Papasok na si Jen sa gym kung saan nag-training ang mga ka teammates niya. Exclusive ang gym na ito para sa kanila at dito rin matatagpuan ang opisina ng team manager nila. Kanya-kanyang bati ang mga kasamahan niya pagpasok niya. “Hi, Jen,” bati ang mga ka-teammates niya. Tango at ngiti lang ang isinagot ni Jen. Mamaya na niya kakausapin ang mga ito. Unahin muna niyang kausapin ang team manager nila na siyang sadya niya ngayon. Ngunit bago pa man siya makarating sa pinto ng opisina nito ay hinarang na siya ng kaibigang ai Shamma. “Girl, bakit di ka naka jersey? Hindi ba at may practice tayo ngayon?” Tanong nito sa kanya. Ngumiti lang si Jen sa kaibigan. “Kausapin ko lang si manager.” “Bakit? May nagawa ka ba?” Curious na tanong nito. “Wala. May kailangan lang ako,” sagot ni Jen

