Chapter 7

2095 Words
  Hindi mapigilang matawa ni Drake sa mga naganap kanina. At ako ‘yong tinatawanan n’ya. How could that scene be entertaining if you're with a spoiled brat? Muntik na akong atakahin sa puso dahil sa kunsumisyon.   Naiiling siyang tumatawa habang nagmamaneho papunta roon. Square Bar at BGC is our next destination after the party. Ang mga ilaw ng billboard at gusali sa kahabaan ng edsa ay nagsilbing tagapalakpak sa kinang nito na tila ba sumasabay sa kasiyahan n’yang nararamdaman ngayong gabi.   "You're outstanding back there, girlfriend," he cheered. Yes, she didn't stop calling me girlfriend after Kyla walked out.    "Hahahaha... Saya yarn?" I squealed, rolling my eyes at him.   "Ito naman ang pikon. Gano’n lang talaga ‘yon kapag nagseselos. I think she will be head over heels in love again with me soon. I can feel it." Bakas sa mga mata n’ya ang kasiyahan. Ibang-iba sa awra n’ya nitong mga nakaraan. I'm happy that he's happy. But I don't think Kyla will deserve him. I have a bad feeling about that girl. She's a bad shot for me, and she seems familiar, too. I can't just recall when or where did I saw her.   I bit my nails and darted my eyes at the cars on the road. Inaalala pa rin kung saan s’ya Nakita o nakasalamuha.   "Hey, are you okay? You're spacing out. I'm sorry if you're upset because Nigel was not there," he apologized again. Kanina kasi ay biglaang nag-excuse si Drake dahil tumawag si Nigel. At iyon nga, malungkot na balita ‘yon sa’kin dahil hindi natuloy ang pagkikita namin dahil may biglaang lead raw ito tungkol sa nawawalang kapatid at kailangan na sa ibang bansa iyon asikasuhin.  Sandali lang naman akong nalungkot because Drake assured me that Nigel and I would meet soon as long as the lawyer went back to the country. He even let me talk to Nigel earlier, and that's enough assurance for me. Nag-sorry ang abogado sa nangyari at maluwag sa dibdib kong tinanggap ‘yon. Nakakahiya pa na ito pa ang humingi ng tawad samantalang ako nga ‘tong makulit.    "It's not about that. Okay na tayo roon ‘diba?” paninigurado ko. "I mean the operation pretend lovers. Is it good? Tingin mo ba affected s'ya?" pag-iiba ko sa usapan. Ayoko namang isipin ni Drake na hinuhusgahan ko na ‘yong ex-girlfriend n’ya kahit na totoo naman.    "Oo naman. She's like a tigress a while ago," nakangiting niyang sambit. "I missed that expression on her face every time she's jealous."    Pinigilan kong mag-ikot ng mga mata. Bahala na nga s’ya kung saan s’ya masaya.   "So, what's next?"    "We will still pretend whenever she's around, but I'm confident that she'll contact me soon.." nahinto ang sinasabi n'ya pagkababa ng kotse dahil tumunog ang kanyang cellphone. A cheeky grin appeared on Drake's face while staring at his screen. His lips that he's biting right now were suppressing a wider grin. He didn't hold it anymore the moment his eyes darted on me. Tuluyan na s’yang napangiti nang malaki. Kinunutan ko s’ya ng noo at nawiwirduhang pinagmasdan. Bakit kaya?    "What?" I jeered.    "She texted me."   "Who?" "Kyla!" he beamed. Nanlaki ‘yong mga mata ko. Kahit naman wala akong tiwala sa babaeng ‘yon ay napangiti na rin ako. The genuine happiness on his face convinced me to trust that girl, too.  "Really?! Oh my God!" Walang pagdadalawang isip akong lumapit sa kanya. I grabbed his hands and found ourselves jumping with joy. Para kaming mga batang paslit na nagtatatalon sa isang parke. I am thrilled that finally, he will be with the woman he loves. Simula ngayon ay araw-araw ko na s'yang isasama sa mga dasal ko. He deserves all the happiness in the world.   “S..Stop..Stop,” naghahabol hininga n’yang sambit. Paano naman kasi tawa siya nang tawa habang tumatalon kami. Kailangan talaga humahagikgik? Pwede namang ngiti-ngiti lang. Para talaga s’yang kinikiliti kaya nadala na rin ako sa halakhak n’ya.   "What?" natatwa ring tanong ko. "That's good news; let's celebrate." Again, we jump around. Pilit niyang binitawan ang kamay ko kalaunan dahil nahihilo na yata.   "Wala lang. Ang saya ko lang. I mean..natin. Thank you, Kate. You're a breath of fresh air to me. This friendship is refreshing," he sincerely uttered. I smiled at him. "Sure, my friends are always there for me but, sometimes I'm afraid to open up those weird drama heartaches that are in my head," naiiling n'yang dagdag.   Kinuha ko ang kanan n’yang braso at hinilig ang ulo roon. I close my eyes, smiling. Medyo nakaramdam rin ng hilo dahil sa kagaslawan kanina. “You deserve it Drake. Huwag kang matakot na buksan ang lungkot sa puso mo dahil kakainin ka n’yan kung laging kikimkimin mo.”   "Yeah," he whispered, patting my head.    "So? Baka naman i-treat mo pa’ko n’yan,” nanunuya kong ani. I looked up at him, wiggling my brows—natawa siyang muli.    "Anything you want." He winked at me. Nagtatalon akong kinaladkad s’ya papasok ng Square Bar.    MAINGAY na tugutugan ang sumalubong sa amin pagkapasok na pagkapasok ng bar. Mahigpit ang hawak ni Drake sa aking braso na tila akong bat ana baka mawala.    Dahil sa may kalaliman na ng gabi ay kanya-kanya nang indak ang mga tao roon, halatang may tama na  ng alak. It’s already 12 midnight. Everyone is partying like there’s no tomorrow. The aggressive party lights were like happy, colorful raindrops from above. Halatang hindi pipitsugin ang bar. It looks like a European concept because of the barrel on both sides of the bar counter on the right side. Different cocktail glasses were on top of it and there’s a mini wine cellar on the left side behind the tables and chairs. Mukhang mayayaman ang nagpa-party rito.    Unti-unti na akong napapaindak habang papalapit sa gitna ng bar. Ang hirap namang magpigil sumayaw kung ganito kasaya at karami ang makaksabay mo. Kusang umangat ang dalawang balikat ko nang ngitian ako at tanguan ng isang babae na tila ba ine-enganyo ako na makisali. Ako naman na medyo mahiyain ay hindi napigilan ang tuluyan nang pag-indak. Nakalimutan ko tuloy na kasama ko si Drake. I was swaying my body like I was the music who’s ruling everyone there. Dahil mahaba ang suot kong dress ay naging limitado ang pag-indak ko sa ibabang bahagi ng katawan kaya idinaan ko na lang sa pagsayaw ng kamay. Naisasayaw ba ang kamay? Ah, whatever. Basta magsasayaw ako.    This is new to me dahil ngayon lang ako nakapasok sa ganitong klaseng lugar. Maliit na restaurant bar lang naman kasi ‘yung pinuntahan naming conference noong college ako. Bantay sarado kasi ako ng mga kuya ko during my high school to college days. Hindi na lang masyado ngayon dahil graduate naman na ako at may sariling trabaho. Ni ang subukang mag-bar ay ‘di ko na rin naman naisipan dahil pagkagraduate ay nagtrabaho agad ako. Madalas pa ay broken shift lalo na no'ng unang taon ko.Tapos si Keira pa ang lagi kong kasama, eh, ang manang din no’n.    Everyone looks wild. Their moves were playful. May naaaninag rin akong nagme-make out sa gitna ng dance floor.   Namalayan ko na lang na binubuhat na ako ng kung sino na parang isang sakong bigas paakyat. The musky scent that's invading my nose distinguished his smell. It was Drake.   “Huy, ano ba? Feeling kargador?” natatawa kong ani bago n’ya ako ibaba.   “Tss. Akala ko kung saan ka na napunta. Bakit mo’ko binitawan?’ naiinis n’yang ani. Baka mahipuan ka do’n, kita mong ang sikip-sikip.” Hindi naitago ng dilim ang nakabusangot niyang mukha.    “’Diba mas masarap kung masikip? Enjoy kaya,” nakangusong katwiran ko.   “Yes,” he agreed. “I mean what?!” Nanlaki iyong mga mata niya.   “Eh, ganoon ‘yong napapanuod ko sa mga party sa tv na nasa teleserye. Mas dikit-dikit mas masikip talaga. Syempre masaya ‘yun marami kayo, saka you know, grind-grind,” I jolted then twerk. Napangiwi s’ya nang gawin ko ‘yon. I stopped and glanced at him, pouting.    “Kulang talaga sa kulo?” nakasimangot kong tanong. Oo, alam ko namang matigas ang katawan ko. Hindi na kailangan ipaalala ng mukha n’ya.   “Tara na,” ang tanging sagot n’ya, inagaw ang isang kamay ko at hinila papasok sa isang silid. Nakasimangot pa rin ako. “Ibibili kita ng pressure cooker bukas. Kumain muna tayo,” natatawa niyang dagdag bago s’ya tamaan ng leather pouch ko.   Tss. Pangit na ka-bonding pangit pa ka-table.    Iginiya n’ya ako sa isang vip room. Ipinakilala n’ya ako kay Drei, the owner of the bar. Sila-sila ang magbabarkada nila Avery, King, at Nigel. We ordered sisig, crispy pata, osso buco caldereta and ginataang laing. Noong una ay nagtaka ako dahil gano'n ang mga pagkain doon. Then, Drei explained to me that Square bar is a casual dining at day and a bar at night. They were serving Filipino dishes with a twist. Bukod pa syempre roon sa bar menu. Hindi naman kasi kami kumain sa event kanina dahil nahihiya ako. Noong nagtanong si Drake ng gusto kong kainin ay kanin agad ang sagot ko.    Dahil paborito ko ang kahit anong food na may coconut milk ay inuna ko ang laing. They were sumptuous and appetizing. Sobrang nabusog ako.    "Do you want dessert, girlfriend?" Drake asked me.    "No, thanks. I'm full, boyfriend," I answered, giving him a wide grin. Natawa s’ya sa tinuran ko dahil alam niyang nakikisakay na ako sa kalokohan n’ya.    “Sana all,” tukso ni Drei.  "It's just a friendly endearment," I defended. “Kulit kasi niyang kaibigan mo,” natatawang sabi ko.  “Sinabi mo pa. Akala mo lang santo ‘yan dahil palaging trahimik pero puro rin ‘yan kalokohan.”  "Liar," Drake snorted.   “Obvious naman,” pagsang-ayon ko kaya umasim ang mukha ng katabi ko. “Pati pagsasayaw ko kanina sobrang apihin,” sabi ko, naparolyo ang mga mata.    “Mayabang talaga ‘yan pagdating sa sayawan. He’s a dancer way back in college. Pati mga bakla..’rayku!” Hinampas ni Drake si Drei sa braso dahilan nang pagngiwi nito. Ako naman ay nanlalaki ang matang tinapunan s’ya ng tingin. Kaya pala ha!   "Video!" I barked.     "Wala, nabura na sa youtube.”    "Ang damot! Drei?" Nilingon ko si Drei at tinaasan at baba ng kilay. Si Drei naman ay tinanguan ako.   Hindi ako naniniwala kaya naman kinulit ko siya. Nagpambuno sila hanggang sa umabot na kami palabas ng vip room. Inaagaw ni Drake ang cellphone ni Drei kung saan naka-view na roon ang youtube account n’ya. Kapag mga ganyang college dancer ay may natatago ‘yang mga video. Hindi pwedeng hindi!    Napag-usapan naman na mag-iinuman pagkakain kaya sumunod na rin ako. Doon kami pumunta sa usual spot raw nila.   Dahil sa kagustuhang hindi ipakita ni Drake ang kanyang video ay nilagay n’ya iyon sa loob ng kanyang pants, inside his brief! Napahilamos na lang ako ng mukha sa nasaksihan.   "Oh, my God! Drake ang baboy mo!" I gasped.   “Eh, ang gulo kasi nito…Stop..Ano ba!?” yamot n’yang sigaw kay Drei, nag-aagwan pa rin.   “Babasagin ko talaga ‘yang itlog mo kapag hindi mo ‘yan binigay sa’kin. Baka tumawag ang girlfriend kong hayup ka! Amoy nyupal na’yan." "Tumira ka pa 'dyan!" gigl na depensa ni Drake.   Inalis ko na muna ang tingin sa kanila dahil natatakot akong makakita ng magkaibigang nagbabasagan ng itlog. I took my phone from my bag and check some messages. Bigla akong kinabahan nang makitang mayro’n din doon si Kuya Janus.   Kuya Janus: Bunso, saan ka?   Sorry, kuya pero kailangan kong magsinungaling. Ano kayang problema? It's already late.   Me: Nasa bahay po, bakit po?   Kuya Janus: Nandito ako sa likod n’yong lamesa. Para kasing ang sarap no’ng order mong alak. Sarap yarn?    s**t.   I was slowly turning around, nagdarasal na baka pina-prank lang ako ni kuya. But, true to his words, Kuya Janus is just right behind our table, evily smirking at me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD