Chapter 3

952 Words
Pagkarinig ko pa lang sa sinabi ni Kiondrie, gusto ko nang bumaba ng sasakyan at tumakbo pabalik sa campus. "We're meeting Dad and Mom." Patay. "Whaaat?! Bakit?!" halos mapasigaw ako, pero hindi siya natinag. Nakapirmi lang ang tingin niya sa daan habang nagmamaneho na parang wala lang. "Because they asked for dinner. And you know how Mom gets when we don't show up," sagot niya, deadpan. Napapikit ako nang mariin. Oo nga naman. Ang mommy ni Kiondrie-si Tita Beatrice-ay isang high-society woman na may pagkaperpekto. Isang beses lang ako hindi nakapunta sa isang family event nila dati, kinabukasan, may tatlong tawag at limang text messages na ako mula sa kanya, may kasamang threat na ipapahanap niya ako sa buong Maynila kung hindi ako sumipot sa susunod. "Hindi mo man lang ba ako tinanong kung may plano ako ngayong araw?" irap kong tanong. "May plano ka ba?" Napahinto ako. "W-wala, pero-" "Exactly," putol niya sa sagot ko. Napasandal na lang ako sa upuan, kunot ang noo. Bwisit talaga 'tong lalaking 'to! Habang nasa daan, hindi ko maiwasang mapansin kung paano ito magmaneho-steady, precise, walang kaba. Tulad ng ugali niya, diretso sa punto at walang paliguy-ligoy. Sana all. Pagdating namin sa isang high-end restaurant sa Makati, lalo akong kinabahan. Hindi lang kasi ito simpleng dinner-ito yung tipong formal gathering na kapag may maling sinabi ka, pupunta na iyon sa morning news bukas. Pagpasok namin, agad kong nakita si Tita Beatrice at Tito Lorenzo na nakaupo na sa isang VIP table. Suot ni Tita ang kanyang signature pearls at isang eleganteng beige dress, habang si Tito naman ay naka-dark blue suit na parang galing lang sa isang business meeting. "Emanuele, hija!" Masayang bungad ni Tita sabay beso sa akin. "We missed you! Parang ang tagal na nating hindi nagkikita. How have you been?" Napangiti ako nang pilit. "O-okay lang naman po, Tita." "Hmm, hindi ka ba pinapakain ng anak ko? Parang pumayat ka." Napatingin ako kay Kiondrie na umupo lang nang walang pakialam sa mundo. "Ma, she looks fine," sabi niya, parang wala lang. "Of course, you would say that. Pero hija, you should eat more! Ang payat-payat mo na, baka isipin ng mga tao na pinapabayaan ka namin!" dagdag pa ni Tita. Napangiwi ako. Ako? Payat? Eh kakakain ko lang ng dalawang serving ng breakfast kanina! "Basta, you should take care of yourself, okay? Alam mo naman, we want the best for you. Right, Lorenzo?" "Yes, of course," sagot ni Tito habang binabasa ang menu. Halatang sanay na siya sa long speeches ng asawa niya. Habang hinihintay namin ang pagkain, patuloy lang ang usapan. Akala mo political debate, pero ang pinag-uusapan ay kung paano dapat akong tumaba ng kaunti. "Siguro, dapat magluto ka para kay Emanuele, Kiondrie," sabi ni Tita. Biglang napatingin sa akin si Kiondrie. "I don't cook." Napailing si Tita. "Ano ba naman 'yang anak ko. Anong silbi ng pagiging mayaman natin kung hindi mo matutunan ang basic life skills?" "Tita, okay lang po, marunong naman akong magluto," singit ko. Napa-"Oh!" si Tita na parang nakakita ng rare gem. "See? Napakaswerte mo talaga, Kiondrie. Ang ganda na, marunong pang magluto!" "Maswerte nga," sagot ni Kiondrie, pero monotone ang boses niya kaya hindi ko alam kung sarcastic ba siya o totoo. Pagdating ng pagkain, finally, tahimik ang lahat-sa wakas, pahinga na ako sa interrogation. O so I thought. "So, when are we expecting grandkids?" diretsong tanong ni Tita habang ngumunguya ng steak. Ay. Pu**** ina.* Halos mabulunan ako sa iniinom kong tubig. Si Kiondrie naman, hindi man lang nag-react, parang sanay na siya sa ganitong usapan. "Ma," aniya, medyo matigas ang tono. "Ano?" kunot-noong sagot ni Tita. "You're married, you live together-ano pang hinihintay niyo?" Parang gusto kong lumubog sa kinauupuan ko. Tumingin ako kay Tito, umaasang may sasaklolohin ako. Pero imbes na tumulong, bigla siyang nagtanong, "Do you guys sleep in the same room?" WHAT THE-?! Eh hindi ko nga nakikita yung anak niyo ng 3months Napalunok ako. Si Kiondrie naman, walang kaabog-abog na sumagot, "No." "Ha?! Hindi kayo magkatabi matulog?" gulat na tanong ni Tita. "Magkatabi po... ng pader," dagdag ko, pilit na tinatago ang nginig sa boses ko. Nanlaki ang mata ni Tita. "So hindi kayo-" "Hindi po," sabay naming sagot ni Kiondrie. Biglang natahimik ang lamesa. Kita ko ang disappointment sa mukha ni Tita habang si Tito naman ay parang nag-iisip ng business plan kung paano niya ako mapipilitang magka-anak agad. Napabuntong-hininga si Tita. "Ano ba 'to? Pinakasal na nga kayo, pero parang hindi pa rin kayo mag-asawa!" "Well... 'cause we're really not," sagot ng isip ko. Naramdaman kong tinapik ako ni Tito sa balikat. "Okay lang 'yan, hija. Hindi naman namin kayo pinipilit, pero..." Nagkatinginan kami ni Kiondrie. "Pero?!" "Pero kung pwede, bilisan niyo." Ibang klase talaga 'tong pamilya 'to! Tinapik ako ni Tita sa kamay. "Hija, kung gusto mo, magbakasyon muna kayo ni Kiondrie sa ibang bansa para ma-relax kayo. Malamig sa Japan ngayon, baka doon kayo makahanap ng... init." Napakamot ako sa ulo. Bakit parang may double meaning 'yon?! Napatingin ako kay Kiondrie, pero gaya ng dati, walang emosyon ang mukha niya. Pagkatapos ng dinner, halos takbo ang ginawa ko palabas ng restaurant, pero bago ako makasakay sa kotse, bigla akong hinatak ni Tita para sa huling bilin. "Hija, kapag ready ka nang bigyan kami ng apo, sabihin mo lang, okay?" Ngumiti siya. "At kung hindi ka pa ready, wala namang problema... si Kiondrie naman, ready na." Tumingin ako kay Kiondrie, na tahimik lang sa tabi namin. Hindi ko alam kung anong iniisip niya, pero isang bagay ang sigurado ako... Hindi pa ako handa sa ganito! Patay na talaga ako! - "Hi. if you liked this chpater, please, do vote and leave a comment. Thank you!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD