Chapter 9

2144 Words
“Kate, anak bangon na! Almusal na tayo!” dinig kong sigaw ni Mama. May sa megaphone talaga ‘yong bibig ni Mama ko. Paggising ko ay medyo masasakit pa ang kasu-kasuan ko. I have a big event yesterday night; it was the debut of the daughter of one of the stockholders. Kaya ito, ramdam na ramdam ko ang pagkirot ng katawan. I was on duty for fifteen hours dahil sobrang demanding ng client at hindi talaga maaring pabayaan. Nakakahiya kung mabulilyaso dahil malaking usapin ‘yon kung nagkaton. Ayokong mawalan ng trabaho. It all went well kaya sulit ang pagod ko. Mabuti na lang talaga at day-off ko kinabukasan, makakapagpahinga ako. Gustuhin mang ipagpatuloy pa ang pagtulog ay hindi pwedeng hindi ako babangon, kumpleto kasi kami ngayon. Magtatampo si Mommy kung hindi kami sabay-sabay kakain ng almusal. Minsan lang magtugma ang mga day-offs naming kaya sinusulit ni Mama kapag gano’n. Matapos maghilamos at magsepilyo ay bumaba na ako. I found my brothers in the kitchen. Kuya Janus was at the front of the stove cooking something. Sa klase ng amoy ay alam kong bacon at hotdogs ‘yon, si Kuya Janus naman ang gumagawa ng kape. “Mga alipin, bilisan n’yong magluto at gutom na ang prinsesa!” I bellowed. Sinamaan ako nang tingin ng dalawang kuya samantalang sila Mama at Papa naman ay sabay na natawa. I kissed them both and then sat beside Papa while Mama was sitting in front of me. They're still wearing their silk tops and jammies. They love wearing matchy sleepwear at night, and that's cute and sweet. “Anong ganap n’yo today mga anak?” Mama asked while putting hotdog on her bread. “Tulog lang, Ma,” sabay na sagot ng dalawa kong kuya. "Boring n'yo talaga," I snorted. “Wala naman kaming ibang gagawin. Ang sarap kayang matulog, tapos kakain, tapos tutulog ulit.” “Ano ka baboy?” ingos ko. Binato ako ng pinirasong tinapay ni Kuya Junnie kaya sinimangutan ko s’ya. “Ma, o, si kuya nagsasayang ng pagkain,” sumbong ko kay papa. Si Papa naman ay nangiti lang. "Junnie stop it," Mama warned him. Ayaw na ayaw niya kasing pinaglalaruan ang pagkain. I stuck my tongue out and made a face. Buti nga! "May bisita sa orphanage. Dadating raw iyong kababata mo Kate. Remember Ken? 'yung crush mo?" Mama announced, teasing me. “Oh my! Si Badong? Ngayon na pala ‘yon? Nasabi nga po sa akin ni Sister Bandut last week, nawala lang sa isip ko. What time Ma? Ma? Ma?!” I shrieked. I can feel my cheeks burning. Grabe, makikita ko na mamaya ‘yong crush ko! “Makatili ‘to akala mo naman ka-crush back ka no’n?” si kuya Junnie ulit, nang-aasar na naman. Kapag talaga ito ang kasama ko lagi ako nitong binubully. Seryoso ‘to sa ibang tao pero kapag ako na ang kaharap parang sinapian ng pitong dyablo sa kalokohan pagdtaing sa’kin. Buti pa si Kuya Janus lagi akong chini-cheer. “Oo, nga bunso. ‘Wag ka masyadong umasa baka masaktan ka lang,” Kuya Janus agreed. Binabawi ko na pala ang sinabi ko. Pareho silang masama ang ugali! “Pangit n’yo ka-table, lam ‘nyo ‘yon?!” “Kayo talaga lagi n’yong binubully ang bunso. Aba’y maganda naman ang kapatid ninyo, ah? Hindi imposibleng magustuhan siya ni Badong,” proud na wika ni Papa. "Agree!" I second the motion. “Syempre, mana sa akin ‘yan kaya maganda. Mabait namang bata ‘yon at responsable sa buhay. As per Sister Bandut ay may malaking negosyo na ‘yon ngayon. Kaya na nu’n buhayin ang kapatid niyo,” mahabang litanya ani Mama. Ang kanina nambubuskang awra ng dalawa kong kapatid ay napalitan ng simangot. Natatawa ko silang tiningnan. Alam na alam talaga ni mama kung pa’no aasarin ang dalawa kong kuya. Mukhang pati si Papa ay tinamaan dahil nagtaas itong bigla ng kilay. “Hindi pa ‘yan pwedeng mag-asawa. Si Kuya Janus muna tapos ako…” “Tapos si Peachy,” segunda ni Kuya Janus. “Bakit kasama si Peachy? Hoy, ten yeas old lang ‘yon,” kontra ko. Si Peachy ‘yong anak ng labandera naming si Ate Leslie. Kailan pa ako makakapag-asawa kung hihintayin ko pa tumuntong sa tamang edad si Peachy? “Diba dapat ako ang susunod? Ako kaya ang kapatid n’yo!” “Ganun nga dapat. Nauna s’ya sa listahan. Ninang ka naman no’n sa kasal n’ya ‘wag kang mag-alala,” nang-iinis na saad ni Kuya Janus. “Pwede ring ninang ng magiging anak n’ya,” si Kuya Junnie ulit. “Lagot talaga kayo sa’kin kapag nagka-girlfriend kayo sisiraan ko kayo!” MATAPOS ang almusal at kulitan sa hapag ay nagkanya-kanya na kaming handa para sa pagpunta ng orphanage. Naligo agad ako pagbalik ng kwarto. Medyo natagalan akong mamili ng damit dahil hindi pa tuyo ‘yong iba kong civilian. Puro maiinit ang tela nang natira kong damit sa drawer. I found a baby pink semi crop-top blouse that will match my acid-washed tattered jeans. For my shoes, I opted to wore my beige flats because I am more comfortable in them. Gusto ko namang makahinga ang paa ko sa heels dahil ‘yon na nga ang suot ko araw-araw. Hindi ko napigilang mangiti habang naglalagay ng lipstick sa harap ng salamin. Excited kasi talaga ako na makita ulit si Badong. Hinding-hindi ko pa nakakalimutan kung paano ko s’yang kulitin noon at sinabi ko pang pakakasalan ko s’ya paglaki ko. Not that I am aiming for that. Iniisip ko lang kung natatandaan n’ya pa kaya ako? Suplado pa rin kaya s’ya sa akin? Sana maging maayos iyong muli naming pagkikita. I finished my light make-up with a light tint on my cheeks. “Bunso, ano na? D’yan ka na lang?” nakangiting buska ni kuya habang nakasandal sa hamba ng aking pintuan. He was wearing a white v-neck shirt and a jogger pants. Para s’yang pupunta sa sleep over ng barkada. Nginusuan ko lang s’ya sabay irap, pinagpatuloy ko ang pag-aayos. “Uy, nagpapaganda para sa crush n’yang hindi s’ya crush. Uncrush mo na ‘yorn!” Bago pa lumipad sa kanya ang naabot kong make-up brush ay mabilis na s’yang nakatakbo pababa. Hinabol ko s’ya ngunit nang mag-abot kami ay nakasakay na s’ya sa kotse n’ya. Bago n’ya isarado ang bintana kung saan banda siya nakaupo ay binelatan n’ya muna ako kaya ganoon rin ang ginawa ko. Padabog akong sumakay ng kotse ni Papa. Ako ang kasama nila sa sasakyan at iyong dalawang bully naman sa kotse ni Kuya Janus. “Bakit na naman lukot ‘yang mukha mo, ‘nak? Magkaka-wrinkles ka n’yan. Inapi ka na naman ng mga kuya?” nag-aalalang tanong ni Mama. “Eh, si Kuya Junnie, Ma, ang lakas mang-asar. Un-crush ko na araw si Badong kasi hindi ako crush no’n. Un-son mo na nga sila, Ma, lagi kasi akong niyayamot.” “Sige, ‘nak sabihin ko sa mga kuya mo un-mother na rin nila ako.” Naiinis man ay ‘di na naming lahat napigilang matawa lahat. Ito ang disadvantage ng pagiging prinsesa ng pamilya. Laging binu-bully ng mga kuya. Dahil malapit lang naman ay mabilis lang kaming nakarating sa Sweet Angels Orphanage. Nauna na kami kala kuya dahil bumili pa sila ng pagkain sa mga bata at mga madre para mas maraming mapagsaluhang pagkain. I saw a familiar car beside the mango tree near the gate before we fully entered. Parang kotse ni... Hindi naman siguro. Agad na naagaw ni Ann ang paningin ko nang makitang nakadungaw ito malapit sa main door. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang maliit at mapulang mga labi nang mapunta ang paningin sa kotse ni papa. Alam na alam na kasi niya ang hitsura ng mga sasakyan namin. Excited akong bumaba at kinawayan s'ya agad. Ann was wearing a baby pink dress and beige sandals. Para kaming mag-ina dahil parehong-pareho ang kulay ng aming suot. She runs towards me and then kisses my cheeks. Nagmano naman s’ya kay Mama at Papa. "You look, gorgeous sweet cake," Papa said. Nakangiting hinaplos ni Mama ang buhok ni Ann. "Thank you, po." “Kung makakapit kay Mommy Kate parang ‘di kayo nagkita last week, ah,” nakangiting saad ni Mommy. “Opo, miss ko s’ya, Ma’am Gwen kasi ang tagal noon…” Tinaas niya ang dalawang kamay at nagbilang hanggang sampu. “…ang dami pong araw akong naghintay,” nakangusong reklamo ng bulinggit. “Oo nga, si Mommy mo kasi ang busy n’yan. Paano mauuna na kami sa loob ha?” Tinanguan ako ni Mama at Papa. Naiwan kami ni Ann sa labas dahil ang dami-dami pa niyang sinabi. “Pero ang ganda-ganda talaga ng baby na ‘yan,” I beamed at her. Nahihiya n’yang tinakpan ang kanyang mukha sabay hagikhik nang mahina. “Ikaw ha, marunong ka nang kiligin,” I laughed with her. Nakakatawa naman kasi talaga ‘yong expression n’ya. She was like a teenager na nakita ang crush. “Mommy, kasi nand’yan si Kuya Badong. Ang gwapo n’ya grabe tapos blue ‘yong eyes n’ya.” “Aba’t kaya pala may patakip-takip ka na ng mukha d’yan. Tara na nga sa loob at ipakilala mo na’ko sa crush mo kung papasa ‘yan kay mommy.” At ayun ang batang kinikilig ay hinatak ako papasok sa loob. Sinalubong kami ng iba pang mga bata. Naabutan ko silang gumagawa ng arts samantalang ang iba naman ay kumakain ng snacks. Napangiti ako nang mapansing maraming nakahain sa long table. There was ice cream, cake, spaghetti, fried chicken, and sandwiches—naroon si Sister Nelia at ina-assist ang mga bata. Nagmano muna ako sa kanya at sinimulan na ring tumulong sa ginagawa. “Mabuti, anak at narito ka na. Kanina ka pa hinahanap ng mga makukulit.” “Halata ngang pong miss na miss ako dahil ayaw na akong pakawalan nang yakapin ako kanina,” natatawa kong ani. “Alam mo naman ‘yang mga ‘yan, mahal na mahal ka.” Lagi ko namang naririnig ‘yon sa mga bata ngunit hindi pa rin nagbabago ang pagsikdo ng puso ko sa tuwing nasasambit ‘yon. Mahal na mahal ko rin sila. “Nasa loob ang Mama at Papa mo. Tinutulungan mag-sort out ng mga damit at laruan para sa mga bata, dala ni Badong.” Namilog ang mga mata ko sa narinig. “Talaga po? Naku matutuwa sila n’yan. Nasaan po pala s’ya?” kinikilig kong tanong. “Nasa garden sinamahan si Uriel mamitas ng bulaklak para sa’yo.” Napaka-sweet talaga ng batang ‘yon. Sa tuwing dumadalaw kasi ako ay hindi ‘yon nakakalimot magbigay ng bulaklak. Kung wala siyang mapitas na bulaklak ay kukulitin niya ang hardinero na ipitas s’ya ng kangkong o talbos ng kamote sa may likod bahay para lang may maibigay sa’kin. Pinagpatuloy naming ang pagpapakain sa mga bata. Bakas sa mga mukha nila ang kasiyahan dahil marami silang pagkain ngayon at school supplies. Galing rin daw iyon kay Badong sabi ni Sister Nelia. Nakakataba ng puso na hindi nagbago ang tingin niya sa mga bata na nakatira sa bahay ampunan at hindi nakalimot sa lugar na ito na minsan n'yang naging tahanan kahit sa maikling panahon lamang. Habang hinihintay sila ay tinulungan ko ang mga bata sa mga artworks nila. "Mommy, Mommy!" malakas na tawag ni Ann habang niyuyugyog ang mga balikat ko. Nilingon ko siya sandali at sinenyasan na maghintay. "Saglit na lang 'to," sabi ko habang pinupulido ang pagkukulay sa papel ni Nikki. 'Yan finish na. Maganda ba, Nikki?" I draw a pink flower and a red butterfly on top of it. "Ang ganda-ganda, Ate Kate. Thank you, po," she beamed and then kissed my cheeks. "Maganda talaga si Ate Kate," sabat ng isang baritonong tinig. That voice is familiar at hindi nga ako nagkamali nang lingunin ito. And there I saw those pair of beautiful blue eyes that are warmly looking at me. He was holding three gorgeous red roses na alam kong bagong pitas sa hardin. Uriel was beside him, smiling at me. Nginitian ko rin ito pabalik. "Drake?" "Roses are red; violets are blue hope you'll accept this, and it's Badong for you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD