Chapter 14

2064 Words
“What do you think, Sweetie? Okay na ba to sayo?” tanong ni Racho kay Jen. Nasa isang apartment sila ngayon na napiling uupahan ni Jen. Ngayon lang kasi ang free time nilang dalawa para maghanap ng mauupahan. “Oo, pwede na sana to,” sagot ni Jen. “Malaki na nga to eh. May sariling kwarto, kusina, saka cr. Okay na okay na to. Kaya lang mukhang mahal. Di ko yata kakayanin.” “Why not, sweetie? May trabaho ka na rin naman,” sagot ni Jen. “Racho, may pamilya ako. Hindi lang para sa akin ang kikitain ko,” saad ni Jen. “How about, ako muna ang magbabayad hanggat hindi mo pa kayang bayaran to?” Suggestion ni Racho. “Hindi na. Hanap na lang tayo ng mas mura,” saad ni Jen at akmang lalabas na nang hilain siya ni Racho. “Sweetie, ako na. Okay? Or else, I won't let you have your own space. Mas okay nga yon. Nasa condo ka na lang titira,” panakot ni Racho sa kasintahan. Natatawang pinulupot ni Jen ang mga bisig sa kasintahan. Gumante naman ng yakap si Racho. “Ikaw talaga lagi mo akong dinaan sa takot,” wika ni Jen. “Sige na nga, payag na akong ikaw muna magbayad. Pero ngayon lang ha? Ako na magbayad sa sunod.” “Alright, sweetie. Kapag kaya mo na,” saad naman ni Racho. “Thank you. Dami mo nang naitulong sa akin. Hindi ko alam kung paano pa kita mababayaran,” sabi ni Jen. “I'm not asking to pay me, sweetie. It's one of my obligations to you as a boyfriend,” saad ni Racho. “Hindi ah. Hanggat hindi tayo mag-asawa. Wala kang obligasyon sa akin,” salungat ni Jen sa sinabi ng nobyo. “Alright, you're the boss, sweetie,” saad nito at hinalikan siya sa noo. Napangiti naman si Jen. “So, kailan mo balak lumipat dito?” “Kapag okay na kay tita Ethel na lumipat ako dito. Alam mo naman yon, parang ina ko na rin siya.” "Yes, tita Ethel is like a mother to you. Kaya I'm sure, mahihirapan kang magpaalam sa kanya,” saad ni Racho. “Kaya nga. Pero tulungan mo naman akong magpaalam diba?” tanong ni Jen at nag kumapit pa sa braso ni Racho habang nakatingin sa mukha nito. “Of course, sweetie. I will help you convince tita Ethel,” sagot ni Racho. “Yay! Thank you,” natutuwang wika ni Jen. “Welcome, sweetie. I will do anything for you,” sagot ni Rancho. Yumakap na lang si Jen sa nobyo. Ang blessed talaga niya at nagkaroon siya ng ganito ka maalagang boyfriend. Yung handang ibigay sa kanya kung anong kailangan mapasaya siya. “So let's go home,” pag-aya ni Eacho sa kanya. “Kina tita Ethel?” tanong ni Jen. “No. At my place,” sagot ni Racho. “Okay,” tanging wika na lang ni Jen at kumapit na sa binata. Sabay silang ng lalakad palabas. Naabutan nila ang landlady na nakatambay sa kanila na lumabas mula sa apartment. “Ma’am, get that room. Please, reserve it for us. Thank you,” wika ni Racho. “Sige po. I-reserve ko yon para sa inyo. Pero wag masyadong tagalan dahil kapag lumagpas kayo sa isang linggo, ibibigay ko na sa ibang gustong uupa rin,” sagot ng landlady. “Sure, I'll be back quickly,” sagot ni Racho dito. Tumango lang ang landlady kaya naman ay nagpaalam na silang umalis na. Hindi na nila initindin ang ibang sinabi nito. Basya na lang sila umalis sa harap nito at dumiretso na sa sasakyan nila. Agad na pinatakbo ni Racho ang sasakyan matapos nilang makapasok sa loob. Mabilis naman silang nakarating sa condominium kung saan ang unit ng lalaki. Agad naman silang umakyat sa unit ng lalaki. As usual, si Kyre na naman ang nakakatuka sa kusina samantalang si Jen ay prente lang na nakaupo sa sofa habang nanunuod ng twilight sa malaking screen ng television nito. “Sure ka talagang hindi na kita tutulungan dyan?” tanong ni Jen dito. “Yes, sweetie. Ako nang bahala dito,” sagot nito. “Okay,” sagot na lang din ni Jen at patuloy na nanonood sa tv. Pero hindi mapakali si Jen sa kinauupuan kaya tumayo siya at naglalakad palapit kay Racho. Tiningna niya kung ano ang maara niyang maitulong. “Ako na magbalat at maghiwa nito. Ano bang lutuin mo?” tanong ni Jen habang hawak ang patatas. “I’m going to cook chicken adobo again,” sagot nito nito. “Okay,” sagot ni Jen at sinimulan na pagbalat ng patatas. Hinayaan naman siya ni Racho sa kung anong gusto niyang gawin. Hindi naman nahihirapan si Jen sa pagbalat dahil peeler ang gamit niya at alam din niya kung anong klaseng hiwa ang para sa manok. “Ahm, pwedeng ako na lang ang magluto? Marunong naman ako,” pag-volunteer ni Jen nang makitang sinimulan na ni Racho na isalang ang cooking pan sa kalan. “Are you sure, sweetie?” tanong ni Racho sa kanya. “Oo naman. Laki sa hirap to kaya alam ko ang mga ganyan,” may pagmamalaki na wika ni Jen. “Sige, mag-bake na lang ako ng brownies for our snacks later,” pagpayag ni Racho. “Thank you,” sabi ni Jen. Tumango lang si Racho at umatras para siya ang pumalit. Dahil nakasalang na ang pan at sa tingin ni Jen ay pwede nang lagyan ng mantika ay agad niyang nilagyan. Nang mainit na ay saka una niyang inilagay ay ang bawang kasunod ng sibuyas. Patuloy lang siya sa paglalagay ng mga sangkap hanggang sa kumukulo na ito. Saka lang niya tinakpan matapos mahalo. Naghintay pa siya ang ilang minuto bago muling buksan at haluin ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay aksidenteng nasagi ng kamay niya ang gilid ng pan dahilan upang mapaso siya. “Ouch!” napa-aray siya sa sakit dulot ng pagkapaso niya. “Sweetie, what happened?” nag-alalang tanong ni Racho pero ng makitang napaso siga ay agad siyang dinala sa lababo upang malapatan ng tubig ang paso niya. “Aksidenteng nasagi ko ang pan,” sagot ni Jen. “Be careful, okay?” sabi ni Racho sa kanya. Tumango na lang si Jen at hindi na nakipag-argumento pa. Hinayaan niya ang nobyo na lagyan ng petroleum jelly ang paso niya matapos nalapatan ng tubig. Hinihipan pa nito ang paso niya bago ito tumingin sa mga mata niya. “How can I let you live alone kung simpleng pagluto lang na disgrasya kana?” parang sermon na wika nito sa kanya. Natawa naman siya sa sinabi nito kahit makirot yong paso niya. “Ito naman. Napaso lang eh. Ang OA talaga ng boyfriend ko,” wika ni Jen. “I'm just worried. Paano na lang kung wala ako, sweetie. Sinong gagawa nito?” tanong nito sa kanya. “Racho, hindi na ako bata. I can take care of myself. Saka hindi naman lahat ng pagkakataon napaso ako. Nagkataon lang talaga ngayon,” sagot ni Jen. “But, sweetie–” “Wag kang mag-alala. Mag-ingat ako sa susunod upang di kana mag-alala pa, hmmm?” wika nito sa kanya. Niyakap naman ni Racho ang girlfriend na ginantihan din ng yakap ni Jen. Napangiti na lang si Jen dahil sa sobrang maaalahan ng nobyo. Kaya siya nahulog ng sobra dito dahil sa mga gawa niyang sobrang sweet sa kanya. “I love you, Racho,” mahinang wika ni Jen. “I love you too, sweetie. I love you so much that I want you to stay by my side always,” sagot ni Racho at kumalas sa yakap ng dalaga. Hinawakan ni Racho ang magkabilang pisngi ni Jen saka unti-unting bumaba ang mukha kay Jen saka hinalikan sa labi. Masuyo namang tinanggap ng dalaga ang halik nito. Pinulupot pa niya ang mga braso sa batok ng nobyo upang mabigyan ito ng access. Binuhat naman siya ang nobyo at pinaupo sa counter na hindi pinaghiwalay ang mga labi nila. Kung hindi lang muling nasagi ang paso ni Jen ay hindi sila matigil. Natatawa na lang si Jen sa sarili. Nasanay na yata ang katawan niyang bumigay agad sa mga halik ng nobyo. Kahit si Racho ay natawa sa ginawa nila. “Alright, ako na magtuloy ng niluto mo, sweetie. Baka madagdagan pa ang paso mo. Volleyball player ka pa naman. Paano ka na makakalaro nyan,” ani ni Racho. “Ang OA talaga nito. Band id lang katapat nito,” sagot ni Jen. “Just making sure, sweetie,” sagot ni Racho. “Oh, sige. Ikaw na magtuloy dyan at papasok na lang muna ako sa kwarto mo. Hintayin ko ang tawag ni nanay,” sabi ni Jen. “Alright, sweetie. Tawagin na lang kita kapag luto na ang lahat,” sagot ni Racho. “Okay,” Yun lang ay naglalakad na si Jen papunta sa kwarto ng huli. Sanay na siyang kumilos dito sa condo ng nobyo. Parang normal na lang sa kanya ang kalinisan ng condo unit nito. Napaisip tuloy siya na kapag nasa apartment na siya ay kailangan na ganito rin kalinis baka maka peso pa siya sa nobyo kapag makalat at maalikabok ang apartment niya. Saktong pagpasok niya sa kwarto ay ang pag tunog ng cellphone niya kaya naman ay mabilis niya itong nilapitan at ang nanay nga niya ang tumawag. “Anak, kumusta?” tanong ni Milagros sa kabilang linya matapos mag-hello si Jen. “Okay naman, nay. Kayo ho, kumusta ?” balik bata ni Jen dito. “Okay din naman kami. Si tatay Gary mo, inubo na naman,” sumbong nito sa kanya. “Mukhang pabalik-balik na yan, nay, ah. Pa-check up n'yo na yan baka lumala pa,” concern na wika ni Jen. “Matigas din kasi ang ulo. Sabing wag ng magbatak ng kahoy at hayaan na lang na si Dodong ang gumawa kaso ito ai Dodong di rin mautusan,” sagot ng nanay niya. “Nay, alam nyo naman si Dodong, habang pinipilit siya na ganito, ganyan ang gagawin niya mas lalong hindi yan susunod. Tika, umuwi na talaga siya sa bahay?” di makapaniwala na tanong ni Jen. The last time na nasa Negros sila, umalis na naman ito ng walang paalam. “Oo, nak. Dito na raw siya para daw makinabang din siya sa mga padala mo,” sagot ni Milagros. Napa buntong hininga na lang Jen. Kahit kailan talaga itong kapatid niya ito ay masyadong dependent sa kanila. May nalalaman pa itong pa layas-layas babalik din naman. “Hayaan nyo, nay. Baka sa susunod ng buwan makapag padala na sa inyo. Hintayin nyo lang po,” sagot ni Jen. “Salamat, nak. Dami mo nang ginawang sakripisyo para sa amin,” wika ni Milagros. “Wala po yon nay. Para saan ba at pamilya tayo kung hindi magtutulungan?” Patanong na wika ni Jen. “Sabagay. Basta, anak, ha? Kapag may kailangan ka, tumawag ka agad dito,” bilin ni Milagros sa anak. “Opo,” tanging sagot ni Jen. “Sige, nak. Baba ko na to. Asikasuhin ko pa tatay mo,” paalam sa kanya ng ina. “Sige, nay. Mahal ko kayo lahat,” sabi ni Jen. “Mahal ka rin naman, anak. Mag-ingat ka dyan,” sagot ni Milagros. “Kayo din po. Mag-ingat kayo,” sabi ni Jen. “Sige, anak,” tanging sagot ni Milagros bago nawala sa kabilang linya. Napa buga na lang ng hangin si Jen matapos mawala sa kabilang linya ang ina. Ang hirap talagang malayo ka sa pamilya mo. Lalo na kapag nabalitaan mong may sakit ang isa sa kanila at wala kang magawa para damayan sila. “Are you okay, sweetie?” tanong ni Racho. Napakurap-kurap na lang si Jen. Hindi niya namalayan na nakapasok na pala sa kwarto si Racho. “Yeah. Okay lang ako,” tanging sagot ni Jen. Ayaw ang nobyo ay mag-alala sa kalagayan ng ama. Kayamas pinili niyang wag ng sabihin dito kung ano man ang nangyari sa probinsya nila. “Alright, let's go. Handa na ang lamesa,” sabi nito sa kanya. “Sige. Tara na,” wika ni Jen at kumapit pa sa braso ng kasintahan. Sabay silang lumabas sa kwarto at diretso na sa dining table kung saan nakahanda na ang pagkain nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD