CAIRO’s POV
NANDITO ako ngayon sa tapat ng restaurant ni Bryle at hinihintay kong magsara ang restaurant niya. It’s already 7:30 PM at alam kong malapit na ring lumabas ang mga crew niya.
Isang tao lang naman ang hinihintay ko e. And that’s Sapphire. Nagulat ako nang malaman kong step sister pala ito ng bestfriend kong si Radzkier.
The first time na makita ko siya, she really caught my attention. I was fascinated by her beauty. I know that she is not pure Filipina because of her appearance, especially her green eyes.
Gusto kong titigan ng matagal ang mukha niya noon nang una ko siyang makita sa daan noong muntikan ko na siyang mabundol dahil sa pagmamadali nito pero tinakbuhan niya ako. I couldn't do anything but stare at its back while running away. I didn't even ask what her name was dahil nasa gitna ako ng highway at nagca’cause na ako ng traffic kaya mabilis akong pumasok sa loob ng sasakyan ko. May meeting din kasi akong pupuntahan that time.
Well, tadhana na ang naglalapit sa amin dahil nakita ko uli siya sa mismong bahay ko at lasing na lasing. Nagkatitigan pa kami nang umayos ito ng upo at sobrang saya ko noon kahit nasukahan niya ang damit ko. It’s just that I'm still happy because somehow I was able to touch her again and get closer once again. I wanted to take care of her at that time but Radzkier pulled her away from me.
Hindi na siya maalis sa isipan ko simula noong gabi na iyon. Gusto kong puntahan ito sa bahay nila Radzkier pero naduduwag ako. Hindi ko alam kung saan ako maguumpisa.
Hanggang noong isang gabi nagkayayaan kaming magkakaibigan na bisitahin si Bryle dahil hindi namin ito nararamdaman, nagulat ako dahil nakita ko uli siya. Likod palang niya alam ko dahil ganon na ganon ang likod ng babaeng tinakbuhan ako noon.
Tinignan niya lamang ako at nagdire diretso na ng lakad. I felt down when she acted like that dahil kapag ibang babae na ito, they might be the ones to find a way to see me again or talk to me.
Not to brag. Pero iyon ang totoo.
Nakatingin lang ako sa kanya the whole time na kinukuha niya ang mga orders namin and I had the feeling that I wanted
to hug her and kiss her naturally rosy cheeks and lips. I'm just holding back because she’s my best friend's step sister.
At ngayon, nandito ako sa tapat ng restaurant na pinagtatrabahuan niya at hinihintay siya para lang masilayan ko ito.
Kanina pa akong hindi mapakali. Alam ko sa sarili ko na gusto ko siya. Gusto ko siyang makita before my flight tomorrow. Nagpapahinga na dapat ako ngayon dahil maaga ako bukas pero hindi talaga ako matahimik kaya pinuntahan ko na ito dito.
*****
SAPPHIRE’s POV
“TARA na!” Yaya ni Cathy nang matapos ang trabaho namin.
Sabay-sabay na rin kaming lumabas ng restaurant at nagpaalam na rin kami sa isa’t isa ng mga katrabaho ko.
Maglalakad na sana ako papunta sa sakayan ng jeep nang biglang may lumabas na lalaki sa loob ng nakaparadang sasakyan sa tapat ng restaurant ni Sir Bryle.
Napaatras pa ako dahil muntik ko nang mabangga ang pintuan ng sasakyan at halos mamilog ang mata ko nang makita ko ang taong pilit kong iniiwasan.
“Hi.” Sabi nito at lumingon pa ako sa likod ko dahil baka may binati pala ito sa likuran ko pero wala akong nakitang tao.
Humarap uli ako sa kanya at nakita kong natawa ito sa ginawa ko.
“Ikaw talaga ang sadya ko dito.” Sabi nito kaya napamaang ang labi ko.
“B-bakit po?” Kinakabahang tanong ko dito.
“I just wanted to see you.” Nakangiting sabi uli nito na nakadagdag ng kagwapuhan nito.
“Bakit?” Takang tanong ko dito.
“Hindi mo ba ako naaalala?” Tanong nito at nakita kong nalungkot ang mga mata nito sa tanong niya.
“A-ahm.. naaalala..” Nakayukong sabi ko dito. Andami ko nang atraso dito kaya kung maaari ay ayokong makita ito dahil nahihiya talaga ako.
Nakita ko namang ngumiti uli ito sa sinabi ko. “Good. Akala ko ay hindi.” Sabi uli nito at natahimik na naman kaming dalawa. Ano bang sasabihin nito?
“Kung yung tungkol sa pagkakalat ko sa party niyo kung bakit ka nandito ngayon ay ngayon palang humihingi na ako ng pasensya. Hindi ko naman intensyon na magpakalasing noon e.. tsaka magkano ba yung damit mo? Papabayaran mo ba?” Mahabang paliwanag ko dito at natawa naman ito sa sinabi ko.
“Papabayaran? Bakit? Damit lang yon, mura lang yon.” Sabi pa nito na nakatawa.
“Bakit ka nandito?” Tanong ko uli dito.
“I just wanted to see you before my flight tomorrow.” Prangkang sabi nito kaya nabigla ako at hindi agad nakapagsalita.
“B-bakit?”
“Nothing. Gusto lang kitang makita.” Kibit balikat na sabi nito.
Ang awkward talaga. “A-ah S-sige. Uwi na ako. Ingat ka sa flight mo!” Pilit ang ngiting sabi ko rito at dadaanan ko na sana ito nang magsalita uli ito.
“Wait!” Sabi nito kaya liningon ko uli ito.
“Ihahatid na kita.” Sabi nito kaya kumunot ang noo ko. “Pupunta rin ako kila Radzkier, I heard, doon ka rin nakatira, diba?.” Sabi uli nito at nagaalangan ako kung papayag ba ako o hindi pero sa huli ay dahan-dahan din akong tumango at lumapit sa sasakyan niya dahil iisa lang naman pala ang pupuntahan niya at uuwian ko. Isa pa ay gabi na rin.
Mabilis naman itong umikot sa passenger’s seat at pinagbuksan ako nito ng pinto. Namangha naman ako sa ginawa nito dahil hindi ito tulad ni Radzkier na sisigawan ka pa kung hindi ka agad pumasok sa sasakyan niya. Hindi ko tuloy alam kung paano sila naging magkaibigan.
O baka naman pakulo lang nito iyon para pakiligin ang mga babaeng gusto niyang makuha.
Hays. Boys will be boys nga naman talaga.
Habang nasa byahe ay andami nitong tanong na sinasagot ko naman tulad ng kung saan ako nag-aaral, ilang taon na ako, at ultimo mga paborito kong pagkain at kulay ay tinanong nito at nagkekwento rin ito ng buhay piloto nito kaya kahit papaano ay nabawasan ang awkwardness at medyo nabawasan ang hiya ko rito.
Hanggang sa hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa tapat ng mansion ng mga Lopez at pinapasok naman kami agad ng guard dahil kilala din pala nito si Cairo.
Habang naglalakad kami papasok ng bahay ay hindi parin ito nauubusan ng kwento kaya nakangiti akong pumasok ng bahay habang nakikinig sa kanya.
Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay nadatnan ko si Radzkier na nakaupo sa sala kasama si Rayver at napatayo pa ang dalawa nang makita ako.
Hindi naman ako kinabahan dahil nagpaalam naman ako kila mama at Tito Mon na malelate akong uuwi kaya hindi ko gets kung bakit ang dilim na naman ng mukha ni Radzkier lalo nang makita niyang kasama ko si Cairo.
“Cairo? What are you doing here?” Tanong ni Rayver dito at nagpalipat lipat pa ito ng tingin sa amin ni Cairo.
“Flight ko na kasi bukas kaya naisipan kong dumaan dito.” Sagot naman nito.
“Ganon ba? Halika umupo ka.” Yaya ni Rayver dito at napatingin naman si Cairo kay Radzkier na wala na namang kaemo emosyon ang mata nito.
“Bro, you okay?” Tanong ni Cairo kay Radzkier nang umupo ito sa tabi niya. Tumango lamang si Radzkier.
Naiwan naman akong nakatayo sa sala kaya nagpaalam na akong aakyat na sa kanila.
Ngumiti naman si Rayver at Cairo saka tumango. Nang bumaling ako kay Radzkier ay hindi man lang ako tinapunan ng tingin nito at kinausap na nito si Cairo.
Napabuntong hininga nalang ako saka umakyat ng hagdan. Sakto namang nakasalubong ko si Riva at inirapan ako nito. Nang makita niya si Cairo sa sala kasama ang dalawa niyang kapatid ay tumalikod ito saglit saka saglit inayos ang buhok.
Nagtaka naman ako sa inakto nito pero mukhang alam ko na ang ibig sabihin nito kahit hindi nito sabihin. May gusto ito kay Cairo.
Lihim nalang akong natawa at dumiretso sa kwarto ko.
*****
“SAPPHIRE, anak.” Tawag sakin ni mama mula sa labas ng pinto ng aking silid habang nagpapatuyo ako ng buhok kinaumagahan.
Umupo naman ito agad sa aking kama nang papasukin ko ito.
“May hindi ka ba sinasabi sa akin?” Tanong nito at kinabahan ako bigla.
“Wala naman po.” Sagot ko dito at pilit kong pinapakalma ang sarili ko.
“Alam kong nagtatrabaho ka.” Bigla ay sabi nito at napatingin ako dito.
“K-kanino niyo nalaman?” Tanong ko dito. Isang tao lang ang nakakaalam nito. Si Radzkier.
“Hindi na importante kung sino ang nagsabi sa akin. Wala namang masama doon anak. Hindi ka namin pagbabawalan kung ano ang gusto mong gawin basta nakikita kong masaya ka.” Mahabang paliwanag nito. “Ang gusto ko lang ay tingnan mo rin ang kalusugan mo, wag mong abusuhin ang katawan mo.” Tumango nalang ako dito.
“Yun lang naman anak.” Sabi nito saka ito tumayo sa kama.
“Pumayat ka yata ma?” Tanong ko dito nang mapansin kong nangayayat nga ito.
“H-ha? Ano.. B-baka dahil sa iniinom kong pills.” Sabi nito saka nagiwas ng tingin.
Napakunot ako ng noo sa inakto nito at magsasalita pa sana ako nang mabilis itong lumabas ng kwarto. Naiwan akong nakatanga kaya binalik ko nalang uli ang tingin ko sa harap ng salamin.