“Yun ang nangyari, anak,” humuhikbing wika ni milagros. “Patawad kung naglihim kami sayo.” “Saan na ang totoo kung magulang?” curious na tanong ni Jen. “Hindi ko alam, anak. Iniwasan kung makibalita sa kanila,” sagot ni milagros. “Pero kung gusto mo silang puntahan, payag ako na puntahan mo sila. Alam ko kung nasaan ang bahay nila. Hindi lang ako sure kung nandyan pa rin sila hanggang ngayon.” “Hindi na kailangan,” kuyom ang kamaong wika ni Jen. “Hindi nga nila ako pinuntahan dito gayong alam nilang kung saan ako hanapin. “Pero anak–” “Nay, lumaki ako na kayo ang kasama ko. Kayo ang nakilala kong magulang. Hindi nila ako kailangan kaya hindi ko rin sila kailangan.” niyakap ni Jen ang ina. “Kayo ang magulang ko. Hindi mababago yon.” “Anak, huwag kang magalit sa pamilya mo, lalo na sa

