Kinabukasan ay tinanghali ng gising si Jen. Napatingin siya sa cellphone upang tingnan kung anong oras na. Nakita niyang mag-alas nuwebe na ng umaga kaya pinili niyang bumangon. Ramdam niya ang katahimikan ng paligid pero hindi na siya nagtaka dahil alam niyang sa mga oras na ito ay nasa school ang mga kapatid niya at ang magulang ay malamang nasa sakahan na naman. Kumuha siyang tuwalya sa maleta niya dahil napagpasyahan niyang maligo na lang muna. Balak niyang pumunta ng bayan para bumili ng ulam nilang pamilya. Dala ang mga kagamitan niya sa pagligo ay lumabas si Jen sa kwarto para makapunta sa banyo na nasa kusina ngunit hindi pa man siya nakapasok ng tuluyan sa kusina ay dinig niya ang usapan ng kapatid niyang si Dodong at ng magulang niya. Napakunot ang noo niya dahil ang akala niy

