“Jen, tara na,” aya ni Kris sa kaibigan. “Wait lang. Save ko muna to,” sagot ni Jen. “Okay,” sagot naman ni Kriss. Tumango lang si Jen at minadali na ang ginagawa. Alas sinco na kasi at may usapan silang magkakaibigan na kakain sa Mang Inasal. Magkasama sila ni Kris sa trabaho dito sa munisipyo samantalang ang kaibigan na si Jesly ay sa isang kilalang BPO company nagtatrabaho bilang isang call center agent. Swerteng natanggap si Jen dito sa munisipyo bilang isang office clerk, at dito rin nagtatrabaho ang kaibigan niyang si Kris kaya hindi na siya nahihirapan pang mag-adjust sa trabaho simula ng magtrabaho siya dito limang buwan na ang nakaraan. “Done,” anunsyo ni Jen matapos mag-shutdown ang computer na gamit niya. “Let's go.” Tango lang ang isinagot ng kaibigan niya. Sabay na s

