Chapter 4

451 Words
Pagkalabas namin ng restaurant, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Parang isang mahabang fever dream ang dinner na 'yon-except mas masakit siya sa ulo kaysa sa puso. Napasandal ako sa sasakyan habang hinahabol ang hininga ko. Grandkids?! Bakasyon sa Japan?! Init?! Ano 'tong pinagdadadaldal ni Tita?! Napatingin ako kay Kiondrie, na kalmado pa rin, as usual. Parang walang nangyaring interrogation kanina. "Ang tahimik mo," sabi niya habang binubuksan ang pinto ng sasakyan. "Tingin mo bakit?" irap ko. "Hindi mo na dapat ikagulat 'yon. You know how my mom is," sagot niya sabay upo sa driver's seat. Sumakay na rin ako at napabuntong-hininga. "Oo nga, pero iba 'to! Parang gusto na nilang magplano ng gender reveal party kahit wala pang-!" Bigla siyang sumulyap sa akin, kaya agad kong kinain ang dulo ng sentence ko. Okay, Tine, STOP. Don't make it worse. Tahimik kaming nagmaneho pauwi. Pilit kong iwasang tumingin sa kanya, pero hindi ko maiwasang mapansin ang seryosong expression niya habang nagda-drive. "Tsk, bakit ang gwapo pa rin kahit inis ako sa kanya? Unfair." Ilang minuto pa ang lumipas bago ako napagod sa katahimikan. "So... hindi ka ba naapektuhan sa mga sinabi nila?" tanong ko. "Alin doon?" "Eh 'di yung apo agenda nila!" Nagkibit-balikat siya. "They'll stop talking about it eventually." Napakunot-noo ako. "Eventually? Eh parang gusto na nga nilang mag-book ng honeymoon package para sa atin!" Napatingin siya sa akin ng saglit bago muling ibinalik ang mata sa daan. "Would that be so bad?" Halos masamid ako. "Excuse me?!" Napangisi siya, at doon ko lang napansin ang bahagyang pang-aasar sa mukha niya. "Tsk, lintik 'tong lalaking 'to." "Huwag kang mag-alala," patuloy niya. "Wala namang mangyayari sa ayaw mo. Kaya relax ka lang." Napanganga ako. "Ano 'to, assurance?" "Ikaw ang nagtanong." Napailing na lang ako. Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking 'to! Nang makarating kami sa bahay, agad akong bumaba ng sasakyan at naglakad papunta sa loob, pero bago pa ako makapasok, narinig ko siyang magsalita. "Emanuele." Napahinto ako at lumingon. "What?" Tinitigan niya ako saglit bago bumuntong-hininga. "Pasensya na sa dinner." Nanlaki ang mata ko. First time niyang nagsabi ng sorry?! Hindi ko alam kung ano ang isasagot, kaya tumango na lang ako. "Sige." Pumasok ako sa loob at diretsong umakyat sa kwarto ko. Nang sumandal ako sa pinto, naramdaman ko ang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi pwede 'to. Parang sorry Lang mafafall agad ako? Ang easy mo namn Emmanuel huy!! Hindi ako pwedeng mahulog sa lalaking 'to... di ba? Kainis naman na guilty ako bat ako umalis agad baka mag I love you pa yun. Ano ba tong ini isip ko!? - "Hi. if you liked this chpater, please, do vote and leave a comment. Thank you!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD