Chapter 14

1368 Words
NANG umalis si mama sa loob ng aking silid ay hinubad ko na rin ang suot kong bathrobe at kinuha ang hinanda kong damit pambahay para isuot. Nang biglang bumukas ang pinto at halos lumuwa ang mata ko nang makita ko si Radzkier na pumasok sa loob ng kwarto ko! “R-Radzkier!” Sigaw ko rito. “Yes?” Sabi nito na parang wala lang sa kanya ang nakikita niya ngayon. “Get out! Hindi ka ba marunong kumatok?!” Asik ko dito dahil tanging panty lang ang suot ko ngayon at ang dalawang braso ko lang pinangtakip ko sa katawan ko. Ni hindi ko alam kung anong uunahin kong takpan. “I'm gay right? Why are you still covering your body?” Nakatawang sabi nito sa akin. “Wala kang pakealam! Lumabas ka na!” Sigaw ko uli dito pero mas lalo pa itong lumapit. “I need to talk to you.” Biglang sumeryoso ang mukha nito kaya kinabahan ako. “Hindi ba iyan makakapaghintay?!” Galit na tsnong ko dito. “Hindi na.” “Ano ba iyon?! Sabihin mo na!” “Bakit kasama mo si Cairo kagabi?” Tanong nito at mataman niya akong tinitigan. “Aba! Tanungin mo yang kaibigan mo dahil siya ang pumunta sa restaurant kagabi.” “Diba sabi ko naman sayo wag mo siyang kakausapin?” Nakakunot ang noong sabi nito sa akin kaya napangisi ako. “Bakit? Selos ka? Dahil pinansin ako ni Cairo?” Natigilan ito at hindi agad nakapagsalita. Nang makabawi ay mataman niya akong tinitigan. “Hindi ang gaya mo ang tipo ni Cairo. Paglalaruan ka lang niya.” Nakangising sabi nito. Kaya nawala ang ngisi sa mga labi ko. Alam ko naman sa una palang na galing sa mataas na pamilya ang mga ito tulad nila at hindi ang tulad ko ang tipo ng mga ito at isa pa ay wala naman akong balak na patulan ito dahil ito naman ang nagprisintang isabay lang ako kagabi sa pag-uwi at hindi ko na ito binigyan pa ng malisya. Pero bakit ako nasaktan sa mga sinabi nito. “Alam ko! Bakit? Sinabi ko bang gusto ko siya? Epal ka! Lumabas ka na nga!” Sabi ko dito at pinilit kong wag pumiyok dahil sa luhang nagbabadyang lumabas sa mga mata ko. “I’m just telling you the truth.” Nakangisi parin ito. “Edi wow! Ang sabihin mo nagseselos ka lang! At anong tipo ni Cairo na sinasabi mo? Tulad mo?” Sabi ko dito saka ako humalakhak. Natigil naman ako sa pagtawa nang dahan-dahan itong lumapit sa akin at nang nakatayo na ito sa mismong harapan ko at ilang pulgada nalang ang layo namin sa isa’t isa ay napatakip pa ako sa dibdib ko ng mas mahigpit. Unang beses palang na may makakita na ganitong nakahubad ako at sa lalaki pa talaga! Maliban nalang kay mama. “Oh ba’t ka natigilan?” Puno ng sarkasmo ang tinig nito at tinignan pa ako nito mula ulo hanggang paa. “You know what? I’m wondering how it feels like to lick a woman’s neck.” Dagdag pa nito. “H-ha?” Sobrang lakas ng t***k ng puso ko ngayon at pati mga kamay ko ay nanginginig. “Pinagsasabi m—.” Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinapit sa bewang at hinalikan sa leeg. Mariin akong napapikit. Pilit kong binabanggit ang pangalan niya ngunit pakiramdam ko ay namaos ako lalo na nang maramdaman ko ang mainit nitong dila sa leeg ko pababa. Pakiramdam ko ay pulang pula ako ngayon at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay nag-iinit ang buong katawan ko at namamasa ang gitnang parte ng katawan ko. Pilit ko itong tinutulak ngunit hindi ko ito maitulak ng malakas dahil isang mali ko lang ay makikita na nito ang pinakatago tago kong dalawa kong bundok sa harapan. Patuloy lang ito sa ginagawa niyang pagdila at paghalik sa leeg ko nang biglang may tumunog na cellphone. Alam kong sa kanya iyon dahil sa ringtone nito. Narinig ko itong dumaing at marahas na bumuntong hininga saka ako binitawan. Nanginginig naman ang buong katawan ko nang tumalikod ito saka sinagot ang tawag at naglakad palabas ng kwarto ko saka iniwan ako na parang walang nangyari. Napaupo ako ng wala sa oras at mabilis na sinuot ang damit pambahay na kanina pa nakahanda sa kama. Napasapo ako sa noo dahil pakiramdam ko ay lalagnatin ako sa ginawa niya. Hindi ko lubos maisip na bukod sa halik sa labi ay magagawa rin niya ito. Kung bakla ito, bakit ganoon nalang ang epekto nito sa sistema ko. Chineck ko naman ang aircon at nakasindi naman ito pero bakit ako pinagpapawisan ng ganito. ***** “Are you okay?” Tanong ni Renz nang mahalata nitong tulala ako dito sa kwarto ko. Nakahiga ito sa kama at kumakain ng binili nitong pringles. Habang ako ay nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard. Nagkayayaan kasi kaming magfoodtrip na dalawa kaya heto nandito ito ngayon sa kwarto ko. “Renz, can I ask you a question?” Tanong ko rito. “What is it?” Maarte nitong sabi. Sa akin lang naman kasi niya nailalabas ang totoong siya dahil sa takot nito sa magiging reaksyon ng pamilya niya. Sino ba naman kasing mag-aakala na sa gandang lalaki nito ay pusong babae pala ito. “Bakla ba si Radzkier?” Lakas loob na tanong nito at napatingin ito sa akin saglit saka tumawa. “Of course not! Saan mo naman nakuha iyan?” Natatawang sabi nito sa akin. “W-wala naman. Natanong ko lang.” Kung ganon ay mali pala ako. “I’m telling you, playboy si kuya Radzkier dati. Not until, he met Vida. Siya ang pinakamalala sa kanilang lahat na magkakaibigan kung pambababae lang naman ang usapan.” Kwento nito sa akin na siyang dahilan kung bakit napatingin ako dito at tila naging interesado ako bigla kay Radzkier. “Who’s Vida?” Tanong ko naman dito. “His girlfriend. 2 years na sila.” Sagot naman nito. Lihim akong nagulat sa sinabi nito dahil pakiramdam ko ay naisahan ako ni Radzkier! Pero bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso na hindi ko maipaliwanag nang kinumpirma nitong may girlfriend na nga ito. ‘Gaga! Nandon ka pa nga noong may tinawag itong babe sa tawag!’ Sabi ko sa isip. “Nasaan ngayon yung girlfriend niya?” Tanong ko uli dito. “Nurse siya sa Germany. Minsan umuuwi dito si Vida at minsan naman si kuya ang pumupunta doon.” Sagot nito. “Why are you got interested all of a sudden?” Sabi nito at pinaningkitan pa ako nito ng mata. “Wala lang! Curious lang.” “Do you have a crush on Radzkier?” Tanong pa nito. “Wala no! Bakit ko naman magiging crush yung kapatid mong yon e kasama ng ugali! Daig pa ang naglilihi!” Inis na sabi ko naman dito. “Relax sis! Nagtanong lang ako.” Sabi pa nito. “Pero ito ha? Alam mo yang si Radzkier? Malala talaga yan kaya iwasan mo yan.” Babala pa nito sa akin. Makapagsalita ito akala mo hindi kapatid. “Bakit?” Tanong ko naman dito na punung-puno ng kuryosidad. “Kasi nga sa sobrang babaero niyan kulang nalang pati butas ng pader papatulan niyan.” Bulong nito na ikinatawa ko ng malakas at pati ito ay tawang tawa sa sinabi. Nagkwentuhan pa kami ng kung anu-ano hanggang sa may kumatok sa pintuan ko kaya natigilan kaming dalawa. Tatayo na sana ako at bubuksan ito nang kusang bumukas ang pinto at niluwa nito sa Radzkier. Kumunot ang noo nito at nagpalipat-lipat pa ito ng tingin sa amin ni Renz. “What are you doing here?” Tanong ni Radzkier kay Renz na nakahiga parin sa aking kama. “Just hanging out.” Kibit balikat na sagot ni Renz dito. “Na kayong dalawa lang?” “Bakit? Gusto mo makijoin?” Balik tanong naman ni Renz dito. “No, thanks.” Sabi nito at padabog na sinara ang pinto at nagkatinginan pa kami ni Renz sa inakto nito. “See?” Sabi ko pa dito at natawa nalang kami ni Renz.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD