NANG matapos kaming maglinis ni Marian sa pool area ay bigla itong tumabi sa akin sa counter kung saan pwedeng magorder ng inumin at snacks. Wala pa naman masyadong tao kaya nakakapagusap pa kami. Maya-maya pa pupunta ang mga nakacheck in na guest dito kaya wala pa masyadong ginagawa. Ang iba naman ay sa beach naliligo. “Huy! Alam mo ba nakita ko kagabi si Sir Lance..” Sabi nito at napatingin ako dito. “Bakit? Anong meron?” Tanong ko naman dito. “Akala ko dati loner siya kasi wala siyang kaibigan. Pero nakita ko siya kagabi sa bar ng resort may mga kasamang lalaki. Mga kaibigan niya yata. And take note! Ang gagwapo pa nila! Halos pare pareho pa silang matatangkad!” Sabi nito na animo’y kinikilig. “At saan ka naman galing kagabi?” Tanong ko rito para maiba ang usapan. Ayaw ko kasing m

