KINABUKASAN ay Linggo. Nandito parin at kompleto ang magkakapatid. Katatapos ko lang gawin ang project ko na deadline bukas. Nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba muna ako para maghanap ng pagkain sa kusina.
Nang pababa na ako ng hagdan ay nakita ko si Radzkier sa sala at prenteng nakaupo sa mahabang sofa habang nakapatong pa ang dalawa nitong paa sa center table.
Napatingin din ito sa akin saka ngumisi. Napansin kong may kinakain itong tsokolate at halos maglaway ako nang makita kong paborito ko ito.
Matagal na akong hindi nakakakain non dahil wala naman akong perang pambili. Ang huling kain ko pa non ay noong birthday ko last year na regalo sa akin ni Anthon.
“Gusto mo?” Nakangiting alok nito sa akin at nakagat ko pa ang ibabang labi ko kung lalapit ba ako dito o hindi baka mamaya iprank pa ako nito.
Naalala ko na naman ang ginawa nito kagabi kaya sa huli ay hindi ko nalang ito pinansin at tinalikuran ko na.
“Ayaw mo edi wag.” Masungit na sabi nito at tiningnan pa ako ng masama. May sakit yata talaga ito sa utak.
Narinig ko namang bumaba si Rayver sa sala at narinig kong naguusap na sila ni Radzkier.
“Bro, anong nangyari kagabi? Damn. I’m so drunk last night. Hindi ko alam kung anong nangyari.” Sabi ni Rayver sa kapatid.
“You’re f*****g drunk. That’s it.” Pagtatapos nito sa usapan at umiling iling nalang ako. Ang tino talaga nito kausap.
Nang makakuha ako ng juice at sandwich ay naglakad na rin ako paakyat ng hagdan, hindi ko pinansin ang tingin ng dalawang magkapatid at nagtuluy tuloy lang sa paglalakad.
“Sapphire! Come here!” Sigaw ni Rayver kaya nahihiyang lumingon ako sa mga ito.
“Bakit?” Tanong ko rito na nakatayo parin sa hagdan.
“Just come here.” Nakangiti paring sabi nito kaya sumunod nalang ako.
Nang makalapit ako sa kanila ay tinuro ni Rayver ang upuan sa gilid kaya umupo nalang ako. Ang bastos ko naman diba kung hindi ako uupo.
Inumpisahan ko na ring kainin ang sandwich na ginawa ko habang ang dalawa ay kumakain ng tsokolate.
Maya-maya pa ay bumaba na rin su Renz at Riva saka umupo rin sa sala.
Nginitian ako ni Renz at lumapit kay Radzkier saka hinablot ang tsokolate rito.
“Renz! Give it back!”
“Pahingi.” Sabi ni Renz dito.
“Kuya, Kailan ka pa nahilig kumain ng chocolates?” Iritang tanong ni Riva kay Radzkier.
“Ngayon lang.” Sagot naman nito.
“Saan nga pala galing itong mga chocolates?” Takang tanong ni Rayver.
“From dad’s friend.” Sagot ni Radzkier at nagkibit balikat pa ito.
“With those flowers?” Tanong naman ni Renz dito.
Ngayon ko lang din napansin na may bulaklak pala ito sa tabi niya na ikinangiti ko dahil favorite flowers ko rin ito.
Nakita kong tumingin sa akin si Radzkier ng masama kaya nawala ang ngiti sa mga labi ko. Pati ba naman ang tingnan ang bulaklak ay masama?
“Yes.” Sagot ni Radzkier kay Renz.
“Kailan pa nahilig ng chocolate si Dad? At take note, wala na si dad na kakain niyan ha?” Nagtatakang tanong ni Renz dito.
“Bakit ba ako ang tinatanong niyo? Tanungin niyo yung nagpadala ng mga ito.” Iritadong sagot ni Radzkier.
“Then who?” Tanong naman ni Riva.
“I don’t know!” Inis na sabi ni Radzkier.
“But, you said earlier that it was from dad's friend?” Sabi naman ni Rayver dito.
Kita naming lahat ang sama ng tingin nito sa amin at kitang kita ang pamumula ng mukha nito.
“Bahala kayo sa buhay niyo!” Sabi nito saka padabog na tumayo at binigay ang tsokolate kay Rayver na nasa tabi nito.
Nagtinginan kaming apat sa inakto ni Radzkier. Weird talaga ng kumag na yon.
“Did I say something wrong?” Tanong ni Rayver sa amin at nagkibit balikat nalang kaming apat.
“May dalaw na naman yata.” Sabi nalang ni Renz kaya natawa kaming apat.
*****
RADZKIER’s POV
PAGDATING namin ng Batangas kung saan kami nag get together ng mga kaibigan namin ni Rayver ay sinalubong kami ng mga ito pagbaba namin ng sasakyan.
“What’s up Lopezes!” Bati ni Fritz habang nakangiti.
Nakipagfist bump naman ang iba sa amin.
“Where are the others?” Tanong naman ni Rayver sa mga ito.
“Nasa loob, already drinking. Mukhang may problema si Fabian.” Natatawang sagot ni Austin.
“Problem?” Tanong naman ni Rayver.
“Yup. Ayaw naman niyang magsabi kaya hinayaan nalang namin siyang uminom.” Dugtong ni Vaughnn.
Nagtinginan nalang kaming lahat saka binaba ang ibang inumin sa loob ng sasakyan.
Pagdating namin sa loob ay naabutan nga namin ang ibang umiinom na kasama si Cairo.
Binati kami ng mga ito at ganoon din kami sa kanila.
Alas singko palang ng hapon pero mukhang nakakarami na ang mga ito.
Magkatabi kami ni Rayver at katabi naman nito si Cairo sa kabila kaya dinig ko ang usapan nilang dalawa.
“Kamusta kayo doon?” Rinig kong tanong ni Cairo kay Rayver.
“We’re good. We’re still in the process of getting used of dad and Tita Sania’s absence.” Sagot naman ni Rayver.
“Well, how’s your step sister?”
“Sapphire? Ok naman siya. Why are you got interested of her all of a sudden?” Ngiting tanong ni Rayver dito.
Hindi nakaimik si Cairo at pati ako nakaabang sa sagot nito.
“Well, she’s nice..”
“And?” Tanong ni Rayver dito na parang may hinihintay pang sagot mula rito.
“Bro, I don't know, but, there's so many girls running after me but, this girl, really ignored me. After I brought her here. She never showed up and she didn’t even bother to answer my calls. Like, anong ginawa ko? Maayos ko naman siyang hinatid noon and bro? Pangit ba ako? Mabaho ba ako? May nakakaturn off ba sa akin?” Mahabang litanya nito at halos pigil ang hininga ko habang naglalabas ito ng hinanakit kay Rayver. Kasi alam kong ako ang humahadlang para magkita ang mga ito.
Even me, hindi ko rin alam kung anong pumasok sa kokote ko kung bakit ko nga ba pinipigilan ang mga ito na magkita o magkausap.
Hindi ko na rin alam kung anong nangyayari sa akin. I feel like I'm under a spell the first time I laid my eyes on her.
‘f**k this! This is so gay!’
Pero yun ang totoo. That’s why lagi ko siyang nasusungitan and God knows kung anong hirap kong iwasan siya pero sa huli, hinahanap hanap ko parin ang presensiya niya lalo na kung wala pa ito sa bahay.
And the first time I kissed her. Damn! My mind is screaming that I wanted more of that! Her lips is just so fuckin’ soft and sweet!
Gusto ko na lagi ko siyang masolo and I hate it for Pete’s sake! I have a girlfriend!
“What? She did that?” Natatawang tanong ni Rayver dito. “Pareho kayo ni Radzkier. Sakit niyo siya sa ulo. But, in different situation. Sapphire is really different from other women.” Dagdag ni Rayver saka umiling iling.
Hindi na nagsalita si Cairo at uminom nalang ng alak hanggang sa nagiba na ang usapan ng mga ito. Nagkakwentuhan pa kami at naginuman hanggang sa gumabi na ay napagdesisyonan namin umuwi na at hindi na magover night dito.
Napahilot nalang ako sa sentido ko nang makita kong lasing na lasing na si Rayver at parang hindi na nito kayang maglakad kaya tinulungan ako ng iba naming kaibigan na isakay ito sa sasakyan ko dahil isang sasakyan lang naman ang gamit namin ni Rayver.
Nang makarating kami ng bahay ay hindi ko na ginising si Kuya Jaime para tulungan akong alalayan si Rayver.
Hirap na hirap akong alalayan ito dahil mabigat din ito at magkatangkad pa kami.
“f**k! Rayver! Can you please walk?!” Inis na sabi ko rito dahil kulang nalang ay buhatin ko ito paakyat.
“I feel dizshy bwo.” Sabi nito na halos hindi ko maintindihan kaya napamura nalang ako.
Nang makaakyat na kami at malapit na kami sa kwarto nito ay bigla itong nawalan ng balansen na nakagawa ng malakas na ingay kaya napamura uli ako hanggang sa biglang bumukas ang pintong nasa tabi namin at niluwa nito si Sapphire na halatang nagising sa ingay.
Damn! She’s so hot! And she’s not even wearing any bra kaya nakikita ko ang tayung tayo nitong u***g na parang kailan lang noong huli ko itong sinubo nang hindi ko mapigilan ang sarili ko.
And I swear to God! It feels like heaven when I sucked her pink n*****s!
Para akong mababaliw kung hindi ko ito nalalapitan at nahahawakan!
Mabilis itong lumapit sa amin nang sungitan ko ito at tanungin kung hindi ba niya ako tutulungan na akayin si Rayver.
Nang maipasok namin si Rayver sa loob ng kwarto ay pabagsak namin itong naihiga sa kama at laking gulat ko nang hilahin nito si Sapphire at yakapin ng mahigpit. Halos maikuyom ko ang palad ko sa ginawa nito.
Damn you Rayver! Ako lang ang pwedeng humawak sa kanya!
Kung hindi ko lang ito kapatid ay baka nabasag ko na ang pagmumukha nito.
Nakita kong nagpupumiglas si Sapphire at pilit na kumakawala sa yakap ni Rayver kaya nahampas ko ng unan ang mukha nito kaya nabitawan nito si Sapphire.
Mabilis namang umalis ng kwarto si Sapphire kaya mabilis ko ring tinanggal ang sapatos ni Rayver at lumabas sa kwarto saka sinundan si Sapphire.
Kaya bago pa niya maisara ang pinto ng kwarto niya ay napigilan ko na ito.
Kita ko ang gulat sa mata niya kaya napangisi ako.
Mabilis ko itong sinunggaban ng halik pero tinulak niya ako. Nagkasagutan pa kaming dalawa at kung anu ano pa ang sinabi namin sa isa’t isa pero ang katawan ko ayaw papigil.
Mabilis ko itong hinila hanggang sa mawalan kami ng balanse at pareho kaming bumagsak sa kama and yes, I’m on top of her and it feels so good! I can feel the warmth of her body.
“Hmmm. Damn. I’ve been waiting for this.” Sabi ko rito at mabilis ko uli itong hinalikan.
Napasinghap pa ito dahil sa tagal ng halikan naming dalawa at ramdam kong tumutugon na rin ito sa mga halik ko.
Humiwalay ako sa labi nito at sinunod kong halikan ang leeg nito.
“R-radzkier.. T-tama na..” Sabi niya pero hindi ko ito pinansin. Mas nalasing pa yata ako sa halikan naming dalawa kaysa sa alak na ininom ko kanina.
Patuloy lang ako sa paghalik sa leeg niya at ramdam ko na rin ang alaga kong gustong kumawala sa loob ng suot kong pantalon nang biglang may tumunog na cellphone and I know it’s mine.
Mabilis niya akong tinulak kaya napaupo ako at inis na kinuha ang cellphone sa bulsa ko na kanina pa tumutunog.
Nang icheck ko ang kung sino ang tumatawag ay napamura ako sa isip.
“What the f**k Cairo?!” Sabi ko rito nang sagutin ko ang tawag niya. Nakita kong napalingon si Sapphire sa akin nang banggitin ko ang pangalan ni Cairo kaya tiningnan ko ito ng masama at inis na umalis sa loob ng kwarto niya.
“Tumawag ako para tanungin kung nakauwi na kayo.” Sabi naman nito.
“Yes, kanina pa. Kung wala ka nang sasabihin patayin mo na.” Inis na sabi ko rito.
“Init talaga ng ulo mo.” Sabi nito saka narinig ko itong bumuntong hininga sa kabilang linya at pinatay ang tawag.
Marahas akong bumuga ng hangin saka pumasok sa loob ng kwarto ko na tapat lamang ng kwarto ni Sapphire at mabilis na pumasok sa banyo at naligo.
Damn it! I need to release this!