First day ko sa school dito sa ilo-ilo. Nakakapanibago lalo na tong sarili ko. Ibang-iba sa itsura ko nung nasa manila kami, sa itsura ko ngayon.
Inaamin ko hindi ako komportable sa ganito pero makulit si sabrina kaya pinagbigyan ko nalang.
Kahapon dinala niya ako sa barber shop at pinagupitan ng hanggang leeg ang hanggang bewang kong buhok. Pinalagyan niya rin ng konting bangs na nakakairita, ang kati sa mata!
Pinakeelamanan niya rin ang mukha ko na natutunan niya daw kay daphne. Binilhan niya ako ng kung ano anong pang lagay sa mukha at kung saan siya kumuha ng pera? Kanino pa ba? Kay daphne daw. Sa mayamang kaibigan niya! Ang batang iyon talaga, makapal mukha!
Di ko na suot ang eyeglass ko dahil binilhan ako ng contact lens ni sabrina good for three months! Iyak ako ng iyak ng unang sinuot ko ito sa mata ko dahil ang sakit, hindi ako sanay pero andyan na eh, sayang kung hindi magagamit!
Tinuruan din ako ni sabrina kung paano maglagay ng kolorete sa mukha. Sa mata, sa pisngi at sa labi. Nung una ayoko dahil hindi ako sanay, pero sabi niya kailangan ko din daw ayusan ang sarili ko para magmukha daw akong tao! Siraulo talaga.
Nang nasa gate na ako ng school kinuha ko sa bag ko ang perfume na binigay sakin ni sabrina. Unti unti ko itong iwinisik sa leeg, pulsuhan ko. Siguro naman? Wala nang mangbubully sa akin dito? What a new life nga naman diba?
"Transferee?" Napalingon ako sa nagsalita sa gilid ko. Kasing tangkad ko lang siya, morena, maganda at may itim na buhok hanggang siko. Nginitian niya ako.
Tumango lang ako.
"Grade? Section?" Dugtong na tanong niya.
"Uhm, sixth grade, section A." Tipid na sagot ko.
"Talaga? Classmate pala kita!" Ikinawit niya ang kamay niya sa braso ko at hinila ako para maglakad. "Sabay na tayo sa room." Aniya.
Habang naglalakad kami sa hallway ang daming nakatingin sa aming dalawa. May dumi ba ako sa mukha? Oh baka naman dahil maganda ang kasama ko kaya sila nakatingin samin!
"Irene pakilala mo naman samin yan!" Sigaw ng isang lalaki. Nang tingnan ko ito, nakatingin siya sakin. Nakaupo sila sa bench, gilid ng building. Isang grupo sila, mukhang mga gangster. Anong ibig niyang sabihing ipakilala? Ako??
"Shut up Chester!!" Sigaw ng kasama ko. "Huwag mo sila pansinin!" Sabay bulong niya sakin.
"I-irene ang name mo?" Curious na tanong ko.
"Yup! Ikaw?"
"Anastacia"
Ngumiti siya. "Ang cute ng name mo pero paikliin natin.. Bat di nalang? Ana? Pero common na yun eh.." Inantay ko siyang makapag-isip. Kahit anong itawag niya sakin okay lang naman.
"Tacia kaya?" Baling niya sakin.
Tacia? Okay naman sakin.
"Sige Tacia nalang."
Dumating kami ng classroom, kaunti palang ang nandon, at halos lahat nagpakilala sa akin. Lahat friendly, mukhang mababait! First time ko maexperience na parang tanggap ako ng lahat! Sobrang nakakapanibago.
"Siya ba yung transferee?" Galing sa isang maamong boses ng babae.
"Oh nandyan ka na pala Jessica!" Nilapitan siya ni Irene. Mukhang close din sila. "Si Tacia nga pala yan, yung transferee!"
Tiningnan ako nung Jessica. "Hi!" Sabi niya sabay ngiti. "Ang ganda mo naman!" Nilapitan niya ako.
Grabe lang! Sabihan kang maganda ng mas maganda sayo! Ang saya sa pakiramdam!
"I-ikaw din Jessica, ang ganda mo!"
"Let's be friends! Okay lang?" Sabi niya sabay inilahad ang kamay sa akin! Kinuha ko ito at nakipagshake hands sa kanya.
"S-sure!"
Maya maya pa nagsidatingan na ang iba pa naming mga kaklase. Mapababae, lalaki nakikipagkilala sakin. Pwera lang sa isang to. Nasa likuran lang namin siya, oo inaamin ko ang gwapo niya pero mukhang masungit! Dumating siya kanina ni hindi man lang ako tiningnan at dumiretso lang sa likuran para magbasa ng libro. Well, siguro talagang hindi lahat ng tao mapapansin ka. Hayaan na nga. Basta masaya ako sa kung anong nangyayari sakin ngayon!
"Si Gio?" Napabaling kami sa babaeng nasa pintuan. Bakit lahat nalang ng estudyante dito magaganda?
"Gio tawag ka."
"Siya na naman?" Komento ni Jessica sa gilid ko.
"Ano bang meron dyan sa babaeng yan at kay Gio? Sila ba?" Pang-uusisa naman ni Irene.
Tumayo yung nasa likuran namin na lalaking masungit, so siya si Gio? At nilapitan niya yung babae sa pinto. Nilagpasan niya lang yung babae tapos sinundan siya nito. Ang sungit talaga! Parang di naman sila magkakilala non?
"Yung girl lang naman yung umaasa eh! Di siya gusto ni Gio no!" Singit naman ni Dianne. Isa sa kaibigan ni Irene.
Hindi ako makarelate sa kanila... Natapos nalang ang unang klase ng sina Gio at yung babae padin kanina ang topic nila Jessica at Irene. Bakit parang ang big deal naman sa kanila? Sungit sungit kaya ni Gio!
Isinukbit ko na ang bag ko sa likuran, nagyaya na sila Jessica papuntang canteen. Siguro naman mura lang ang mga pagkain dito no?
"Uy Tacia may tanong tong si Jacob oh!" Sinabayan kami nila Jacob maglakad.
"A-ano yun?" Nahihiyang tanong ko.
"Uhm.." Si Jacob na napapakamot pa sa batok niya. "May boyfriend ka na ba?" Diretsong tanong niya.
Pinamulahan pa ako ng mukha. First time may magtanong sakin ng ganyan!
"Wala." Nahihiyang sagot ko.
"Sa ganda mong iyan?" Nangingiting sabi niya.
"Wag ka ngang ganyan magtanong kay Tacia!" Singit samin ni Irene.
Nakarating kami ng canteen at nadatnan namin don si Gio at ang babae kanina. Kumakain sa isang table, tahimik lang sila hindi nag-uusap.
Di ko namalayan na natitigan ko na si Gio ng matagal hanggang sa tumingin din siya sakin!
Waaaah! Ang sama niya makatingin, ibinaling ko nalang ang tingin ko kina Irene. At nung ibinalik ko ang tingin kay Gio, wala na siya sa table na yun, yung babae nalang ang nandon na parang umiiyak. Ano nangyari?