Chapter 16

1204 Words
NAKARATING na kami dito sa funeral homes kung saan nakaburol si Mama at Tito Mon pero para parin akong nakalutang dahil sa halik ni Radzkier sa akin kanina. Nakaupo na ako dito sa harap at katabi ko si Renz habang ang katabi naman nito sa kabila ay si Rayver saka si Riva. Si Radzkier naman ay katatapos lang kausapin ang mga pulisya dahil iniimbestigahan parin hanggang ngayon ang nangyaring aksidente kila mama at Tito Mon. Nakakulong na rin ang driver ng truck na nakasagasa sa kanila. Lumapit si Radzkier sa amin saka umupo sa tabi ko na ikinagulat ko. Paano nito nagagawang kumilos na parang balewala lang sa kanya ang paghalik nito sa akin kanina. I mean, hindi lang kanina kundi ilang beses na. Napapikit ako ng mariin at marahan kong sinampal ang pisngi ko dahil sa kagagahan ko! Ang tanga tanga ko at hinayaan ko lang itong halikan ako ng ilang beses lalo na kung iisipin kong may girlfriend pala ito. Mas lalo na naman akong naguilty dahil dito. Paano kung sa akin gawin iyon ng boyfriend ko sa iba ring babae? Ano kayang mararamdaman ko? ‘Malamang masasaktan!’ Ani ko sa isip. Kung bakit naman kasi isang hawak lang nito sa akin para na akong nahihipnotismo at ang mga walang pakundangan nitong paghalik sa akin na nakakalunod. Minsan nga ay ang sarap nang kutusan ng sarili ko dahil madalas ko na itong hinahanap hanap. Mali talaga ito. Parang nakakasanayan na rin ni Radzkier na halikan ako dahil hinahayaan ko lang itong gawin iyon. Maya-maya pa ay biglang tumunog ang cellphone ni Radzkier at sinagot naman niya agad ang tawag saka tumayo. Napatingin naman kami rito at nasundan na lamang ng tingin. “Mukhang ok naman kayo ni Radzkier?” Pabulong na tanong ni Renz sa akin at para akong napapaso sa tanong nito. Mabuti nalang at agad rin akong nakabawi sa pagkabigla. “Sabi ko nga sayo diba? May saltik yang kapatid mo.” Wika ko kay Renz. “Madalas kasi pag ganyan si Radzkier na mainit ang ulo saka biglang babait ay dahil napagbibigyan.” Sabi nito at para akong nasamid sa sarili kong laway at lumunok ako ng ilang beses. Hindi nalang ako umimik at hinayaan ko nalang ang sinabi nito dahil baka kung ano pang masabi ko at madulas pa ako. “Cairo..” napatingin naman kami kay Riva nang sambitin nito ang pangalan ng kaibigan ni Radzkier saka namin sinundan ng tingin ang tinitignan nito. Nang lumingon kami sa entrance ay nakita namin si Radzkier na kasama si Cairo at nang iba pa nilang kaibigan. Pumasok ang mga ito at nakita kong tumayo rin si Rayver at Riva. Pansin ko lang, hindi yata allowed na sumali sa circle nila ang mga pangit dahil wala pa ako ni isang nakitang pangit sa mga ito. Lahat sila ay may itsura at ang kikisig. Pare pareho pang matatangkad ang mga ito kaya lahat talaga ng tao dito sa loob ay napapansin ang mga ito. Mabilis na naglakad si Riva papunta sa kinaroroonan nila Radzkier at nagulat pa ako nang bigla nitong yakapin si Cairo. Ganoon ba sila kaclose? Ultimo sila Radzkier at Cairo ay nagulat sa ginawa ni Riva. At dahil gentleman si Cairo at ayaw ring mapahiya si Riva ay niyakap din niya ito pabalik saka ginulo ang buhok nito. “Ang epal talaga ni Riva kahit kailan.” Rinig kong sambit ni Renz kaya natawa ako at marahan kong hinampas nag braso nito. Humarap na uli kami ni Renz at hindi na kami lumapit pa sa kanila. Well, para saan? Maya-maya pa ay nakita kong pumunta sa harap si Cairo at sinilip si Mama at Tito Mon at nasa likod nito sila Radzkier, pagkatapos non ay biglang tumingin si Cairo sa gawi namin ni Renz saka mabilis ang mga hakbang nitong lumapit sa amin. Hindi ko alam kung iiwas ba ako ng tingin dahil naiilang ako sa mga titig ni Cairo. “Sorry for you loss” sambit nito at tumingin din ito kay Renz at niyakap ito na parang isang kapatid at nang bumalik ang tingin nito sa akin ay nagulat ako nang niyakap din niya ako. Hindi naman kami close at minsan palang kami nagkausap nito. Nakita ko ang masamang tingin na ipinukol sa akin ni Riva. Pwede naman kasing makipagkamay nalang ito sa akin. “Salamat” nasambit ko nalang dito at nabigla pa ako nang umupo ito sa tabi ko kaya umusod ako konti sa tabi ni Renz. Ramdam ko rin ang pagsiko ni Renz sa tagiliran ko kaya napatingin ako dito. Pati ang mga kaibigan nila ay nabigla rin sa inaktp ni Cairo at nakita kong natatawang umiling-iling si Fritz. Tila parang wala itong kasama nang umupo ito sa tabi ko kaya naman no choice sila Radzkier kung hindi ay umupo ang mga ito sa bakanteng upuan sa harap namin at ang ibang kaibigan nila ay sa likod namin umupo. Padabog namang umupo si Riva at nagkatinginan kami ni Renz sa inakto nito saka nagkibit balikat nalang kami. “How are you?” Maya-maya pa ay tanong ni Cairo at napatingin naman ako dito. “O-okay lang.” Nasabi ko rito at naiilang talaga ako sa mga titig nito. Bakit kasi ang gwapo nito. Napaiwas ako ng tingin dito at nang dumako ang tingin ko sa harap ay nakita kong nakatingin din sa amin si Radzkier kaya hindi na ako nakapagfocus sa mga sinasabi ni Cairo at tanging tango nalang ang nagawa ko. Nasa gilid kasi ito kaya kita ko ang mga pasimpleng pagsulyap ni Radzkier sa amin. Maya-maya pa ay dumating na rin si Sir Bryle kasama ang pamilya nito at lumapit din ito sa amin at nakipagkamay. Ngayon lang din ito nakadalaw dahil busy rin siguro ito sa trabaho. Alam naman na rin nito na step father ko si Tito Mon at Mama ko ang napangasawa ng Tiyo nila. Nang yumakap sa akin si Sir Bryle ay kita ko na naman ang masamang tingin ni Radzkier sa amin at napapakunot nalang ako ng noo. ‘Ano na naman kaya ang problema nito?’ Tanong ko sa isip. “Tara kuha tayo ng kape.” Bigalng yaya ni Renz sa akin kaya tumango naman ako. Tatayo na rin sana ako nang pigilan ako ni Cairo. “Kami na, you stay here and I’ll get you a coffee.” Prisinta nito at wala na akong nagawa nang umalis na sila ni Renz. “Mukhang natamaan yata ng pana si Cairo.” Natatawang sabi ni Fritz sa mga kaibigan at napalingon naman si Radzkier dito. “Yeah, bagay nga e.” Sabi pa ng isa at narinig ko pa ang mahihinang tawanan nila sa likod kaya nilingon ko ang mga ito at nakita ko naman para silang mga batang biglang tumigil sa pagtawa nang sitahin ng guro. Nang tumingin ako sa harap ay nakita ko na naman si Radzkier na hindi na maipinta ang mukha. Ayaw kong magassume na dahil ito sa mga naririnig niya ngunit parang ganoon na nga. Nagseselos ba ito? Hindi naman siguro. Wala naman siguro itong gusto sa akin lalo pa at may kasintahan pala ito. ‘Pero bakit niya ako hinahalikan?’ Tanong ko sa isip at naipilig ko nalang aking ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD