Malaki ang nabago ng aking mundo nang bumalik si Badong. I usually woke up at 12 am kung wala sila Mommy at Daddy tuwing day off ko. Pero eto ngayon, namumuryot ako sa pagmumukha niyang nakikita ko dahil wala pa naman akong balak na bumangon ay ginising na niya ako.
"Oh my God! Let me sleep. Maghihiwalay na ang kaluluwa at katawan ko kapag pinilit mo talaga akong bumangon," naiiyak kong wika. He was side lying in my bed and his face was too close. His minty breath touches my lips and invaded my nose. Amoy na amoy ko rin ang natural na bango niya. He's just wearing a pink plain shirt and beige short. Sa klase ay mukhang kakarating lang rin.
I've been to two big events last night at talagang inubos niyon ang bait at lakas ko dahil sa dami nang kapalpakan ng kusina. Thankful na lang din ako dahil sinundo ako ni Drake kaya nakaligtas ako sa long drive.
"Mag-aalmusal na. Naghihintay sila kuya roon," natatawang sabi niya. "Pagpatuloy mo na lang ulit mamaya."
Oo, close na close na sila ng mga kapatid ko ganoon din sila Mama at Papa. Matapos ang mini-reunion namin two weeks ago ay madalas na s'yang nagagawi rito. Pinapaayos na rin n'ya unti-unti iyong bahay n'ya. Kahapon nga ay nagtanim raw doon ng mga halaman sila kuya Janus at Junnie.
Ang daya, hindi man lang ako hinintay.
"Galit ako sa inyo, 'di niyo ako sinama sa Alfonso," nagmamaktol kong reklamo, pumikit na ulit. Doon kami namimili madalas ng mga halaman. Tinalikuran ko s'ya at niyakap ang hotdog pillow ko.
"Babalik naman tayo 'diba sabi ko sa'yo. Hindi pa naman ako nakakapamili ng mga itatanim na bulaklak. 'Wag ka na magtampo, tara na kumain na tayo."
Padabog akong bumangon at tiningnan siya nang matiim. "Isasama n'yo na ako, ha?" paniniguro ka.
"Promise, tara na, Ikaw ang mamili nang mga gusto mong bulaklak para ilagay doon sa tapat ng bahay ko. That space is for you. 'Wag ka nang magtampo," pagkumbinsi niya.
He offered both of his hands para tulungan akong makabangon. I accepted it, and he carefully pulled me upward.
"Bilisan mo na ang kilos. Toothbrush ka na, bad breath ka," patukso niyang saad. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.
"Hinimatay ka ba? Tumira ka pa sa bibig ko paglabas mo buhay ka pa rin."
"Oo naman comatose nga lang."
"Yabang nito."
Aliw niya akong tinulak papasok ng bathroom para makapagsepilyo at hilamos na. Pinagpasyahan kong maligo na dahil sa sobrang pagod ay hindi na ako nakapaglinis ng katawan kagabi. Napatapik ako ng noo nang makaligtaang kunin ang twalya ko sa likod ng pinto ng kwarto.
I opened the door and roamed my eyes around. I found Drake still on my bed, sitting, and his eyes were on his phone, maybe reading something.
"Drake, paabot naman ng tuwalya nakalimutan ko," medyo malakas na boses kong pakisuyo. Then I closed the door and finished doing my skin care. Matapos ang ilang minuto ay nakarinig ako nang katok kaya itinago ko ang sarili ko sa likod ng pinto sabay pihit ng seradura.
"Inabot niya sa'kin 'yon. At ganoon na lang ang pamimilog ng mata ko nang makitang may nakapatong ring damit roon. My usual house shirt and shorts plus my underwear and bra!
Oh, my God!
"Sabi ko tuwalya lang. At pwede bang lumabas ka muna para makapagbihis ako sa labas nang matiwasay?" I roared.
Kinunutan niya lang ako ng noo na tila ba joke lang iyong sinabi ko.
"Kaya nga dinalahan na kita ng damit para d'yan ka na magbihis. Mas malakas ang wifi rito, nanunuod ako ng anime." Walang salitang tinalikuran n'ya ako at umupo ulit habang ang mata ay nanatili pa rin sa kanyang cellphone.
Jusko! Mauubusan ako ng bait sa lalaking ito. Pakialaman raw ba pati panty at bra ko.
Wala na akong nagawa kundi isuot ang binigay niya dahil hindi naman talaga siya aalis kahit lumabas lang akong naka-tapi lang ng tuwalya. Mabuti na lang at maayos naman ang binigay niya. Hindi iyong butas butas kong mga damit. Pero paborito kong isuot ang mga 'yon lalo na kung summer.
Sinabit ko lang ang suklay sa aking buhok tapos ay lumabas na. Pagbaba namin ay naroon na ang dalawang bully kong kapatid at kakatapos lang maghain.
"Gising na ang mahal na prinsesa," Kuya Janus announced. I smiled at him and then kissed his cheeks. Ganoon rin ang ginawa ko kay Kuya Janus. Pinaghila ako ni Drake ng upuan, and that's so sweet. Pero akala ko lang pala dahil hindi niya pala naitulak pabalik agad iyon dahil bigla siyang tinawag ni Kuya Janus at may tinanong.
"Aray!"
"H-Hala, sorry...sorry," hinging paumanhin niya sa akin. "Sorry talaga."
Guilt was all over his face. Hindi naman niya talaga sinasadya pero besh mesheket talaga sa balakang.
Saglit nag-aalala sila kuya pero inasar din naman ako agad pagkatapos.
"Ilan nahuli mo, bunso?" Nang-aasar na tanong ni Kuya Junnie. I just made a face and took a sip on my coffee.
"Pa-massage tayo mamaya? Sorry, talaga," ulit ni Drei.
"That's a good idea basta libre mo, ah," I beamed.
"Sure. Kuya's, wanna join?" aya niya roon sa dalawa.
Napangiti ako nang inaya niya rin iyong dalawa. Nitong mga nakaraang araw ay napansin kong mas masaya siya ngayon. They really treat us as his family. Bukod sa pagiging madalas niya rito ay nadadalas na rin ang pagdalaw niya roon sa orphanage. Siya ang nagpi-prisinta na magturo sa mga bata lalo na kung may assignments ang mga ito. Bumili rin siya ng shuttle service car para sa mga ito. Kaya naman hatid sundo na sila kapag papasok ng paaralan.
I'm always thankful that he's back. Hindi lang para sa akin kundi pati na rin sa buong Sweet Angels.
Dahil laging salungat ang schedule namin ay madalas siya sa condo ko siya pumupunta sa Manila. Kapag uuwi ako rito ay uuwi rin siya rito at doon tutuloy sa bahay niya sa Bucana.
My heart was overwhelmed with the happiness he brought to my family. Talagang mahal na rin kasi siya talaga ng mga magulang at mga kuya ko. Mas madalas ngang sila ang magkakasama kesa sa akin. Sobrang hectic talaga kapag nasa hotel industry ka. Hindi uso ang holidays kahit Christmas at New Year pa 'yan. Nakakapagod pero mahal ko naman ang trabaho ko. Minsan lang talaga ay napapaisip na rin akong lumipat na lang s amga hotels malapit rito. Or kahit events place lang. Namimiss ko kasi talaga sila Mama at Papa kapag nasa Manila ako. Madalas naman doon ang mga Kuya ko pero umuuwi rin naman sila agad.
A loud snap near my face pulled me back from my thoughts.
"Earth to Kate." Drake was looking weirdly at me, wrinkling his forehead. "May problema ka? You look sad."
"Wala naman. Naisip ko lang minsan gusto kong magpahinga. Magcelebrate ng Christmas at new year nang hindi naka-duty. Alam mo naman sa klase ng trabaho ko hindi uso ang holidays. Mas may holiday mas maraming tao," I reasoned out.
"I could arrange that," he said, getting his phone in her pocket. "Sasabihin ko kay Avery na every holidays ay sabihin sa managers mo..."
My eyes widened when I realized that Avery is the one he was contacting. Mabilis kong binaba ang telepono n'ya.
"What?" kunot noo n'yang tanong sa'kin.
"Ano ka ba? Iisipin ng mga staff doon dinadaan ko sa koneksyon. Ayoko. Hayaan mo na."
"Akala ko gusto mong mag-celebrate ng holidays?
"Oo, nga. What I mean is I am thinking of transferring to another hotel and events place around here. Hindi 'yong ganu'n. Ang unfair naman no'n para sa mga staff na gaya ko."
"Hmm... Pwede naman, or I could build an events place for you..."
"What?!
Tama ba 'yong narinig ko? Napalunok siya sabay hagod sa batok.
"I mean.. Avery and I are planning to have an events place in the town."
I suddenly felt excited at the news.
"Really?! Pwede akong consultant or any position habang nagsa-start pa lang ang construction. Staffing? Costing? I can do that!" I cheered.
I could see the excitement in his eyes about that plan. Marami ring matutulungan na tao rito sa Naic kung sakali. Pagsasaka at pangingisda lang kasi ang pangunahing hanapbuhay rito. May mga establishments naman sa bayan pero kakaunti lang iyon kaya napipilitang makipagsapalaran ang iba sa Manila, gaya ko na lang.
"Kailan niyo ba balak simulan ang construction? Final na ba 'yan?" sabik kong tanong.
"Kung kailan mo gusto."
"Huh?"
"Ibig kong sabihin maybe a month or two. Kailangan ko rin si Nigel para sa legalities noong establishment as well as your case. Konting tiis na lang naman. Auntie really needs him now dahil hindi naman pala si Nia 'yong babaeng nagpakilala sa kanila. She pretended to be Nia Bernice for money," naiiling na pahayag niya.
"It's okay naintindihan ko naman. Ngayon pa ba ako maiinip? Saka alam ko iyong feeling ni Nigel na hanap nang hanap tapos hindi naman niya makita-kita. Ang sakit pati no'n para sa mommy n'ya na minahal iyong inaakala niyang anak pero hindi naman pala. Worst ay ginamit lang sila," I sympathized.
Natigil ang kwentuhan namin nang tinawag na kami ng masahista. Kaming dalawa lang ang natira sa usapan kanina dahil sina Kuya Janus at Kuya Junnie ay may emergency sa ospital. Nalungkot ako dahil ang sarap pa naman kasama no'ng mga 'yon sa spa. Talagang walang dull moments kapag sila ang kasama samahan pa nang kulit ni Badong. Pero okay na rin para walang mang-asar sa akin.
We don't have a choice but to stay at the couple room dahil fully booked na. May curtain naman sa gitna so keri lang.
A mixed scent of lavender and ylang-ylang invaded my nose as I laid flat on my stomach. Mas nakaka-relax ang amoy rito sa loob ng massage room kaysa sa may lobby because the room has its own diffuser. We opted to get the service for one hour.
"What pressure do you want, Ma'am? Soft, moderate, or hard?" asked the masseuse.
"Hard po, Ate. Please."
Unang hagod pa lang ng kamay ng masahista ay ibayong ginhawa ang naidulot nito sa akin. Magaan ang kamay niya at nakuha niya ang saktong pressure na nais ko. Nakapikit lang ako at ninanamnam ang bawat pisil nang may marinig akong hagok.
Sino pa naman ba ang pagbibintangan ko kundi si Badong lang.
"Drake, buhay ka pa? Ang tahimik mo, ah."
"Ma'am tulog na po si Sir, sagot no'ng mahasita niya." I pulled the curtain between us and saw him sleeping. Natatawa ako habang nakadungaw ang nakalawit niyang ulo sa ilalim. Nakanganga pa siya. Pinikit ko na lang muli ang mga mata at nag-concentrate sa ginhawang nadarama habang humihilik siya. Bigla tuloy akong nakunsensya dahil pagod nga rin pala 'to sa trabaho tapos sinundo at hinatid pa ako pa-Naic kagabi.
Medyo napaigik ako nang dumako sa balakang ang hagod.
"Moderate lang d'yan, Ate. Medyo masakit po kasi natumba ako kanina," I told her and she obliged. "Oh, that's good.. Ohhh.. Ang sarap..." Grabe, ang sarap magmasahe ni ate. Mabilis na gumaan ang pakiramdam ng balakang ko.
"Yes.. Ohhh.." I moaned, savoring the relaxation that she was giving me.
Nang magawi ang tingin ko kay Drake ay nakakunot ang noo niyang tumingin sa akin.
"Are you moaning? Ikaw ba 'yon? He asked in a hoarse voice, halatang kagigising lang.
"Sorry, nagising kita. Ang sarap kasi, eh... Ohhh... Right there..." I moaned again
Pagkatapos namin dito ay kukunin ko ang pangalan at number ni ate para siya na lagi ang magmasahe sa akin.
Her hands are superb! Ire-recommend ko siya kina Kuya, Mama at Papa. Mahilig rin kasing magpamasahe ang mga 'yon, eh.
"Will you stop that?" He hissed at me.
"What? Ohhh... Sige d'yan harder na oh... Harder.. 'yan, perfect.."
Hindi ko na namalayang tapos na pala si ate sa ginagawa niya. Masyado akong nag-enjoy. Dahil sabay kaming nagsimula ni Drake ay sabay rin dapat kaming lalabas. Ngunit five minutes na ang nakakalipas ay wala pa rin siya sa loob ng kwarto.
I returned to the room para silipin siya. I found him sitting at the massage bed, bowing his head.
"Hey, let's go," aya ko. Bakas ang gulat sa mga mata nang tumama 'yon sa'kin.
"Wait lang hinihintay ko lang matulog."
"Matulog? Halos kakagising mo lang, ah."
"Matulog ang kagustuhan kong magpamasahe ulit. Ang sarap magmasahe ni Kuya, eh. Labas ka na. Five minutes lang 'to, knockdown na 'to," he explained.
"O-okay..."
Naguguluhan man ay nagpatiuna na lang ako. maybe he was having his massage lag. Sinarado ko na lang ang pinto at kinuha na rin ang number noong masahista niya.