Chapter 22

1811 Words
“CLASS DISMISSED” Matapos sabihin iyon ng professor namin para sa huling subject namin ngayong araw ay mabilis kong inayos ang mga gamit ko at sinilid iyon sa loob ng bag ko. As usual, mabilis akong nagpaalam kila Vince, Rita at Anthon para pumunta sa trabaho ko. Nakakahiya na rin kasi kay Sir Bryle at halos magdadalawang buwan na niya akong hindi pinapapasok dahil sa nangyari kila Mama. Hindi porke’t pinsan ito ni Radzkier at mabait ito ay aabusuhin ko na ito. Mabilis akong pumasok sa loob ng CR sa loob ng campus at nagbihis ng damit. Naglagay lang din ako ng konting powder sa mukha at lipgloss para naman magmukhang shiny ang natural na mapupula kong labi saka sinuklay ko lang ang mahaba kong buhok. Nang matapos akong magbihis at magayos ay sinipat ko muna ang sarili ko sa salamin saka lumabas ng CR. Mabilis akong naglakad patungo sa gate at lumabas ng campus. Saktong paglabas ko ng gate ng school ay may nahagip ang mga mata kong sasakyan na pamilyar sa akin. Napatingin ako dito kasabay ng paglabas ng may-ari nito. Gulat akong napatitig dito at umawang pa ang labi ko. Iniiwasan ko ito e! Bakit pa ito pumunta dito? “Finally! After 2 weeks natyempuhan din kita.” Nakangiting sabi nito. “C-Cairo..” Sambit ko sa pangalan nito. “Mabuti naman kilala mo pa ako.” Puno ng sarkasmo ang sinabi nito. “A-anong ginagawa m-mo dito?” Kinakabahang tanong ko dito. “Can we talk?” Malungkot na tanong nito at nawala ang ngiti sa mga labi nito. “Tungkol s-saan?” “This is not the right place. Let’s get inside.” Pagkasabi nito ay mabilis niya akong hinila sa kamay papunta sa sasakyan niya. Napapatingin na rin sa amin ang ibang estudyante dahil hindi naman maikakaila na kilala talaga ako dito sa campus. Dagdag mo pa na may kasama akong gwapo, makisig at matangkad na lalaki kaya talaga namang mapapalingon lahat dito. “Diba si Cairo Fabian yun?” Rinig ko pang tanong ng isang estudyante. “Siya nga! Grabe ang gwapo talaga niya! Napakaswerte naman ni Sapphire.” Sagot naman ng isa. “Bagay sila.” Sabi pa nung iba. Napapayuko nalang ako sa mga sinasabi nila at nang tumingin ako kay Cairo dahil nahihiya na rin ako sa mga sinasabi nila nakita kong ngiting ngiti pa ito sa mga naririnig. “Bakit ka ngumingiti?” “Didn't you hear what they said?” “Alin don? Na gwapo ka?” Prangkang sabi ko rito. “No, of course. Bonus na yon.” Sabi nito. “The last one. Bagay daw tayo.” Nakangiting sabi nito at bumaling pa sa akin. Hindi naman ako nakaimik sa sinabi nito at pinamulahan pa ako. Narinig ko itong tumawa saka niya ako pinapasok sa sasakyan niya at umikot sa driver’s seat. Pagpasok nito ay tinanong ko agad ito kung saan kami pupunta. “Anywhere you want basta yung tayong dalawa lang.” Sagot niya sa akin saka ngumiti. “Cairo! May naghihintay sa aking trabaho. Please, can we do this next time?” Sabi ko rito habang nakatingin sa kanya. Narinig ko naman itong bumuntong hininga. “Fine. But, please, answer my call and text messages. Hindi ko alam kung bakit mo ako iniiwasan. May nagawa ba akong mali? Masaya naman tayong umuwi nang hinatid kita.” Dire diretsong sabi nito sa akin. Hindi ako makasagot at naghahanap pa ako ng dahilan dahil hindi ko naman pwedeng sabihin na pinapaiwas siya sa akin ni Radzkier. “Masyado lang akong busy this past few days kaya hindi ako sumasagot sa mga tawag.” Palusot ko nalang dito. “Kahit magreply ka ng tuldok man lang? Ok na ako doon.” Sabi pa nito. “S-sige sa susunod, magrereply na ako.” Sabi ko rito kaya napangiti ito. Ayaw ko naman itong madisappoint at napakabait nito sa akin, gentleman pa. Sadyang epal lang talaga si Radzkier! “Sige bababa na ako. May trabaho pa kasi ako.” Sabi ko rito at akmang bababa na ako ng pigilan niya ako. “Ihahatid na kita.” Sabi nito at mabilis nitong pinaandar ang sasakyan. Hindi ko na ito pinigilan pa dahil kailangan ko na ring makarating sa restaurant ng alas kwatro. “By the way, did you like the flowers and chocolates I sent you the other day?” Bigla ay sabi nito habang nagmamaneho. Nagulat ako at naguguluhang tumingin dito. “Nakita ko kasi yung mga bulaklak sa isang flowershop nang mapadaan ako and I remember that you told me before that it’s your favorite flower, kaya yun, binili ko at dinagdagan ko na rin ng favorite mong chocolate.” Nakangiting sabi parin nito. Sasabihin ko sanang wala nang bigla kong maalala na may kinakain na tsokolate si Radzkier at katabi nito ay bulaklak habang nakaupo sa sofa. Naikuyom ko ang palad ko at tumingin sa labas ng bintana. ‘Hayop ka talaga Radzkier!’ Sa isip ko. “So? Did you like it?” Tanong uli nito at mabilis nalang akong tumango. Alangan namang sabihin kong ‘OO, NAKITA KO PERO HINDI KO NATIKMAN DAHIL HINDI NAMAN SINABI NI RADZKIER SA AKIN NA AKIN PALA YUN AT BIGAY MO.’ “Oo, nagustuhan ko. Paborito ko e!” Nakangiting sabi ko rito at halos hindi pa umabot sa mata ko ang ngiting binigay ko rito. ‘Ibang klase ka talaga Radzkier’ nasabi ko nalang. Mabilis kaming nakarating sa restaurant at agad din akong bumaba at nagpasalamat. “Pasensya ka na ha? Hindi talaga kita masasamahan ngayon kasi may trabaho ako.” Nagmamadaling sabi ko rito nang sumunod pa ito sa labas. Tumango naman ito saka ngumiti. “It’s ok, Makita lang kita ngayon at nakasama ng ilang minuto, masaya na ako.” Nginitian ko nalang din ito saka mabilis na nagpaalam. Saktong pagpasok ko ay nakaabang si Sir Bryle sa pinto at nakangisi itong nakatingin sa akin. “Hi sir!” Bati ko rito dahil close naman kami. “Hmmm, mukhang nagkakamabutihan kayo ni Cairo a? Parang noong nakaraan naglalasing lang siya, ngayon ok na siya.” Umiiling na sabi ni Sir Bryle. “Ano na naman ba yun Sir?” Tanong ko rito at narinig ko itong tumawa. “Nothing, sige na andami nang customer sa loob.” Pagtataboy nito sa akin kaya mabilis akong pumasok sa locker ko at nilagay ko muna ang mga gamit ko sa loob saka ko sinuot ang apron ko. Pagpasok ko sa dinning area ay marami na ngang tao mabilis kong nilapitan ang mga bagong dating at kinuha ang mga order nila. Nang matapos kong kunin ang order ng mga nasa kabilang table ay nagulat ako nang mag angat ako ng tingin ay nakita ko si Cairo na kakaupo lang sa kabilang table. Mabilis ko itong nilapitan at nginitian as part of my job. Binigay ko rito ang menu at hinintay ko ito hanggang matapos itong pumili ng oorderin. Nang bumaling ito sa akin ay saka nito sinabi ang gusto. Sinulat ko ang napili nito saka ko inulit at nang tama naman lahat ng inorder niya ay aalis na sana ako nang magsalita ito. “Naiinis ako.” Sabi nito na ikinabigla ko. “Ano p-po yun sir?” Tanong ko rito. “Nakikita mo ba yung grupo ng mga lalaking yon? Kanina ka pa nila tinitignan. Pwede bang huwag kang ngumiti ng ganyan sa kanila?” “Are you for real? This is part of my job.” Mahinang sabi ko rito. “I know, kaya nga naiinis ako.” Prangkang sabi nito at umiling iling nalang ako. “Hintayin mo nalang yung order mo. Aasikasuhin ko muna ang ibang customer.” Sabi ko rito at nginitian ko ito ng matamis bago umalis. Ngiting ngiti naman itong tumango. Natapos ang trabaho ko at nagpaalam na ako sa mga katrabaho ko. Nagulat ako nang paglabas ko ng restaurant at nakita ko si Cairo na gwapong gwapo habang nakasandal sa sasakyan nito. “Cairo?” Tawag ko rito at mabilis naman itong lumingon. “Are you done? Let’s go.” Sabi nito at mabilis na lumapit sa akin at pinagbuksan pa ako ng pinto ng sasakyan. “S-saan tayo pupunta? Akala ko ba umuwi ka na.” Takang tanong ko rito. “Ihahatid na kita pauwi. Hinintay talaga kita.” Nakangiting sabi nito. “Ng tatlong oras?? Sana hindi mo na ako hinintay.” “Halika na sumakay ka na.” Sabi nito. Napabuntong hininga nalang ako sa kakulitan nito. Kahit naman yata tanggihan ko ito ay alam kong hindi rin ito titigil. “Baliw ka talaga.” Sabi ko rito nang makasakay na rin ito sa driver’s seat. “Oo, baliw ako sayo.” “Ano?” Sabi ko rito dahil hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya. “Nothing.” Sagot lang niya at ngumiti. Habang pauwi ay hindi parin ito nawawalan ng kwento kaya kahit papaano ay hindi naman awkward sa ilang minutong biyahe. Para ngang isang oras ang biyahe namin ngayon. Hindi ko alam kung natatagalan ba ako o sadyang binabagalan lang niya ang pagmamaneho. Nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng gate nila Radzkier ay nagpaalam na ako dito at mabilis na bumaba. Sinabihin ko pa ito na umuwi na dahil gabi na. Isipin na niyang bastos ako pero mas maganda na yon kesa malaman pa ni Radzkier na hinatid ako nito baka bumuga na ito ng apoy mamaya. “Kuya Nardo! Magandang gabi po.” Bati ko rito ng pagbuksan ako nito ng gate at nakita kong sumilip pa ito sa umalis na sasakyan ni Cairo. “Magandang gabi rin Mam Sapphire, pasok na po.” Sabi nito kaya mabilis akong naglakad papasok at nang binuksan ko ang main door ay laking pasasalamat ko nang makita kong wala nang tao at siguro’y nasa kanya kanyang silid na ang mga ito. Dahan-dahan akong umakyat sa ikalawang palapag at dahan-dahan ko ring binuksan ang pinto ng kwarto ko para hindi ito marinig ng natutulog na dragon nasa tapat lamang ng kwarto ko. Ngiting ngiti akong pumasok ng kwarto dahil nakapasok ako ng bahay na hindi ito nakikita at malamang ay tulog na ito. Hindi na ako nag abalang sindihan ang ilaw dahil kita ko pa naman ang dinadaanan ko. Binaba ko ang bag ko at tinanggal ko muna ang sapatos ko bago ako pumasok ng banyo para magshower. Pakiramdam ko kasi ay nanlalagkit ako dahil sa init ng panahon. Mabilis lang akong nagshower dahil gabi na rin at kailangan ko nang magpahinga kaya agad kong sinuot ang bathrobe at lumabas ng banyo para makapagpatuyo na agad ng buhok. Bago magpatuyo ng buhok ay nagtungo muna ako sa switch ng ilaw para makita ko ang kukunin kong damit sa loob ng aparador nang biglang may magsalita sa loob ng aking silid. “I think, you’re ready for the punishment.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD