Chapter 4

1681 Words
Dahil sa biglaan ang pagsundo ng aking kapatid pauwi ng Naic kagabi after naming magkita ni Drake ay umaga na ako nakabyahe pabalik ng Manila. Pasado alas diyes na rin ako nakarating dahil rush hour. I decided to lay down and take a nap nang may biglang kumatok sa pinto—I throw the door a deathly glare.  Nakakainis naman, higang-higa na ako, e. Hindi na ako nag-atubiling magbihis pa dahil alam kong si Keira 'yon dahil day off niya ngayon. Malamang naiwan na naman niya ang kanyang susi gaya ng parating nangyayari. May sakit na kalimot talaga ang babaeng iyon. Nagtext siya kanina na lumabas siya para ibigay sa chapel 'yung ibang bulaklak na bigay ni Avery. Magkaaway kasi sila ngayon kaya palagi siyang may flowers sa office, amoy simbahan na nga ang aking unit. Mga santo na lang ang kulang at pwede nang magmisa.  I am only wearing a bralette and a short shorts. Pekpek short ang tawag doon ni Keira. Bigla akong nakaramdam nang pagkamiss sa  bestfriend ko na 'yon kahit na basag trip siya sa balak kong pagtulog, madalas kasi ay salungat ang aming schedule. Kaya iha-hug-hug ko talaga siya ng mahigpit pag bukas ko ng pinto with matching kiss sa face. I opened the door at niyakap ko siya agad at hinalikan sa pisngi. Teka, bakit ang tigas ng dibdib at ang tangkad? Yakap ko pa rin siya nang bigla itong nagsalita.  "Looks like you missed me a lot," he chuckled in my ears. His warm breath tickles my nape. It brings a hot sensation through my spine. Shit!  Bigla akong napabitaw. "D-Drake?"  "Yes, its me." Nakangiti niyang sagot. Ang ganda ng smile, makalaglag matris. Ang tamis.  Simpleng itim na t-shirt ang kanyang suot pang-itaas. Those long legs made justice to those gray jogger pants. I think he's 5'11. Hindi ko kais masyado napapansin ang taas niya nitong nakaraang mga pagkikita namin dahil madalas ay naka-heels rin ako. Ngayong walang sapin ang aking mga paa ay ramdam na ramdam ko ang katangkaran niya. I'm sure that I am blushing like hell right now. Tanga ko naman kasi, malay ko bang siya pala 'yon. Sa sobrang antok ko yata'y hindi ko namalayan na siya ang nasa harap bago yapusin at hinalikan ko pa talaga?! "W-What are you doing here? How did you find my place?" nagtatako kong tanong. Nag-iwas ito ng tingin. Dahil sa maputi ang kanyang balat ay kitang-kita ang pamumula ng tainga. Hindi naman mainit sa unit ko. "Hoy! tinatanong kita. Paano mo nalaman kung saan ako nakatira? Stalker ka no?" Naku siguro crush ako nito kaya ako sinusundan.  "I just want to confirm kung makakapunta ka sa imbitasyon ko. You are not answering my text and calls. Tsaka pwede ba magbihis ka muna," naiirita niyang tugon. Saka ko lang narealize na naka pekpek short at bralette lang nga pala ako.  "Oh my God close your eyes. 'Wag mo 'yan i-o-open, magbibihis lang ako. 5 seconds." Nilagay ko ang mga kamay niya sa kanyang mga mata. Mabilis kong dinampot ang white dress na nakasampay sa may upuan at dali-dali ko itong sinuot.  "Okay na, open your eyes. 'Di na ako bold." Tinanggal nito ang takip sa mata, napansin kong namumula rin pala pati ang mukha niya.  Napangiti ako. Sabi ko na at may talab rin ang alindog ko rito, e. Iginiya ko siya sa may sala at inalok ng maiinom.  "Ahm. Upo ka muna. Coffee? Juice? Tea or me?" He just smiled. Akala siguro nito nagjo-joke ako.  "Juice na lang," he answered. I went to our mini kitchen and made his juice. Prenteng nakaupo lamang siya sa maliit kong gray na sofa paglingon ko. Inililibot ang asul na mga mata sa aking maliit na unit. "So? What brings you here?" "Sorry, If I came here without notice. Biglaan kasi ang business gala ng isa sa mga sister company ko and.." "Kyla will be there.." I cut him off. He nodded. Akala ko naman ay namiss ako ng unggoy na ito. Darating pala si Kyla kaya kailangan niya ako. At talagang sinadya pa ako nito para lang makasiguro.  "Sure. I'll be there. Kaso ay wala pa akong isusuot," nag-aalala kong wika. "I can arrange that tomorrow." "What?! Bukas na agad?! Pero may duty ako." I have a hundred pax wedding for tomorrow. I was the one who arranged that after I got promoted as a banquet sales coordinator. Finally! "Don't worry about it. I already told Avery, and you'll still get your daily wage kahit wala ka roon." Wow. Kate kang sakalam? "P-Pwede bang magkita na lang tayo after duty. I promise I will come. That's my first event, Drake," nagmamakaawa kong sambit. Umaga naman ang event at matatapos after lunch. Kapag nailabas na lahat ang pagkain ay pwede na akong umalis. I waited too long to have my solo event, parati kasi ay assistant lang ako. Iba kasi ang feeling kung ikaw mismo ang mag-aasikaso at mula umpisa hanggang katapusan ay naroon ka. That is an accomplishment for me. Weddings are once in a lifetime; I want them to be smooth and perfect. Binigyan niya ako nang nanunuring tingin. Akala naman niya i-indian-in ko siya. Pinagdikit ko ang dalawang palad at tiningnan siya ng maamo kasabay nang pagtaas-baba ang aking mahahabang pilikmata. "I won't ditch you. I promise I will come. Please." He sighed, tanda nang pagpayag. I smiled and went to hug him. "Thank you. Thank you." Tinapik niya lang ang ulo ko na parang isang batang paslit.  Pangit naman nito ka-bonding. "Tama nga si Avery na baka hindi ka pumayag. He told me that it was your first solo event. At inaaway mo raw lagi iyong dating banquet coordinator kaya nagresign." Napanguso at rumolyo ang mga mata. Paano naman kasi, hindi marunong makipagusap sa guests. Panay complaint ang nasa websites at social media pages namin. Ako ang madalas na umaayos ng gusot niya. Gusto niya laging pamigay ang price, walang upselling at always wave ang corkage. Palibhasa comission lang ang habol. Dapat lang talagang magresign na siya ano. "Oh, talaga? Nasaan na naman nga pala iyong kaibigan mo na iyon? Dalawang taon nawala, bumalik tapos nag-disappear na naman. Kaya galit na galit si Keira sa kanya, e." Matapos ba naman magtapat ni Avery na mahal niya ang kaibigan ko ay bigla na lamang itong naglahong parang bula. "Okay lang 'yun. Nasampal naman na siya ni Keira. Babalik na ulit siya sa hotel. He will stay here for good na, nagmove on lang talaga iyon sa halik ng best friend mo," natatawa niyang sambit. Tumaas ang kilay ko. Ang daming palusot. "Weh? ano 'yun hinalikan lang na-inlove agad?" Ungguyin pa ako nitong si patatas.  "Believe it or not, he's madly in love with your best friend. I think it was love at first sight. After that night, palagi na niyang sinusundan si Keira. Hindi lang siya nag-pursue because he's afraid to get hurt. He has these personal issues kaya ganoon."  Goodluck to you best friend. Mukhang simula na ng pagkakunsumi mo araw-araw. Naikwento rin sa akin ni Drake na nakita na rin daw niya ako sa hotel noong welcome back party ni Avery. Hindi ko na kasi alam ang nangyari noon dahil sa sobrang busy. Hindi siya formally naipakilala sa akin ng general manager dahil doon raw sila nagstay sa outlet ni Keira.  Lakas ng tama noon. Sa outlet ko 'yung function pero kay Keira na outlet nagtambay. Tss. Sana dun na lang nila ginawa 'yung party. Kapagod kaya mag-set up.  Anyway, keri lang rin naman dahil more sales for us and service charge. "Grabe naman 'yang kaibigan mo, hindi pa nga sila, nagmu-move on na. Ang sarap kayang ma-inlove." Bakit ko ba nasabi 'yun eh hindi ko naman alam feeling? Hindi pa nga ako nagka boyfriend. 'Yun lang, yung crush ko, si Badong. "Bakit may boyfriend ka ba?" bigla'y tanong nito. "Baka may magalit sa akin kapag nagpanggap kang girlfriend ko kung makarating sa kanya." "Hindi pa. I mean masarap ma-inlove. I love my mommy and daddy and my kuya's." Sige explain ko pa ba? Eh 'yun lang alam kong feeling ng in love.  "Sure 'yan ha? Baka mamaya magulat ako na bigla na lang may sumapak sa akin." "Wala naman siguro." "What?! You're not sure?" angil niya. "Depende kung masasalubong natin ang mga kuya ko siguro more chance of winning ka." Nailing na lang siya at ipinagpatuloy ang iniinom na juice. "Eh, kailan mo pala ako ipapakilala kay Nigel Revamonte. 'Yung deal natin ha." I reminded him.  "We will meet him tomorrow night at the party. I have my word Kate," he said with my finality. Napapalakpak ako talaga sa sinabi nya. Baka hindi ako makatulog nito mamayang gabi sa sobrang excitement.  "You're cute. Kailangan talaga pumalakpak ka?" na-amaze yata siya sa pagpalakpak ko.  "Masaya lang ako kasi nafi-feel kong malaki ang maitutulong niya sa akin. Well, I have my loving family naman pero gusto ko pa rin malaman kung kanino ako galing. Alam mo 'yon, kulang talaga eh." "I know the feeling. Kaya nga gusto kong bumalik sa akin si Kyla. Siya na lang ang meron ako kung sakali." Tama naman siya dahil sooner or later magkakaroon na rin ng sariling buhay si Nigel. Drake is obviously looking forward that Kyla will be his lifetime partner. Hindi na ako nagtanong pa, baka kasi malungkot na naman siya. "'Was mo na masyadong alalahanin. Babalik rin sayo 'yon. Malapit na. " Nginitian niya lamang ako. "Thank you, Kate. Anyway, I'll go ahead. I'll pick you up tomorrow. You can bring Keira with you if you want." Kikiligin na ba ako? Susunduin niya ako. Buti naman kasama ko si Keira. May kasama akong makikinerbiyos. Hindi kasi ako sanay sa ganoong party. Knowing her, alam kong naimbitahan na rin iyon ni Avery. "Sige, isasama ko siya." I smiled at him. "Thank you. Ingat ka." Kala ko ay lalabas na siya. Pero nagulat ako nang dumampi ang malambot niyang labi sa aking pisngi. Oh, my God! "Sabi ko walang halik!" malakas na sigaw ko. Ngunit tawa lang ang tangi kong narinig bago niya isarado ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD