Life Changing

1094 Words
"A-akala ko ba may shortcut dito?" Kinakabahang tanong ko. "Pahinga muna tayo! Tara dito di ako mangangain!" Pagpipilit niya. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. "Nahihiya ka ba sakin?" Tumayo siya at unti-unting lumapit sakin. Seryoso lang yung mukha niya. "Alam mo? Ang ganda mo talaga." Nakakatakot na sabi niya. Pakiramdam ko nanginginig na yung tuhod ko. Anong binabalak niya? "Wala ka namang boyfriend di ba?" Seryosong tanong niya. "U-uuwi na ako Jacob.." Natatakot na sabi ko, hindi narin ako makatingin sa kanya. Ano bang iniisip niyang gawin sakin? Wala pa namang ibang tao dito! Tatakbo na ba ako? Hinawakan niya ako sa braso ng sobrang higpit. Dito na ako kinabahan ng sobra! Baka kung anong mangyari sakin! "P-please uuwi na ako.." pagmamakaawa ko. "Jacob Salvaterra." Nakarinig kami ng matigas na boses mula sa likuran ko. Oh god salamat! Mangiyak ngiyak ko itong nilingon. G-gio? Nakapamulsa lang siyang nakatayo ilang hakbang mula samin. Seryoso ang mukha. Anong ginagawa niya dito? Narinig kong natawa si Jacob. "Huwag ka mangialam pare!" "Anong ginagawa mo sa kanya?" Unti-unting lumapit samin si Gio. "B-bitawan mo nako please!" Bulong ko kay Jacob kasi ang higpit parin ng hawak niya sakin. Binitawan niya rin naman agad ako ng makalapit samin si Gio. "Nag-uusap lang kami! May problema ba?" Preskong sagot ni Jacob. Tinitigan ako ni Gio. Halos napalunok ako sa mga titig niya sakin. Para bang tinatanong niya ako kung totoo ba yung sinasabi ni Jacob. "U-uuwi na ako.." Mahinang nasabi ko. "Nag-uusap pero takot na takot sayo? Sinong niloko mo?" Seryosong saad ni Gio at tinitigan si Jacob. Sila naman ang nag-aaway sa tingin ngayon. "Ano bang pakialam mo?" Boses na naghahamon ni Jacob. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero kailangan nilang matigil! Baka magkasakitan pa sila! "Please Jacob tama na kung ayaw mong i-report kita sa admin.." Matapang na sinabi ko. Binalingan ako ni Jacob, dismayado niya akong tiningnan. Nagpabalik balik ang tingin niya samin ni Gio tsaka siya umalis. Mabuti naman hays! Kinabahan talaga ako! "Okay ka lang?" Napabaling ako kay Gio. Seryoso lang siyang nakatingin sakin. Mabuti nalang at dumating siya, baka kung ano nang ginawa sakin ni Jacob! Pero nakakadissapoint kasi kaibigan siya nila Jessica at Irene. Pero bakit ganon siya sakin? "O-okay lang." Tinalikuran ko na siya, pero hindi pa pala ako nakakapagpasalamat. "S-salamat nga pala, uuwi na ako.." Walang lakas na nasabi ko. "Saan ka nakatira?" Nagulat pa ako ng bigla siyang magtanong. Halos manlaki ang mata ko. Sasabihin ko ba kung saan ako nakatira? Hindi ako makasagot. "Nevermind," Aniya at nilagpasan na ako. Kinabukasan pagdating ko sa school saktong nandon na sina Jessica at Irene. Hinanap ng mata ko si Jacob pero wala siya, papasok kaya siya? Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang pakisamahan sa nangyari. Hindi ko alam kung ikekwento ko ba kina Irene. Medyo magulo pa isip ko. Habang busy sa pakikipagkwentuhan ang dalawa, lutang naman akong nakikinig sa kanila. "Oh Gio nandyan ka na pala!" Rinig kong sabi ni Jessica, kadadating lang pala niya. Dumaan siya sa harapan namin at tiningnan ako na ikinagulat ko. Poker face lang siyang tumingin sakin pero agad naman akong umiwas, naaalala ko lang ang nangyari kahapon. Kung hindi siya dumating baka kung ano pang nagawa sakin ni Jacob. Speaking of Jacob, di parin siya dumadating. Ano na kaya nangyari sa kanya? "Moody talaga niyang si Gio no?" Si Irene. "Hayaan mo na, baka wala lang sa mood." Sagot ni Jessica. Kahapon lang magkasama sila sa library ah? Ano kayang pinag-uusapan nila doon at nakangiti pa si Gio? "Nakilala mo na ba yang si Gio, Tacia?" Tanong sakin ni Irene. Nakatingin sila saking dalawa, nasa gitna namin si Jessica, sa kaliwa niya ako nakaupo, sa kanan naman si Irene. "O-oo pero hindi ko pa siya nakausap." Sagot ko. Hindi ko na muna siguro ikekwento sa kanila ang nangyari kahapon. "Hindi talaga yan nakikipag-usap kung kani-kanino Tacia." Malumanay na sabi ni Jessica. Halata nga, pero bakit siya kinakausap? Ibig bang sabihin non close talaga sila? Hindi ko nalang din sasabihin na nakita ko silang nag-uusap sa library kahapon. Inilapit ni Irene sakin ang ulo niya at akmang may binubulong. "Alam mo ba sa sobrang gwapo niyan ang daming babaeng nababaliw dyan!" Aniya. "Yung tipong kapag naglakad yan sa labas lahat ng babaeng students dito nakadungaw sa kanya! Gio lang sakalam no?" Dugtong niya pa. Totoo naman kasing gwapo siya. Kahit ako unang beses ko siyang makita, halos titigan ko ang mukha niya pero hanggang dun lang yun. Natigil na ang usapan namin ng dumating na si Ma'am Ferrer. Mabuti pa't magfocus nalang sa subject kesa isipin pa yung nangyari kahapon. Quick break na namin ng may babae na namang naghahanap kay Gio sa labas. Yun padin yung babaeng kasama niya sa canteen na iniwanan niya tapos umiyak. "Gio may naghahanap sayo sa labas." Nagliligpit si Gio ng gamit at poker face lang na lumabas, walang pakialam sa tumawag sa kanya. Gaya nung una, nilagpasan niya lang ang babae at sinundan siya nito. Ano kayang meron sa dalawang yun? Nakaka-curious lang! "Wait! Si ate girl na naman? Nagde-date ba sila ni Gio?" Pang-uusisa ni Irene. Kahit ako gusto kong malaman eh. Parehas kaming tumingin kay Jessica. "Nope." Confident na sabi ni Jessica. "Pano mo nalaman?" Si Irene. "Sinabi niya sakin kahapon." Aniya sabay ngiti. "Omg! Close kayo ni Gio?" Gulat na sinabi ni Irene. "Ay oo nga pala! Parehas kayong matalino dito sa class kaya for sure magkakasundo talaga kayo! Sana all lang talaga Jessica!" Pang-aasar ni Irene. Nakangiti lang si Jessica habang inaasar siya ni Irene. Hindi kaya may gusto siya kay Gio? Eh ano naman diba? Parehas naman silang magagandang nilalang! "Tara na Tacia!" Pagyaya nila sakin. Dumaan ang ilang araw at medyo naging busy ako sa pag-aaral, nakakalimutan ko nadin ang insidente na nangyari between sakin at kay Jacob. Hindi rin naman nagkekwento si Gio at mukhang hindi niya naman ugali ang magkwento sa ibang tao dahil madalas libro lang ang kasama niya, minsan nakikita kong nag-uusap sila ni Jessica. Minsan naman yung babaeng laging naghahanap sa kanya ang kasama niya pero parang hindi sila ganon kaclose! Di ba ang chismosa ko na masyado! Ganon padin ang treatment nila sakin dahil pinag-iigihan ko talaga ang pag-aayos sa sarili ko. Siguro ito lang talaga yung hindi ko napagtuunan ng pansin sa dati kong school kaya madalas ako mabully. Napakalife-changing nito para sakin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD