“NAPAKASWERTE mo naman talaga Sapphire! Imagine? Lagi kang napapaligiran ng mga gwapo? How to be you po?” Sabi ni Beth nang matapos kong ikwento sa kanila ang nangyari sa akin kaya ako napadpad dito sa Bicol. “Hindi ako maswerte.” Sabi ko naman dito. Totoo naman, dahil wala na akong mga magulang at ulilang lubos na kaya hindi yon matatawag na swerte at may mga step siblings nga ako pero hindi ko naman naramdaman na naging parte ako sa pamilya nila. “Pero paano ka na ngayon? Nakita ka na ng mga kaibigan nila, magtatago ka uli? Feeling ko hindi ka naman isusumbong ng mga kaibigan nila dahil mukha namang mababait ang mga ito.” Sabi naman ni Kyla. Nakita na rin niya kasi ang mga ito kanina nang kausapin uli ako ng mga ito at pinuntahan dito sa staff quarter nang matapos ang trabaho ko. “Hin

