Bumili lang ako ng tinapay at tubig para sa quick break namin at nung papunta na kami sa table na pepwestuhan namin ay may nakabangga sakin.
Isang babae at hindi ko gusto kung paano siya tumingin sakin.
Nakataas ang kilay niya.
"Tinitingin mo?" Matigas na banggit niya.
Naalala ko tuloy yung mga bullies sa school ko dati, ganyang ganyan ang ugali.
"S-sorry." Saad ko.
"Kala mo kinaganda mo yang pagbangga sakin!" Mataray na dugtong niya. Eh siya naman ang bumangga sakin ah?
"Ano ba Alice! Ikaw naman ang bumangga ah!" Si Irene na pumagitna saming dalawa. Bakas sa mukha nung Alice ang takot kay Irene, buti naman may kaibigan na ako na magtatanggol sakin!
"P-pakielamera!!" Sigaw ni Alice sabay walkout. Di man lang siya nagsorry sakin? Sabagay ang mga bullies di naman marunong magsorry.
"Okay ka lang Tacia?" Si Jessica.
"Naku, wag mong pinapansin yun si Alice na-insecure lang yun sa ganda mo." Si Irene.
Natawa nalang ako. Kailan kaya ako masasanay masabihan ng maganda?
"Tara na sa table? Baka maunahan tayo." Pagyaya ni Jessica.
Habang kumakain kami umupo sa tabi ko si Jacob, yung nagtatanong sakin kanina. Kasama niya ang ibang classmates namin sina Arnold, Francis, Patrick at Gerald.
"Tacia yan lang ang kakainin mo?" Tanong ni Jacob.
Nahihiya pakong sumagot. "O-oo."
May iniabot siya sakin na nakapacked na assorted fruits na naka-cut na maliliit. Baon niya ata yun?
"Share tayo." Aniya.
Pakiramdam ko tuloy namumula ako kasi nakatingin sila lahat sakin.
"Ah hindi na Jacob, salamat nalang." Agad na pagtanggi ko.
"Ako penge!" Singit ni Irene sabay kuha sa baunan.
"Oy si Tacia ka ba?" Reklamo ni Jacob.
"Penge lang eh!" Kumuha si Irene at kumain.
"Wala ka bang pagkain?" Iritang sabi ni Jacob. Ang cute naman ng dalawang to! Hahahahahaha!!
"Ssshhh! Tama na yan, oh ito guys binili ko para sating lahat." Singit ni Jessica, ang amo talaga ng boses niya.
Kinuha niya sa tabi niya ang paperbag na kanina niya pa dala. Puno pala yun ng snacks! Mga chichirya! Ang bait niya.
"Ang bait mo talaga Jessica, sana lahat!" Si Francis.
Ngumiti lang si Jessica. "Bukas magdadala ako ng pizza para sa lahat." Aniya. Wow! Mayaman siguro sila? Samantalang ako tinapay lang ang kayang bilhin.
"Oh heto Tacia, sayo yan para hindi lang tinapay ang kainin mo." Si Jessica at iniabot sakin ang malaking chichirya.
Nahihiya ako sa kanya pero kinuha ko parin.
"S-salamat."
"Naku pag si Jessica talaga kasama mo lagi ka mabubusog!" Natatawang sabi ni Irene.
Pagkatapos namin kumain bumalik na kami sa room at nadatnan na naman namin don si Gio na nagbabasa ng libro. Matalino siguro siya? Siya kaya ang top dito? Pero wala eh, mukhang masungit!
Natapos ang klase sa araw na iyon at ang dami kong kailangang habulin dahil second month ng klase na ako nakapasok. Balak kong magstay ng one hour sa library para sa mga hahabulin kong subject. Nagpaalam na ako kina Irene at Jessica at didiretso na ako sa Library na tinuro din nila sa akin kung nasaan.
"Tacia!" Halos mapasigaw ako sa gulat sa tumawag sakin. Nasa hallway na ako papuntang library, mula sa likuran ko tumatakbo si Jacob papunta sakin.
"J-jacob?"
Mag-isa lang siya.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya.
"Library."
Kumamot muna siya sa batok niya. "Samahan na kita!" Saad niya.
Nahihiya ako sa kanya kaya tinanggihan ko.
"Please Tacia? Sasamahan lang naman kita." Pagpupumilit niya.
Mapilit siya kaya pinayagan ko na siyang sumama sakin, mukha naman siyang mabait!
"Talaga bang wala kang boyfriend?" Out of the box na tanong niya. Sobrang awkward!
"W-wala." Nahihiyang sagot ko. Nung nakita ko na yung library pumasok na ako agad habang nakasunod lang sakin si Jacob. Seryoso talaga siyang sasamahan niya ako?
Di ako sanay sa ganito!
Kinuha ko na ang mga librong kailangan ko at umupo na. Wala masyadong estudyante dito, siguro umuwi na karamihan.
Nasan na kaya si Jacob? Naboring siguro siya kakasunod sakin kaya umalis na siya?
Pero nagkamali ako, nandito pa pala siya at ayan may dalang isang comic book palapit na sa pwesto ko.
Natawa ako! Para siyang bata na naghanap ng mapaglilibangan!
Nakita niya akong nakangiti.
"Para di ako mabored." Aniya sabay tabi sakin. "Bat ka nakangiti?" Tanong niya.
"Wala lang." Nahihiyang sagot ko.
"Sus baka may gusto kana sakin ah!" Wow ang presko lang!
Lalo pa akong natawa. "Sshh bawal mag-ingay dito." Pagbibiro ko.
"Fine magfo-focus nalang ako dito sa comic!" Sabi niya.
Halos 30 minutes din siguro akong naging busy sa pag-aaral at hindi pa ako nakuntento, kumuha pa ng isa pang libro para sa subject na Accounting.
Habang naghahanap ng libro nakita ko sa isang sulok si Jessica at Gio na nag-uusap. Close sila? Tumatawa si Jessica samantalang nakangiti naman si Gio. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti ah!
Magkaibigan ba sila? Oh baka naman..
"Tacia nandyan ka lang pala!" Biglang sumulpot si Jacob sa gilid ko.
"Ah oo kumuha lang ako ng isa pang libro. T-tara na!" Pagyaya ko sa kanya. Nakabalik na kami sa table namin pero di mawala sa isip ko ang ngiti ng masungit na yun! Aba't marunong naman pala ngumiti at hindi siya nagsusungit kay Jessica ah?
Isa't kalahating oras siguro ang tinagal namin sa library tsaka ako nagyaya nang umuwi dahil itong si Jacob eh mukhang antok na antok na. Maski pagbabasa ng comic book naboring siya hahahaha!
"May alam akong shortcut palabas ng school." Sabi ni Jacob paglabas namin ng library.
Medyo nag-aalinlangan ako pero since kaibigan naman siya nila Irene sumama ako sa kanya.
Dumaan nga kami sa likod ng building medyo creepy nga lang kasi walang katao tao.
"Pahinga muna tayo dito!" Sabi niya sabay upo sa lumang bench bandang sulok. Nilibot ko ang paningin ko, nasan na ba yung shortcut na sinasabi niya?
Kinakabahan na ako.
"Anong pang tinatayo mo dyan?" Biglang nag-iba ang tono ni Jacob.