Chapter 17

1729 Words
“Good luck, everyone!” Sigaw ni Shamma sa mga kasamahan nila. “Good luck, guys. I-claim natin ‘to. Atin ang championship!” Sigaw din ng team captain nila. “Atin to!” Sabayang sigaw nilang lahat. Nasa locker room sila lahat ng venue kung saan gaganapin ang championship na mangyayari ngayon. Yes, they made it to the finals at ang team nila ang maglalaro. Pero kahit ganun pa man ay hindi magawang maging tuluyang masaya si Jen. Siya lang yata ang hindi alam kung ano ang totoong nararamdaman niya ngayon. Gusto niyang magsasaya dahil sa wakas au nakaabot sa championship ang koponan nila ngunit nalulungkot at nasasaktan siya para sa sarili. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na wala na talaga sila ni Racho. Wala namang sinabi ang lalaki sa kanya pero sa kilos nito at sa mga nakikita niya ay parang wala na nga sila. “Girl, natulala ka na naman,” puna ni shamma kay Jen. “Hindi, ah. Medyo kinakabahan lang ako,” sagot ni Jen sa kaibigan. “Asus, ang sabihin mo, kinakabahan ka baka makita mo na naman si Racho.” “Bakit naman siya magpapakita sa akin. Wala na nga kami diba? Saka walang pakialam sa akin yon,” sagot ni Jen. “Wag mo na siyang isipin, girl. Ang isipin mo ay ang pagiging MVP mo,” wika ni Shamma. “MVP ka dyan. Paano maging MVP ang isang tulad ko?” Angal naman ni Jen. “Asus, pa-humble pa ang friend. Lika na nga. Mag-warm up na tayo. Mamaya makibaka na tayo,” biro ni Shamma. “Sayang at wala si Lani. Mas may laban pa sana tayo kung siya ang setter natin.” Napangiti na lang si Jen sa sinabi ng kaibigan. Tama kasi ito. Kung sana nandito ang kaibigan niya mas komportable siya sa mga sets ng kaibigan niya. Kaso buntis ang kaibigan kaya di pwede maglaro. Gayun pa man kahit hindi ang setter niya ngayon ay confident naman siya sa setter nila. Mas veteran ito kaysa kaibigan. “Guys, handa na kayo? Oras na para sa entrance natin sa court,” anunsyo ng isang coach nila. Sabay na nagtanguhan ang mga teammates ni Jen at isa-isa ng naglabasan sa locker room. Napabuga naman ng hangin si Jen bago sumunod sa mga kasama. Sumabay naman sa lakad niya ang kaibigang si Shamma. “Girl, alam kong may pinagdadaanan ka ngayon pero sana hindi ito makakaapekto sa laro mo ngayon,” paalala ni Shamma sa kaibigan. “Alam ko,” tanging sagot ni Jen. “Good luck sa atin, girl. Kayang-kaya natin to.” “Oo naman. Tayo pa ba?” Sang-ayon ni Jen. Napangiti naman si Shamma at nauna na sa kanyang maglakad. Sumunod na lang din si Jen sa kaibigan papasok sa court kung saan gaganapin ang finals nila. Nang makapasok sila sa court ay pasimple niyang iginala ang mga mata niya sa paligid. Agad niyang napansin ang kaibigang si Laarni na kasama ang asawa nitong si Kyre. Sa tabi ng lalaki ay ang bodyguard ng kaibigan niyang si Shamma. Nang mapansin ni Laarni na nakatingin siya ay agad itong kumaway. “Best!” Sigaw nito habang iwinagayway ang mga kamay. Agad namang gumanti ng kaway sa best friend niya. “Good luck,best! Whatever the result is, you know I'm always proud of you!” Tumango na lang si Jen sa kaibigan. Hindi nito alam, mas bumigat ang dibdib niya sa sinabi nito. Masaya siya dahil nandito ang taong naging pamilya at sandalan niya habang narito siya sa Manila. Ngunit nalungkot siya dahil alam niyang may ibang hinahanap ang mga mata niya na sana ay makita niya ngunit alam niyang malabong makita niya pa ito. “Calijan! Stay focus!” Napaigtad si Jen sa sigaw na yon ng coach nila. “Hindi pa nagsimula ang laro pero parang lumilipad na ang utak mo. Kung hindi mo kaya, you better get out of this court now!” “Sorry, coach,” hinging paumanhin ni Jen habang nakayuko, hindi dahil napahiya siya kundi dahil anumang oras ay tutulo ang kanyang luha. Sa buong buhay ng paglalaro niya ng volleyball ay ngayon lanh siya nawala sa focus. Kaya naman kahit mabigat ang dibdib niya ay pinilit niyang mag-focus sa warm up nila. Hanggang sa nagsisimula na ang game nila. “Jen!” Sigaw ng setter nila matapos i-set sa kanya ang bola. Agad namang pumuwesto si Jen upang paloin ang bola ngunit sa sobrang taas ng pagka-set ay hindi niya naabot ang bola dahilan upang lumagpas lang ito court. Kitang-kita ni Jen ang disappointment sa mga mata ng teammates at coaches niya. “Sorry,” mahinang wika ni Jen. Wala man lang siyang nakuhang tugon mula sa mga teammates niya. Kita niya sa mga mata nito na sinisisi siya sa error niyang iyon. “It's okay, girl. Di mo naman sadya,” bulong ni Shamma sabay tapik sa kanya. Kung disappointment ang nakikita niya sa mga ibang ka-teammates niya, awa naman ang nakikita niya sa mukha ng kaibigan. Kaya mas lalong nanunubig ang gilid ng mga mata niya. “It's okay, it's okay,” niyakap na siya ng kaibigan. “Sorry,” tanging sabi ni Jen. Gustohin pa mang mag-emote ni Jen ay hindi na niya magawa dahil nagsimula na muli ang lang. Kaya naman pinilit niyang mas mag-focus pa sa laro. Ngunit kahit anong pilit niya ay naging sunod-sunod pa ang mga errors niya. “Jen!” Muling isi-set ng setter sa kanya ang bola. Pinalo naman ito ng malakas ni Jen ngunit sa sobrang lakas ng pagka-spike niya ay lumagpas sa line ang bola dahilan upang maging outside ang hatol ng lineman. Napaupo na lang si Jen dahil maging aiya ay disappointed na rin sa sarili. “Goodness, Jen. Asan ba utak mo?!” Sigaw ng captain nila sa kanya. “Sorry,” tanging sabi ni Jen. Napailing na lang ito saka iniwan siyang mag-isa. Hindi man lang siya tinulungan na makatayo. Hindi pa man siya nakatayo ay biglang nag-request ng substitution ang coach niya kaya naman ay wala ng magawa si Jen nang ilabas siya sa coach. Wala man lang pumansin sa kanya nang makarating siya siya sa bench kaya para siyang basang sisiw na umatras na lang at pumupwesto sa likod. Hanggang sa matapos ang set 1 na talo ang koponan nila. Kitang-kita sa mga ka team at coaches niya ang pagkabigo. Gustuhin mang i-left up ni Jen ang mga kasama ay alam niyang isa siya sa mga dahilan kung bakit natalo ang team. “Okay, girls. Bawi tayo sa second set,” wika ng head coach niya matapos makalipat ng court. “Calijan, focus. Ikaw ang mas kailangan ngayon pero ikaw pa ang unang nagkakalat,” sermon ng nito sa kanya. “Sorry, coach,” hinging paumanhin ni Jen. “Focus, Jen. Focus. Or mamaalam kana sa volleyball career mo,” banta nito sa kanya. Napatango ma lang si Jen sa sinabi ng coach niya kahit ang totoo ay parang may kumagat na malalang hayop sa dibdib niya. Pakiramdam niya ay sobrang hapdi ng dibdib dahil dito. Ito ang unang pagkakataon na nawala siya sa focus ngunit mukhang ito rin ang maging katapusan ng lahat. Nang magsimula muli ang set ay nakapag-focus na si Jen ngunit kung kailan nasa momentum na siya ay saka naman nagkalat ang mga kasamahan niya kaya ang nangyari ay tuluyan silang natalo ng kalaban nila. Hindi nila nakamit ang championship ngunit nakamit naman nila ang silver. Ganun pa man ay naging masaya ang ka-team niya sa medalyang nakuha nila. “Now let's welcome our silver medalist, M& Berries Flying Troops!” Sigaw ng announcer. Kanya-kanya silang palakpakan at sabay-sabay na pumatong sa podium. Pilit ang ngiting ipinakita ni Jen kahiy kita sa mga mata ang lungkot niya. Masaya siya sa nakuha nila ngayon ngunit dinibdib pa rin niya ang sinabi ng coach nila kanina. Matapos sa masabitan ng medalya ay may kanya-kanya g pa congrats ang mga bawat isa. Ngunit si Jen na imbis makisaya ay mas pinili niyang umi-exit sa venue kung saan naganap ang laro. Wala namang nakapansin sa kanya kaya malaya siya g nakabalik sa locker room nila. At doon ibinuhos niya ang kanina pa piniligilang luha. Iyak siya ng iyak na di niya namalayan ang pagpasok ng kaibigan niyang si Laarni. Yumakap ito sa kanya kaya mas lalo siyang napahagulhol. Tinapik-tapik naman siya ng kaibigan. “Sige lang, iyak mo lang yan, best,” pag-alo nito sa kanya. “Best, I'm a failure,” sabi niya sa pamamagitan ng hikbi. “Binigo ko kayong lahat.” “Huh? Who says?” Kontra nito sa kanya. “Ako nga di natapos ang season, buntis na. Tapos ikaw natapos, silver medalist pa.” “Iba naman yon,” kontra ni Jen. “Best, hindi ka failure. Infact, marami ka nang narating at alam kong mas marami pa ang marating mo. Nag-uumpisa ka pa lang. Yung pagkabigo mo ngayon? Ngayon lang lang. Bukas, makalawa hindi kana mabigo. Kasi alam ko na malakas ka, at kaya mong harapin kung ano man ang problema,” payo ni Laarni sa kanya. Napakalas naman si Jen mula sa pagka yakap sa kaibigan. “Kung titigil ba ako sa paglalaro. Pipigilan mo ako?” “Hindi,” sagot ni Laarni. “Alam ko naman na hindi ka titigil kasi passion mo ang paglalaro, di ba?” Napatango na lang si Jen sa sinabi ng kaibigan. Saka pinahid ang mga luha sa pisngi niya. Maya-maya ay ngumiti siya sa kaibigan. “Thank you, best. Salamat sa pagdamay mo sa akin ngayon.” “Naman, sino ba namang nagdadamayan kundi tayo lang talaga,” nakangiting tugon din ng Laarni. Napangiti na rin si Jen dito. “Ayeee, nakangiti na siya. Payakap nga ulit sa kaibigan kong silver medalist sa unang season niya sa pro.” “Loka ka talaga, best,” sabi ni Jen at muling yumakap sa kaibigan. “Oi, oi, oi, bakit kayo lang? Sali ako,” biglang singit ng kaibigan nilang si Shamma. At di na hinintay pa ang approval nila. Agad nila nitong dinambahan. At doon nagsunod-sunod ang ilang teammates nila na ngayon ay nakapasok na pala sa locker room nila. Napuno ng hiyawan at sigawan ang locker room nila. Maya-maya ay nag-aya ang team manager nila na maghapunan ang buong team sa labas bilang celebration ng pagkapanalo nila ng silver.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD