Chapter 16

2173 Words
“And standing beside me is our player of the game, Jennifer Calijan of M & Berries Flying Troops!” Anunsyo ng courtside reporter na si Anna Dela Torre. Nagpalakpakan ang lahat lalo na ang mga teammates ni Jen na nasa likod lamang niya. Ang kukulit ng mga kasamahan niya. Hindi pa nakontento ang mga ito, sinabunutan pa siya ng mga ito mula sa likod. “Aray,” natatawa na reklamo ni Jen sa mga ito. Natawa na rin sa kanila ang reporter. “Jen, alam ko na nag-enjoy pa kayo sa pagkapanalo n’yo ngayon pero tatanungin kita, anong nararamdaman mo ngayon?” tanong ni Anna kay Jen. “Mix emotion. Kabado pero masaya na naitawid namin ang game na ito,” sagot ni Jen. “Yes, kahit kami pati mga fans n'yo lalo na at umabot pa kayo sa five sets against sa kalaban n'yo. Paano n'yo nagawa yon, lalo na ikaw ang may malaking ambag ngayon? Di ko ma-imagine na umabot ng 35 points ang puntos mo ngayong araw? Inspired ka ba?” Tukso ng reporter sa kanya. Muntik pang maismid si Jen sa huling tanong ng reporter sa kanya. Kung pwede lang sabihin na inisip niyang mukha ni Racho ang pinapalo niya habang ini-spike niya ang bola ay ginawa na niya. Ngumiti na lang siya ng hilaw sa reporter. “Composure lang sa gitna ng laban at ina-adjust kung ano ang pwede naming magawa para ipanalo ang laro,” sagot na lang ni Jen. “Yes, kitang-kita ko nga kanina kung paano kayo ka-compose habang nasa loob ng court. Pero Jen, aside sa composure n'yo, meron pa ba kayong ibang ginawa?” Tanong pa ng reporter na tila nakulangan sa sagot niya kanina. “Prayers. Pinagdasal talaga namin ang panalo na ito. Gusto naming makapasok kahit sa semis man lang. Kaya hindi nakapagtataka na ganun na lang ang urge namin na ipanalo ang laro,” sagot ni Jen sa tanong. “That's right, prayers is the best,” sang-ayon ng reporter. “Kaya naman Jen, may gusto ka bang pasalamatan?” “Thank you sa lahat ng pumunta at nag-cheer sa amin!” Sigaw ni Jen sabay harap sa mga fans nila. Kumaway-kaway pa siya sa mga ito na mas lalong naging dahilan upang maghiwayan ang mga ito sa kani-kanilang upuan. Kaya naman ay napangiti at naaliw si Jen sa kanila. “Maraming salamat po sa inyo. Sa Management ng M & Berries at sa coaching staff, Salamat. Sa lahat ng nanunuod sa kanilang mga bahay, thank you, thank you po!” Pagpapatuloy ni Jen. “Alright, once again our player of the game, Jennifer Calijan!” Muling pakilala ng reporter sa kanya. “Thank you,” sagot ni Jen sabay yuko bilang paggalang. Tumalikod siya at sinamahan ang mga kasamahan niya na nagkulitan pa rin sa likod. Mas lalong nagkulitan ang mga kasamahan niya nang sumali siya sa kanila. Sabay-sabay silang nagtalon-talon at kalaunan ay muli silang mag circle form at sabay-sabay nagyukuan sa harap at likod ng fans kahit na ginawa na nila ito kanina. “Okay, ladies, get ready to exit,” intruct ng isa sa mga coach nila. Sabay-sabay silang nagtanguhan at dahan-dahang umi-exit mula sa arena kung saan ang laro nila papunta sa locker room kung saan nakatalaga para sa kanila. “Girl, wala ka namang lakad ngayon di ba?” Bulong na tanong ni Shamma sa kay Jen habang papunta sa locker room. “Wala naman, bakit?” tanong ni Jen. “Shopping tayo after nito,” paanyaya nito sa kanya. “Ano kasi-” “Don't worry, girl. Akong bahala sayo. Ihahatid ka rin namin pauwi,” putol nito sa akmang pagtanggi ni Jen. “Sige na nga. Samahan na kita,” sang-ayon ni Jen na parang napipilitan pa. “That's my girl,” natutuwang sambit ni Shamma sabay halik sa pisngi ni Jen bago bago pumasok sa shower dito sa locker room. Napangiti na lang din si Jen saka naghahanda na din para mag-shower. Natigilan siya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Senyales na may nag-chat sa kanya. “Congrats, best. Ramdam ko na ang pagiging MVP mo this conference,” basa niya sa mensahe ni Laarni sa kanya kaya napangiti si Jen sabay iling. “Gagi, best. Ang layo pa sa katotohanan yang sinasabi mo,” reply niya sa kaibigan. Hindi na niya hinintay pa ang reply nito at diretso na siya sa shower nang makitang tapos na ang isa sa mga kasama niya kaya may bakanteng shower na. Hindi naman siya nagtagal sa loob dahil alam niyang niyang may naghihintay pa na mga kasamahan niya. Ang importante lang naman ay mawala ang lagkit sa katawan niya para hindi siya amoy pawis kapag lalabas na sila sa arena. May mga fans pa naman na naghihintay ng paglabas nila. Saktong pagkatapos niyang magbihis ay nagyaya na agad si Shamma na aalis na sila kaya tumango na lang si Jen bilang pagsang-ayon. “Bye, guys. See you tomorrow,” paalam ni Shamma sa mga kasamahan nila saka naglakad patumgong pinto dala ang maleta nito “Bye!” Kanya-kanyang sagot naman ng mga ka-teammates niya. Tumango lang si Jen sa kanila bago sumunod sa kaibigan palabas ng locker room. Agad namang sumalubong sa kanila ang bodyguard ni Shamma na si Oliver at kinuha ang maleta ng huli na agad namang ibinigay. Gusto mang mapa- ‘Sana all’ ni Jen ay sinarili na lang niya. Iba talaga pag lumalaking mayaman, may bodyguard na, may taga-bitbit pa ng gamit. “Miss Jen, ako na rin ang magdala ng maleta mo,” offer ni Oliver sa kanya. “Naku, hindi na ho. Kayang-kaya ko naman,” tanggi ni Jen. “Sigurado ka?” Tanong pa nito. “Oo naman. Ilang taon ko na kayang ginawa to,” sagot ni Jen. Tumango na lang ang lalaki at hindi na pinilit na kunin pa ang maleta niya. Hanggang sa makarating sila sa parking lot na walang disturbo. Walang fans na nagpapicture sa kanila. Marahil ay dahil ongoing ang second game ngayong araw kaya nasa loob na ang lahat. “Girl, diretso na tayo sa mall,” sabi ni Shamma sa kanya. “Okay,” tanging sagot ni Jen sa kaibigan. Kinuha ni Oliver ang maleta niya at inilagay sa compartment ng sasakyan. Hindi na komontra pa si Jen dahil alam niyang mahihirapan siya kapag katabi niya ang maleta sa back seat. Nang matapos malagay ay kanya-kanya silang pwesto ng upuan. Siya sa back seat samantalang si Shamma sa passenger seat at si Oliver sa driver's seat. Kukuntra pa sana ai Shamma dahil gusto nitong tumabi kay Jen sa likod ngunit sinopladohan lang ito ng lalaki kaya naman ay padapog itong sumakay sa unahan. Natatawa na lang si Jen sa dalawa. Para silang mga aso at pusa kung magsagutan ngunit sa huli ay ang lalaki pa rin ang masusunod kahit pa sabihin na amo niya ang babae. Nang makarating sa mall ay agad silang bumaba sa sasakyan matapos ihinto ni Oliver ang sasakyan sa entrance. Mahigpit itong binalaan ni Shamma na wag sumunod sa kanila. Kibit balikat lang sagot ng lalaki sa kaibigan. “Let's go, girl. Bahala na siya sa buhay niya,” akay nito sa kanya sabay kapit sa braso niya. “Ikaw talaga, girl. Pinapahirapan mo yong tao,” saway niya sa kaibigan. “Nakakainis kasi, girl. Sino ba ang amo sa aming dalawa? Di ba, ako? Kung makaasta siya parang ako yung utusan sa aming dalawa,” reklamo ni Shamma. “Baka naman nag-alala lang sayo. Trabaho niya ang protektahan ka,” sabi pa ni Jen sa kaibigan. “Whatever,” sagot ni Shamma sabay rolyo ng mata. “Lika na nga, mag-enjoy tayo.” Kung saan-saang shop sila nakarating. At bawat shop na mapapasukan nila ay hindi pwedeng wala mabili si Shamma. Samantalang si Jen ay tamang tingin-tingin lang sa naka-display. Wala naman kasing balak si Jen bumili ng mga gamit dahil maliban sa di naman niya kailangan ay wala rin siyang budget. Pang-grocery lang ang meron siya dito. Ayaw naman niyang dito mag-grocery sa mall dahil medyo mahal ang bilihin dito. “Girl, try this one,” sabi ni Shamma sa kanya sabay abot ng yellowish dress. Maganda ang pagkakatabas nito at panigurado na kapag isuot ay lalabas ang kurba ng katawan. Idagdag pang backless style kaya kitang-kita ang likod kapag isuot ang damit. Kinuha naman ito ni Jen at tiningnan ang price. Halos lumuwa ang eyeball niya sa halaga ng damit. Five thousand ba naman ang price nito. “Wag na, girl. Hindi kasya sa akin yan,” sabi na lang ni Jen para hindi ma-offend ang kaibigan. “Presyo ba naman kasi ang