ng noo na akala mo ay laging may nakikitang mali lalo na sa akin pero pag kaharap naman ang ibang tao ay nakangiti naman ito.
“Wala ka bang patubig man lang Bryle?” Reklamo ng isa nilang kasama.
Nakita kong bumuntong hininga si Sir Bryle at luminga linga ito sa paligid at tila may hinahanap.
Nang makita nito si Lyka ay ito na ang inutusan niyang kumuha ng tubig.
“Cathy! Icharge mo sa kanila yung tubig, mahal ngayon ang mineral water!” Baling ni Sir Bryle sa kahera at tila sinadya nito na iparinig sa mga kaibigan.
Sabay-sabay na napalingon sila Fritz dito at naubo pa ang iba at tila nabulunan sa narinig. Pati kaming mga crew ay natawa sa mga reaksyon nila.
“Napakakuripot mo talaga Bryle!” Sabi ni Radzkier dito na nakakunot ang noo.
“Icharge nyo sa Piloto yung tubig! Masyado nang maraming pera itong si Fabian!” Sabi naman ni Sir Bryle.
“Walang pera yan! Sa dami ba naman ng babaeng sinusustentuhan sa iba’t ibang bansang napupuntahan!” Sabi uli ni Fritz at kulang nalang ay batuhin ito ni Cairo ng kubyertos. Nagtawanan naman ang iba.
“Shut up Fritz! Gawain mo yan!” Sigaw ni Cairo dito. “Patawa tawa kayo pero lahat naman kayo ginagawa niyo.” Dagdag na sabi ni Cairo at tinignan pa isa isa ang mga kaibigan.
“Past is past.” Bigla ay sabi ni Radzkier at lahat ay natuon ang tingin dito. Natahimik ang lahat at maya-maya pa ay biglang natawa.
“ULOL” sabay sabay pa nilang sambit at tinawanan lamang ito ni Radzkier.
“That’s enough. Mahiya naman kayo sa mga employees ko.” Natatawang sabi ni Sir Bryle at sabay sabay pa na nagsiyuko sila Lyka na nasa dinning area mismo na halatang nag-eenjoy din na panoorin ang magkakaibigan.
Nang matapos silang kumain ay tumayo na rin ang mga ito saka lumapit na rin ang ibang crew sa table para linisin ang mga pinagkainan nila. Alas nwebe na rin kasi ng gabi.
Nang nasa pinto na ang mga ito at paalis na ay saka ako lumabas sa kitchen para tulungan ang mga kasama ko.
“There she is!” Sigaw ni Fritz at muntikan ko nang mahulog ang platong hawak ko.
Napalingon ako dito sa pagaakalang nakalabas na sila ng resto at nagulat ako nang nakatingin silang lahat sa akin.
Kita ko ang gulat sa mukha ni Radzkier at mabilis akong yumuko saka binilisan ang paghahakot ng mga hugasin saka mabilis na umalis sa dinning area.
Sinadya kong tagalan ang paghuhugas para paglabas ko ay wala na ang mga ito. Ang ibang crew na rin ang mabilis na naglinis ng dinning area dahil gabi na.
Nang masiguro naming nasa ayos na ang lahat ay nagpaalam na rin kami kay Sir Bryle at lumabas na kami sa restaurant. Mabuti nalang at wala na ang grupo nila Radzkier.
Naghiwa hiwalay na rin kami ng mga katrabaho ko at tanging ako nalang ang naiwan dahil ako lang ang naiiba ng direksyon pauwi.
Papara na sana ako ng taxi nang biglang may tumigil na sasakyan sa harap ko na pamilyar sa akin.
Lumayo pa ako ng konti dito dahil baka masamang loob ito pero nagulat ako nang ibaba nito ang bintana ng sasakyan niya at nakita ko ang gwapong mukha ni Radzkier. Napasinghap akong tumitig dito.
“Sumakay ka na.” Utos nito sa akin at mukhang wala na naman ito sa mood nang tumingin ito sa akin kaya mabilis kong binuksan ang pinto at sumakay dito bago pa magbago ang isip nito at iwan ako dito.
‘Hinintay ba niya ako? Bakit nandito pa siya?’ Tanong ko sa isip.
Tila narinig naman niya ang sinasabi ng utak ko at bigla itong nagsalita.
“Hinintay na kita because Dad might scold me when he finds out you're not at home yet.” Paliwanag nito.
“Hindi ko tinatanong.”
“Baka kasi mag-assume ka.” Nakangising sabi nito.
“Asa ka. Bakit naman sana?” Sabi ko dito saka ko inirapan ito.
“Kasi gwapo ako.” Sagot naman niya na ikinatawa ko. Anong konek ng tanong ko sa sagot niya? Napatingin naman ito sa akin saka ngumisi.
“Lakas ng hangin grabe!”
“Oo, parang appeal ko.” Sabi uli nito kaya napairap nalang ako dahil kahit anong klaseng pambabara ko rito ay lagi itong may sagot.
Natahimik kami pareho nang nasa biyahe dahil wala naman kaming mapag-usapan at isa pa ay hindi kami close.
“Bakit ka nagtatrabaho?” Bigla ay tinanong niya ako.
Napatingin naman ako dito. “Bakit hindi? E ikaw nga nagtatrabaho.” Sabi ko naman dito.
“Hindi pa ba sapat ang mga binibigay ni Dad na allowance sayo?” Tanong nito kaya napatitig ako dito.
“Fyi ha? Nagtatrabaho ako hindi dahil kulang ang binibigay sa akin ng dad mo. Nagtatrabaho ako para matustusan ang iba kong pangangailangan sa school! Ayokong iasa lahat sa binibigay ng daddy mo!” Mahabang litanya ko rito. “At isa pa, hindi pa kasal ang Mama ko at ang Daddy mo ay nagtatrabaho na talaga ako. Hindi naman kasi tayo pare pareho ng estado sa buhay kaya kailangan ko ring kumayod para sa sarili ko.” Dagdag ko pa.
Tumingin naman ito ng bahagya sa akin saka nagsalita. “Bakit ka galit?”
“Hindi ako galit! Nagpapaliwanag lang.” Sabi ko dito at inirapan ko uli ito.
Hindi na ito umimik pa at nagfocus nalang ito sa pagmamaneho.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami ng bahay nila. Bababa na sana ako nang may maalala ako.
“Radzkier..” sambit ko sa pangalan nito at lumingon naman ito sa akin saka hinintay ang sasabihin ko.
“Pwede bang atin atin nalang ito? Wag mo nalang sabihin kay Mama at sa Daddy mo na nagtatrabaho ako?” Pakiusap ko rito. Baka kasi pag nalaman ni Tito Mon na nagtatrabaho ako ay patigilin ako nito sa trabaho. Knowing him.
“In one condition.” Sabi naman nito at napatingin naman ako sa kanya. “Kiss me, first.” Sabi nito at halos mamilog ang mata ko sa sinabi nito. Ano bang nakain nito at puro nalang halik ang nasa utak?
“Bwisit ka! Kiss mo mukha mo!” Sabi ko dito at mabilis akong bumaba ng sasakyan nito.
Err. Bakit ganon? Nageexpect din ako na hihilahin ako nito at hahalikan sa labi.
Hayst! Kung anu ano na naiisip ko! Kailangan ko nang magpahinga pagod lang ito.
Mabilis akong naglakad papasok at nagulat ako nang makita ko si Mama at Tito Mon na nakaupo sa sala. Napatayo pa ang mga ito nang makita ako.
“Sapphire, anak. Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang?” Nagaalalang tanong ni mama sa akin nang makalapit ito. Sasagot na sana ako nang maunahan ako ni Radzkier.
“She’s with me. Nakita ko siyang naglalakad kanina sa labas ng school nila kaya inaya ko na rin siyang kumain kasama ang mga kaibigan ko.” Sabi nito nang makapasok rin ito ng bahay.
“Sa susunod iha, tumawag ka ok? Para hindi kami nagaalala ng Mama mo.” Mahinahong sabi naman ni Tito Mon sa akin at tumango nalang ako dito.
“Opo, sorry po. Aakyat na po ako.” Sabi ko nalang sa kanila at nauna na akong umakyat ng hagdan. Naiwan pa si Radzkier doon dahil may tinanong pa si Tito Mon dito tungkol sa negosyo nila.