2 month na simula ng lumipat kami sa apartment at 2 months na rin akong OA at na sanay na rin namn ako.
Matagal ko nang nasanay sa buhay na to habang nasa iisang bubong kami ni Kiondrie, pero ibang usapan ang buhay-estudyante na may lihim kang relasyon sa isang propesor mo mismo.
Sa loob ng dalawang buwan, natutunan ko kung paano iwasan ang tingin niya sa klase, wag mag-react sa mga pang-iinis niya, at magkunwaring hindi ako natutunaw tuwing natatapat ang mga mata niya sa akin.
Pero syempre, hindi rin naman siya nagpapatalo.
Kagaya ngayon.
"Ms. Razon," malamig niyang tawag habang nakatayo sa harapan ng klase.
Napatingin ako mula sa notebook ko. Putik. Ano na naman?
"Pakisagot ang tanong sa board."
Napasinghap ako. Takte, ano bang tinanong niya?!
Mabilis akong tumayo at sinilip ang blackboard. Wala akong naintindihan!
"Uh…" Nagkandarapa akong mag-isip. "A-Ano po ulit yung tanong, sir?"
Napansin kong bahagyang ngumiti si Kiondrie. Tangina, ini-enjoy niya ‘to!
"Kanina ka pa nakatunganga," aniya. "Akala ko ba nakikinig ka?"
Narinig ko ang mahihinang tawa ng mga kaklase ko. Lalo akong nainis. Grabe siya makapanghuli!
"Uh… P-Pwede pong multiple choice?" sabay pilit na ngiti.
May narinig akong suminghap sa gilid. "Grabe, ang tapang ni Tine kay Sir!" bulong ni Lianne.
Tumingin ulit si Kiondrie sa akin, pero ngayon, may bahagyang challenge sa mata niya.
"Fine," aniya. "Multiple choice."
Napatulala ako.
Wait—seryoso?!
Kinabahan ako. Malamang may hinanda na siyang sagot na ikapapahiya ko!
"A. Makinig sa lesson."
"B. Makinig sa lesson nang hindi nakatunganga."
"C. Makinig sa lesson habang hindi inaasar ang professor."
"D. Lahat ng nabanggit."
TANGINA.
Napatili ang ilang kaklase ko habang ang iba'y tumatawa. Halatang hindi nila alam kung bakit ako lang ang inaasar ng ganito.
Nanginginig ang labi ko sa gigil. Ang kapal talaga!
Huminga ako ng malalim, saka pilit na ngumiti. "Ewan ko po, sir. Hindi ako sigurado."
Nagtaas siya ng kilay. "Ah, ganun ba?"
Dahan-dahan siyang lumapit sa akin—sobrang lapit na halos maramdaman ko na ang amoy ng paborito niyang pabango.
"Then, siguro kailangan mong mag-stay after class para matutunan mo ang sagot."
Napalunok ako.
Narinig ko na naman ang ingay ng mga kaklase ko.
"Tine, grabe! Napagalitan ka ni Sir!"
"Akala ko special treatment ka kay Sir, pero pinaparusahan ka rin pala! Kahit same kayo ng apilido heje" Ani ni Maui na mahina ang boses pero sakto na namarinig ko.
Kung alam n’yo lang!
Mabilis akong umupo at yumuko. Alam kong tuwang-tuwa si Kiondrie sa ginawa niya, kaya nagpasya akong iwasan siya sa buong klase.
Pero hindi pa diyan natatapos ang araw ko.
—
Pagkatapos ng klase, nagmamadali akong lumabas. Wala akong balak mag-stay!
Pero bago ko pa marating ang pinto, isang kamay ang humawak sa pulso ko.
"At saan ka pupunta?"
Napakurap ako.
PUTIK.
Hawak ako ni Kiondrie, at ngayon ay pareho kaming nasa corridor kung saan pwedeng may makakita sa amin.
"Bitiwan mo ‘ko!" mahinang sabi ko.
"Akala ko ba mag-stay ka after class?" malamig niyang tanong, pero may bahagyang inis sa tono niya.
"Ha? H-Hindi ako aware diyan—"
"Hmm. Gusto mo bang ipaalam ko sa buong klase?"
Napatigil ako.
Tangina, may hawak siyang alas!
Napatingin ako sa paligid. Mabuti na lang at wala pang masyadong estudyanteng dumadaan. Huminga ako nang malalim, saka hinila siya papasok sa isang bakanteng silid.
Pagkasara ng pinto, agad akong bumaling sa kanya.
"Anong problema mo?" iritadong tanong ko.
Tumingin siya sa akin, seryoso. "Ikaw."
"Ha? Anong ibig mong sabihin?"
Lumapit siya nang bahagya, dahilan para mapaatras ako.
"Iniwasan mo ako Tine."
Napalunok ako.
"Eh ano naman?"
"Nagagalit ka ba?" bulong niya. "Dahil marami akong admirers?"
BIGLANG NAGKA-MIND BLOCK AKO.
"H-Ha?! Bakit naman ako magagalit sa ganyan?!"
Ngumiti siya—isang pilyong ngiti na para bang nabasa niya ang iniisip ko.
"Hmm. Sigurado ka?"
"OO!" sigaw ko, pero ang mukha ko ay parang nag-aapoy na sa init.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago bumuntong-hininga. "Tine, ‘wag mo akong lokohin."
"WALA NGA!"
Napangiti siya, tapos ay dahan-dahang lumapit sa akin. Masyadong malapit. Nakorner na ako sa pader.
"Sigurado ka bang hindi ka nagseselos?" bulong niya.
PUTIK.
MAAARI BANG MAG-QUIT NA LANG AKO ?!
Ang hanging talaga nito, sa 2 months namin mag kasama dun ko lang nalanam mahangin din pala to no!? Kainis