BZZZT!
Naramdaman kong parang may malakas na kuryenteng dumaan sa katawan ko. Nagising ako, pero hindi sa totoong buhay-sa isang panaginip.
Pero hindi ito ordinaryong panaginip.
Nasa isang malawak na dining hall ako, puno ng chandeliers at mamahaling dekorasyon. Sa harapan ko, nakaupo sina Papa, Mama, at ang mga magulang ni Kiondrie-mga Razon.
At ako? Nasa gitna ng isang seryosong kasunduan.
-
"Akin na si Tine."
Bumagsak ang panga ko sa sinabi ni Kiondrie.
ANO?!
Nagkibit-balikat lang siya. "Pumayag na si Tine sa kasal namin."
NAPAHINGA AKO NG MALALIM. PAANO NANGYARI 'TO?!
"Wait, wait, wait!" sigaw ko. "Kailan ako pumayag?! Wala akong natatandaang sumagot ako ng 'oo' sa kahit anong kasal!"
Napatingin sa akin si Papa. "Tine, tayo ang Razon at Araneta. Matagal nang magkaibigan ang pamilya natin, at para mapanatili ang magandang relasyon, napagkasunduan na noon pa ang kasal ninyo ni Kiondrie."
"Tama," segunda ni Mr. Razon. "Isang matibay na alyansa para sa dalawang pamilya natin."
What the actual-?!
Napalingon ako kay Kiondrie, na parang wala sa isip niya ang pigilan tong kasal na to.
"Hoy!" bulong ko sa kanya. "Anong ginagawa mo?! Hindi ka man lang ba magpo-protesta?"
Ngumisi lang siya. "Ikaw naman ang nagsabing gusto mong magpanggap na engaged, 'di ba? Your lucky kasi ikaw din pala yung ipagkakasundo sakin."
Napahinto ako. Putik. Siya pa talaga ang gumamit ng idea ko laban sa akin?!
-
*FLASHBACK: Ilang araw bago ang usapang kasal
Nasa isang ba ako. Galit na galit ako habang iniinom ang tequila ko. Oo lasing ako, bakit ba!!?
"Ikakasal na si ang ex ko," sabi ko sa kung sino man tong tao na to sa harapan ko.
"Okay?" sagot niya, walang emosyon.
"Okay?! Wala ka man lang reaction?!"
Napailing siya. " ex mo na siya. Bakit affected ka pa?"
Hindi ako makasagot. Kasi kahit hindi ko aminin... oo, affected ako.
At doon nagsimula ang kabaliwan kong plano.
"Kunwari tayong engaged," sabi ko sa kana. Bahala na kung sino mn tong tong to!
"Ha?!"
"Kasi, isipin mo-kapag nalaman ng lahat na engaged na ako, wala nang maaawa sa akin. Wala nang magtatanong kung 'okay lang ba ako?'"
Nagpatuloy ako. "At saka... Hindi ba mas masaya kung makita natin ang reaction ni Teo my ex hahahha?" lasing na talaga ako kumakaway na ka may ko at utak ko e
Ngumiti siya. "So your taking a revenge, woman? And your using me?"
"Hindi!" mabilis kong sagot. "Gusto ko lang makita kung may konting pagsisisi siya."
Tumahimik siya. Tinitigan ako na parang iniisip kung seryoso ba ako o nasisiraan na ng bait.
At pagkatapos ng ilang segundong pag-iisip...
"Fine," sagot niya. "Pero may isang kondisyon."
"Ano?"
"Hindi lang tayo magpapanggap. Gagawin natin itong totoo sa mata ng pamilya natin."
WHAT?! Sino ba tong kausap ko bakit nadamay pamilya ko?
-
BACK TO THE PRESENT (DREAM)
At ngayon, nandito ako, nakaupo sa harap ng mga pamilya namin, habang pinapanood si Papa at si Mr. Razon na seryosong tinatalakay ang wedding contract.
Paanong napunta sa ganito ang lahat?! Diko inexpect, yung lalaki g kausap ko sa bar yun yung sinasabi saakin ng mama at papa na pakakasalan ko pag 20 years old nako.
Sobrang tanga ko naman mag bitaw ng Salita. At sa tao pa talaga kung saan dun din ako ba bagsak!?
"Tine, naiintindihan mo ba ang kasunduang ito?" tanong ni Papa.
Napatingin ako sa paligid. Lahat ng tao, nakatingin sa akin. Si Mama, si Mrs. Razon, si Kiondrie-lahat naghihintay ng sagot ko.
Kailangan ko bang sumagot ng "oo"? Kailangan ko bang sundin ang kasunduang ito?
"Tine," bulong ni Kiondrie, lumapit sa akin. "You started this mess. Now, you deal with it."
Kahit namn ako nag sabi ng proposal e sila namn na una kahit fetus pako nag ka sundo na sila ipakasal kami.
Tumingin ako sa kanya, nagbabakasakali na may makikita akong kahit kaunting concern sa mata niya.
Wala. Kahit ni isa!
Pero alam ko rin... wala nang atrasan 'to.
Huminga ako nang malalim. "Fine," sagot ko sa wakas. "Pumapayag akong magpakasal."
Narinig kong nagsimula nang magsulat si Papa at Mr. Razon sa kontrata.
At doon ko lang na-realize...
Nakapirma na ako sa isang bagay na hindi ko alam kung paano ko lalabasan.
And the next thing I know kasal nako the next day. Dahil lang din sa katangahan ko.
-