Tasmine's Pov
"Catch!" Mabilis ko na lamang sinalo ang isang piraso ng may katamtamang laki na orange na inihagis sa akin ni Luthor.
"Para saan 'to?" May pagtatakang tanong ko habang nakapamewang na nakatingin sa kaniya.
"It keeps you hydrated and also to prevent muscle sore, ayoko nang buhatin ka ulit ambigat mo kaya," sinimangutan ko na lang s'ya at nagsimula ng balatan ang orange para makapagsimula na kaming mag-jogging.
"Shall we?" He ask. I nodded at him as I finish putting my hair into bun.
Ayoko naman kasi na sumabit-sabit ang mahaba kong buhok sa aking katawan mamaya kaya mas maigi na ring itinali ko na 'to
Alas-kwatro pa lang ng umaga at nanunuot sa bawat himaymay ng laman at buto ko ang malamig na simoy na hangin dahil isang sports bra at itim na legging lang ang suot ko, sa labing-pitong taon na pamamalagi ko sa mundong ibabaw, ngayon pa lang ako nag-effort na gumising ng maaga dahil hindi naman ako early bird type of person at madalas nga ay nalilate pa ako sa pang-alas otso naming klase.
As if on cue both of us started to jogged as we got out of the mansion's fancy gate.
Madilim pa sa labas at tanging mga street light lang ang makikita.
Wala rin gaanong dumadaan na sasakyan rito, nakadesenyo kasi na itayo ang mansyon sa gitna ng isang man-made forest na ipinagawa rin ng mga lolo at lola ni Mamita.
Siguro ay mahigit tatlong kilometro rin bago marating ang national highway at mukhang do'n ang punta namin ni Luthor.
"Kaya mo pa?" Natatawang tanong n'ya matapos ang saglit 'ko paghinto sa pagtakbo dahil pakiramdam ko'y tinakasan na 'ko ng aking kaluluwa at mamatay na 'ko sa pagod.
"Cause of death, jogging," I murmured that made him burst out of laughing.
"Tara na, hindi pa nga tayo nangagalahati," nagpipigil ng tawa na sinabi n'ya saka tinapik ang balikat ko.
Okay self, kailangan mo ng motivation. Isipin mo na lang na nasa marathon ka at sa finish line ay naghihintay sa'yo ang magpopropose ng kasal na si Justine Bieber.
Kailangan mong marating ang finish line as soon as possible.
The thought that's been lingering on my mind for five minutes now made me laugh.
"Gusto mong sumama sa practice ng The Kings mamaya?" Biglang tanong ni Luthor kaya parang bulang nawala ang ngisi sa mga labi ko.
The Kings kapag sinabing The Kings ibig sabihin ando'n din si Krei at mukhang hindi magandang ideya na magkita kami ro'n.
"Bakit ba ang layo-layo mo sa'min nila Krei?" Luthor ask suddenly.
Thank you for that wonderful question but the heck I do not know how should I answer this one.
Unti-unting bumagal ang pagtakbo naming dalawa, parang napaparalisa ang buong katawan ko habang hinahagilap ko sa aking utak ang dahilan kung bakit ilag ako sa kanilang tatlo.
"I don't know, nakasanayan na at isa pa laging pinaparamdam sa 'kin ni Krei noong mga bata pa tayo na outcast ako kaya hindi na ako nagtangka pang makipag-kaibigan sa inyo naging sapat na lang sa 'kin na ang pagiging magpinsan natin ang tanging koneksyon ko sa inyo" I muttered and smile weakly at him.
Ayoko ng asundan pa ang tanong n'ya kaya naman binilisan ko na ang pagtakbo at pinanatili ang bilis ko hanggang sa marating na namin ang national highway.
Inhale, exhale.
"Nagawa ko hahaha!" parang baliw na sigaw ko habang pilit na hinahabol ang mga hininga kong naiwan ko sa bawat paghakbang at pagtakbong ginawa ko.
*Babalik na ba tayo?" Nakapikit na tanong ko sa kaniya habang nakapamewang at ninanamnam ang masarap na pakiramdam na malabasan ng pawis sa katawan.
"Babalik agad, kumain muna tayo" pagyaya n'ya at bilang isang dakilang epal ang aking tyan ipinahiya n'ya ko sa pamamagitan ng pagwawala n'ya.
Ayan tuloy nahihiya at nakatungong nakasunod lang ako kay Luthor papunta sa kung saang kainan.
"Aling Menang's Lugawan," may buong kyuryosidad na basa ko sa signange ng isang maliit na karinderyang nasa gilid ng kalsada na aming hinintuan.
"Kumakain ka rito?" Gulat na tanong ko nang hawakan n'ya ko sa balikat at halos itulak na 'ko papasok sa loob ng karinderya.
Nakangiting tinanguan n'ya 'ko saka s'ya naunang umupo.
"Manang Menang 'yong kagaya ng dati, dalawa po," nakangiting sambit nito sa babaeng may katandaan na lumapit sa 'ming mesa.
"Sorry. Hindi ka ba kumakain sa ganito?" Biglaang tanong n'ya habang nagsasalin ng tubig sa stainless na baso mula sa plastic na pitchel.
"Hindi. I m-mean hindi ko pa nasubukang kumain sa ganito, n-ngayon pa lang," masuyo akong nginitian ng matandang babae nang mailapag n'ya na sa harap namin ang dalawang mangkok ng lugaw, dalawang pirasong itlog at tokwa't baboy.
Kahit hindi ko pa alam ang lasa'y sobrang natatakam na 'ko sa itsura ng mga 'yon.
"Luthor hijo, napakaganda naman n'ya. Nobya mo?" May malapad na ngiti at para bang kinikilig pa na tanong ng babaeng Aling Menang ang pangalan kasi 'yon ang tawag sa kaniya ni Luthor at malamang sa malamang ay ito rin ang may-ari ng lugawan.
"Hindi po!" Mabilis na pagtanggi ko habang iwinawasiwas pa ang kamay ko.
"Magpinsan po kami."
"Ah. Ganoon ba? Akala ko magkasintahan kayo pasensya na," may galak na turan n'ya saka kami tinalikuran para puntahan ang iba pang mga costumer.
"Let's eat," pag-aayaya ni Luthor.
Di ko na napigilan ang sarili kong ngumisi habang pinagmamasdan at sinusunod ang lahat ng ginagawa n'ya habang tinitimplahan nito ang mangkok ng lugaw.
Pakiramdam ko bigla, isa akong ignoranteng taong kakababa lang sa bundok at amaze na amaze habang pinanunuod ang mga normal na taong taga-syudad na gawin and mga bagay-bagay.
"Masarap di 'ba?" Maagap na tanong n'ya sa 'kin matapos kong maisubo ang isang kutsara ng mainit na lugaw.
Hindi ko muna s'ya pinansin at talagang ninamnam ko muna ang lasa bago ako ngumiti sa kaniya at sinabing "masarap nga," simula non ay saglit ko munang kinalimutan na kasama ko s'ya at ibinuhos ko ang buong atensyon ko sa mangkok ng pagkaing sa tingin ko ay madalas ko ng hahanap-hanapin.
---------
"Hoy! grabe ka naman baka naman pwedeng magpahinga na tayo, wala ka naman sigurong balak na pagexcersisen ako buong weekends di 'ba?" Pagrereklamo ko nang makabalik na kami sa mansyon at sabihin n'ya sa 'king iinom lang daw s'ya ng tubig at hintayin ko na lang s'ya sa gym.
"Mamita, Goodmorning," halos magkasabay namin na bati nang maabutan namin si Lola na kausap ang mga amiga n'ya sa sala.
"Good morning, Luthor," she pause for moment as she eyed me intently.
Uh-oh, may nagawa ba 'kong mali?
Parang gusto kong magtago sa likuran ng paeasy-easy lang na si Luthor.
Maybe because he grew up in this house at sanay s'ya sa nakaka-intimidate na medyo-medyong presensya ni Lola at ako ay hindi naman pumupunta palagi rito kaya madalas akong makaramdam ng pagka-ilang sa lahat ng taong nakatira sa mala-palasyo ng mansyon.
"Goodmorning hija, you look astonishing. Dalaga ka na nga talaga," na-weirduhan man sa sinabi ni Mamita, not knowing if its a compliment or what.
I just did what I always do whenever my mouth gets paralyzed and my brain couldn't form a comprehensive sentence to utter and that is to smile sweetly at them.
Nakahanda palagi ang ngiting 'yan at matagal-tagal na rin n'ya kong naililigtas bukod pa ro'n ay nagmumukha akong masiyahin at magiliw na tao.
I deserve an award for such act, don't I?
"Magpapahinga ka pa?" Tanong n'ya habang papaakyat kami sa ikalawang palapag kung saan matatagpuan ang gym.
Mabilis akong umiling at pinunasan ang pawis na namuo sa aking noo gamit ang aking kamay.
"Hindi na diretso na tayo sa gym, baka magkrus pa ulit ang landas namin ni Mamita. Nagkakaroon ako ng mini heart attack kapag malapit lang s'ya sa 'kin o kapag kinakausap n'ya ko, ewan ko ba."
"You're cute, ikaw pa lang ata ang kilala ko na ilag sa mga Montefiore where in fact you are one of us," ngumuso lang ako at inilagay ang iilang takas na hibla ng aking buhok sa likod ng tenga saka s'ya muling hinarap.
"Eh kasi po, hindi naman ako sanay na nakakasalamuha kayo," he chuckle and we start walking once more.
"I forgot, dead batt na ang phone ko. Ichacharge ko lang sa kwarto mauna ka na sa gym tapos susunod na lang ako," he murmured and sprinted the distance between the second floor up to the third floor where his room where located.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko habang nakahawak sa seradora ng pinto.
Hindi ako makapaniwala na pinapagod ko ang sarili ko ng ganito para sa lecheng pageant na 'yon.
I'm sure that it'll be my first and last, nakakadala!
Kung kanina ay lakas ko lang ang nawawala, ngayon ay pakiramdam ko pati katinuan ko tinakasan na rin ako nang makita ko ang pag-flex ng biceps ni Krei habang buhat-buhat n'ya sa kaliwang kamay ang dumbell at mukhang hindi n'ya pa napansin ang presensya ko.
Wala sa sariling napahawak ako sa 'king dibdib ng maramdaman ko ang pagwawala na naman nito.
Ibang-iba s'ya magwala kapag kinakabahan ako sa t'wing may kaharap akong ibang tao o kung si Mamita ang nasa harap ko sa pagwawala n'ya ngayon.
Nagwawala s'ya sa paraang para bang nabuhay ito bigla kahit na matagal naman na 'tong buhay.
Ano bang nangyayari sa 'kin? May sakit na ata ako sa puso.
Maingat akong humakbang patalikod nang bigla akong mauntog sa kung ano at paglingon ko ay nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Luthor. Malas! Malas!
"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong n'ya at mabilis naman akong tumango bilang tugon.
"Krei, nandito ka pala," bati n'ya sa demonyitong ngayon ay masama nang nakatingin sa amin na para bang may plano siyang kainin ang kaluluwa ko at pati na rin ang kay Luthor.
"Parang takang-taka ka, eh lagi naman akong nagwowork out dito," masungit na sinabi n'ya at muli siyang nagpatuloy sa pang-aakit este pag-eexercise na ginagawa.
"Hindi naman, nakakapanibago lang. Hindi ka naman kasi nagwowork out ng umaga kasi sa hapon mo 'yon ginagawa," komento pa ni Luthor saka hinila ang dalawang pares ng itim at may katabaang lubid habang parang musmos na nakasunod lang ako sa kaniya.
Muling namayani sa pagitan naming tatlo ang katahimikan ng hindi na muling nagsalita si Krei samantalang si Luthor naman ay abala sa pagsasa-ayos ng lubid na 'yon.
"Hawakan mo 'tong dalawa tapos ibend mo ng konti 'yong tuhod mo na parang nakasquat atsaka salitan mong itaas baba 'to." Pagbibigay instruksyon ni Luthor.
Pagkahawak na pagkahawak ko pa lang sa dalawang lubid gusto ko na agad bitawan, may kabigatan 'yon at pakiramdam ko ay mapapagot ang mga braso ko kapag ginawa ko ang sinabi n'ya.
"Hindi ko kaya, masyadong mabigat," pagrereklamo ko bago binitawan ang lubid at inilibot ang mata ko sa buong kwarto hanggang sa makita ko ang isang pirasong makintab at kulay gold na bakal ilang hakbang ang layo non sa mga salamin at may katabi 'yong speaker at player.
"Pole dancing na lang," suhestyon ko.
He stare at me for a moment as he slowly nod his head.
Hindi sigurado kung dapat ba na pumayag s'ya sa gusto kong mangyari.
Mabilis akong lumapit do'n at iplinay sa player.
Dark Horse by Katy Perry slowly covered the area.
Gamit ang isang kamay ay inihawak ko 'yon sa pole habang marahan ko 'yong iniikutan, at nang makakuha ng bwelo ay ibinagay ko na ang buong bigat ko sa king kaliwang kamay nang iangat ko ng bahagya ang aking katawan sa ere at umikot sa pole.
Make me your Aphrodite, make me your one and only,
But don't make me your enemy, your enemy.
Marahan kong ipinulupot ang dalawang binti ko sa pole at nagsimula ng akyatin 'to hanggang sa marating ang tuktok.
Unti-unti kong inalis sa pagkakabuhol sa pole ang aking binti. I gracefully sway my legs on the mid-air and then cross it as I slightly loosen my grip onto the pole.
Hinayaan ko ang sarili kong dumaos-os pababa at muling ibinuka ang mga hita ko at nagsplit ng magtama 'yon sa kahoy na sahig ng kwarto.
Nawala lahat ng excitement at tuwang nararamdaman ko nang biglang lumapit si Krei sa player at walang sabi-sabing pinatay 'yon at nag-iigting ang mga pangang lumabas ng gym.
Ano na naman ang problema niya?