“S-SAPPHIRE, inutusan ako ni Sir Raymond na tulungan kang mag-ayos ng gamit mo sa aparador.” Sabi ni Maya sa akin nang nasa gitna ako ng pagaayos ng mga gamit ko nang kumatok ito.
“Oh Maya, ikaw pala yan. Halika pasok ka.” Sabi ko dito at pumasok naman ito.
Kung ikukumpara kay Lara ay mas mahiyain si Maya kaysa kay Lara.
Akmang dadampot na rin sana ito ng damit ko mula sa loob ng bag ko ay mabilis ko itong pinigilan at gulat na gulat ang mukha nito sa ginawa ko.
“Hep! Hep! Ako na Maya, Kaya ko ito.” Nakangiting saad ko rito.
“P-pero Sapphire baka pagalitan ako ni Sir Mon.” Nagaalalang sabi nito sa akin.
“Papagalitan ka kung sasabihin mo hindi ba? Ngayon, ang gusto kong gawin mo ay umupo ka dyan sa kama ko at magpahinga. Alam kong pagod kayo dito sa loob ng bahay, kaya umupo ka lang diyan kaya ko ito, Maya. Madali lang ito.” Nakangiting sabi ko rito at nag-hum pa ako.
“E, Sapphire baka maabutan ako nila Sir Mon.” Nag-aalalang sabi parin nito kaya tiningnan ko ito at mabilis na tumayo saka nilock ang pinto ng kwarto para hindi agad makapasok ang kung sinuman.
“Ok na?” Nakangiting sabi ko rito at nahihiya itong ngumiti.
“Ang bait mo talaga Sapphire, hindi ka tulad ng iba na kahit napakadali naman ng gagawin ay iuutos pa.” Nakangiting sabi nito.
“Napakadali lang naman kasi ng pag-aayos ng gamit, hindi ko na kailangan magpatulong pa. Ilang taon ka na dito Maya?” Sabi ko naman dito.
“Dalawang taon palang po ako dito, mas nauna lang po sa akin si Lara ng isang taon.”
“I see. Kamusta naman ang pagtatrabaho niyo dito?” Tanong ko sa kaniya. Baka dito ako makakuha ng impormasyon tungkol kay Tito Raymond. Baka nagkukunwari lang itong mabait sa amin ni mama.
“Naku! Maayos po. Napakabait po ni Sir Mon. Ang talagang pakikisamahan mo lang ay ang bunso nitong babae, si Mam Riva. Ubod kasi iyon ng maldita—.” Napatigil siya sa pagkekwento sa akin nang marealize siguro niyang sumobra siya sa sinabi.
Nakangiti akong tumingin sa kanya at nagkunwari na nakazipper ang bibig ko. “Wag kang magalala kung anuman ang sinabi mo ay hindi ko sasabihin. I’m a keeper, Maya.” Pag-aassure ko rito.
Para naman itong nabunutan ng tinik sa sinabi ko at nagtuloy sa pagkekwento.
“Ayun nga po, mabait po si Sir Mon. Sa apat naman po na magkakapatid wala naman pong masyadong problema, yung bunsong babae lang po talaga ang mahirap intindihin. Mabilis kasi itong magbago ng isip at kapag hindi nito nagustuhan ang ginawa mo ay magsusumbong ito sa ama o kung hindi naman ay sa panganay ni Sir, si Sir Radzkier, si Sir Rayver ang laging neutral lang sa magkakapatid, lalo na kapag madalas na mag-away si Sir Renz at Mam Riva. Hindi tulad ni Sir Radzkier si Sir Rayver. Kung ano ang sinumbong ni Mam Riva kay Sir Radzkier ay mabilis nitong paniwalaan, ni hindi man lang ito magtanong muna.” Napatangu tango ako sa sinabi nito.
So, may kailangan pala akong pakisamahan dito sa loob ng bahay. Madali nalang naman sa akin ang makisama dahil sa kinuha kong kurso ay dapat mahaba ang pasensya mo. Dapat nakangiti lagi kaya, siguro naman ay kayang kaya kong pakisamahan ang mga anak ni Tito Mon.
“I see, tell me more about them, Maya, para hindi ako nangangapa.” Sabi ko dito at hindi naman sa pagiging chismosa ngunit gusto kong makilala ang mga anak ni Tito Mon dahil makakasama ko na ang mga ito ngayon. Kahit hindi ko pa nakikita ang mga ito.
“Si Sir Radzkier po ang panganay, 27 years old na po ito at nagtatrabaho sa kumpanya nila Sir Mon, sa kanya rin po kasi ipapasa ang pagiging CEO ni Sir Mon kaya sinasabak na ito ni Sir Mon sa kumpanya, seryoso at masungit po si Sir Radzkier, kaya iniiwasan ko po ito kung maaari dalawa po sila ni Mam Riva. Si Sir Rayver naman ay 26 years old, mabait po iyon at palangiti. Engineer po iyon. Si Sir Renz naman po ay 23 years old at isa pong ganap na nurse ngayon, kung hindi kami nagkakamali e parang bakla po yata si Sir Renz.” Humahagikgik na kwento nito. “Si Mam Riva naman po ay 20 years old at nagaaral. Business Administration din po ang kinuha nitong kurso tulad ng tinapos ni Sir Radzkier at tulad nga po ng sinabi ko kanina ay maldita ito.” Pagpapatuloy nito.
Tumango tango na lamang ako sa mga kwento niya.
“Naku, napadami yata ako ng nasabi.” Nahihiyang sambit nito na ikinatawa ko.
“Hindi naman, wala ka namang sinabing masama, diniscribe mo lang sila.” Sabi ko nalang dito.
“Sige Sapphire, lalabas na ako, napatagal yata ako baka pagalitan po ako ni Nana Ines.” Sabi nito saka nagmamadaling tumayo sa kama at lumabas ng pinto. Napailing nalang ako rito.
Ngayon palang ay iniisip ko na kung paano ko pakikitunguhan ang panganay at bunsong anak ni Tito Mon, base sa kwento ni Maya ay pakiramdam ko ay makakapalagayan ko ng loob si Rayver at Renz. Well, Sana nga.
Kinahapunan ay tinawag ako ni Lara sa loob ng kwarto at kakain na raw ng hapunan. Inayos ko muna ang T-shirt ko at boxer short na suot ko. Ito kasi yung mga tipo ko na suotin na pambahay dahil dito ako komportable. Sinuklay ko lang ang mahaba kong buhok gamit ang kamay ko bago ako lumabas. Sinipat ko rin ang sarili ko sa salamin at ok naman ang mukha ko, natural na mapula ang mga labi ko kaya maganda parin ako. Charr! Pero seryoso. Mapula talaga mga labi ko kaya kahit powder lang sa mukha ay ok na, kahit mga yata hindi ako magpolbo ay ayos lang dahil maputi ako pero dahil sa kurso ko ay naglalagay parin ako ng light make-up sa aking mukha kada papasok ako.
Paglabas ko ng kwarto ay nasa pasilyo palang ako naririnig ko na ang mga boses ng mga anak ni Sir Mon. Mukhang dumating na ang mga anak nito.
At hindi nga ako nagkamali dahil nang sumilip ako sa baba ay nakita kong nagkekwentuhan ang mga ito. Pinakilala ni Tito Mon si Mama sa kanila at isa isa silang bumeso kay Mama.
May hindi nasabi sa akin si Maya kanina. Hindi niya sinabi sa akin na gwapo at maganda pala ang mga anak ni Tito Mon at matatangkad pa ang mga ito. Makalaglag panty ang isang anak nito. Actually, lahat sila pero itong isang anak niya ang napakalakas ng dating. Nakadagdag sa kagwapuhan nito ang madalas na pagkunot ng noo nito at sa tingin ko ay ito si Radzkier at ang nakangiti ngayon ay si Rayver. Hindi rin nakaligtas sa mata ko ang malambot na kilos ng isa nitong anak na lalaki. Ito siguro si Renz na sinasabi ni Maya at ang nagiisang babaeng anak ni Tito Mon, si Riva. Napakaganda nga naman talaga nito at nabigyan ng hustisya ang kamalditahan nito.
Dahan-dahan akong lumapit sa hagdan hanggang sa napansin ako ni Tito Mon.
“Oh there’s Sapphire! Halika iha.” Tawag nito sa akin at sabay-sabay na lumingon ang apat na magkakapatid.
“Sapphire, this is Radzkier, Rayver, Renz and my princess, Riva. Mga kapatid mo, Guys, this is Sapphire, your Tita Sania’s only daughter.” Pakilala ni Tito Mon sa amin nang makababa ako sa sala at makalapit sa kanila.
Kita ko ang pagkunot ng noo ni Radzkier at Riva samantalang si Rayver naman ay todo ang ngiti sa akin habang si Renz naman ay tipid ang ngiting binigay sa akin.
Sinikap kong ngumiti sa kanilang lahat kahit masamang tingin ang pinukol sa akin ni Riva.
Akala ko ay madali ko lang itong mapapakisamahan ngunit pakiramdam ko ay hindi, dahil tingin palang nito ay naiintimidate na ako. Lalo na ang panganay na ngayon ay walang emosyon ang mga mata nito na nakatingin sa akin.
“Welcome to the family, Sapphire!” Masiglang bati sa akin ni Rayver at bigla akong niyakap nito. Ganoon din si Renz sa akin na mas lalo pang ikinakunot ng noo ni Riva at Radzkier.
“Magbibihis lang po ako, dad.” Sabi ni Riva nang tumingin ako dito. Tila umiiwas ito na batiin ako. Si Radzkier naman ay tango lang ang ginawa sa akin kahit matamis na ngiti ang binigay ko sa kanila.
“I’ll just go upstairs.” Sabi naman ni Radzkier at mabilis na sumunod dito si Riva na hindi man lang ako tinapunan ng tingin ng mga ito. Nagpaalam naman si Renz at Rayver sa akin bago umakyat sa mga kwarto nila para magbihis.
Napabuntong hininga ako sa eksenang iyon at parang ayaw ko nang magpakita sa mga ito. Pakiramdam ko ay hindi ako welcome dito sa bahay. Totoo nga ang kwento ni Maya.
Inisip ko nalang na nabigla lang ang mga ito sa biglaang pagsulpot namin ni Mama sa buhay nila.