Chapter 1

2009 Words
Hindi na ako nakipagtalo pa roon sa lalaking nakaaway ko kagabi. From an angry, arrogant bastard to a lover boy real quick? God, he's crazy! Kahit na papaalis na ang aking sasakyan ay hindi niya inalis ang tingin sa akin. Nakangiti pa rin at mukhang aliw na aliw. Gwapo sana, creepy naman. Pero gwapo talaga siya. Bakit ba hindi pwedeng gwapo na lang siya? No buts. Nawala ang pag-iisip ko sa lalaking iyon nang tumunog na ang elevator. Ngayong araw ko na nagawa ang plano kong kitain ang abogado dahil tinawagan ako ni Mama kagabi at naglambing na umuwi naman ako sa amin sa Naic. Dalawang linggo na rin kasi akong hindi nakakauwi dahil back to back ang events namin nitong mga nakaraan. Tapos sinunod ko talaga itong lawyer hunting ko kaya lalong hindi na ako nakauwi. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lang dahil pagod na rin naman ako. Ini-imagine ko pa lang ang malambot kong kama roon ay gusto ko nang mahiga. Si Kuya Janus naman ang nag-drive kaya ayos lang sa akin. Bukod doon ay ang hirap tanggihan ni Mama lalo na kung gagatungan pa ni Papa. at mga kuya ko. I love them to bits. Kaunting lambing ay talagang bumibigay ako. Well, there's no place like home, right? "23rd floor, Ma'am," nakangiting sambit ng elevator girl. Grabe ang kaba ako. Feeling ko isusuka ko 'yung mga intestine ko. Kung kagabi ay ang lakas-lakas ng loob ko, ngayon naman ay tila ba inuupos ito ng kaba. Siguro mga ilang minuto ko pang tinitigan ang hallway bago nagsimulang hanapin ang numero ng silid. Lalong nanlamig nang makarating sa pakay na silid. Room 53. I took a deep breath before pressing the doorbell, dalawang pindot lang ay agad iyong nagbukas. "Who are you?" asked the man who opened the door. Natulala ako at napatitig sa kanyang asul na mga mata. Bagong gising ito at ramdam ko ang init ng kanyang hininga dahil medyo malapit ang aming distansya. His blue eyes were piercing, unlike last night, annoyed but playful. Kagabi lang ay gusto niya akong maging girlfriend, ngayon, hu u na agad? Iba talaga ang tama sa utak ng lalaking ito. Bigla akong natauhan nang maalala kong may sadya nga pala akong tao. Napalunok ako. "I'm Kate Dominguez. Pasensya na po, Sir sa abala. I'm looking for Attorney Nigel Revamonte. My friend gave me this address." I showed him the small paper where the address was written. Saglit niya lang na tiningnan iyon at muling binalik sa akin. Niluwagan niya ang bukas ng pinto at tumambad sa akin at namumutok niyang mga abs. Pwede nang lagyan ng chizwiz, pandesal at its best. Anim na bagong alsa mula sa lahi ni Adan. Pwede rin namang kanin na lang dahil may ulam na. Ipinilig ko ang ulo dahil sa kagagahang naiisip. Kumunot ang kanyang noo. "Why are you looking for him here at my unit? You trusted a wrong informant, Miss. Hindi rito nakatira ang taong hinahanap mo. Kung wala ka nang sasabihin ay umalis ka na because I'm not feeling well." Ang sungit naman. Pero 'diko naman siya masisisi dahil mukhang masama talaga pakiramdam. Ngunit bakit wala siya roon? Niloloko lang ba ako noong babae sa parking lot? Nakakayamot. Ginawa ko pa naman siyang "friend." Lagot talaga 'yun sa'kin kapag nag-krus ang landas naming muli. Nagpasya na lamang akong magpaalam at umalis na. Walang salitang inalis niya ang tingin sa akin at tinulak ang pinto. Ngunit bago pa man niya tuluyang maisara iyon ay bigla akong nakarinig ng malakas na tunog. Blag! Shit, ano 'yun? Mabilis akong pumasok sa unit niya at naabutan siyang nakahandusay sa sahig. I held him para sana itayo ngunit nadama kong hindi karaniwan ang init ng kanyang katawan, he has a fever. I first checked his pulse. Nakahinga ako ng maluwag. Salamat naman at buhay pa. Hindi ako magiging kriminal ng wala sa oras. I don't want to meet Attorney Nigel Revamonte as a criminal myself. Hindi ko siya kayang buhatin kaya binuhat ko na lang ang kutson mula sa kanyang kwarto at nilipat ito sa sala. Pinagulong-gulong ko siyang parang lumpiang shanghai hanggang sa makarating siya roon. He's too heavy. Hininaan ko ang aircon at kumuha ng palangana na may malamig na tubig at sinimulan siyang punasan. "Hmm," mahinang ungol niya. "Kyla, don't leave me, please. I love you. Please, don't leave." Ah. Broken-hearted naman pala. Hindi naiwasang magdiwang ng mga mata ko habang tinititigan siya. He is so gorgeous. Mahahaba ang pilikmata, may mapupulang mga labi at itim na itim ang malambot niyang buhok. His nose is perfect too, kahit matangos ay hindi masyadong malaki. "Okay lang 'yan, Mamang abs. Makakahanap ka rin ng para sa'yo. Malay mo, ako na 'yun." I giggled. Para akong baliw, kinakausap ko si Mamang abs habang pinupunasan ko siya. Binihisan ko ito ng pang-itaas, pwede rin naman iyong pang-ibaba kaso ay baka tamaan na ako ng kidlat. Nagdadalawang isip rin ako kung aalis na ba ako agad because his fever is still high. Kailangan niya na talagang uminom ng paracetamol. I opened his drawer, I found one na may mga vitamins. I assumed that that was his medicine cabinet. Naparolyo ako ng mga mata nang may makitang dalawang box ng condom. Walang paracetamol pero sangkatutak ang condom. Pambihirang lalaki 'to, hindi naman siya maisasalba ng mga ito kapag tumirik ang mga mata niya nang dahil sa lagnat. Mamamatay siya sa libog! Pinag-igihan ko na lang ang pagpupunas, mahirap na at baka kumbolsyunin. Hihintayin ko na lang siguro siyang magising. Nagpasya akong maglinis na lang muna dahil sumasakit na ang mga mata ko sa dami ng kalat. There are lots of beer cans everywhere—may mga upos ng sigarilyo sa carpet. Napairap ako sa hangin. Kalalaking tao ang arte-arte naman mag-emote. Bakit kaya ito iniwan ni Kyla? Hindi naman siya pangit, hindi rin ako pangit. Bagay kami. Hay, ano ba 'yan, Kate? Anong koneksyon no'n? Oa na 'yang pagkahumaling mo! Nagwalis-walis ako at nagpunas-punas sa kanyang sala. May nakita akong picture ng dalawang lalaki malapit sa may lamp shade, at isa roon si Mamang abs. Pareho silang yummy, parang lechon walang tapon. Napako ang mata ko sa katabi niya na may hawak na bola. Unti-unting bumilis ang t***k ng puso ko habang tinititigan ko iyon. I felt a mixture of longing...and pain. Weird. Ipinilig ko ang ulo at ibiinalik na ito. Dumako naman ako sa kitchen. I opened the cupboard—Puro mashed potato powder ang laman. 'Yung may nakalagay na 'just add hot water', tapos mukang jerber kapag nahalo mo na. Wala man lang ibang laman puro ganu'n lang at canned goods. Sunod na binuksan ko ang ref at puro hash brown, fries at patatas naman ang tumambad sa akin. Napailing ako. Grabe naman ang obsession nitong si Mamang abs sa potato. Bigas lang ang nakita ko pero wala namang pwedeng ilutong ulam. Maglugaw na lang kaya ako tapos ay lagyan ko ng patatas, gano'n? Tutal ay paborito naman niya ang patatas. Mukhang hindi match but I have no choice dahil iyon lang naman ang meron. Sana lang ay hindi siya maarte sa pagkain. Nagluluto ako ng lugaw para paggising niya ay may makain siya nang biglang akong may narinig na pag-ubo. "Finally, you're awake." Nginitian ko ito ngunit pirming nakatingin lang siya akin. "Bakit nandito ka pa? I told you to leave, right?" Grabe ang sungit talaga. Saan niya kaya nakukuha ‘yung energy para magsungit samantalang may sakit na nga siya? Sa abs niya ba? "Bigla ka kasing bumagsak kanina kaya pumasok na ako. Baka gustong mong mag..." "Thank you." His face softened at nagbaba ng tingin. Marunong naman palang magpasalamat. "Hmm." I nodded. "You're welcome. Tumayo ka na riyan para makakain ka na. Nilalagnat ka pa ba?" mainagt kong tanong. "Hindi na masyado," tipid niyang sagot. "Kailangan mong uminom ng paracetamol. Hindi ko kasi makita ang lalagyan mo ng gamot kaya pinunasan lang kita." "Nasa cupboard bandalng likod." Oh, kaya pala hindi ko nakita. Kinuha ko na rin iyon para sa kanya para pagkakain ay makainom na siya ng gamot. "Ito nakita ko na," sabi ko. "Pasensya ka na kung nakialam na ako sa kusina mo. Naglugaw ako nga pala ako." Sinilip ko ang niluluto, nang makitang pwede na ay pinaghain ko na siya. Tumango lang ito pagkalapag ko ng mangkok. Mukha namang hindi siya maarte sa pagkain dahil hindi siya nagreklamo sa lasa niyon. Or wala lang talaga siyang panlasa sa ngayon. "Ikaw din kumain ka na.” Alok niya. Mabait naman rin pala itong si Mister Potato. Oo, Mister Potato na lang kasi mahilig naman siya sa patatas. Mukhang mas okay naman 'yon kesa sa Mamang abs. Baka isipin niya ay manyak ako. "Ahm, tapos na. Nagluto ako ng hash brown kanina. Sorry ah, alam kong favorite mo 'yon pero nagutom na kasi ako, dalawang piraso lang naman 'yung kinain ko. Hindi kasi kita maiwan dahil ang tagal bumaba 'yong lagnat mo," mahabang paliwanag ko. "It's fine. Bakit mo nga pala hinahanap si Nigel?" He asked. "I want his professional help; I'm an orphan. I want to look for my real parents." Syempre paawa effect ako sa pagkukuwento para convincing. Lord, sana tulungan po ako ni Mister Potato. "I'm sorry to hear that. Marami lang talaga siyang hawak na kaso. Being the best lawyer slush private investigator in the country, talagang hindi siya nauubusan ng clients." He suddenly smiled. "He is the best, and he is my best friend." I can see fondness in his eyes. I think he dearly loves his best friend. Oh my, ito na. Mahahanap ko na yata ang mga magulang ko with the help of Mister Potato. Hulog siya ng langit! "Ahm, c-could you help me? since magbestfriend naman kamo kayo? It's tough to meet him, you know," nahihiya kong wika. Nagkunot siya ng noo na tila ba may iniisip. He was looking intently at me. Pero agad din napalitan iyon ng ngiti at unti-unting nagliwanag ang kanyang mukha. "Sure. But in one condition." "Sus 'yun lang? Kahit anong kondisyon." Tatanggapin ko kahit ano mahanap ko lang ang tunay kong mga magulang. "Sure. Anything." Lakas loob kong sambit. I gave him my sweetest smile. "Really? Anything?" "Yeah," I answered confidently. "Then be my girlfriend," he said, grinning. "Girlfriend lang pala eh. What?! Anong? Teka naman!" I exclaimed. "Ni hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend. Ano ganu'n ganu'n lang 'yun? Swerte mo naman kung first boyfriend kita." Sobra naman ito, inalagaan ko na nga siya't lahat. may pa kondisyon kondisyon pa siyang ganu'n. Walang utang na loob. “A-akala ko naman hindi mo na natatandaan iyong kagabi.” He was smiling playfuly at me. "That pretty face of yours is unforgettable, sweetheart. And I'm dead serious about last night when I asked you." He shrugged. Pinamulahan ako ng mukha. Those words coming for a gorgeous man like him are flattering. The way he offered it ay para lang siyang negosyanteng nakikipag-bargain. “M-magpapanggap lang talaga, ha?” “Yeah.” "Sure 'yan?" "Hmmm," he answered, nodding. "You're offering this deal because of Kyla?" "You knew her?" Biglang nagseryoso ang mukha niya. "Hindi. Pero pa ulit-ulit mo binabanggit ang pangalan niya habang tulog ka." With matching ungol-ungol pa nga. Ang arte-arte, emoterong frog. "Did I moan?" He playfuly asked me. "Yes." "Did I cursed?" "Ah, no." Late ko nang napagtanto ang ibig sabihin niya sa mga tanong na iyon. Such a p3rvrt. My eyes widened. "I said No! You!" I frustratedly point my finger at him. Napakabastos. Pasalamat talaga itong taong ito at may kailangan akong pabor. His sexy chuckle invaded the whole unit. "So, ano? You will pretend as my girlfriend, and you will meet Attorney Nigel Revamonte as soon as possible. Deal or deal?" He offered his hand. Matagal kong tinitigan iyon. Sandali akong nagdalawang isip na tila ba may iba pa akong option sa buhay ko ngayon. I rolled my eyes at him. I grabbed his hand, and he has this annoying smirk on his lips. Tagumpay ang sinisigaw ng ngiting iyon. Nakakainis! "Deal."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD