KINABUKASAN ay maaga nga kaming nagising at pinuntahan ako ni Ate Lilian dito sa kwarto. Binigay niya sa akin ang uniform na isusuot ko na puting polo shirt at pants na hindi lalagpas sa tuhod at puting rubber shoes. Mabilis kong sinuot ang mga ito saka pinagmasdan ang sarili sa salamin. Napangiti ako dahil bumagay sa akin ito at komportable pa ako dito. “Ang ganda mo talaga Sapphire.” Puri ni Kyla sa akin at sinang ayunan naman ni Beth at Marian. Nahihiyang ngumiti nalang ako sa mga ito saka niyaya na ako ng mga ito na lumabas ng kwarto. Tinawag naman ako ni Ate Lilian para ituro sa akin ang magiging trabaho ko sa resort. Sila Beth naman ay pumunta na sa kani kanilang trabaho. Sakay ng golf cart ay dinala kami ng isa ring staff sa isang 3-storey building. Kailangan talagang sumakay