tiningnan mo kaya hindi na agad kasya,” natatawa na wika ni Shamma. “Just try, girl. Akong bahala.” “Hindi na talaga, girl,” tanggi pa ni Jen. “Isukat lang naman,” sabi pa ni Shamma. “Sige ka, pag ayaw mong isukat yan, magtatampo ako sayo.” Wala ng nagawa si Jen kundi isukat ang damit. Ayaw din naman niyang magtampo ang kaibigan kaya no choice siya kundi isukat. Pumasok siya sa dressing room at doon nagpalit ng damit. Matapos makabihis ay tiningnan niya ang sarili sa salamin at halos mapanganga siya sa itsura niya. Parang hindi siya ang nakita niya sa salamin. Nakalugay pa lang ang buhok niya at wala pa siyang make up sa mukha pero kitang-kita ang hubog ng katawan niya. Nasanay kasi siya sa plain t-shirt at loose pants na laging suot niya kaya hindi na niya napansin ang ganitong pangangatawan niya. “Girl, matagal ka pa ba dyan?” Tinig ni Shamma mula sa labas. Para namang natauhan si Jen sa boses ng kaibigan. “Andyan na, girl.” Sinuklay muna ni Jen ang buhok niya gamit ang mga daliri niya saka muling tumingin sa salamin. Lumunok muna siyang laway saka tumalikod upang buksan ang kurtina na nakatabing sa dressing room. Hindi siya comfortable sa suot niya ngunit kailangan niyang ipakita sa kaibigan. Pag bukas niya sa kurtina ay sabay nag-angat ng tingin ang mga tao sa kanya. Kitang-kita niya kung paano napanganga ang kaibigan sa suot niya. Ngunit ang mas hindi niya inaasahan ay ang reaksyon ng taong nasa likod ng kaibigan niya. Kitang-kita niya ang pag-igting ng panga nito at ang pagkuyom ng kanang kamay nito. Hindi niya inalis ang tingin sa lalaki. “Wow,” Sambit ni Shamma ngunit hindi na niya pinapansin ang kaibigan. Nanatili ang mata niya kay Racho. “Let's go,” wika nito sa babaeng nakahawak sa braso. “Sure, love,” sagot nito. “Alis na kayo, bro?” Tanong ni Oliver sa kanila. “Yes,” sagot nito at diretso ng lumabas sa shop. Saka pa lang nagsilaglagan ang luha na kanina pa pinigilan ni Jen. Agad naman siyang dinaluhan ni Shamma. “It's okay, girl. It's okay,” sabi nito sabay yakap sa kanya. “Hindi siya kawalan.” Pinahiran naman ni Jen ang pisngi niyang basang-basa sa luha saka kumalas mula sa pagkayakap ng kaibigan. “Okay lang ako, girl. Nagulat lang ako nang makita siya,” sinisinok na wika ni Jen. “You should be! Ang ganda-ganda mo tapos sasayangin mo lang ang luha mo sa gagong yon? Abay putang-ina niya!” Malakas na wika ni Shamma. “Mind your words, Shamma.” Matikas na saway ni Oliver sa dalaga. “Totoo naman, ah! Letse siya!” Hirit pa ni Shamma na tila mas naging apektado pa kaysa sa kanya. “Tama na yan, girl. Mag-move on na lang tayo,” saway ni Jen sa kaibigan. “Right! Mag-move on tayo. May darating pang mas higit pa kaysa mga taong una nating minahal,” sang-ayon ni Shamma na tila may pinaparinggan sa mga sinasabi. Rinig din ni Jen ang pagtikhim ni Oliver sa likod nito. “Anyway, girl. Hubarin mo na ‘to dahil bayaran natin to sa cashier. Sayo na ang dress na ito.” “Kahit hindi na, girl. Wala naman akong pag-gagamitan nito,” tanggi pa ni Jen. “No. You need that. Malay natin in the future, magagamit mo ito. Isa pa, gift ko yan sayo, hmmm?” “Sige na nga,” sabi ni Jen saka muling bumalik sa dressing room para magpalit ng damit. Nang matapos ay binayaran na nila sa cashier ang damit saka napagdisisyonan nilang umuwi niya. Dumaan pa sila sa restaurant para makapag hapunan bago siya inihatid ng mga ito sa apartment na nirentahan niya. “Bye, girl. Salamat sa pagsama,” paalam ni Shamma sa kanya matapos niyang lumabas sa sasakyan. “Bye. Salamat sa pagkain saka sa damit,” pasalamat din ni Jen. “No worries, girl. Bye, see you tomorrow,” paalam muli nito. “Bye,” sagot ni Jen saka kumaway sa kaibigan. “Oliver. Ingatan mo kaibigan ko.” Tumango lang ang huli saka pinatakbo na ang sasakyan. Nang mawala na sa paningin niya ang sasakyan ng mga ito ay saka pa lang siya tumalikod at pumasok sa building kung saan ang apartment niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD