Ilang beses akong kumurap-kurap ngunit hindi talaga naglalaho sa paningin ko si Drake. He was lying comfortably at my bed here in my condo.
My pink blanket was perfectly hugging him. I wonder why pink always looks good on him. Sa iba kasi ay nawawala ang pagiging manly nila kapag suot ang kulay na 'yon. Dinig ko ang mahina n'yang paghilik. Natatabunan ng magulong itim na buhok ang kanyang gwapong mukha.
At nakanganga pa!
Wala na 'kong nagawa kundi ang bumuntong hininga na lamang. Kailangan ko na siguro siyang singilin sa lagi niyang pagtulog dito sa condo ko.
Sa loob ng isang linggo ay tatlo hanggang apat na beses siyang natutulog dito. Mayroon namang bakanteng kwarto dahil dalawa ang silid dito kaso puro gamit ko na iyon. Paniguradong hindi kakasya ang matangkad na lalaking gaya niya.
As days go by, Drake slowly got clingy on me. Noong una ay naiilang pa ako pero naging komportable na rin kalunan. Kahit na naroon pa rin 'yong damdamin kong 'di masupil para sa kanya ay natutuwa naman ako na magkaibigan kami. We were like bestfriends. Nagseselos na nga si Keira dahil mas lagi raw kaming magkasama. Atleast parati ko naman siyang inaaya sa lakad namin ni Drake. 'Di gaya niya na lagi na lang akong iniiwan mula nang magka-boyfriend siya.
Gaya nang kung paanong laging gustong makasama ni Drake ang pamilya ko ay ganoon rin sa kaibigan ko. Madalas nga kaming lumabas ngayon kasama sina Kuya, Keira at iba pang mga kaibigan niya. We get along well. Mas naunawaan ko kung bakit mahal na mahal ni Drake ang mga kaibigan niya. Nakita ko kung paano siyang mahalin ng mga ito. Para lang silang magkakapatid. Si Nigel na lang talaga ang kulang.
Nagbihis muna ako bago tumungo ng kusina. I didn't eat all day because our new sales manager is really a pain in the ass. Puro siya mando at wala namang ginagawa. Kaya tuloy sa akin bumabagsak lahat ng trabaho. Prente lang lagi ang upo niya sa kanyang swivel chair at nagpapaulan ng utos. Dagdag pa iyong mga sipsip niyang alipores. Dios ko, nakakaubos na ng bait nakakaubos pa ng ganda.
I smiled when I saw a covered tupperware at the table. Bumulusok agad ang nanunuot na amoy ng gata at tinapa nang tanggalin ko ang takip. It was my favorite laing and there's a fried talakitok fish too. May advantage rin pala ang unggoy na 'yon dito sa unit ko. Mayroon akong personal chef. Excited akong kumuha ng pinggan at naglagay ng maraming kanin. Taman-tama, Ang sarap nito sa bahaw. Pinuno ko ang kutsara ng laing at sumubo ng malaki. Dahan-dahan kong nginuya iyon at ninamnam ang gata ng niyog. Laking pagsisisi ko dahil muntik na kaong malunod sa lasa niyon.
"Sorry nakatulog ako. Ako ang nagluto n'yan, masarap ba?" biglang tanong ng isang baritonong tinig. Si Drake 'yon at pupungas-pungas pa habang bitbit ang hotdog pillow ko.
Iluluwa ko na sana ang nasa loob ng bibig kung hindi lang s'ya dumating, wala akong nagawa kundi lunukin lahat ng 'yon.
Masarap naman, lasa nga lang dagat. Laki yata ng gigil nito sa asin. Isinaisip ko na lang dahil baka ma-offend ko pa siya. Pwede pa naman remedyuhan. Dadagdagan ko na lang ng gata.
"Hmm... Salamat. Tulog ka na ulit."
"Antayin na kita. Manunuod na muna ako ng tv." Tinungo niya ang sala at dinampot ang remote sa may lamesita sa gitna. "How's work?" Tanong niya sabay upo sa sofa.
"Na-stress ako sa bagong sales manager namin. Ang tamad. Ang bastos pa makipag-usap sa client, talagang ipipilit 'yung kanya. Alam mo ang daming complaint mula nang dumating s'ya. Lagi tuloy mainit ang ulo ng general manager namin. Syempre damay-damy na 'yon dahil isang team kami. Hindi naman daw pwedeng tanggalin dahil isa raw sa mga board members ang nagpasok," nanggigil na rant ko habang hinihimay ang kawawang isda. Naalala ko na naman iyong mga trabaho kong tambak. Paano ko kaya 'yun matatapos kung may event na ako sasabay pa ang admin works na pinagagawa niya, malapit na ang deadline.
""Wag mo nang isipin 'yon magre-resign din 'yun," confident na sagot lang n'ya.
"Anong mag-re-resign? May backer nga 'yon! "Di ka naman nakikinig sa sinasabi ko," nayayamot kong sabi. Iyong mata kasi n'ya ay nasa cellphone n'ya lang habang pinanunuod s'ya ng tv. Nagsasayang lang ng kuryente ito, eh. Malamang nagke-candy crush na naman s'ya. Paborito n'ya kasi 'yon laruin.
"Ka-chat ko lang si Avery. Naniningil ng utang."
"Dami-daming pera nu'n umuutang pa?" takang tanong ko.
"Oo, naman. 'Di lang naman laging pera ang inuutang at sinisingil."
"Eh, ano naman 'yun?"
"Kaligayahan mo," he said and then winked at me. I just made a face and continued my dinner. Daming alam.
I drank my tea before going to bed. As usual, naroon na naman si Drake sa kwarto ko. Pero ngayon ay sa baba na siya nakahiga gamit ang comforter at tulog na naman. Sana ganoon rin ako kabilis makatulog. Pansin kong mabilis siyang makagawa ng antok.
Ilang beses na akong paikot-ikot ay hindi pa rin ako nakakatulog. Tumigil ang mata ko sa maamong mukha ni Drake sa ibaba ng aking kama. Nakaharap na siya ngayon sa akin 'di gaya kanina. His natural red lips was slightly pouting, pressing his cheeks to the pillow. Him being here beside me is like a dream come true. I know in my heart that I love him since we're little and it never changes. Lalo pa iyong bumulusok nang magkita kaming muli. Natatakot man ang puso ay handa kong isugal ang bawat araw at pagkakataong makakasama ko s'ya. I will not expect anything from him. Kung magmamahal s'yang muli ay maluwag sa puso ko 'yong tatanggapin. Basta gusto ko palagi lang s'yang nariyan at hindi na muli akong iiwan.
"Hey. Tulog ka na." Nagulat ako nang magdilat s'ya ng mga mata. His sleepy blue eyes were a bit teary. "Iniisip mo pa rin ba 'yon? 'Di mo na 'yon makikita bukas," he confidently said before closing his eyes again.
"Sana nga."
"Hmm." Paungol niyang tugon, bahagyang tumango.
Nakangiti na lang akong napailing. Hindi pa rin inaalis ang mga mata sa kanya na s'ya pala'ng makapagpapatulog pala sa akin.
SABAY na kaming pumasok ni Drake sa trabaho kinabukasan dahil may kailangan s'yang kuhaning mga papeles kay Avery. I greeted the guard before I went in and immediately fixed my hair and uniform at the locker. I took a deep breath before going to the sales office. Doon muna kasi ako dapat mag-report dahil may briefing kami with the sales manager before going at the restaurant. Magsisimula na naman ang stressful na araw ko.
"Goodmorning, Miss Kate." Jenny greeted me - the receptionist.
"Nand'yan na ba si Ma'am? Dito muna ako, ah." I looked at my watch and it's still fifteen minutes before 9. Pwede pa akong maupo. Ayoko namang makipag-kwentuhan na tila ba close kami. 'Di ako sanay makipag-plastikan. Napagalitan niya ako kahapon tapos bigla kong kakausapin? Ano siya gold?
"Naku, Ma'am. 'Di na po pumasok si Ma'am Cynthia. Fired na po," pabulong na sabi ni Jenny.
"H-Huh? Bakit biglaan naman?" nabibiglang tanong ko.
"Nakarating kasi kay Mister Villaroel na bastos raw sa client at saka tamad. Hindi na rin tinanggi ng general manager kasi huling-huli na po, eh. Nagbukas ng mga travel sites si CEO. Ayun po. Tumambad sa kanya ang mga complaints ng guests. Kaya ayun, tsugi agad."
Ayoko namang magpaka-ipokrita pero natuwa talaga ako sa binalita ni Jenny. Dahil sa kanya ay maraming nag-refund at nag-cancell ng events kaya naman malaki-laking kawalan rin 'yon sa hotel. Ang kaninang kaba at bigat sa dibdidb na nadarama bago pumasok kahit papaano ay gumaan. Marami pa ring workload for sure pero ang importante ay wala na siya.
Ang general manager na lang namin ang nag-conduct ng meeting for the sales team. Nilatag na rin ang task ng bawat isa para hindi isa-isa lang ang nagdadala ng mga trabaho. May mga nagreklamo lalo na 'yong mga tamad pero wala naman silang magawa dahil direct reporting na kami kay Sir Gail, iyong kanang kamay ni Sir Avery.
What a great day to start.
Nakangiti akong pumasok sa restaurant after ng briefing. I first check the limited items and the 86. 86 is a restaurant term for the out of stock. Madalas pa rin kasi ang biglaang meeting everyday kaya dapat ay updated ako sa bawat item sa menu. After listing down the details, I went back to the back office. That's where I spent my day assisting with the client's inquiries and sales calls. Kapag naman may hindi alam ang receptionist sa event menu ay lumalabas rin ako para harapin ang client.
I suddenly stopped turning the door lock when I saw flowers and chocolates on a nearby old podium near the door. It was a bouquet of white roses. I looked around and saw Kuya Nilo sleeping. Bahagya ko s'yang tinapik.
"Kuya, gising baka maabutan ka ni gm." Gulat na tumayo siya nang makita ako
"S-Sorry, Ma'am. Nag-over time po kasi ako," hinging paumanhin nito.
"Okay lang po. Anong oras pa ba darating 'yong karelyebo mo?"
"Alas dose pa, Ma'am. "Di kasi nakapasok kahapon dahil nagkasakit."
Nakakaunawa akong tumango.
"Kuya, napansin mo po ba kung sino ang nagdala nitong mga bulaklak?" I have a hunch though but I wanted to make sure para alam ko kung kanino ako magpapasalamat. Letter F lang kasi ang initials na nakalagay. "Hindi kasi malinaw kung sinong sender, eh," nahihiya kong tanong.
"Ay," biglang sabi niya, napangiti. "Si Sir Francis po, iyong manager sa kabila, Ma'am. Mukhang may gusto po sa inyo," nanunukso niyang dagdag.
Francis is the manager of the seafood restaurant outlet beside ours. Ilang beses nang nagpapahaging iyon sa akin pero binabalewala ko na lang. Ilang beses ko naman nang sinabi sa kanya na wala pa akong planong mag-boyfriend. Wala naman nabago sa turing niya sa akin, we remained friends and acquaintances. Sadyang makulit lang talaga siya.
"Ikaw talaga ang showbiz mo, sige, kuya pasok na po ako sa loob. 'Wag kang papahuli d'yan."
Dinala ko ang mga bulaklak papunta sa ilong ko at sinamyo ang mabangong amoy nito. I smiled while opening my favorite chocolates. Ferrero rocher is a five-star! Hindi nakakaumay because of the hazelnut inside.
Natanggal na ang kinaaayawan kong tao sa trabaho at may bonus pa akong chocolates and flowers.
Nabitin sa ere ang pagsubo ko sa ikatlong tsokolate nang mapansing may lalaking matiim na nakatitig sa akin. Beside him was Sir Avery, smirking at me. Natatranta akong tumayo at binati sila.
"G-Goodmorning, Sir Avery and Sir Drake."
"Drop the formality, Kate. It's okay to start your day with flowers and chocolates from your suitor. It's more inspiring to work. I always did that to Keira, and she loves it. Right, dude?" Sabay baling niya kay Drake. Inirapan lamang siya ng huli.
"Kanino galing 'yan? 'Di naman yan masarap." Sinimungutan ko siya at inirapan.
"Paborito ko kaya ito. Gusto mo ba? Kay Sir Francis ito galing 'yong manager sa kabila."
Nagulat ako nang biglang tumawa nang malakas si Sir Avery na tila ba aliw na aliw. Luh, siya. Naaning na.
"Sorry, may naalala lang," sabi nito. "Mauna na ako sa inyo, nasa office na kasi si Keira, sinamahan ko lang dito dahil hindi raw niya alam kung saan ang office mo," nakangiting paalam nito. I smiled and nodded. "'Wag kasi puro bwelo," baling niya kay Drake at natatawa niyang tinapik ang balikat nito bago tuluyang naglakad paalis.
Drake is still leaning at the door and looking intently at me. Sa klase ng mukha niya ay halatang naiinis ito.
"Okay ka lang? Anong problema?" maingat kong tanong.
Walang sagot siyang tumalikod at sinarado ang pinto. Namilog ang mga mata ko sa inasal niyang 'yon.
"Aba't..."
Sinundan ko siya at naabutang may sinisilip sa katabing restaurant. Nang magawi ang mata sa akin ay biglang napatayo ng tuwid.
"Saan ka ba pupunta?" naiinis kong tanong. "Bigla kang susulpot sa back office tapos bigla mo'kong lalayasan."
"Maniningil ulit ng utang," walang emosyon niyang sabi bago ako talikurang muli.