Chapter 15

2020 Words
Pagkalipas ng ilang linggo ay naging busy na sa kanya-kanyang trabaho sina Jen at Racho. Si Jen sa kanyang volleyball career samantalang si Rancho sa kanyang pagiging piloto. Walang problema noong una, may communication pa sila sa isa’t-isa. Nag-chat, nag-video call kapag may pagkakataon at magkatugma ang mga oras nila hanggang sa unti unti na talagang nawala. “Best, hindi pa rin ba tumawag si Racho sayo?” Tanong ng kaibigan niyang si Laarni sa kaibigan. Kasalukuyang nasa condo si Jen ng kaibigan niyang si Laarni. Dinalaw niya ito dahil ilang linggo na rin itong nagmumukmok sa condo. Natakot kasi itong lumabas baka malaman ng lahat ang sitwasyon nito. Marahang umiling si Jen sa kaibigan. “Wala, best. Ilang linggo na.” “Baka busy pa yon,” pag-alo ni Laarni sa kaibigan. “Kahit busy pa yon, gagawa at gagawa pa yon ng paraan para makausap ako. Kaso wala eh,” Malungkot na sagot ni Jen. Tinapik na lang ni Laarni ang balikat ng kaibigan. Alam talagang malungkot ang kaibigan dahil sa hindi pag-contact ng kasintahan nito. “Eh, ikaw, best? Hanggang kailan ka magpapahabol sa asawa mo?” Tanong ni Jen sa kaibigan para maiba ang topic nila. “Bahala siya sa buhay niya. Doon na lang siya sa kabit niya,” mabilis na sagot ni Laarni pero kita pa rin sa mata na nalungkot at nasaktan siya sa nangyari. Ikaw ba naman ang madatnan na may kasamang iba ang asawa mo sa kama at himbing na himbing pa ang pagtulog. Sinong hindi masasaktan pag makita mo yon? “Best, ipalala ko lang sayo, ah? Buntis ka. Kailangan mo ang tulong ni Kyrie,” nag-alala na wika ni Jen sa kaibigan. “No need, best. Nandito ka naman, di ba? Isang tawag ko lang sayo agad na narito ka,” sagot ni Laarni. “Best, hindi sa lahat ng pagkakataon narito ako. Lalo na ngayon, sunod-sunod ang lato namin,” rason ni Jen. “Sayang, hindi na ako makakalaro ng volleyball,” malungkot na wika naman ni Laarni. “Ano ka ba naman, best. Hindi naman abutan ng ilang taon ang pagbubuntis. Malay ba natin baka pagkapanganak mo, nag-set kana agad ng bola sa amin,” sabi naman ni Jen. Bahagyang natawa si Laarni sa kaibigan. Kahit kailan talaga pang happy pill ang dala ng kaibigan niya ito. Napaka-positive ang pananaw nito sa buhay. Siguro ay dahil lagi ito sa hirap at pangarap iahon ang pamilya kaya ganito na lang ka pursigido si Jen. “Alam mo, best. Kain na lang tayo sa labas. Libre ko,” pag-aya ni Jen sa kaibigan. “Alam mo namang takot akong lumabas,” tanggi ni Laarni sa kaibigan. “Ayaw mo talaga?” Panigurado ni Jen na tinanguhan lang ni Laarni. “Sige, ako na lang bibili. Anong gusto mo?” “Jollibee,” sagot ni Laarni. “Puro ka nalang fast food, best.” Natatawa na wika ni Jen. “Pero sige, dahil yan ang gusto mo pa deliver na lang tayo.” Napangiti naman si Laarni na parang batang tuwang-tuwa dahil napagbigyan ang gusto nita. Kaya naman ay nag-order na lang si Jen ng mga nais ng kaibigan. Habang naghihintay ng order nila ay naging busy sila sa pag-scroll-scroll ng mga social media accounts kasabay ng pag-uusap nila nang kung ano-ano. Basta may mapag-usapan lang. Magulat na lang si Jen nang biglang napasinghap ang kaibigan. “Bakit best? May masakit ba sayo?” Nag-alala na tanong ni Jen sa kaibigan. “OMG, best!” Sigaw ni Laarni. “Bakit?” “Promise me, hindi ka maniniwala nito.” “Bakit nga?” Naguguluhan na rin si Jen sa inasta ng kaibigan. Alam niyang may pagka-OA minsan tomg kaibigan niyang ito pero madali naman niyang ma-detect kung anong nais nito. “Promise muna, best,” pagpumilit ni Laarni kaya napatango na lang si Jen. “Oo, promise,” sabi na lang din niya sabay taas ng kaliwang kamay niya. Nag-alala man ay dahan-dahang ipinakita ni Laarni ang cellphone niya kay Jen. Napatingin naman si Jen sa screen upang tingnan kung ano ang ikagulat ng kaibigan. Napakuyom na lang si Jen ng kamao ng makita ang lalaking may kasama na babae at nakapulot pa sa baywang nito habang nasa likod. Gusto man niyang isiping lasing lang ito pero kitang-kita naman sa awra nito na preskong-presko pa at naka-pilot uniform pa. “B-best?” nag-alala na tanong ni Laarni kay Jen. “Okay ka lang?” Saka pa lang parang natauhan mula sa pagkatulala si Jen. “Huh? Ah, oo. Okay lang ako, best.” “Wala naman sigurong malisya ang nakita natin, diba?” Sabi pa ni Laarni. Nagkibit balikat na lang si Jen sa tanong na yon ng kaibigan. Hindi niya alam kung paano mag-react sa nakita niya. Gusto man niyang isipin na baka kapamilya lang yon ng lalaki ngunit kung pagbabasihan ang caption ng post ay masasabi higit pa doon ang relasyon ng dalawa. ‘Thanks for being my pilot for today, Love.’ Yan ang caption ng post ng babaeng kasama siya kung saan naka tag ai Racho. Hindi rin nakalagpas kay Jen ang comment ng binata sa post na nagsasabing ‘You're always welcome, Love. Looking forward to our next flight together.’ Magsasalita pa sana si Laarni nang tumunog ang doorbell ng condo kaya naman ay dali-daling tumayo si Jen. “Ako na magbukas. Baka dumating na ang order natin.” Yun lang at diretso na siyang tumayo papunta sa pintuan. Naiwang nakamata lang si Laarni sa kaibigan. For the first time, hindi niya mabasa kung anong nararamdaman ng kaibigan niya. Dati, madali lang niyang mabasa kung anong nais o nararamdaman nito pero ngayon ay naging blurry na sa paningin niya. “Let's eat na, best. Gutom na ako,” wika ni Jen nang makabalik siya. “Okay,” sagot na lang ni Laarni at pumupwesto na sa sofa para makakain. Kahit noong kumain na sila ay kapansin pansin pa rin ang pagiging tahimik ni Jen kaya naman ay hindi na rin nagsalita si Laarni. Ngunit kalaunan ay siya na rin ang unang bumasag sa katahimikan na yon. “Best, wag mo muna isipin yon. Baka acquaintance lang niya yon,” basag ni Laarni sa katahimikan. “Hindi ko lang ma-gets, best. Hindi siya nagpaparamdam tapos malalaman ko lanh na masaya naman pala siya sa iba.” “Hindi pa naman tayo sigurado non, best. Baka naki-picture lang,” console pa rin ni Laarni. “Ewan ko lang, best. Wag ko lang talagang malaman na tama ang hinala tapos talaga kami.” Napabuga na lang ng hangin si Jen matapos sabihin yon. Ngumiti si Laarni sa kaibigan. Ganun din ang ginawa ni Jen kahit halatang pilit lang. Maya-maya ay naging magaan na rin ang atmosphere nilang magkaibigan. Nagbibiruan, nagkwetuhan nang kung ano-ano, hanggang sa nagpaalam na si Jen na umuwi sa apartment niya. “Sure ka bang okay ka lang dito, best?” Nag-alalang tanong ni Jen kay Laarni. “Best, okay lang talaga ako. Wag kang mag-alala,” paninigurado ni Laarni. “Sige, basta mag-ingat ka dito ha? Di pa naman kita masasamahan kasi sunod-sunod na ang laro namin.” “Yes, best. Don't worry about me. Kaya ko ang sarili ko,” sabi pa ni Laarni. Tumango na lang si Jen saka tuluyan ng nagpaalam. Nag-alala pa rin siya sa kaibigan dahil sa nangyari sa kanilang mag-asawa ngunit alam man niyang kaya nito kung anoman pinagdaanan nito. Napabuga na lang ng hangi si Jen saka pumara ng taxi pauwi sa apartment niya. Gustuhin man niyang mag-jeep para makatipid ngunit nais niya munang mapag-isa sa ngayon lalo na at ang isip niya ay nandoon lamang kay Racho at sa babaeng kayakap nito. Napailing na lang si Jen sa sarili. “May problema po ba, ma’am?” Tanong ng driver ng taxi na sinakyan niya. “Wala, kuya. May naisip lang ako,” sagot niya. “Kung ano man yan, ma’am. Wag kang mag-alala, malagpasan mo din yon,” sabi pa ang driver. Napangiti naman si Jen dito. “Ito talagang si kuya, oh. Halata bang may problema ako?” Dinaan na lang sa biro ni Jen ang tanong. “Opo, ma’am. Halatang-halata,” sagot nito. “Pero wala rin sa mukha mo na hindi kayang lagpasan ang mga iyon.” Napangiti naman si Jen. “Salamat, kuya.” Tumango lang ang driver at nagpatuloy sa pag-drive. Ilang saglit pa ay narating na nila ang apartment kung saan naka-upa si Jen. “Salamat, kuya,” anya ni Jen sa driver sabay abot ng 300 pesos na pamasahe niya. “Keep the change na lang po, kuya.” “Salamat, ma’am,” pasasalamat ng driver. “Good luck po sa game nyo bukas.” Nanlaki ang mata ni Jen sa narinig. “Kilala mo ako, kuya?” “Oo naman. Sinong hindi makakilala sa inyo kung palaging panalo ang M & Berries sa laro n’yo?” Natatawang sagot ng driver. “Grabe si kuya, kaya nga ako nag-taxi para walang makakilala sa akin. Confident pa naman ako na di mo ako kilala tapos ganito pala,” kunwari masungit na wika ni Jen. Natawa naman ang driver. “Pwede pa picture, ma’am? Papakita ko lang sa anak ko kasi idol ka niya.” “Sige po, walang problema,” sagot ni Jen at pumu-pwesto na para makapag-picture kasa ang kuya. Tuwang-tuwang inilabas naman ng driver ang cellphone niya at nag-front camera picture sila. Naka-ilang pictures pa sila bago tuloyang nagpaalam si Jen. “Salamat, kuya.” “Salamat din, ma’am,” sabi ng driver at tuluyan ng pinatakbo ang taxi. Bumuntong hininga namam si Jen at tumalikod na para makapasok sa building kung saan ang apartment niya. Pagkapasok niya sa apartment niya ay agad siyang nag-dive sa kama niya. Pakiramdam niya ay sobrang dami niyang ginagawa kahit wala naman dahil pagod na pagod ang katawan niya. Ipipikit na sana ang mga mata nang biglang nag-ring ang cellphone niya. Kaya napabalikwas siyaang bangon upang tingnan kung sino ang tumawag at nakita niyang si Shamma ito. “Hi, girl. May problema ba?” Tanong niya pagkasagot ng tawag nito. “Have you seen the post?” “Post?” balik na tanong ni Jen. “About Rancho,” sagot nito. “Ah…” yon na lang ang sagot ni Jen. “Anong ah? Yan lang reaction mo?” Medyo hysterical ito ng sabihin yon. “You know who's the girl?” “Bakit? Sino ba siya?” Tanong ni Jen na kunwari hindi intrisado sa babae. “Well, I asked Oliver about them and he said, she is Racho’s new girlfriend.” Boom! Parang bombang sumabog yon sa pandinig ni Jen. Umigting ang panga niya at halos magtunugan ang mga ngipon niya sa sobrang titimpi niya na wag sumigaw sa galit. “I see,” yon na lang ang nasabi niya sa kausap niya. “What happened? I taught, kayo pa rin ni Racho?” Tanong ni Shamma. “Nakita mo naman ang post nila di ba? That's means wala na kami. Hindi sila mag-post ng ganyan kung kami pa.” “Girl…” “It's okay. Buhay nila yan. Wala tayong magagawa. Good luck na lang sa kanila. Sana magtagal sila,” wika ni Jen sa kaibigan. “Anyway, I'll hang up na, girl. Masakit ang ulo ko. May training at laro pa tayo bukas.” “Okay, girl. See you tomorrow,” yon lang at ibinaba na rin ang tawag. Bang mawala ang kaibigan sa kabilang linya ay saka lang pinakawalan ni Jen ang kanina pa niya pinipigilang luha. Padapang sumubsob na lang siya sa unan at doon ibinuhos ang lahat. Hindi niya akalain na maranasan niya ang ganitong sakit nang dahil lang sa isang lalaki. Nagtiwala siya sa pangako nito ngunit sa bandang huli ay ito lang din mismo ang sumira sa pangako niya. Patuloy pa rin sa pag-iiyak si Jen hanggang sa wala na siyang mailuha pa. Dala na rin ng pagod at mugtong mga mata ay nakatulogan na lang ni Jen ang sakit na nararamdaman. Nakatulog siyang may hinanakit sa taong inakala niyang karamay niya sa lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD