Chapter 20

2042 Words
NANDITO kami ngayon sa dinning area at kumakain ng lunch. Saturday ngayon kaya lahat kami ay nandito ngayon at sabay-sabay kumakain. “Kuya, ngayon ba pupunta sila Cairo dito sa bahay?” Tanong ni Riva kay Radzkier kaya napatingin ako dito. Nakita kong napatingin si Radzkier sa gawi ko bago ito sumagot sa kapatid. “Sana, pero binago namin yung venue. Doon nalang kami sa Batangas. Siguro magoover night kami doon.” Sagot nito sa kapatid. “What? Kailan pa nabago yung plano? Wala namang ganyang usapan a?” Takang tanong ni Rayver. “Ngayon lang. Magchachat na ako sa group chat.” Sabi nito saka mabilis na kinuha ang cellphone sa bulsa ng shorts nito saka nagpipindot. “Ang bilis talaga magbago ng isip mo.” Sabi ni Rayver dito saka umiling iling. “Aaaww so sad. I can’t see him.” Sabi ni Riva kaya tumingin si Radzkier dito na nakakunot ang noo. Nang matapos kaming kumain ay nagsi akyat na kami sa kanya kanya naming kwarto at tinuloy ko na ang ginagawa kong project na deadline na sa monday. Nakadapa ako sa kama habang gumagawa ng project nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Radzkier. Palibhasa umuwi na naman ng Germany ang kasintahan niya kaya nagagawa na naman nito ang gusto. Biglaan daw kasi siyang tinawagan ng daddy niya kaya kailangan na niyang bumalik. Pero kahit naman yata nandito si Vida ay nagagawa paring gumawa ng kalokohan ni Radzkier tulad nalang ng ginawa niyang pagsipsip sa dibdib ko noong nakaraang Linggo. Isang linggo na ang nakakalipas pero pakiramdam ko ay nakasubo parin ang u***g ko sa labi niya. “Hindi ka ba marunong kumatok?” Tanong ko dito. “Bakit pa ako kakatok e bahay naman namin to?” “E kung ganon naman pala wag mo nang isara yang pinto hayaan mo nalang na nakabukas yan!” Inis na sabi ko rito. “Are you disappointed?” Natatawang sabi nito at humalukipkip pa sa harap ko. “Bakit naman sana?” “Dahil hindi mo makikita si Cairo.” Nakangising sabi nito. Napairap naman ako sa sinabi nito at may kalokohan akong naisip para bwisitin ito. “Disappointed syempre! Sayang nga at hindi ko siya makikita. Pwede bang pakisabi nalang sa kanyang miss ko na siya kapag nagkita kayo mamaya?” Sabi ko rito saka ko ito nginitian ng matamis. Nakita ko itong tumingin sa akin ng masama at lumapit pa lalo sa akin. Napalunok ako ng lihim at hindi ko pinahalata na kinakabahan ako. “May gusto ka doon? E mukha ngang sambakol yon!” “Ano?” Natatawang tanong ko rito. “Hindi a! Ang gwapo kaya ni Cairo! Mayaman pa!” “Gwapo rin ako at mayaman!” “Piloto si Cairo kaya type ko siya.” Sabi ko uli dito. Totoo naman. Crush ko si Cairo pero hindi ko siya gustong jowain. “I can fly a plane too. Hindi ko lang pinush dahil mas kailangan ako ni Dad sa company!” Mayabang na sabi nito. Kaya pigil na pigil ko ang tawa ko. “Gentleman si Cairo.” “Well, gentleman din ako. Dipende sa kaharap ko.” Sabi nito. Totoo naman ang sinabi nito. Nakadipende talaga si Radzkier sa kaharap kung itatrato niya ba ito ng maayos o hindi. Pero bakit pagdating sa akin ay lagi itong galit. “Bakit mo kinukumpara ang sarili mo kay Cairo? Aber! Baka naman crush mo ko?” Saka ko ito tiningnan ng nakakalokong tingin. “Paano kung sabihin kong oo?” Biglang sabi nito at lumapit pa sa akin. Kaya ako naman ngayon ang hindi nakaimik. “Doon ka nga! Busy ako! Wag mo kong guluhin! Chupiii!” Pagtataboy ko nalang dito. “Kidding. Naniwala ka naman?” Sabi nito at tumawa. “Sinabi ko bang naniwala ako?” “E bakit ka namumula?” Nangaasar na tanong nito sa akin. “Umalis ka na nga!” Sigaw ko rito saka ako tumayo at tinulak tulak ito sa may pinto. Nang malapit na ito sa pinto ay bigla itong humarap sa akin at basta nalang akong hinalikan sa labi na ikinagulat ko. Halos habulin ko pa ang labi nito nang humiwalay ito sa akin dahil sobrang namiss ko ito. “Hindi kita crush.” Bulong nito na kinasakit ng damdamin ko. “Hindi kita crush dahil akin ka na Sapphire. Simula nang tumapak ka sa loob ng bahay namin ay akin ka na.” Dagdag nito at gustong kumawala ng mga ngiting kanina ko pa pinipigilan. “Kasi nga guardian mo na ako.” Sabi pa nito at humalakhak. ‘Bwisit na to! Paasa!’ “May guardian bang nanghahalik?!” “Meron. Ako.” Sabi uli nito saka niya ako hinalikan uli. Wala sa sariling kinagat ko ang labi niya dahil sa gigil. Bigla nalang niya akong tinulak ng marahan saka padabog na lumabas ng pinto. Narinig ko pa itong nagmura. Moody talaga! Mabilis kong nilock ang pinto saka tumalon sa kama saka nagtititili habang nakatakip ang unan sa mukha ko. Nang kumalma ako ay bumalik uli ako sa pagkakadapa sa kama saka tinuloy ang ginagawa kong project. ‘Wala na, nilamon na ni Radzkier ang buong sistema ko.’ Natigilan naman ako sa naisip ko at bigla akong nalungkot nang maalala kong may Vida na ito at baka nga ginagawa lang ako nitong pampalipas oras at tinitingnan kung kakagat ba ako sa mga paandar niya. Iiwas nalang ako. Bahala na! NAGISING ako sa malakas na kalabog na nagmula sa labas ng kwarto. Malakas iyon at halos bumilis ang t***k ng puso ko kaya napabalikwas ako ng bangon at mabilis na binuksan ang pinto. Nagulat ako nang makita ko si Radzkier na inaalalayan si Rayver dahil sa kalasingan at saktong nasa tapat sila ng kwarto ko. Akala ko ba over night ang mga ito? Nagtama ang paningin namin ni Radzkier at agad naman akong nag iwas at nakita ko si Rayver na nakatingin din sa akin. “He-lloww therrrrree S-Shapphireee. You’re still beauchiful in that messy hair..” Bulol na sabi nito saka tumawa ng pagak at narinig ko pa itong suminok. “Shut up Rayver! You’re f*****g drunk!” Sita rito ni Radzkier at tumawa lamang si Rayver. “What? Are you just gonna stand there? Hindi mo ba ako tutulungan?” Masungit na sabi ni Radzkier at para naman akong napapasong sumunod dito at tinulungan ko itong alalayan si Rayver papunta kwarto nito. “s**t! Ganito nalang ba lagi ang role ko? Ang maguwi at umalalay sa lasing?! Iinom inom kasi di naman kaya!” Inis na sabi nito at hindi ko alam kung ako ba ang kausap o pinapatamaan nito dahil naalala ko ring sinabi noon ni Rayver na si Radzkier nga raw ang naguwi at nagbuhat din sa akin noong nalasing ako sa party ni Cairo. Hindi nalang ako umimik dahil natamaan ako sinabi niya. Nang nasa tapat na kami ng kwarto ni Rayver ay mabilis kong binuksan ang pinto. Dahan-dahan naming inalalayan ito at pabagsak itong hiniga sa kama. Aalis na sana ako nang bigla akong hilahin ni Rayver at patagilid na hiniga sa kama saka mahigpit na niyakap. “Rayver!” Sigaw ko rito pero mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Amoy na amoy ko ang alak sa katawan nito. “Damn. You’re so hot.” Halos pabulong na sabi ni Rayver sa akin at nagsumiksik pa ito sa leeg ko kaya pilit akong nagpumiglas dito. Mabilis akong dinaluhan ni Radzkier at pati ito ay nahirapang tanggalin ang braso ni Rayver na nakayakap sakin. Maya-maya pa ay nagulat ako nang kumuha si Radzkier ng unan at hinampas ito sa mukha ni Rayver. Nakikita ko na sa mukha ni Radzkier ang inis sa kapatid. Nabitawan ako ni Rayver kaya mabilis akong umalis sa tabi nito. “Aaawww. What was that for?” Inaantok na tanong ni Rayver kay Radzkier. “You’re having a f*****g nightmare bro!” Sabi ni Radzkier dito at pigil ko ang tawa habang nakatingin sa kanila. “I am?” Naguguluhang sabi ni Rayver at umoo naman si Radzkier. Nang matanggal na ni Radzkier ang sapatos ni Rayver ay lumabas na rin ako ng kwarto ni Rayver at iniwan ko na sila doon. Isasara ko na sana ang pinto nang biglang itulak ni Radzkier ang pinto kaya napaatras ako. Pumasok ito ng kusa at siya na rin ang nagsara ng pinto. Narinig ko pang nilock nito ang pinto. “M-may kailangan ka?” Kinakabahang tanong ko rito. Heto na naman ang puso ko. Napakabilis na naman ng t***k nito kapag malapit si Radzkier sa akin lalo at kaming dalawa lang na naman. “Yes. I need a good night kiss.” Kibit balikat na sabi nito. “Gago ka b—.” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla nalang ako nitong hinila at halikan sa labi. Pilit ko itong tinutulak at nagtagumpay naman ako. “Don’t do that again!” Inis na sabi ko rito at tinuro ko pa ito. “Ang alin? Ito?” Tanong nito at hinila uli ako nito at hinalikan sa labi kaya tinulak ko uli ito. “Radzkier! Tama na! You think it’s funny?!” Asik ko rito. “I know you’re seducing me Sapphire.” Natatawang sabi nito. “Huh? Saan galing yang sinasabi mo? I don’t do such things like that!” “Really? Then, wag kang lalabas na ganyan ang suot.” Sabi nito at pinasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakasuot lang ako ng oversize shirt at tanging panty lang ang suot ko sa loob. “Gago ka ba?! E sa ganito ang sinusuot kong pantulog e! Ano’ng gusto mong isuot ko?! Pantalon?!” “Whatever you say. Alam ko ang mga karakas ng tulad mo.” “Nahihibang ka na Radzkier. Kung wala kang matinong sasabihin lumabas ka na!” “What if I don’t?” “Edi ikaw nagseseduce sa akin.” Sagot ko rito at kita ko ang amusement sa mukha nito. “Effective ba?” Nakangising tanong nito nang makabawi. “HINDI! Kaya pwede ba?! Matutulog na ako! Por Dios! Alas dose na ng gabi!” “Talaga? Hindi ka naaakit sa akin?” Sabi nito at unti unti itong naghubad ng polo na suot. “R-radzkier!” Sigaw ko rito pero hindi ito nagpatinag. “Why are you stuttering?” Tanong nito habang palapit nang palapit sa akin. “Please! Get out!” Taboy ko rito. Pero imbes na makinig ay mabilis niya akong hinila at dahil malakas ang pagkakahila niya sa akin ay pareho kaming natumba sa kama at sakto pang nasa ilalim niya ako. “Hmmm. Damn. I’ve been waiting for this.” Sabi nito at walang sabi sabi ako nitong hinalikan sa labi. Madiin ang halik nito at naramdaman ko ang pagkagat nito sa ibabang labi ko kaya umawang ito at naipasok nito nang walang kahirap hirap ang kanyang dila sa loob ng labi ko. Napasinghap ako at halos habol ko ang aking hininga sa ginagawa nito. Unti-unti na rin akong nalulunod sa mga halik nito at para akong nawalan ng lakas na itulak ito. Humiwalay ito sa halikan namin at bumaba ang halik nito sa leeg ko kaya mas lalong lumalim ang paghinga ko. “R-radzkier.. T-tama na..” Sabi ko rito habang nakapikit pero parang wala itong naririnig. Hinahaplos nito ang mga hita ko pataas sa aking bewang. Patuloy lang ito sa paghalik sa leeg ko nang biglang tumunog ang cellphone nito at pati ako ay napamulat at mabilis ko itong itinulak at pareho kaming napaupo sa kama. “Damn it!” Bulong nito saka tumayo at dinukot ang cellphone sa bulsa ng pants niya saka chineck kung sino ang tumatawag. “What the f**k Cairo?!” Inis na sagot niya sa kabilang linya kaya napatingin ako rito. Tiningnan naman niya ako ng masama nang makita niyang tumingin ako sa kanya nang banggitin niya ang pangalan ni Cairo. Basta nalang itong umalis sa kwarto at iniwan ako habang nakatutok ang tenga nito sa cellphone. Napabuga ako ng hangin at wala sa sariling nasabunutan ko ang sarili kong buhok. Kailangan ko yata ng matinding pagpipigil dahil baka sa susunod ay maibigay ko na ang hindi dapat ibigay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD