Chapter 3

2000 Words
NANG makababa ang apat na magkakapatid ay nagsimula na rin kaming kumain ng hapunan. Ito naman ang maganda sa kanila dahil hindi talaga sila kakain hangga’t hindi sila kompleto. “How’s the meeting Radzkier?” Tanong ni Tito Mon kay Radzkier. “It’s settled dad. Closed deal.” Simpleng sagot nito. “Wow! Congratulations! Hindi talaga ako nagkamali na ikaw ang ipakiusap ko dito.” Namamanghang sabi ni Tito Mon dito. “Thanks Dad.” Sagot naman nito. “How about you Rayver? How’s your new project?” “Maayos naman dad, naumpisahan na kanina.” Nakangiting sagot ni Rayver. “Renz?” Baling naman ni Tito Mon kay Renz. “Maayos naman ang work ko dad, masaya.” Tipid ang ngiting sabi ni Renz sa ama. Tumango tango naman si Tito Mon sa sagot nito. “How about my Princess?” “Katatapos ng exam ko dad, and malapit na ang internship namin. Isang term nalang.” Nakangiting sabi nito pero may pagkamaldita parin ang boses nito. “Great! Sa company ka na rin magtraining at doon ka rin naman magtatrabaho.” Suggestion nito kay Riva. “Your Kuya can help you.” “Of course dad!” Maarteng tugon ni Riva. Ngayon ko napagtanto na mabait nga talaga si Tito Raymond dahil hindi nito hinahadlangan ang kung anumang gusto ng mga anak. Kaya siguro tinanggap din nila si Mama bilang step mother nila. Kung hindi man nila ako matanggap bilang kapatid ay ayos lang sa akin basta pakitunguhan lang nila ng maayos si Mama ay masaya na ako. “I remember, Sapphire? Isang term ka nalang din at internship niyo na hindi ba?” Tanong nito sakin bigla, kaya wala sa sariling nabulunan ako at mabilis na uminom ng tubig. “O-opo.” Sagot ko nalang dito. “Guys, she’s taking up Tourism. Soon to be a flight attendant.” Proud na sabi ni Tito Mon sa mga anak. Nakita ko naman ang pag-irap ni Riva sa akin. “Wow! We have a friend who is a pilot and their family owns an airline company, maybe we can recommend you to him. Right Radzkier?” Sabi ni Rayver. “Rayver, wag mo siyang pangunahan.” Sagot ni Radzkier dito. “What do you think Sapphire?” Baling naman sa akin ni Rayver. “O-ok lang po.” Sagot ko nalang dito para naman hindi ito mapahiya. Total medyo malayo pa naman ang internship. Next year pa. Tumingin naman ako kay mama at nginitian ako nito ng matamis. “Kuya, I don’t think that’s a good idea.” Sabat ni Riva sa usapan namin ni Rayver. “Mahirap na, baka magexpect si Kuya Cairo.” “What do you mean by that Riva?” Tanong naman ni Rayver dito. “You know, their airline company, Cairo has a high standard when it comes to hiring a flight attendant.” Sagot nito kay Rayver. “Riva is right. I know Cairo, very well.” Saad naman ni Radzkeir. Napapahiya akong yumuko sa mga sinasabi ng mga ito dahil pakiramdam ko ay minamaliit ako ni Riva at Radzkeir. “Look, Sapphire.” Baling sakin ni Riva kaya napalingon ako rito. “I didn’t mean to be rude, but it’s true.” Dagdag pa nito. “Kaya nga internship diba? Magtetraining palang siya and I don’t think that they don’t accept trainees.” Singit naman ni Renz. “Whatever!” Inis na sabi ni Riva rito. “Renz is right. The last time I checked, they have their training program for students who wants to apply to their airline.” Sabi rin ni Tito Mon. “See? And when it comes to standard, pasado si Sapphire dito, she’s beautiful and I think she’s smart.” Nakangiting sabi ni Rayver sa kanila kaya pinamulahanan ako. “O-ok lang po. Next year pa naman po ang internship namin, so, I can still look for other company.” Sabi ko nalang sa kanila para tumigil na sila. “Try a Travel Agency, there’s a lot rather than applying for flight attendant.” Sabi ni Riva kaya napatingin na naman ako dito. Wala talagang preno ang bibig nito. Pati si Mama ay napapatingin dito. Hindi naman ito masita ng ama dahil alam nito ang ugali ng anak. “Sorry Sapphire” Hinging paumanhin ni Renz sa akin nang marinig din nito ang sinabi ng bunso nilang kapatid. “Allergic kasi si Riva sa mga taong nalalamangan siya.” Dugtong ni Renz saka ngumiti ng matamis sa akin. Nagaalangan naman akong ngitian ito dahil nakatingin din sa akin ang tatlo niyang kapatid. “Renz.” Sambit ni Radzkier na may pagbabanta. “What? I’m just stating tha fact, Radzkier.” Parang balewalang sagot ni Renz dito. “What did you just call me?” Bigla ay sabi ni Radzkier at mahihimigan mo rito ang inis. “Radzkier. Alangan namang tawagin kitang Rayver?” Pilosopong sagot ni Renz saka nagulat kami sa malakas na tunog ng kubyertos ni Radzkier. Nagtinginan pa kami ni Mama sa inaasal ngayon ng magkakapatid. Mukhang hindi magkasundo si Riva at Renz. “Hey guys, Calm down. Masyadong mainit ang mga ulo ninyo.” Kalmadong sabi ni Rayver sa mga kapatid. Sa kanilang lahat na magkakapatid ito lang yata ang may kakayahan na maging kalmado sa ganitong mga sitwasyon. Nakangiti parin ito. “Give us some respect.” Maya-maya pa ay nagsalita si Tito Mon na pilit kinakalma ang sarili. Nakita ko namang mabilis na hinawakan ni Mama ang kamay ni Tito Mon. “Natahimik ang lahat at tanging mga mahihinang tunog nalang ng kutsara ang naririnig sa dinning area. Nang matapos kumain ay nauna nang umakyat sa kaniya kaniyang kwarto ang apat na magkakapatid. “Pasensya na kayo sa inasal ng mga anak ko.” Sabi ni Tito Mon nang kaming tatlo nalang ang naiwan sa dinning area. “Hayaan mo na, hindi naman maiiwasan ang ganyang sitwasyon sa mga magkakapatid.” Sabi ni Mama kay Tito Mon. Narinig ko namang bumuntong hininga si Tito Mon. Nagpaalam na rin ako sa kanilang aakyat na sa kwarto para magpahinga nang matapos kaming magkwentuhan. “Good night, iha” sabi ni Tito Mon. “Good night, anak” “Good night po.” Sabi ko sa kanilang dalawa bago umalis at mabilis na umakyat ng hagdan. Nang makaakyat ako sa taas ay akmang papasok na rin sana ako sa aking kwarto nang marinig ko ang boses ni Riva sa loob ng kwarto sa tapat ng kwarto ko. Papasok na sana ako ng kwarto nang marinig ko ang sinabi nito. “I want her out of this house kuya! She has no right to live here! Baki ba pati siya ay nakatira na rin dito?! Maiintindihan ko pa kung si Tita Sania ang tumira dito.” Halata ang galit sa boses nito. Nakagat ko ang ibabang labi ko sa mga narinig ko kaya pumasok nalang ako sa loob ng kwarto. Alam ko namang ako ang tinutukoy nito lalo at halata ko ang disgusto nito sa akin. KINABUKASAN ay maaga akong naligo at nagbihis dahil malayo pa ang lalakarin ko papuntang terminal ng mga tricycle papuntang school. Nagblower lang ako ng buhok at naglagay ng konting make-up sa mukha. Saka ako bumaba para kumain ng almusal. “Magandanv umaga ho Nana Ines!” Nakangiting bati ko dito nang maabutan ko ito sa dirty kitchen at nagluluto ng almusal. Maaga pa kasi kaya hindi pa ito tapos. “Magandang umaga rin iha, ang ganda mo talaga.” Nakangiting sabi nito sa akin. “Ang aga mo yata iha?” Tanong nito nang mapansin niyang bihis na bihis na ako. “Opo, malayo pa po kasi ang lalakarin ko papuntang terminal kaya kailangan ko pong agahan.” Paliwanag ko dito. “Bakit hindi ka magpahatid kay Jaime kung ganon?” “Ay e wag na ho at nahihiya na po ako kay Tito Mon. Kaya ko naman po at sanay naman po akong maglakad ng malayo.” “Ay siya, may naluto na ako ditong isang putahe, kumain ka na para may laman yang tiyan mo bago pumasok sa eskwelahan.” Sabi nito at mabilis naman akong kumuha ng plato at naupo sa counter para kumain. Itetext ko nalang si Mama mamaya para hindi sila maghintay sa akin pag kakain na sila ng almusal. Pagkatapos kumain ng almusal ay nagmamadali kong nilagay sa sink ang pinagkainan ko at mabilis itong hinugasan, nagulat pa ako nang pigilan ako ni Nana Ines sa paghuhugas pero mabuti nalang at patapos na ako kaya wala na itong nagawa. Paglabas ko ng dirty kitchen ay nagulat ako sa presensiya ni Radzkier at Rayver. Hindi ko alam na nandito na pala sila. Tila natigil rin sila sa pag-uusap nang makita ako at tanging tango lang ang binigay ko sa kanila. “Hey there, beautiful! Maaga ka yata?” Tanong sa akin ni Rayver nang mapansin nitong bihis na ako. “O-opo, may gagawin pa po kasi ako, sige po mauna na po ako sa inyo.” Sabi ko nalang dito at mabilis na naglakad palabas ng dinning area at umakyat sa aking silid. Hindi ko na ito binigyan ng pagkakataong magsalita at umalis na ako agad doon. Ayaw ko na rin kasing magtagal sa dinning area lalo pa at nandoon si Radzkier. Hindi kasi ako komportable pag nandito ito dahil pinaparamdam din nito sa akin na ayaw nito sa presensiya ko kaya kung maaari ay ako na ang iiwas. Para akong napapasong mabilis na lumabas ng mansyon at hindi na nagpaalam sa mga tao sa loob. Binati pa ako ng guard sa labas ng gate nang makita niya ako kaya binati ko rin ito pabalik. Habang naglalakad ay nagulat ako sa isang malakas na busina ng sasakyan mula sa likod ko. Nasa gilid naman ako pero bakit ako binusinaan nito? Tumigil ako sandali para paraanin ito baka kasi hindi sapat ang daan para makadaan ito. Pero hindi, dahil ang luwang ng kabilang lane. Tiningnan ko ng masama ang sasakyan dahil sa ginawa nito. “Sapphire!” Sigaw nito at lumabas ang isang lalaki sa loob ng sasakyan. Pinakatitigan ko ito ng mabuti dahil nakashades ito at hindi ko talaga makilala kung sino ito. Matangkad din ito. Nakangiti parin ito sa akin habang ako ay nakakunot ang noong nakatingin sa kanya. Nang tanggalin nito ang shades sa kanyang mata ay nakilala ko na ito. “Sir Bryle??” “The one and only! Grabe hindi mo ako nakilala sa sobrang gwapo ko.” Mayabang na sabi nito kaya umiling iling nalang ako. “Ang presko talaga ng hangin tuwing umaga Sir.” Biro ko dito kaya napahagalpak ito ng tawa. Well, gwapo naman kasi talaga ito. “Anong ginagawa mo dito? Bakit ka naglalakad magisa?” Tanong nito. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi na dito na ako nakatira sa village nila. Kaya sa huli ay nagsinungaling nalang ako. “Aah may kaklase po ako diyan Sir, sleepover. Kaya heto.” Sabi ko dito at nagaalangan na ngumiti. “Ganon ba? Halika na! Sabay ka na, madadaanan ko rin naman ang school niyo.” Sabi nito sa akin. “Aay wag na po Sir! Malapit naman na po ako sa terminal.” Tanggi ko sa alok nito. “Get in Sapphire. Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ka sumasakay.” Sabi nito kaya napabuntong hininga ako at tumingin muna ako sa paligid dahil baka may makakita sa akin. At nang masiguro kong walang tao ay mabilis akong tumango at pumasok sa loob ng sasakyan niya. Si Sir Bryle Gomez ang may-ari ng restaurant na pinagtatrabahuan ko kada pagkatapos ng klase ko sa hapon. Halos dalawang taon na rin akong nagtatrabaho dito kaya gamay ko na ang trabaho sa restaurant niya at pati ugali nito. Hindi rin alam ni Mama na nagtatrabaho ako kaya hindi na ako nahingi sa kanya ng pambili ng mga kailangan ko sa school. Naging close kami nito dahil sa sobrang palabiro nito at parang Rayver din ang ugali nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD