Mula umaga ay aligaga na ako. May mga last-minute kasing gusto ang wedding couple. Nagkaroon pa ng aberya sa pagkain, iyon kasing isa sa mga delivery truck ng fresh kinds of seafood ay nagkaroon ng minor accident sa may nlex. Good to know that they're all safe.
Maigi na lamang at magaling ang aming head chef at mabilis na nagawan ng paraan.
"Congratulations and best wishes, Mister and Misis Madrigal," I greeted the couple. Their eyes were sparkling with happiness.
"Thank you so much too, Kate. All our requests were granted, even the last-minute requests. I'm so sorry for the inconvenience," she apologetically said.
"It's okay, Ma'am.." I smiled at her. "It's my job to fulfill all your needs into this lovely wedding. Congratulations, again."
Pagkatapon ng maikling kwentuhan at pasalamatan ay gumayak naman ako papunta ng Sunshine Crown Hotel. Doon gaganapin ang business gala.
Naghihintay na roon ang bestfriend kong si Keira at iyong pinadala ni Drake na mag-aayos sa amin. Tumanggi nga ako noong una dahil kaya ko naman mag-ayos ng sarili. I can do make-ups and different hair styles. Iyon ang part time job ko noong nasa college ako.
Karamihan sa mga taga-baranggay namin ay sa akin nagpapaayos lalo na kung may pa-sagala, abay sa kasal o kahit anong program sa school. Madalas ay mga bata at teenagers ang suki ko. Unang-una na roon ang mga bata sa ampunan. Kapag may performance sila sa school ay talagang pak na pak ang mga kagandahan nila. Ginagastusan ko talaga. Hindi ako pumapayag na kakabugin ng iba.
Ewan ko ba rito kay Drake, wala yatang tiwala sa kagandahan ko. Hindi na rin ako nagreklamo dahil libre naman iyong service. Siya na rin ang bumili ng susuotin ko. Wish ko lang ay magkasya iyong dress na iyon. Sa laki ba naman nitong mga braso ko? Baka hanggang kamay ko lang maisuot ang dress na binili niya.
Mabilis akong pumara ng taxi at nagpadiretso na sa hotel dahil kung uuwi pa ako sa condo ay baka kapusin na ako sa oras. Doon na lamang ako maliligo, tutal ay sa hotel room naman kami aayusan at magbibihis.
"Room 412, please," I told the front desk staff. I gave my details as proof na isa ako sa mga guests sa room na 'yon. Keira texted me that she was already there together with Candy, the make-up artist.
"Kate." Napatigil ako ng pindot sa elevator nang may marinig ako pamilyar na boses. It was Drake, dashing with his pink button-down long sleeves. Maganda ang pagkakahakab ng fit niyang black pants sa binti. I'm sure under those pants are his muscular and stiff legs, and oh that butt, dahil medyo palihis ang direksyon niya sa akin ay kita ko ang maumbok niyang pang-upo. His naturally gorgeous messy charcoal hair screams s*x appeal.
Yum.
"H-hey," I answered, stuttering. Naroon na naman ang natural na mapaglaro niyang ngiti.
"Sabi ko naman sa'yo ako na lang ang susundo." Bago pa niya matapos ang sasabihin ay naagaw na niya ang bag ko. Naiwan sa akin ang coat ko na gamit kanina sa trabaho. Maari namang sa hotel na magpa-laundry and iron ng uniforms dahil isa iyon sa mga benefits namin. But the last time the housekeeping accidentally burnt my coat ay nadala na ako, kaya ako na lang ang nagpa-pa-laundry palagi.
I looked at my watch at kinunutan siya ng noo. It's only 5 pm. "Ang aga mo naman. 8 pm pa ang event 'diba?" I asked him.
"I don't like my girl waiting for me. Dapat lang na ako ang maghintay sa'yo." My girl? Music to my ears. Pero agad ko 'yong iwinaksi sa nagdiriwang na isip. "Kumain ka na ba?" Dagdag pa niya. "You look tired," he sighed. Guilt is written all over his face.
"Ano ka ba? I'm okay. Makakapagpahinga pa naman ako dahil maaga pa. Gano'n talaga kapag wedding, stressful. But it went well. Not bad for a first event." Naalala ko na naman iyong couple, hindi maiwasang ikwento sa kanya ang nangyari. Sorry na bestfriend Keira si Drake ang nauna kong nahatiran ng magandang nangyari sa akin ngayong araw. "Alam mo bang sobrang thankful nila dahil nagandahan sila sa wedding preparations ko? May last minute pang aberya pero dahil magaling si chef, nagawan naman agad ng paraan," masayang dagdag ko.
"Congratulations. Good job! I will request for your outlet the next kapag nagkaroon ng company party since Meiko rin naman ang kinukuha naming caterer. Ikaw ang mag-handle ah?"
"Wow, sure. Thanks. Sabi mo 'yan, ah."
"Of course. Asahan ko 'yan." I smiled and nodded.
Sabay na kaming nagtungo sa hotel room. Naabutan namin si Keira na kumakain at si Candy na inaayos ang mga gagamitin para sa aking mukha. Dahil sa pagod at gutom ay hindi ko na naiwasan ang sariling makikain. There's plain rice, crispy pata, sisig and laing. Hindi sana ako kakain dahil hindi ko sigurado kung kasya ba iyong binili ni Drake na damit para sa akin. Pero dahil sa laing ay hindi na napigilan ng katakawan ko.
"Gusto mo pa ba? I will order more. Masarap rin ang kare-kare rito," natatawang alok ni Drake. Sinamaan ko siya ng tingin habang sinasaid ang buto.
"Oo, alam kong matakaw ako," maktol na sabi ko. "Pero okay lang naman, hindi ako tumatanggi sa grasya. Dagdagan mo na rin ng dessert, mukhang masarap ang buko pandan dito." Muli siyang napailing at natawa. Aba tatanggi pa ba ako samantalang grasya na ang lumalapit?
Ang sarap kaya kumain.
I took a cup of tea after meal para majebs ako dahil kapag hindi ko nailabas ang sandamukal kong kinain ay paniguradong mukha akong suman sa lihiya mamaya. Dahil madali naman ako matunawan ay hindi ako nahirapang ilabas ang sama ng loob. I took a bath after. Pinauna ko si Keira na ayusan para makapag-power nap sandali.
Natural na mahaba ang aking pilikmata ay hindi na niya iyon kailangan lagyan ng false eyelashes hindi gaya ng kay Keira. Sa aming dalawa ay masasabi kong siya ang mas maganda. Keira has this angelic innocent face. College pa lang kami ay marami na talagang nagkakagusto sa kanya kaya nga hindi na ako nagtataka na nagustuhan siya ng isang Avery Blake Villaroel.
She was wearing a red mermaid dress. Kahit na morena ay hindi iyon naging hadlang na bumagay sa kanya ang damit. My best friend is indeed a goddess. Napapalakpak ako nang umikot siya para makita namin kung maayos ang pagkakasuot ng damit.
"My God, bes sobrang ganda mo. Ano kayang position nila tito at tita noong ginagawa ka, aray!" Napangiwi ako nang batuhin niya ako ng unan. Padabog kong sinuot ang dress ko at pinaikutan siya ng mata.
"Arte mo,” ingos ko. Tulungan mo ngang i-zipper itong dress ko." I pouted.
"Ang bastos mo kasi," namumula ang mukhang maktol niya. Bakit pa ba siya nahihiya eh, kaming dalawa na lang naman dito. Candy's job is done kaya umalis na rin siya.
"Ako talaga ang bastos? Hoy, sino kaya sa atin ang nakipagmo-mol sa gilid ng... Aray!"
"Shut up!" She hissed at me. I made a face. Totoo naman kasi, akala mo kung sinong inosente.
"Nakakahiya... s**t!" Pabulong niyang anas. I wrinkled my forehead at nagtatakang napatingin sa kanya nang bigla siyang tumakbo papunta ng banyo. Hindi pa niya tuluyang naisasara ang zipper ng dress ko.
Ganoon na lang ang gulat ko nang biglang pumasok si Avery. I muttered a silent curse. Bakit naman ang aga nitong magpakita. Hindi pa naman alam ni Keira na kasam si Avery sa gala. Ayaw niya nga makita ang lalaki dahil iniiwasan niya pa rin hanggang ngayon. Mamaya pa lang sana sa mismong party para wala siyang choice. Gusto ko kasi na kasama siya talaga dahil ayokong ma-out of place roon. Baka mamaya kung ano pang gawin kong kapalpakan. Hindi pwedeng ako lang ang shunga, dapat dalawa kami.
"H-hi," kinakabahang bati ko. His smile is very warm, hindi gaya nang kay Drake na palaging mapaglaro. Mababakas rin ang kaseryosohan sa kanya.
"Hi, where's Keira?" He sounded so excited. Ngayon pa lang niya kasi mahaharap ang bestfriend ko mula nang nag-emote siya sa ibang bansa.
"She's outside. Nasa lobby... Ano, may bibilhin lang raw sa may boutique roon."
I can feel the cold air kissing my bare back. Hindi na natapos ni Keira isarado dahil dumating nga si Avery. Mabuti na lang at nagpaalam agad si ito bago pa man lalong bumaba ang zipper ng dress ko, showing my black lace panty. Sinilip ko ang bruha sa bath room ngunit hindi ko na siya nakita. Nilibot ko ang kwarto at napatapik ng noo nang mapagtantong bukas ang pinto sa may balcony. Binalot ako ng pag-aalala dahil baka nahulog na si Keira sa ibaba ng building. Laking ginhawa ng dibdib ko nang makita siya sa kabilang room.
"Baliw ka na talaga! Paano kung nalaglag ka?!" Naiinis na sigaw ko.
"Flexible ako. Ikaw naman kasi hindi mo naman sinabing kasama siya," reklamo niyang tugon.
Ako pa talaga ang sinisi sa kabila ng pagpapanerbiyos niya sa akin?
"Aba, malay ko ba," maang-maangan kong sambit. Nagpapadyak siyang parang bata. Parang tanga lang.
"Mag-ikot-ikot ka muna, bababa na rin ako." She just rolled her eyes at me at nawala na sa paningin ko. Mukhang hindi naman okupado ang kabilang silid dahil kahit nagtatalak na siya ay wala namang nagreklamo.
Pagbalik ko sa loob ay pinagsikapan ko na lang na itaas ang zipper ngunit lagi akong bigo na maiparating ito hanggang dulo. Nagsisi tuloy ako na pinaglaboy ko pa si Keira, sana pala pinabalik ko na lang dito para matapos na itong paghihirap ko.
Narinig yata ng mga anghel ang hinaing ko dahil ilang minuto lamang ay iniluwa nito si Drake. He looks like a walking greek God on his three-piece suit. Ang gwapo talaga ng unggoy na 'to.
"Thank God, you're here. I need your help," nakasimangot kong sabi.
"Why?" Kunot noo niyang tanong.
Tinalikuran ko siya upang makita ang hindi pa saradong likod. "Paki-zipper ang damit ko. I can't make it to the top. Hindi ko na kasi abot." Ilang segundo akong naghintay ngunit wala pa ring zipper na umaangat. "Hey, what's wrong? Could you please zip it up, magkakapulmonya na ako."
Ganoon nga ang ginawa niya. He's as red as a tomato when I faced him. Ano na naman kayang problema nito? Binalewala ko na lamang iyon at pinagpatuloy ang pag-aayos. I finally put on my pieces of jewelry.
I turned around as I'm showing my simple tube-long purple dress to him. "How was it? Is it fine?" Nakangiwi kong tanong.
He smiled at me. Those perfect teeth are showing, and his red lips are making me kilig. Diyos ko kaunti na lang yata mag-le-level up na iyong pagka-crush ko sa kanya.
"You're breathtaking, Kate." Natuwa ako sa sinabi niya. I can feel butterflies dancing in my stomach. "Kyla will be threatened for sure." Ang kaninang kilig ay naglaho at napunta sa ngiwi. May kung anong kurot ang naramdaman sa dibdib.
"T-Thanks." Ang tanging naging sagot ko na lang. Ano pa bang kailangan kong asahan? Nandito lang nga pala kami para magpanggap.
"Are you ready?"
I took a deep breath and nodded.
"Yeah," I replied, smiling at him.
Pilit na ibinalik ang kaninang totoong ngiti.