NATAPOS ang unang subject namin ngayong araw at nagaayos ako ng gamit dahil lilipat na kami ng classroom para sa susunod naming subject nang maramdaman kong nagvavibrate ang cellphone ko kaya tiningnan ko agad ito.
Nakit kong tumatawag si Renz na ipinagtaka ko.
Mabilis ko naman itong sinagot at nagpaalam muna ako sa mga kaibigan ko.
“Renz?” Sabi ko dito nang sagutin ko ito.
“Sapphire.. uhm.. where are you?” Tanong naman nito sa akin.
“School. Bakit?”
“Kuya Rayver will pick you up. Hintayin mo siya sa gate. Ngayon na.” Sabi naman nito at napakunot ako ng noo.
“Huh? Bakit? May klase pa ako e.”
“Just go and wait for him sa gate mismo ng school niyo. I need to hung up. Wag nang maraming tanong. Bye.” Pagkasabi nito non ay pinatay na niya ang tawag at napalingon naman ako sa mga kaibigan ko.
“Aalis ako. Hindi ako papasok para sa susunod na subject. Sabihin niyo nalang na masama pakiramdam ko.” Sabi ko sa kanila nang makalapit ako at hindi na sila nagtanong pa.
Mabilis akong lumabas ng campus at may parte sa utak ko na may mali at bigla akong kinabahan.
Wala pang bente minuto at nakita ko na ang sasakyan ni Kuya Rayver at mabilis nitong binaba ang bintana at binuksan ko naman agad ang pinto.
“Anong meron?” Tanong ko dito nang makasakay ako sa sasakyan niya at pinaandar na nito agad sng sasakyan.
“Malalaman mo mamaya. I just need you to calm down. Ok?” Sabi nito at tumingin pa ito sa akin.
“B-bakit? Pwedeng sabihin mo nalang?” Tanong ko dito pero hindi na ito sumagot pa at bumuntong hininga nalang which is weird. Hindi rin ito nangiti kaya mas lalo pa akong kinabahan.
Nagulat nalang ako nang itigil ni Rayver ang sasakyan sa tapat ng malaking hospital at kita ko ang nagkikislapang kamera at tunog ng mga ambulansya.
Inakay ako ni kuya Rayver papasok sa hospital at halos yakapin ako nito para lang protektahan ako sa media.
Nang tuluyan na kaming nakapasok sa loob ng hospital ay hinawakan ako nito sa kamay at nagtataka akong nagpatianod rito.
“Kuya Rayver, ano ba talagang nangyayari?” Tanong ko dito pero hindi parin ito sumasagot.
Habang binabaybay namin sng pasilyo ay pinagtitinginan kami ng mga taong nasa loob at palakas din ng palakas ang naririnig kong iyak ng babae.
Nang tuluyan nang tumigil si Rayver ay napatingin ako sa harapan at nakita ko si Riva na umiiyak na nakayakap kay Radzkier habang si Renz naman ay nakaupo at tahimik na nakayuko.
“A-anong..B-bakit..” Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil naguguluhan parin ako sa mga nangyayari.
“Wala na si Daddy at Tita Sania..” Sabi ni Rayver nang humarap ito sa akin at hinila ako sa harap ng isang pinto.
“A-ano? P-paanong wala? Hindi ko maintindihan..” Sabi ko rito na unti-unting nangangatog ang mga tuhod ko at pakiramdam ko ay mawawalan ako ng balanse. Mabilis naman akong niyakap ni Rayver.
“Naaksidente sila kanina. They’re both dead on arrival.” Sabi nito at narinig ko pang pumiyok ito dahil sa pinipigilang iyak.
Humiwalay ako dito at umiling-iling. “Hindi.. H-hindi totoo yan.. Bawiin mo ang sinabi mo!” Sabi ko dito at pinagsusuntok ko pa ang matitipunong dibdib nito habang tumutulo na rin ang mga luha ko.
“Sapphire..” Sambit ni Rayver sa pangalan ko pero wala parin akong tigil sa pagsuntok dito. Hanggang sa may isang kamay ang humawak sa mga kamay ko para pigilan ako.
“Stop it!” Mariing sabi nito at pinaharap ako sa kanya habang patuloy ako sa pag-iyak.
“No! Nasaan sila?!” Sabi ko kay Radzkier hanggang pumalahaw na ako ng iyak at bigla nalang niya akong hinila at niyakap ng mahigpit. Nanginginig parin ang buong katawan ko kaya mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
Rinig ko ang hagulgol ni Riva at nakita kong niyakap rin ito ni Rayver. Si Renz naman ay tahimik lang na umiiyak sa upuan.
Ang sakit sakit! Hindi ko man lang nayakap si mama bago ito nawala. Kung alam ko lang sana nakipagkwentuhan pa ako sa kanya noong pinuntahan niya ako sa kwarto ko.
Si mama nalang ang meron ako ngayon tapos kinuha pa siya sa akin. Parang gusto ko nalang din mawala!
Maya-maya pa ay linapitan kami ng doctor at mga nurse.
“Kayo ba ang kamag-anak ng dalawang pasyente?” Sabi nito at tumingin naman kami dito.
“Yes doc.” Sagot ni Radzkier dito.
“Pwede kayong pumasok para makita ang mga labi nila.” Sabi ng doctor. Nang marinig ko ang sinabi nito ay mabilis akong pumasok sa pintuan at natigilan ako dahil pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay sa nakikita ko ngayon.
Dahan-dahan akong pumasok sa loob at nakasunod naman ang apat sa likod ko.
Nang tuluyan kong makita ang mukha ni mama ay mabilis akong yumuko at niyakap ito ng mahigpit habang pumapalahaw ng iyak.
Naramdaman ko naman ang isang kamay na humahaplos sa likod ko at nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Renz na umiiyak din.
Wala sa sariling niyakap ko ito at dito ako umiyak ng malakas.
“Ang sakit sakit!” Sabi ko rito.
“I know. Iiyak mo lang..” Sagot naman ni Renz at hinigpitan pa nito ang yakap sa akin.
*****
NAKABUROL ngayon ang mga labi ni Mama at Tito Mon. Nandito ako ngayon nakaupo sa harap at tulala parin.
“Sapphire.. Umuwi ka muna.” Rinig kong sabi ni Renz habang nakatingin parin ako sa harap.
“Dito muna ako Renz, babantayan ko muna si Mama.” Sagot ko rito at narinig ko namang bumuntong hininga ito.
“Pero kailangan mong magpahinga. Ilang araw ka nang walang tulog. Kami na muna ang bahala rito.” Sabi naman ni Rayver.
“Okay lang ako.” Pagmamatigas ko sa kanila.
Narinig ko ang buntong hininga nilang dalawa at sabay pa silang umalis sa tabi ko.
“Let’s go home..” Maawtoridad na sabi ng isang boses.
“Ayok—.” Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang mag-angat ako ng tingin at nakita kong si Radzkier pala ang nagsalita. Nagtama ang mata naming dalawa at ako na ang unang nag-iwas ng tingin.
“Ayoko. Dito lang ako.” Sabi ko nalang dito.
“Tatayo ka o baka gusto mong buhatin ka pa namin papunta sa sasakyan?” Sabi nito kaya napatingin ako dito.
“Bakit ba? Kung gusto mong umuwi. Edi umuwi ka!” Sabi ko naman dito.
Kita kong nagpipigil ito ng galit dahil nakita ko ang paggalaw ng panga nito at pagkuyom ng kamao nito.
“Just to tell you. Responsibilidad na kita ngayon.”
“Hindi naman kita inoobliga.” Sagot ko naman dito.
Hindi ito nagsalita at bigla ko nalang naramdaman na umangat ako mula sa pagkakaupo at impit pa akong napasigaw dahil sa ginawa nito.
Gusto kong magpumiglas pero nang makita kong nakatingin na sa amin ang mga tao na nakikiramay ay natahimik ako at bumulong nalang dito.
“Radzkier! Ibaba mo ako!” Bulong ko rito na sapat na para marinig niya.
Hindi ito umimik at tuloy parin ito sa paglalakad.
Naramdaman ko nalang na lumapat ang likod ko sa upuan ng sasakyan at mabilis nitongn kinuha ang seatbelt at kinabit.
“There..” Sabi nito at sinara ang pinto ng sasakyan.
Dahil sa pagkabigla ay nasunda ko na lamang ito ng tingin nang umikot ito papunta sa driver’s seat saka pinaandar ang sasakyan.
Wala kaming imik buong biyahe kaya hanggang sa nilamon na ako ng antok. Dahil na rin siguro sa ilang araw akong walang tulog.
Umuuwi lang ako sa bahay ng mga Lopez para maligo at magbihis saka babalik din agad. Bumisita narin ang mga kaibigan ko at pati mga kaibigan ni Radzkier ay pumunta na rin. Halos araw-araw ngang nasa lamay ang mga ito para damayan ang kanilang kaibigan.
Malapit na ang huling gabi nila Mama at Tito Mon ay hindi ko pa nakikita si Cairo.
Nang magising ako ay nagulat ako dahil nasa loob na ako ng kwarto at nagising sa sarili kong kama.
Napabalikwas ako ng bangon nang makitang iba na rin ang suot kong damit.
Gulat na gulat akong napatingin sa pinto nang bumukas ito at nakita ko si Radzkier na pumasok.
“Gising ka na pala. Bumaba ka na at kakain na tayo.” Sabi nito habang nakatingin pa rin sa akin.
“S-sinong nagpalit ng damit ko?” Lakas loob na tanong ko rito.
“Ako.” Sagot naman nito na ikinagulat ko.
“I-ikaw?!”
“Yes.”
“B-bakit mo ginawa yon?!” Galit na sabi ko rito.
“Kidding. Si Nana Ines ang nagpalit ng mga damit mo.” Sabi nito at nahuli ko pa itong ngumiti ng bahagya.
Tiningnan ko naman ito ng masama kaya ngumiti pa ito lalo.
“Halika na kumain na tayo.” Sabi nito at nagulat ako nang lumapit ito sa kama at hinila ang kamay ko.
Wala sa sariling tumayo din ako sa kama at hinayaan ko lang itong hawakan ang mga kamay ko palabas ng kwarto hanggang sa makababa kami ng hagdan ay hindi parin nito binibitawan ang mga kamay ko.
Hindi ko naman mapigilan ang pagbilis ng t***k ng puso ko at pakiramdam ko ay humihilab ang tiyan ko na hindi ko maipaliwanag.
Nakatingin lang ako sa likod nito dahil mas nauuna itong maglakad. Para akong nahipnotize sa paghawak nito ng kamay ko at tila nawala ng panandalian ang lungkot at sakit na nararamdaman ng puso ko.
Nagulat pa ako nang ipaghila ako nito ng upuan at pinaupo sa harap ng lamesa na may mga nakahanda ng pagkain.
Umupo naman ito sa harap ko at nagsimula na ring kumain at parang ngayon ko lang naramdaman ang gutom ko nang maamoy ko ang pagkain kaya kumain na rin ako.
Tahimik kaming kumain na dalawa hanggang sa matapos at kami na rin ang nagligpit ng pinagkainan namin.
Kung wala lang akong pinagdadaanan ngayon ay baka ngumiti na ako dahil tinutulungan niya akong maghugas ng plato ngayon.
Ngayon ko lang ito nakitang ganito kaya sinulit ko na, na kasama ito. Mukhang dalawa lang kami ngayon dito at tulog na sila Nana Ines. Alas onse na rin kasi ng gabi. Ang haba pala ng naitulog ko dahil umalis kami sa funeral home kanina nang alas diyes ng umaga.
Pagkatapos naming mag-ayos sa kusina ay hinawakan na uli nito ang kamay ko na hinayaan ko lang hanggang sa tapat ng kwarto. Bumitaw ako rito at pumasok na sa pinto.
Nakita ko namang nakatingin lang ito sa akin kaya tinanong ko ito.
“May sasabihin ka ba?”
“Meron.”
“Ano yon?” Tanong ko naman dito na hindi parin inaalis ang tingin sa kanya. Nagulat pa ako nang pumasok din ito sa loob kaya napaatras ako.
“Can I kiss you?” Sabi nito na dahilan kung bakit para akong nabato sa kinatatayuan ko at hindi nakaimik sa tanong nito.
“Silence means yes.” Sabi nito at agad akong siniil ng halik sa labi. Napapikit pa ako ng bahagya at nang humiwalay ito sa akin ay umiwas ako ng tingin at yumuko.
“Magbihis ka na at babalik na tayo doon.” Pagkasabi nito non ay marahan pa niyang ginulo ang buhok ko na parang bata.
Nang makaalis ito at makitang pumasok na rin ito sa katapat kong kwarto Ay sinara ko na rin ang pinto at hinawakan ang dibdib ko dahil parang lalabas ang puso ko sa sobrang lakas ng t***k nito.
‘Mali ito Sapphire!’ Ani ko sa isip.