RADZKIER’s POV Pagkauwi ko galing trabaho ay dumiretso ako agad sa kusina para kumuha ng tubig dahil nakaramdam ako ng uhaw habang nasa biyahe pauwi. Pagdating ko sa kusina ay binuksan ko agad ang refrigerator at kumuha ng tubig at dire diretso itong ininom. Nang matapos uminom ng tubig ay aalis na sana ako nang mahagip ng mata ko ang dalawang katulong na si Maya at Lara na masinsinang nag-uusap sa gilid ng pinto ng laundry area. Hindi ko sana ito papansinin pero hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para lumapit sa mga ito at iba ang kutob ko ngayon. Nakalapit ako sa kinaroroonan ng mga ito na hindi nila napapansin kaya narinig ko ang pinaguusapan nila. “Kawawa nga si Mam Sapphire. Napagbintangan sa kasalanang hindi niya ginawa.” Sabi ni Maya. Kumunot ang noo ko at may naguudyok s

