Chapter 11

2218 Words
  "Woah, too much for a reunion, huh?" I teased him. Binigyan n'ya lamang ako ng matamis na ngiti bago siya bumaba ng sasakyan. Sinabayan ko na s'yang bumaba ngunit bago pa man tuluyang makatayo ay  naunahan na niya mabuksan ang aking pinto.    "Naks, gentleman na gentleman tayo ngayon, ah," I praised him, chuckling.   "Sabihin na nating bumabawi lang ako sa mga panahong inaway kita noon," natatawa niyang tugon.   We opted to go to barangay Bucana where the old Sweet Angels Orphanange was located. Nakipagkumustahan kami sa mga tao roon na ngayon ay malalaki na rin ang mga bahay. Nakakatuwa na makita sila na umasenso na. Natatandaan ko pa noon na sa kanila kami nakikisilong kapag sinasakop ng dagat iyong orphanage kung bagyuhan. Hindi naman umabot sa punto na nalimas ang ampunan pero talagang binabaha kami tapos pagkahupa ng baha ang daming isda roon na patay pati mga basura.   "Ang tagal mong hindi nagawi rito, Sir, ah.    Maayos na rin 'yung pathway papasok. Makipot pa rin but, at least sementado na. We suddenly stopped near the gate of the orphanage. He took a handkerchief and showed it to me as if asking permission.   "What?" lito kong tanong.   "I have a surprise for you; come on." I just went ahead, and he carefully supported me.   May pa-surprise agad? Ganda ko sa part na 'yon.   Hindi ko alam kung bakit may kaba akong nararamdaman. A mix of excitement and fear was in there.  Behind that fear is the feeling I am carrying since childhood that I know will soon destroy our friendship. That feeling needs to be ravage while it is still less painful. Pagkatapos na pagkatapos ng deal na ito ay unti-unti na akong lalayo. Or pwede ko na rin namang simulan ngayon. O, sige bukas na lang kasi sayang naman 'yong moment. Kailangan lang naman n'ya ako sa tuwing nasa eksena sa Kyla kaya madali nang mag-alibi kung bigla s'yang mag-aaya sa kung saan na hindi involve ang pagpapanggap. Feeling ko kasi mukhang dadalas ang pagkikita namin ngayong alam niya na ako ang kababata n'ya. Dagdag pa na ni-welcome na siya ng pamilya ko sa buhay namin.   Ugh! I imagined how complicated that would be for me. Parang ang hirap yatang umiwas kapag gano'n.  Habang papalapit ay unti-unti kong naaamoy ang maalat na simoy ng hangin. Unti-unting bumabalik ang mga inosenteng ala-ala kung paano kami nag-umpisang maging anak ng Sweet Angels Orphanage.   "We're here; I will take your blinds off," he murmured in a hoarse voice.  My vision gradually cleared and met his pair of blue eyes that seemed to be waves of joy. I don’t know how many seconds I was stunned by his handsome face. I quickly shook my head when I realized that look had deepened.  What a love-sick girl!  Ipinatong niya ang mga kamay sa balikat ko at unti-unting pinihit paharap sa isang malaking bahay. It is white and has a red gate.  I entered without a word—May kung anong damdaming kumudlit sa puso ko habang unti-unting napapalapit sa pinto.   "Wow," pabulong kong anas. "This is the orphanage?"   "Yeah."   "Oh my God! Ikaw pala ang nakabili nito?!" namamngha kong tanong.    "Yes. Hindi lang talaga ako nadadalas dahil busy ako. I bought this right after my adoptive parents died. Umuwi ako sa Pilipinas at naisipang dalawin ang orphanange. That's when I found out that they moved at the town."   "What went through your mind and made you think of buying this?" nagtatakang tanong ko habang inililibot ang tingin sa paligid. There were epmty plant boxes near the garage. Naisip ko na agad ang mga halamang maaring ilagay roon. "Naalala ko noon na sabi mo hinding-hindi ka magtatagal dito at ayaw mo rito dahil laging nagbabaha." He just laughed it off. Binuksan niya ang pinto at isang maluwag na sala ang bumulaga sa akin. It was a masterpeice from scratch, halatang ginastusan nang malaki dahil hindi ko na halos maalala kung saang parte ng bahay ampunan noon ang bawat sulok ng bahay na nakikita ko ngayon.  "Well, if there's a will, there's a way. I instructed the workers to piled it up and raised the ground. And they did so," he proudly said and shrugged.   Labis na nilulukob ng kaligayahan ang puso ko sa mga nalaman. Siya pa rin pala iyong Badong na kilala ko noon na hindi nakakalimot. "Aalis ka na talaga? "Diba sabi mo hindi mo ako iiwan basta hindi na kita i-crush kasi bata pa tayo? Promise hindi na kita crush. Gagawin na lang kitang kuya. 'Wag mo naman akong iwan rito," iyak kong pagmamakaawa. Napasimangot s'ya pero agad rin 'yong nawala. "Ayaw kitang kapatid, malakas ka kumain." Lalo tuloy akong napaiyak. "Magkikita naman tayo ulit, Kate. Pangako babalik ako. Huwag ka nang umiyak. Dapat masaya ka dahil aampunin ka na nila Ma'am Gwen. "Diba sabi mo gusto mo siyang maging Mama kasi kahit maingay 'yung bunganga n'ya ay mabait s'ya sayo? Gano'n rin ako Kate. Gusto ko rin ang magiging Mommy ko. H'wag ka nang umiyak. Okay lang na crush mo ako habang buhay basta ayokong nakikita kang umiiyak."  "Promise babalik ka?" "Oo, naman. Pangako." Nagitla ako at natauhan nang may mainit na kamay na dumapo sa aking pisngi. I didn't notice that I was still staring at his face. He looked at me anxiously and wiped away my tears.   "A-Are you okay? Why are you crying?" he asked me worriedly.    "No. I'm just...I'm just glad you haven't forgotten where you started dreaming of a happy family despite the cruelty you went through before."    Bibihira na kasi sa gaya namin na bumabalik kung saan kami nagsimulang mangarap na magkaroon ng pangalawang pagkakataon na magkaroon ng pamilya muli. Iyong iba kong kababata ay tuluyan nang nakalimot sa orphanange ngunit mas lamang naman ang hindi. Hindi ko naman sila masisisi kung ayaw na nilang balikan ang mga ala-alang nangungulila sila sa kanilang pamilya sa loob ng apat na sulok ng bawat silid ng Sweet Angels. Hindi naiiba sa kanila si Drake dahil biktima s'ya ng p*******t ng magulang. Her parents are gambler and has a lot of vices. It's nice to know that despite of all the pain he'd been through, he still have faith that life will turn to his favors and here it is, infront of me doing better in life.    Magkakaiba naman kami ng pananaw. Ako kasi dito ako natuto kung paano maging malapit at magtiwala sa mga aral ng Diyos. Kailanman ay hindi niya ako binigo, hindi man niya ako binalik sa tunay kong pamilya ay binigyan naman niya ako ng bagong mag-aaruga sa akin na may mabuting puso at magmamahal sa akin ng totoo. At natutuwa ako na nasa iisang paniniwala kami ni Drake.    "I promised that I would come back, didn't I? I'm a little late because of the trials that I have been through, but the important thing is I didn't let you down."    He lifted my hands and carefully brought them to his face. I was starting to laugh when he began to squeeze his cheeks using our palm.   "Ang sungit-sungit mo naman, Badong. Paano ka naman aampunin kung lagi kang nakasimangot? Ngiti ka naman d'yan para ampunin ka na." He was mimicking my little Kate's voice. Natatandaan ko noon na lagi kong nilalamukos ang mukha n'ya kapag nakasimangot s'ya.    "Oh, my God! That's so me. Ang mahadera ko pala talaga noon ano? Lahat na lang napapnsin ko," natatawang ani ko.    He still had my hands on his face and held them carefully. I was surprised when he suddenly kissed my palm before smiling sweetly. My heart suddenly stopped beating along with the dancing of the leaves by the wind's blowing outside.   Bumalik lang ako sa aking katinuan nang bigla niyang ibaba ang kamay ko dahil tumutunog ang kanyang cellphone.    "One minute," he assured me before he answered the call. Tumango lang ako at pinagpatuloy ang paglilibot sa loob. Dinadaga pa rin ang dibdib ko habang ginagawa 'yon. Aatakihin yata ako sa puso sa mga pinanggagawa ni Drake. I know that he's naturally sweet ang gentleman pero biglang mas naging sobra iyon ngayong nalaman niya na magkababata kami. Bata pa lang kami ay likas na s'yang maalaga at maasikaso kahit lagi niya akong sinisimangutan. He has this sweetness in him in his own ways.    Ako rin naman ay sobrang naging at ease sa kanya nang malamang siya si Badong pero iba kasi 'yong feeling kapag masyado na s'yang malapit.  "Tara sa kubo malapit sa aplaya." Walang salita n'ya akong hinila palabas ng malaking bahay. Gaya ng dati ay may mga bangka pa ring nakapondo sa tabing aplaya. Mukhang hindi niya pinaalis ang mga mangingisda na gustong doon iparada ang kanilang bangka. Naaalala ko pa kung paano kaming nakikigulo sa "bulungan" noon na narito dati. Doon dumadaong ang mga mangingisda galing laot tapos ay lagi nila kaming binibgyan ni Badong ng isda. Madalas ay asube at tanige. Lagi niyang hawak ang kamay ko noon sa tuwing babaybayin ang aplaya, gaya ngayon.    Pagdating sa may kubo ay may nakahain nang miryenda. It was my favorite muche and sinudsod.  "Hala. Saan ka nakabili ng sinudsod? Ang tagal ko nang hindi nakakakain niyan," sabik kong sabi.  Sinudsod it's an original Naicenos delicacy. It's like a pancake, but it was made from sticky rice flour and partnered with its sweet coconut milk. It is best with pinipig on top. Palaging ganito ang miryenda namin noon at ang sarap magluto ni Sister Bandut nito. Masyadong nakakapagod lang talaga siyang gawin ngayon kaya bihira na niyang maluto.    "Isa sa mga care taker ko ay marunong magluto nito. Pinadalhan ko sila sister kanina, na-late kasi nang gawa kaya hindi na naihain. Halos kakadala lang sa bayan ngayon," he explained.    Sinunggaban ko agad ang pagkain. The rice cake is so chewy, and the coconut milk is in the right sweetness of it.   "Ang sarap... Natigil ako sa pagsasalita nang mapansing nakatitig lang s'ya sa'kin. "'Oh, 'nu ka d'yan? Ngayon ka lang nakakita nang magandang babaeng kumakain ng sinudsod?" I said while munching my food.    ""Di ko lang akalain na gaganda ka nang ganyan samantalang ang itim-itim mo noon..."rayku!"    "Bastos 'yang bibig mo. Ayoko nang kumain!" padabog kong binitawan ang kutsara. Akmang aalis ako pero walang hirap niya akong nabitbit pabalik sa kinauupuan. I was half sitting on his lap when I realized that we're too close. Pabiro ko na lang s'yang hinampas sa mukha para makawala.  At kapg inabot ka naman ng sangkatutak na kamalasan! Tumilapon pa ako sa buhangin.   "Ayan, bitaw ka kasi nang bitaw sa'kin. eh," natatawa niyang ani. He stood up and offered his hand on me. Padabog ko 'yong tinanggap upang makatayo.    "Tse!" paghihimutok ko.   Umupo siyang muli at kumain. Ganoon rin ang ginawa ko. Gaya nang madalas na nangyayari pagkatapos mag-asaran ay nagkatawanan lang kami.    Inaya niya akong maglakad sa tabing dagat pagkakain. Nagulat ako nang bigla siyang tumigil at lumuhod sabay yuko sa may bandang paanan ko. Maingat niyang tinupi pataas ang pants ko. May pagtataka ko s'yang tiningnan. Kusang umangat ang mga paa ko ko upang matanggal ang suot na sapatos. Sa bawat galaw ng mga kamay at tila ba sanay na sanay s'yang gawin 'yon. Na sanay na sanay na agad s'ya sa'kin. At natatakot ako na baka maging ganoon rin ako sa kanya.    Walang humpay na kwentuhan ang naganap habang naglalakad kami sa may dalampasigan. This scene is quiet familiar. Us, walking on the seaside while waiting for the sunset was our favorite thing to do when we're little.      "Kumusta na nga pala kayo ni Kyla? Have she finally reached out?" kinakabahang tanong ko.    "Yeah. We were together last night," he answered, smiling. There this glint of excitement that I saw in her ocean eyes.    "W-Wow that's good." Hindi ko alam kung bakit ang pait nang labas ng mga salitang 'yon mula sa bibig ko. Samantalang noon namang hindi ko pa alam na siya pala ang kababata ko ay totoong masaya ako kung sakaling magkabalikan sila. Parang may kung anong humihiwa sa puso ko ngayong nakikita kong masaya na ang kanyang dating malungkot na mga mata. "I'm sure babalikan ka na no'n," I told him, trying to be cheerful.   "No."   "Huh?"   "You know what? Let's break that deal. I don't think I can be with Kyla anymore." Naguguluhan ko s'yang tiningnan. "I realized that maybe I was just too sad and out of the desire to be with someone in my life. I just needed to feel accepted, like a real family. I didn't realized that it's possible," madamdamin niyang pahayag.   "Ikaw lang kasi, eh. Hindi ka bumalik agad."   "Let's just say that with the amount of money I have now, I am blinded by the belief that only money can make people stay," he chuckled humorlessly. "Aminado akong dumating talaga sa buhay ko na nakalimot ako sa inyo.. sa'yo."  Nasaktan man sa sinabi ay maluwag ang dibdib kong tinanggap iyon. Hindi naman kasi lahat ng taong minahal mo noon, babalikan ka. Darating at darating ang oras na makakalimot ka. Hahatakin ka na lang ulit pabalik ng mga ala-alang 'yon kapag ikaw na lang mag-isa.   Inakbayan niya ako at sinandal sa kaliwang balikat niya. His musky scent didn't fail to make me calm. Hinihintay ang paglubog ng araw kasabay ng mga ala-alang muling nabuksan, muling mag-uumpisa at muling haharapin na sana'y kasama siya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD