Bigat na bigat si Jen sa mga dala niya matapos niyang bumaba sa pediccab na sinasakyan niya. Umarlika na lang siya ng pedicab matapos niyang makarating sa bayan nila papunta sa barangay kung saan nakatira ang magulang niya. Hindi kasi uso ang mag-book ng Grab dito sa lugar nila kaya matapos niyang makarating sa airport ay umarlika na lang siya ng pedicab papuntang Ceres Terminal at bumabyahe ng tatlong oras papuntang bayan nila at mula doon ay muli siyang umarlika ng pedicab papuntang barangay nila. Hindi siya pwedeng mag-jeep baka maka disturbo pa siyang ibang pasahero. Napa buntong hininga na lang siya at kinuha ang cellphone para tumawag sa bahay. Takipsilim na kasi at baka kung ano pang mangyari sa kanya sa daan kung hindi siya magpapasundo nino man sa pamilya niya. Gusto sana niya

