Tasmine's Pov "You're half an hour late, what an irresponsible woman," he hissed. Kahit na gusto ko pang mangatwiran o magpaliwanag kung bakit ako nalate ay mas pinili ko na lamang na manahimik at h'wag ng magsalita. Alam ko naman na wala siyang pakialam sa sasabihin ko. Ilang minuto na rin akong nakatayo sa harapan n'ya habang abalang-abala s'ya sa pagtitipa sa kaniyang laptap ng muli siyang mag-angat ng tingin. Naka-kunot pa rin ang kaniyang noo na animo'y pasan-pasan n'ya sa kaniyang likod ang problema ng buong mundo. "Wala ka man lang bang gagawin? Tatayo ka lang d'yan? Late ka na nga tutulala ka pa, kung ganiyan lang din ang gagawin mo malulugi talaga ang bangkong pamumunuan mo," anas niyang naging dahilan para magpantig ang tenga n'ya. Mahigpit na laman

