Chapter 28

1403 Words

Habang nag-aayos si Jen ng kwarto niya ay may kumatok sa pinto kaya naman ay pinagbuksan niya ito. Nakita niya na ang nanay Milagros niya yon kaya hinayaan niyang makapasok sa kwarto niya. “Bakit po, nay?” “Anong klase ng ugali pinakita mo sa ina mo?” sermon nito sa kanya. “Hindi naman kita pinalaking ganyan.” “Sorry, nay. Pero ayaw kung sumama sa kanya,” nakayukong wika ni Jen. Napabuga na lang ng hangin si Milagros sa sinabi ng anak. “Anak, alam kong nabigla ka sa biglang pagpapakita ng ina mo. Pero baliktarin mo ang mundo. Nanay mo pa rin yon. Siya ang nagsilang sayo. Kung wala siya wala ka rin sa buhay namin ngayon.” “Pero nay, okay na naman ako dito,” kontra ni Jen. “Mas komportable ako dito.” “Anak, subukan mo lang naman eh. Bigyan mo naman sila pagkakataon na makilala ka.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD