Chapter 2

1472 Words
Drake asked for my number after our deal. Tatawagan na lang raw niya ako kapag kailangan na naming simulan ang pagpapanggap. Since he has businessess all over the country ay madalas ang business gatherings na inaattend-an niya. Ang yaman pala noong kumag na iyon. Muntik na nga akong mapaatras nang malaman kong siya ang owner ng kilalang mall rito sa bansa. And that ex-girlfriend who broke his heart was always present. Hindi naman siguro mahirap magpanggap kung kunwaring girlfriend lang naman. Napasabunot ako ng buhok. Napapangiwi pa rin madalas kapag naiisip. I can't imagine myself going PDA. I cringed at that thought. Hindi naman ako choosy pa dahil talaga naman gwapo si Drei. Never in my life na nagkaroon ako ng boyfriend, anong alam ko sa ganoon? Ano ba itong pinasok ko? Paano kung mahuli kami nila kuya? Baka bigla akong ilublob ng mga iyon sa drum likod bahay namin. Mahilig pa namang pumunta ang mga 'yon sa mga business events because they also have their business bukod sa pagiging mga doktor nila. My brothers are very protective of me. Naku. Saka ko na nga iisipin iyon. Bahala na. "Mommy Kate, tawag ka po ni Sister Bantut." Tinawag ako ni Anna, siya 'yung paborito kong bata rito sa ampunan. She is four years old, ang pinakabibo at madaling pakisamahan na bata. I somehow saw myself in her kaya siguro malapit rin ako sa kanya. "Ann, its Sister Bandut not Bantut." Pagtama ko rito. Tumango lang ito at bumungisngis, showing her little baby teeths. Bakit naman kasi iyon pang ipinangalan kay sister. Medyo bulol pa kasi si Anna kaya ayan at natatawag siyang Bantut. Pero mabango naman iyon si sister, amoy katinko palagi. Nandito ako ngayon sa Sweet Angel's Orphanage. Sa piling ng mga madre na ako nagkaisip at lumaki. I felt home everytime I am here. Siguro kasi sila ang naging saksi sa pangungulila namin noong kami ay mga musmos pa lamang. They were the one who stand as our first mother, teacher and life mentor. They were the one who introduced how Lord God makes everything fall into its place. Hindi maiiwasan ang pagsubok, pangungulila, lungkot at kawalan ng pag-asa pero kahit na ganoon ay tinuruan nila kaming huwag magalit sa Panginoon sa kabila nang sinapit ng bawat isa sa amin. Kailanman ay hindi nila kami pinabayaan. They always made sure that we will be adopted by the best and God centered parents. Kahit na ganoon iyon si Sister Bandut na komedyante ay napakapihikan noon sa mga interesadong mag-ampon sa mga bata. Suportado siya ni Mommy na kanyang anak-anakan, katuwang niya ito noon pa man sa orphanage. Sa awa naman ng Diyos ay lahat naman kami ay napunta sa maayos na pamilya, ganoon rin ang mga bata sa kasalukuyan. "Sister, tawag niyo raw po ako?" naabutan ko siyang may hinahalo sa talyase. Kilalang-kilala ko ang amoy na iyon. "Parine ka nga at nagluto ako ng paborito mong biko. Kumain ka habang mainit pa." Ang sweet talaga ni Sister Bandut, paborito ko kasi ang biko lalo na kung maraming latik. Kumuha ako ng pinggan at sumandok ng isa. Nakakapanlaway agad dahil kitang-kita ko ang pamumutok nito dahil sa dami ng gata ng niyog. "Salamat po." I kissed her cheeks. "Sana ay hindi na kayo nag-abala, ang hirap po maghalo nito, Sister, ah. Rarayumahin na naman kayo niyan." Marami na kasing nararamdaman si sister. Alam niyo na, ume-age of ultron na at may katigasan na rin ng ulo lalo kaya madalas namin siyang paalalahanan na mag-ingat. Ayan tuloy, madalas naghihimagsik ang mga kasu-kasuan. Napakakulit. "Naku kang bata ka tumigil ka nga. Exercise ko nga iyan, palagi rin ako pinagbabawalan ni Sister Berry magkilos-kilos dito. Gasino lang naman itong pagluluto ng biko, napakadali. Lalo akong magkakasakit kung 'di ako gagalaw. Kung makasermon naman kayo ay tila ba napakatumanda ko na. Malakas pa ito ano, nagsisibak pa rin nga ako ng kahoy." Napailing na lang ako sa kanyang mahabang katwiran. Gustuhin ko mang sumagot pang muli ay pinigilan ko ang sarili, baka mahataw na ako ng hawak niyang malaking sandok. "Gusto ko ngang mag zumba pa minsan-minsan, at saka gusto ko rin subukan iyong..ano ba iyon? 'Yung ginagawa ng pinsan mong si Kris na nagpapaikot-ikot sa poste. Ay ka sexy ng batang iyon. Kagaling mag lambitin na parang unggay, dagdag pa ni sister. Nalukot ang ilong ko. Hindi ko kineri 'yung mga gusto niyang mangyaring exhibition sa buhay niya. Nakakaloka itong si sister, gusto ring magpole dancing. "Sister, ano po ang unggay?" Biglang sumingit si Anna at nagtanong, nakikidutdot sa biko na nasa aking pinggan. "Monkey 'yun, Anna, 'yung unggay," sister answered. "'Diba po dapat ay unggoy?" Hindi talaga papatalo itong si Anna. Pinagsalubong pa ang dalawang kilay at talagang hindi naniniwala kaya naman natawa si sister dahil nalukot talaga ang mukha ng batang makulit, halatang may pinaglalaban. Sige sister, explain pa more. "Unggay dahil babae, kapag namn lalaki eh 'di unggoy." Hindi ko na napigilang tumawa. Dito yata ako nagmana. Sari-sari talaga 'tong si sister. "Siya nga pala, anak. Naipaalam na ba si Sister Nelia na darating si Badong sa susunod na linggo?" My eyes widened in disbelief. "S-sister, Badong? As in Ken Martinez? Iyong..." "Oo, iyong crush mo na asul ang mga mata na madalas kang nasusungitan dahil naiinis sa kakabuntot mo," nangingiting sambit niya. Oh my God! Nakakatuwa naman at madadalaw siyang muli. Badong is my childhood enemy, oo enemy talaga dahil lagi niya akong pinaiiyak noon, nakakainis raw kasi ako. Sobrang crush ko kasi siya noon dahil sa asul niyang mga mata. He was four years older than me. Naalala ko tuloy bigla sa kanya si Drake dahil kung tutuusin ay pareho sila ng kulay ng mga mata. His monthly allotment to the orphanage is regular; his adoptive parents are wealthy. Kailan man ay hindi siya nakalimot lalo na noong nakatapos ng pag-aaral. Nakakainis nga at dumalas lang ang kanyang pagbisita sa orphanage kung kailan naman kasagsagan ng ojt ko noon sa hotel sa Manila. I stayed at my Kuya's condo there, so I don't have the chance to meet him again. Sobrang gwapo raw nito lalo ngayon as per Sister Nelia. Hindi ko talaga palalagpasin na hindi siya makita sa susunod na pagpunta niya. Sayang nga at nawala ang cellphone niya kung saan naroon ang mga pictures nila. I bet he's more charming and handsome now. Napangiti ako sa naisip. Sa ampunan na ako nagpalipas ng gabi dahil wala naman akong pasok kinabukasan. May kwarto naman ako rito kaya ayos lang na rito ako matulog. Malapit lang ito sa bahay namin nila mama, noong unang apak ko rito ay nasa tabing dagat talaga ang orphanage. Sa kagustuhan ko na magkaroon ng magandang bahay ang pinakamamahal kong mga madre at ang mga bata ay tinulungan ako ng mga magulang at kapatid ko na maipagpatayo sila ng bagong tahanan malapit sa bayan. We had our lunch earlier at home. Kaso ay umalis din sila pareho ni daddy a few hours later dahil may emergency sa hospital, kaya napagpasayahan kong dito na lang magtigil. My parents are both doctors, as well as my siblings. Sobrang blessed ko dahil sila ang umampon sa akin. Mahal na mahal ko sila mama at papa. Kahit nga two years na akong nagta-trabaho sa Manila ay naho-homesick pa rin ako. Kaya naman MWF ay umuuwi ako rito. Buti na lang at graveyard shift ako kaya kahit paano ay walang traffic kapag nagbi-byahe ako pauwi. May kotse naman rin kasi ako kaya madali ang mag-uwian. Dinalaw ko muna ang mga bata bago ako bumalik sa aking silid. Nilinisan ko muna ang mga maliliit, binihisan at pinainom ng gatas. Pagkatapos noon ay pumasok na rin ako sa kwarto, naabutan ko roon si Anna na kinakausap si Tom the talking cat gamit ang ipad ko. "Anna, bakit hindi ka pa natutulog?" Binitawan niya ang ipad at niyakap ako. "Tabi tayo, Mommy, sige na po, please," pakiusap niya gamit ang malalambong na mga mata. I sweetly smiled at her. Sino ba namang makakatanggi sa batang ito. She is so lovable and caring. Kahit naman kasi may kapilyahan at madaldal, sa lahat ay ito ang pinakamalambing. "Sige, pero magshower ka muna dahil amoy asim kilig ka na." Inamoy amoy ko muna ang kili-kili niya dahilan para humagikhik dahil sa kiliti. Nilinisan ko siya pagkatapos ay pinatulog na. Alam kong malapit ko nang mapasok ang nag-aabang na panaginip nang mag beep ang aking phone, bigla ko tuloy nahigop ang laway ko na malapit ng tumulo. Hay, kainis. Istorbo. One message received 09365447894 Let's meet tomorrow night at Square Bar, at 8 pm sharp. Sino ba ito bigla na lang magtetext na magmeet kami. Hu u ka sa akin. Nagreply ako Me: HU U? Sent Ayan capslock para intense. One message received 09365447894 Drake Napatapik ako ng noo. Mukhang magsisimula na ang pagpapanggap na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD