RADZKIER’s POV Nagising ako kinaumagahan sa magkakasunod na tawag ni Renz, mabilis ko itong sinagot nang makita kong nakatatlong miscall na ito. “Kanina pa ako tawag ng tawag ni isa sa inyo walang sumasagot!” Galit na sabi nito. Para itong babae kung magsalita kaya napakunot ako ng noo. “Bakit? Anong nangyari? Si Riva?” Tanong ko rito. “Gising na si Riva! Pumunta na kayo ngayon dito sa hospital!” Sabi nito saka pinatay ang tawag kaya napabalikwas ako ng bangon at mabilis na pumasok ng banyo. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba na ako at naabutan ko sila Rayver na nagkakagulo sa baba. “What’s happening here?” Tanong ko sa kanila at sabay sabay silang napalingon sa akin. “Ngayon ko sana dadalhin si Sapphire sa nahanap kong apartment pero nang katukin siya ni Maya ay wala ito

