Chapter 10

2048 Words
Ilang beses akong kumurap para i-absorb lahat ang mga bagay na naganap sa araw ko ngayon. Si Badong at si Drake ay iisa? Siya ang regular benefactor ng Sweet Angels, sa kanya galing ang mga pagkain, laruan at damit para sa mga bata at siya rin ang crush kong supladong gwapong bata na may asul na mga mata na lagi akong inaaway noon? Okay, this is too much! Lord, slap me, please! Kailangan kong magising sa bangungot na ito. "Badong? As in Ken Martinez. Ikaw ‘yon?” naniniguro kong tanong. “Ako nga ‘yon, ‘yung crush mo. Remember?” nakangising anas niya. “Talaga ba?” “Ahuh..” He nodded. “This is happening, right?” “Hmmm.” Tumango s’yang muli, nakangiti pa rin. Nang maarok lahat ng isip ang mga nagaganap ay hinampas ko sa kanya ang hawak niyang bulaklak. Nasipat ko naman na wala na ang mga tinik no’n kaya hindi na ako nagdalwang isip na iwasiwas ‘yon sa kanya. “”Rayku..’Rayku!” Dahil mas malaki at malakas s’ya sa akin ay madali n’yang nasangga ang mga hamaps ko. Iyak ni Ann ang nakapagpatigil sa akin, si Uriel naman ay nagpipigil ng tawa habang nakahawak sa kanyang bibig samantalang ang ibang bata naman ay tila mga audience sa isang palabas sa entablado. “Mommy, don’t away my crush!” tili ni Ann. Namilog ang mga mata ko nang lalong lumakas ang kanyang iyak. Dios miong bata ‘to, akala ko ba magkakampi kami? May pa-english-english pa na nalalaman. Bakit mas mahal na yata n’ya ang crush n’ya kaysa sa’kin? Madilim kong tiningnan si Drei tapos ay binigyan nang huling amba nang hampas bago ko amuin si Ann. I took a deep breath and caressed her back. Kahit mabigat ay binuhat ko s’ya para patahanin. Mabilis naman itong kumalma kaya kinalong ko na lang ito at iniharap sa akin. “I’m sorry, ‘nak nagbibiruan lang naman kami ni kuya kasi…” pinandilatan ko ng mata si Drake nang makita kong nakangisi s’ya. Tila ba aliw na aliw na ipinagtanggol siya ni Ann. “Namiss lang n’ya ako, Ann. Ganoon s’ya kapag namimiss ako, nananakit nang kaunti,” nanunuya n’yang ani. Pinaningkitan ko s’ya ng mga mata. “”Diba, Mommy Kate gano’n ka talaga kapag miss mo ako?” Mamaya ka talaga sa'kin! “O-Oo..” pagsang-ayon ko na lang. “Bonding talaga naming ‘yon ni Kuya Badong n’yo.” Inilibot ko ang paningin sa mga bata, pekeng ngumingiti. “Mamaya nga maghahabulan batok kami kasi sobra ko s’yang na-miss. Pero huwag n’yong gagayahin ‘yon, ah? Hindi pa ‘yon pwede sa inyo,” mahabang paliwanag ko. Nakakaunawang tumango ang mga bata at bumalik na sa kanya-kanyang ginagawa. Si Ann ay nakatitig pa rin sa akin, tuyo na ang mga luha. “May habulan batok ba?” he snorted. Tiningala ko s’ya at tinaasan ng kilay. “Sabi ko nga, Ann may gano’n tapos ako ang taya mamaya.” Hinarap kong muli si Ann. “Bati na tayo, ha?” malambing kong turan sa kanya. Tumango naman ito at niyakap ako. I focused on the activities with the kids after that short discussion. Nang bitawan ko si Ann kanina ay ‘di ko na kinausap muling si Drake. I immediately kept myself busy. Walang kumustahang naganap o ano pa man. It's been a week since we last see each other. Tapos gugulatin n'ya ako nang "Its Badong for you?" Unggoy siya! I am pissed because all this time ay s’ya pala ‘yong kababata ko. It means he already knew it the moment our eyes met. He knew that I was his childhood enemy. At si Kuya Janus? Alam n’ya rin ba ito? “Kate,” Drake called me. Hindi ko s’ya nilingon at pinagpatuloy lang ang paghuhugas ng pinggan. “It’s not what you think. Hindi ko alam na ikaw si Kate, na kababata ko noon,” he carefully explained. “But you’ve been here before as per the sisters. Ibig sabihin ay lagi mong nakikita ang pictures naming ng mga bata sa play area,” katwiran ko, medyo nagtaas ng tinig. Iyon ‘yong mga panahon na ojt ko pa. “Maybe because you’re prettier now…"Wag po!” Mabilis niyang ilag. “Sinasabi mo bang pangit ako noon kaya hindi pumasok sa isip mong ako ‘yon!?” Umakyat lalo ang dugo sa ulo ko. Iniumang ko lalo sa kanya ang hawak na may sabong sandok at handang handa na siyang hambalusin. Namimilog ang mga mata n’ya itong tiningnan. Ikaw ba naman makakita ng syanse na ginagamit sa malaking talyaseng kasya ang tatlong Ann, aba’y matakot s’yang tunay. Kayang-kaya nitong pitpitin ang pisngi n’ya. “Grabe, naman wala bang maliit? Masakit ‘yan!” “'Wag ka nang choosy!” “Baba mo na ‘yan. Ito naman gagalit agad. Pwede bang maganda ka na noon pero mas maganda ka ngayon?” A feverish tickle dance in my stomach when he said those words. Iba talaga magpakilig ang lalaking ito. Lalo pa ngayon na nalaman kong siya si Badong. A part of me was hoping that we can be close. Pero parang ang hirap naman na hayaan ang sarili kong maging malapit habang may sinusupil rin ako damdamin para sa kanya. My feelings for him are still the same and it's not right. Kaya pala ganoon na lang ang pagsikdo ng aking puso sa tueing kasama s'ya. There's this familiar love rush in me when he's around. Hindi man agad namukhaan ay alam ng puso ko na s'ya 'yon. "Uy, namumula si bunso. 'Yan na ba 'yung crush mo? Hi, crush," he waved at Drake at sinaluduhan naman s'ya ng huli. Pinatong nito ang mga take-out boxes sa kitchen counter. "He's Drake," I answered. "... and he's not my crush anymore." "Wait. You look family. Drake Belcher? 'Kaw si Badong?" naniniguro nitong tanong. "From Badong to Drake Belcher. That's the name my adoptive parents gave me. So, yeah," kibit balikat niyang sagot bago sila man hug. "No way!" Biglang singit naman ni Kuya Janus na may bitbit namang mga inumin at ice cream para sa mga bata. "You don't know?" I asked suspiciously. Tila nabasa naman niya ang naiisip ko kaya nagtaas siya ng dalawang kamay, tanda nang pagsuko sabay iling. "Really, I don't know it's him. Sa dami niyo ba namang umaaway sa akin noon ay matatandaan ko pa ang mga kababata mo and that's decades ago," mahabang paliwanag niya. Sige na nga patatawarin ko na s'ya. "Tagal nating hindi nagkita, ah," si Kuya Junnie. "Kayo ang magkakilala?" nabibiglang sambit ko. Ilang beses pa ba akong magugulat ngayong araw na 'to? "Hmm.." tango ni kuya. "We have mutual friends. Nagkakilala lang sa bar sa Manila." Kaya naman pala alam niya ang buong pangalan ni Drake. Akala ko ay dahil kilala lang niya ito dahil sa negosyo. "Natatandaam mo pa ba 'tong si Kate? "Yung maitim na matabang...Kadiri ka naman!" "Tigil mo nga 'yang bunganga mo kuya parang pwet ng manok!" bulyaw ko. Nagsisimula na naman kasi siya kaya binato ko s'ya ng basang basahan. At parang walang narinig si Kuya Janus dahil pinamewangan niya lang ako at hinarap muli si Drake. "...bata na may crush sa'yo noon. Mamaaaaaa!" Naiinis ko siyang hinagad ng malaking sandok. Dahil mabilis siya ay hindi ko na ito naabutan. Malaya siyang nakalabas ng kusina na bitbit ang tagumpay nang pang-aasar sa'kin. Sabay na lang kaming natawa pareho ni Drake nang magtamang muli ang aming paningin. What a surprise, isn't it? LUNCH came at lahat ng mga bata ay kumakain sa kani-kanilang mga lamesa. Samantalang ang mga matatanda naman ay napiling sa may dining area sa loob na lang mananghalian dahil hindi pa rin tapos mag sort-out sila Mama. Nakisali na rin kami ni Drake at tumulong. Pinauna na naming kumain sila sisters at ang parents ko. We were sitting on the carpet, the boxes of toys and clothes were surrounding us. "You know, this is awkward, right?" mahina kong sabi sa kanya. He look at me and chuckles. "Bakit naman? Ayaw mo ba na magkababata pala tayo?" "Na pretend girlfriend mo ngayon? Nah.." giit ko sabay iling. "Imagine, nag-bar na tayo tapos umarte-arte na akong jowa mo tapos ikaw pala si Badong? I can't imagine you being like that." "Like what?" "From a supladong bata na hate na hate ako tapos ngayon inaalok mo na akong maging girlfriend pagkatapos mo'kong mabangga. Dati rati inis na inis ka sa'kin dahil buntot ako nang buntot sa'yo." Mahina n'yang hinampas ako ng hawak na damit habang tawa nang tawa. Bigla kasing nagbvalik sa mga ala-ala ko ang pinagsamahan namin noon. "This is fun, actually. I Finally meet my frienemy, again." "Small world," I agreed, nodding. Kami na ang tumapos ng mga gawain para makapahinga na ang mga elders. Nakisali na rin si Kuya Janus at Kuya Junnie kaya naging mabilis ang trabaho. At dahil kaharap namin ang mga kapatid ko ay walang katapusang pambubuska ang natamo naming dalawa ni Drake. They get along well with Drake. Sa tingin ko ay madaling nakuha niya ang loob ng mga kapatid ko sa kaalamang siya nga si Badong at hindi siya nakakalimot sa Sweet Angels. "Mama, tapos na kami, Ma! Ma! Ma!" "Junnie tigil mo nga 'yang bibig mo kakahiya ka!" Gigil na saway ni Mama. "Miss lang kita, Ma. Three minutes kitang hindi nakita, eh," makulit na sagot ni kuya. Naiiling ko na lang siyang sinamaan ng tingin. Para kasing tanga. "Tumayo na kayo riyan at ipamahagi na natin," utos ni Papa. Iyon nga ang ginawa namin ang dinala ang mga 'yon sa play area. Masayang tinanggap 'yon ng mga bata at isa-isang nagpasalamat. Lagi namang may ganitong ganap sa orphanage ngunit hindi pa rin yata nasasanay ang puso ko sa nadaramang ligaya sa tuwing nakikita ko silang masaya. Wala naman kasi akong kayang ibigay sa kanila kundi pagmamahal, pag-aaruga at pag-unawa lang. I can't fulfill their heart desires to see their family again. Alam ko ang pakiramdam dahil ako nga na kahit na may mababait na magulang at mga kapatid ay nakukulangan pa rin. "Thank you, Drake, anak dahil hindi ka nakakalimot," Mama wholeheartedly told him. Niyakap s'ya nito pagkatapos, ganu'n rin si Papa. "Maliit na bagay po 'yoin Ma'am, Sir.." "Tss... Tito and Tita will do. At dalasan mo na ang pagpapakita sa amin ha? Welcome ka sa bahay. You can spend your vacation here kapag libre ka. I can arrange a room for you. We're family, anak. And I'm so sorry that you lost your adoptive parents early. Kaya dalasan mo rito ha?" "Tama ang tita mo, magtatampo kami kapag hindi." Hindi ko alam kung reflection lang ba ng papalubog na araw ang biglang pagkintab ng asul niyang mga mata o sadyang may namumuong ulan talaga sa mga 'yon. May ngiti sa labing tumango rin ang dalawang kuya ko kay Drake. "Inom tayo sa bahay, balik ka rito. Baka umiyak 'yong bunso namin. Ni-crush back mo na ba 'yan? Baka hindi 'yan makatulog mamaya," buska na naman ni Kuya Junnie. "Hindi ko na nga s'ya crush," nakairap kong sagot pabalik. Natawa lang silang lahat sa tinuran ko. Nagpaalamanan na ang lahat at kanya-kanya nang tumalilis. Nauna sila kuya dahil maglalaro pa raw sila ng computer games. "Ma'am.. I mean, Tita. Pwede ko po bang mahiram sandali si Kate?" "Itatanan mo na? SIge lang 'wag mo na ibalik," mabilis na sagot ni Mama. "Saang simbahan ba ninyo gusto?" gatong naman ni Papa. "Parents naman!" napapadyak kong saway. Diyos ko, nakakahiya silang lahat. "Mamamasyal lang po sandali. Na-miss ko po pumunta sa may aplaya," he assured, chuckling. "Go ahead. Mag-ingat kayo," nakangiting pagpayag ni Papa. Pareho kaming kumaway sa kanila bago tuluyang makalayo. "So, where to?" I suddenly asked him. "Puerto? Ternate?" "Anywhere. Kung saan ka sasaya," he said before opening the car door for me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD