Chapter 6

2006 Words
Pagbukas pa lang ng pinto ng ball room ay sinalubong na agad ako ng mga nanunuring tingin. Sanay naman na ako sa ganitong pagtitipon dahil nga sa mga kapatid ko ngunit ang ganitong ka-engrande ay higit na nakakakaba pala. The ballroom was ethereal. Lights are luminous, and the russet and frosted motif screams discernment. Bilang isang banquet sales coordinator ay alam kong mahal ang preparation na 'to. My long black gown was shining with the class as I'm walking. Hapit ito sa aking baywang kaya mas nadepina nang mabuti ang hubog ng aking katawan. I am not bragging, but I have sexy curves and long legs. I am confident that I could nail being Drake Belcher's girlfriend. Hindi nakaligtas sa akin ang pagtaas ng kilay ng ilang magagandang babae. "Every eye is on you," Drake whispered, smiling. Medyo nailang ako dahil sobrang lapit ng mukha n'ya sa'kin. "Oo nga, para nila akong kakainin nang buhay," nakangiwing pagsang-ayon ko. "Tss. You're beautiful, that's why. Dapat pala hindi 'yan ang pinasuot ko sa'yo. Long sleeve is better." Napasimangot ako. "Kj mo naman. Minsan lang ako magmukhang sosyal na ganito pipigilan mo pa? Pangarap ko kayang magsuot ng shining shimmering black gown that's flaunting my tits." "What?" he snorted. "You heard me. Wala naman kasi akong pagsusuotan ng ganitong kabonggang event. It's my first time." "Flaunting your boobs?" napapantastikuhan n'yang tanong. "And that," dagdag ko pa. Napailing na lang s'ya habang natatawa. I don't know why I am so confident around Drake. Iyong feeling na okay lang na ipakita ang totoong ako at mangulit anytime. Gano'n 'yong pakiramdam. They were looking madly at my hand, holding Drake's arm. Kung ang mga kalalakihgan ay kulang na lang ay lumuwa ang mga matang nasa akin, ang mga babae naman ay iba-iba ang naging reaksyon. Most of them are looking at me with envy in their eyes. Kung nakamamatay ang tingin ay kanina pa ako nakabulagta. They may look rich and sophisticated, but I know that they're killing me in their heads. Those evil smiles made me smile too. Akala siguro nila ay iiwas ako nang tingin. Ikaw ba naman ang maging date ng isang Drake Belcher ay hindi ka kaiinggitan? Anyway, mamatay sila sa inggit. Nasa bulsa ang paki ko, nagkakape. I confidently walk with a smile on my face, minding my own business. Iginiya ako ni Drake sa isang high table. Pagdating roon ay dalawang lalaki ang naghihintay. Kulang na lang ay tumakbo ako nang makita ko si King Mikael Davis. Naalala ko tuloy kung gaano ako ka-shungang pizza delivery girl. Hindi pa amn kami lubos na nakakalapit ay nakaumang na ang kanyang kamay sa'kin. "Hi, loves. Nice to meet you...again," he playfully uttered. He was about to kiss my hand, but Drake immediately pulled me away. "Isusumbong kita kay Kisses," ani Drake dahilan nang pagkabitin sa ere ng kanyang nguso. "Tagos naman mam-blackmail. Tulis na ang nguso ko, eh," reklamo namang katuwiran ni King. Natatawa naman sa isang tabi si Avery. Keira is beside him, wrapping his hands around her waist. Sana all. So, kaibigan rin pala nila si King. Gustuhin ko man magtanong kung nasaan ang lalaking pakay ay tinahimik ko ang bibig ko. Nakakahiya naman magdemand na agad kay Drake kung kakarating lang namin dito. Baka mamaya pa 'yon darating. "So, how did you two end up together? Nagpadeliver ka ng pizza?" nakakalokong tanong n'ya kay Drake. Naguguluhan s'yang tinapunan nito ng tingin. "Ay, hindi. Ako lang 'yon. Kulang lang ako no'n sa practice," sabat ko naman. He let out a chuckle. "I like you already." Itinaas niya ang palad kaya gano'n na rin ang ginawa ko. Natatawa naming binigyan ng high five ang isa't-isa. Mabilis kong nakagaana ng loob si King. He's cool and jolly. Palabiro s'ya at hindi naaubusan ng kwento. Samantalang si Avery naman ay may kadaldalan rin pala. Naiilang kasi akong makipag-usap dahil s'ya ang boss ko. S'ya lang naman ang may-ari ng hotel kung saan kami nagta-trabaho ni Keira. We were standing and mingling with some of his business partners. Ang iba ay nakilala ko dahil mga regular guests sila ng hotel. Some of them are board members and stock holders. Hindi naman ako nahirapang makihalubilo dahil palagi ko silang nakakausap tuwing may event sila sa outlet kung saan ako ang coordinator. "Look, who's here. The Dominguez princess," said the man who was already in front of us. Kung mas maaga ko sana siyang nakita ay nakapagtago sana ako agad. Keira's eyes widened. "Charles!?" bulalas n'ya. "Hi, ex," nakangiting tugon naman ni Charles sabay kindat sa huli. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagbabago ng mood ni Avery. Good luck, Keira. "You knew my girlfriend?" Asked Drake. "He's my cousin," I butted in. "Oh," nabibiglang saad n'ya. "He's one of our consignee at the mall," he told me. "...good to have you here, Charles." They shook hands and nodded to each other. Hanggang dito ba naman ay bigla na lang 'tong susulpot? Sa bahay namin ay gano'n na siya, madalas ay nasa hapag na agad at kumakain. Ang dapat na ngiti ay nauwi sa ngiwi. Gusto kong kainin ng lupa. Sa daldal nito ay paniguradong makakarating ito kay Kuya Janus. Alanganin akong tiningnan ni Drake. Alam niyang nag-aalala ako dahil nga may nakakilala na sa akin. Tinanguan ko lang ito upang iparating na walang dapat ikabahala. "W-Who's with you?" Kinakabahan kong tanong kay Charles. Imbis na sumagot agad ay binigyan n'ya lang ako nang nakakalokong ngiti. Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Chill. I'm alone," sagot niya, tumatawa pa rin. Nakahinga ako nang maluwag doon. Nagkamayan sila tanda nang pagbati. Hihilahin ko sana papunta sa labas si Charles at kakausapin ngunit nahila na s'ya ng isa pang may edad na ring businessman. Mamaya ka sa akin. "Is that okay? I mean the deal.." nag-aalalamg tanong ni Drake. "Don't worry. Hindi naman magsusumbong 'yon sa mga kuya ko." I hope so. "We're close, so..." Subukan n'ya lang akong isumbong sasakalin ko talaga itlog n'ya. "Good. Relax ka na. You look bothered kasi kaya nag-alala ako." I took a deep breath and smiled at him. I was showing him that everything is fine. Pero sa totoo lang ay kinakabahan ako dahil likas na madaldal si Charles. Protective rin 'yon pagdating sa mga nanliligaw sa'kin. I took a drink from the tray of the roaming waiter. The bitter-sweet champagne made me relax a bit. "Huwag mo nang isipin 'yon. Don't mind me, enjoy the party and have fun with others. I'll just go to the powder room." I excused myself and immediately pulled Charles. Lumabas kami ng ball room. "Alam mo, girl para kang kabute. Anong ginagawa mo rito?!" I hissed at him. "Naghahanap ng prince charming? Duh! I'm a businessman, girl." Oo na, alam ko naman. Pero sa dinami-rami ng party, dito talaga kami magkikita? He grabbed my shoulders and made me face him properly. "Gaga, ang gwapo. Si Drake Belcher talaga? Iba ka, girl!" He was acting that he's shrieking kahit wala namang lumalabas na boses. Ang landi talaga ng bayot na 'to. "It's just an act. Kailangan ko siya kaya in return ay may favor rin siyang hiningi sa'kin." "And what is that?" taas kilay niyang ani. "To be his fake girlfriend." "Ay bakit ikaw? Nandito naman ako?" He was spreading his arms. "Ako na lang ang ipagkanulo mo, hindi ako tatanggi kahit 'dimo na ako i-box okay lang." Hinampas ko siya ng pouch ko. "Tumigil ka nga. Lalaki ka ngayon, maghunus dili ka," naiinis kong angil. Inayos n'ya ang sarili nang matauhan sa sinabi ko. His parents doesn't know that he's gay. Well, for me, bisexual s'ya dahil nagkaroon rin naman s'ya ng girlfriend. He's my best friend's ex-boyfriend at ako ang saksi kung paanong minahal n'ya talaga si Keira. "What's the catch?" "My biological parents." Ang kaninang maligalig na ngiti at mga mata ay biglang naglaho. Binitiwan n'ya ako at inayos ang kanyang kurbata. "He's a friend of Attorney Nigel Revamonte. Alam mo namang ang tagal ko nang hinihintay na makaharap s'ya 'diba? Nakakaunawa s'yang tumango. Dahil nga palagi siyang nasa bahay namin ay hindi na bago sa kanya ang ganitong usapin. Lalo naman sa family ko dahil bukas ang isip nila pagdating sa desisyon kong 'yon at suportado. Pinaliwanag ko sa kanya ang kasunduan namin at kinikilig na namang sinuportahan ako ng bakla. "Basta ingatan mo ang puso mo, ha?” Natawa ako. “Imposible ‘yang sinasabi mo,” nailing sa wika ko. “Baka mabusog ka bigla sa sinabi mo,” tuya n’ya. "Pero kung hindi man ikaw ang ma-in love, malaki ang chance na s'ya ang mabighani sa'yo. Sa taglay nating ganda? Ay girl! 'Di malabong ma-inlove sa'yo si Papa Drake. It runs in the blood, girl!" He flipped his hair and raised his eyebrows. Napangiti ako roon dahil noon pa man alam ko na tunay na pinsan ang turing n'ya sa akin. Wala man akong kapatid na babae ay mayroon namang Charles na tumatayong "ate" ko kahit na may balls s'ya. "Please lang, Charles. Huwag mo itong sasabihin kay kuya Janus ha?" "Ay grabe. Gano'n tingin mo sa'kin? Madaldal?" Nilagay pa niya ang dalawang kamay sa dibdib na tila ba nasaktan sa sinabi ko. "Gusto mo pa talaga akong magsinungaling?" naghahamon kong wika. He pouted and rolled his eyes at me. "Oo na. Hindi ko sasabihin." "Talaga? Mabasag man itlog mo?" "Oo, pati keps ko." "Ambisyosa. Tara na nga sa loob." Sabay na kaming bumalik sa ball room pero hindi ko na siya kasabay papunta sa gawi nila Drake. He was snatched by some of his business partners. Pinakilala naman n'ya ako pero agad rin akong umalis dahil si Drake nga ang kasama ko. Baka umiyak na 'yon kung matagal pa'kong babalik. Nakakamiss kaya ang kagandahan ko. Naabutan kong nakikipagkwentuhan si Drake sa isang babae. Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay alam kong maganda ang babaeng kausap niya. She looks sophisticated and stunning. Wearing a rust asymmetric long gown made her more regal. Her perfectly straight jet-black hair screams elegance. Lalo akong napapalapit sa gawi nila ay lalong napaptunayan ng mga mata ko na tunay s'yang maganda. "Hey, babe," Drake suddenly kiss my cheeks when I reached them. Babe? "Hi. Sorry natagalan ako dahil nagkwentuhan kami ni Charles." "It's okay. Did you have fun?" "Yeah. He introduced me to some of his friends," I answered, smiling. "By the way, babe, this is Kyla. Kyla, this is Kate, my girlfriend." Doon lang ako naliwanagan sa pa-"babe" n'ya. Ito pala si Kyla. The girl smiled at me and kissed my cheeks. Wow. Too good for an ex-girlfriend, ha? "Nice to finally meet you, Kate. I'm Kyla, the ex." Binabawi ko na pala ang sinabi ko. Hindi siya nice, maldita s'ya. Isa siyang mangkukulam sa fairy tale. "Oh, ikaw pala 'yung nang-iwan," I jolted. "Well. It's for my good, you know, dreams..." "Dreams are inspiring if you have your special someone," I bragged. Tumikhim si Drake dahilan para tumigil kaming pareho sa pag-uusap. Napapansin n'ya sigurong nagiging mainit na kaming dalawa. Hindi naman ako ang nagumpisa um-attitude. "Anyway, Drake I want to invite you to my homecoming party tomorrow night," pag-iiba ni Kyla na parang walang nangyaring sagutan kanina. "You know, just like the old times," malandi nitong dagdag. "I'm sorry, Kyla, but we have a night out tomorrow at Square Bar," magaling na tanggi ni Drake. Huh! Akala mong babae ka. Magpapakipot pa 'yan. "Right," I second the motion. "You want to join us? We will be with our friends. Avery and the boys will be delighted if they see you again. You know, just like the old times," I shot back. The tip of her fingernails turned pale. Kulang na lang ay madurog ang hawak na pouch. "No, thanks. That's boring anyway. I might just enjoy my own party." "No, they're not boring because they're family." "Whatever," pigil inis n'yang sagot, nakangiti pa rin. "Bye, Drake. We will surely see each other again," may pinalidad n'yang sambit bago tumalikod at maglakad papalayo sa'min.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD