bc

STUCK ON YOU

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
independent
heir/heiress
drama
bxg
mystery
loser
highschool
another world
addiction
like
intro-logo
Blurb

At a young age, she lose her mother, she wanted attention an love because her father can't give it to her. She wanted the attention and love of William Guererro-her long time crush. She will do everything just to get the attention and the love she wants. William gave it the attention and love she wants but their is something she really looking for. William already love her and she already had the attention of William Guererro but what will happened if her best friend' brother came back? Spencer Salvador-her best friend's brother?

chap-preview
Free preview
ONE
It's so dark. I see no one. I only hear my heavy breath. It's feels like, I'm in a dark room. A room with four corners but I don't know where should I go. Sumisikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay habang tumatagal ay mas lalong lumiit ang kuwarto. I can't breathe. Naramdaman kong parang yumanig at may boses na paulit-ulit na tinawag ang pangalan ko. "Clemence..." Boses ng isang babae. Habang tumatagal ay parang sumikip na ang kuwarto. Parang naiipit ako at subrang bigat na ng dibdib ko na halos hindi na ako makahinga. Mamamatay na ba ako? Oras ko na ba ngayon? "Clemence!" Napabangon ako sa malakas na sampal sa mukha. Diretso akong napahawak sa pisnge ko at nararamdaman ko ang kirot mula sa sampal. "Venice!" I hissed. "Wow, ah. Ang tagal magising, sleeping beauty ka, sis?" She rolled her eyes. "Sampal talaga? Ang sakit no'n, ah!" Inis akong bumangon sa kama, hawak-hawak pa rin pisnge kong kumikirot. "Nanaginip ka na naman ba? Dumadaing ka, eh," Sandali akong natigilan at napasulyap sa kaibigan. Panaginip ulit? Hindi ko napansin na nanaginip lang ako kanina. Kakaibang panaginip, parang totoo. Minsan kapag nanaginip ako, alam kong panaginip lang iyon pero ngayon parang totoo. Parang hindi panaginip ang paninikip ng dibdib ko. "Si Tita na naman ba ang napanaginipan mo?" She asked as she follow me downstair. Umiling ako. "Iba 'to ngayon "Why? Ang crush mo na ba ang napanaginipan mo kaya ayaw mong maging?" "Tanga, hindi 'no!" I rolled my eyes. "Weh? Sure ka bang hindi si William ang napanaginipan mo? Baka nagmomol kayo sa panaginip mo, ah kaya ayaw mong magising—" "Hoy! Hinaan mo ang boses mo! Maririnig ka ni Papa!" Pabulong kong sita sa kaniya at luminga sa paligid. Inikot lang niya ang mata niya at umupo sa tapat ko tsaka sinubo ang tinapay. "Umalis si Tito. Nagmamadali nga 'yong umalis, eh," Natuon ang atensyon ko kay Venice. "Umalis? Saan naman daw siya pupunta?" Naka kunot ang noo kong tanong. She just shrugged her shoulder. "I don't know. Bihis na bihis siya, parang may date ata 'yon, eh." "Date?" Tumango nang paulit-ulit ang kaibigan ko. Date? Akala ko tinigil na ni Papa ang pagkikita niya sa mga babae niya. He promised me na wala na siyang babae, na hindi na siya nakikipagkita sa mga babae niya. "No offense, sis, ah pero bumalik na naman sa pagiging babaero 'yang Papa mo. Tingin ko nga hindi 'yan tumigil kahit pinangakuan ka niya, baka palihim lang siya nakikipagkita sa mga mistress niya." Hindi ako nakaimik sa sinabi ng kaibigan ko. Mybe, she's right. Hindi talaga ata tumigil si Papa sa kakapambabae niya. After my mom died, doon nagsimula ang pagkababaero niya. Halos araw-araw siyang may dalang babae sa bahay. May isa pa ngang pinatulog niya rito. And he told me that he will marry his mistress. Hindi ako pumawag sa gusto ni Papa. Pinalayas ko ang babae kaya nagalit si Papa sa akin at isang buwan siyang hindi umuwi sa bahay at umuli lang no'ng wala na siyang pera at subrang payat na niya. He's sorry for what he've did and he promised that he won't do it again, but he's back now. Bumalik ang pagiging babaero niya o baka tama si Venice na hindi naman talaga tumigil si Papa. "Tingin mo saan siya pupunta?" I asked my friend. "Hindi naman siguro sa bar 'di ba? Ang aga pa ngayon para magbar," Bumuntong hininga na lang ako at sumandal sa silya. Nawalan ako ng gana magmeryenda after what I've heard from my best friend. Wala na nga kaming pera pero ginagasta pa ni Papa ang pera para sa mga babae niya. Hindi ba alam ni Papa na naghihirap kami? Hindi ba niya nakikita ang sitwasyon namin ngayon? Hindi naman ganito si Papa noon. Nakikita ko kung gaano niya kamahal si Mama. Kahit bata pa ako no'n, naiintindihan ko na ang mga tsismis nila tungkol kay Papa. Babaero raw ito at niloloko si Mama. Hindi ito pinaniwalaan ni Mama kaya gano'n din ako. Ewan ko lang kung totoo ba talaga na noon pa man, kahit buhay pa si Mama ay nambabae na si Papa. That night hindi umuwi si Papa. Naghihintay ako sa kaniya sa sala para sa pagdating niya pero walang bakas na umuwi siya. Doon ko napagtantong hindi talaga tumigil si Papa sa mga gawain niya—ang pambabae. Sa sumunod na araw, ay sabado na pero wala pa rin si Papa. Nagsimula na akong mag-alala. Hindi pa rin ako sanay na mawawala si Papa ng ilang araw. Yes, ginawa na niya ito noon na hindi umuwi sa bahay ng ilang araw pero hindi pa rin ako sanay. Hinahanap ko pa rin si Papa. Linggo nang maabutan ko si Papa sa bahay. Galing akong eskwelahan at umuwi kaagad ako sa bahay para hintayin si Papa at naabutan ko nga siya pero paalis na rin si Papa. "Pa, saan ang punta mo?" Matamlay kong tanong nang maabutan ko siyang nagsusuot ng sapatos. "May pera ka ba diyan, 'nak?" He ignore my question. "Pa, tinatanong kita. Saan ka galing? Saan ka nagpunta? Alam mo bang nag-aalala ako sa'yo?" Halos sumigaw na ako dahil sa frustasyon at sa pag-alala ko sa kaniya. Para akong nag-aalaga ng bata rito. Batang matigas ang ulo. "Kailangan ko ng pera, 'nak, may pupuntahan lang ako—" "'Yan ka na naman, eh! Aalis ka tapos hindi na babalik?! Saan ka ba kasi nagpunta!" Bumuhos ang luha ko. Why can't he understand our situation?! Sapat lang ang pera ko para sa mga bayarin sa eskwelahan at pamasahe para sa jeep. Bakit hindi man lang ako iniisip ni Papa? Bakit mas inuuna pa niya ang iba kaysa sa akin? Nag-aalala ba siya sa akin? Naghahanap ba siya ng trabaho para matustusan ang pag-aaral ko? Kahit isang beses ba ay nag-aalala siya sa akin? Hindi ko na nga na-feel na may Ama pa ako, eh. Hindi ko na na-Feel ang pagmamahal niya bilang isang Ama. Hindi na niya nagampanan ng maayos ang pagiging Ama niya sa akin. "Pera, anak... Kailangan ko ng pera baka naman may pera ka diyan—" Umalis ako. Hindi ko na gustong marinig ang mga sasabihin ni Papa. Hindi man lang niya sinagot ang mga katanongan ko. Hindi ba niya alam na nag-aalala ako sa kaniya?! Sana inisip din ako ni Papa. Sana inisip niya na nahihirapan din ako sa kalagayan namin ngayon! Tinawagan ko ang kaibigan ko. Wala akong ibang malapitan kundi siya lang. Dumating din kaagad siya sa lugar na sinabi ko sa kaniya. Niyakap kaagad niya ako pagkalapit niya pero hindi siya nagsalita, hinagod lang niya ang likod ko dahil hindi ko na mapigilang umiyak. Punong-puno na ako kay Papa. Wala siyang pake sa akin. Sana nga nandito na lang si Mama para hindi naman ganito kahirap ang dadanasin ko. "Huwag mo munang isipin ang Papa mo. Isipin mo muna ang sarili mo," Tumigil na ako sa pag-iyak pero ang utak ko ay si Papa pa rin ang laman. "Paano ko hindi iisipin si Papa? Nag-aalala ako sa kaniya at isa pa Ama ko siya, Venice..." Marahang napabuntong hininga si Venice. "Nitong mga nakaraang araw ay wala kang tulog tapos tulala ka sa room. Halos palagi kang napapagalitan ng teacher dahil nas-space out ka. Isipin mo rin ang sarili mo, Clemence. Malaki na ang Papa mo, kaya na niya ang sarili niya at alam niya ang ginagawa niya kaya wala kang dapat ipag-alala." "Pero—" "Gusto mong maka-graduate 'di ba? Paano ka g-graduate kung bagsak ka sa lahat ng subject?" Hindi ako makaimik sa sinabi ni Venice. Paano ako papanatag kung malayo si Papa sa akin? Paano kung may mangyaring masama sa kaniya? Paano kung pati si Papa ay nawala sa akin? Ayaw kong mamuhay na mag-isa. Kailangan ko rin ng magulang na mag-aalaga sa akin. "Maghanap ka na lang ng inspiration mo para magpatuloy sa pag-aaral," nakangising wika ni Venice. Kunot noo ko siyang nilingon. "Inspiration? Si Papa lang ang inspiration ko, Venice." Natawa siya at bigla na lang akong siniko. "Crush mo si William 'di ba? Paano kung siya ang paghuhugutan mo ng inspiration?" Nagtaas baba ang kilay ni Venice. Ngumisi at umiling na lang ako tsaka nag-iwas ng tingin. I like William Guererro. He's one year older. Grade ten na siya ngayon at hearthrob sa school dahil sa kaguwapohan niya. Maraming nagkakagusto sa kaniya pero wala siyang naging girlfriend. Baseball player na mas nakadagdag sa charm niya. Maraming nagkakandarapa sa kaniya, kahit nga mga senior high ay nagkakagusto sa kaniya. "May practice sila bukas, paano kung manonood tayo?" Suhistiyon pa niya. "Malapit na ang inter-high, ibang school ang magiging host no'n kaya baka hindi tayo makapanood kasi may klase rin. Oh, mas mabuting mapanood mo siyang magpractice kasi hindi mo na siya mapapanood kapag inter-high na talaga." Giit niya. "Tingin mo may girlfriend na si William?" Tanong ko habang nakatitig sa kawalan. Sa guwapo niyang 'yon hindi ako naniniwalang wala 'yong girlfriend. Maliban na lang kung lalaki rin ang hanap niya o kaya wala talaga siyang natitipuhan at study first pa siya. "Wala 'yon, nakitsismis ako kahapon," Nilingon ko si Venice na ang laki ng ngisi habang tumataas baba pa ang kilay nito. "Paano mo naman nalaman, ha?" "Syempre, sinundan ko siya kasama ang mga kaibigan niya tapos narinig ko ang pinag-uusapan nila. Tinanong siya no'ng mga kaibigan niya kung bakit wala siyang girlfriend ang sagot naman niya ay wala siyang nagustuhan na babae." "Baka bakla siya—" Sinapak ako ng napakalakas ni Venice sa braso. "Gaga! Crush mo 'yon ba't ganiyan ka magsalita?" "Baka bakla nga siya kasi wala siyang nagugustuhan na babae, paano kung lalaki ang gusto niya—" "Ewan ko sa'yo! Dapat nga may gagawin kang paraan o kaya moves para mapaibig mo siya at mapasayo na si William!" I rolled my eyes. Ang babaeng 'to ay kaibigan ko. Grade nine pa lang pero nakailang boyfriend na siya. Hindi naman ako magtataka dahil maganda si Venice, pero ewan ko rin sa babaeng 'to na sa tuwing sinusupresa lang siya ng mga nanligaw sa kaniya sinasagot niya kaagad. "Sige na, Clemence! Chance mo na ito para magkaboyfriend!" Pamimilit ni Venice at ilang ulit akong niyugyug. "Ayaw ko." "Sige na! Hindi naman kita pababayaan, eh!" Hindi ko pinansin si Venice, hinayaan ko siyang yugyugin nang yugyugin ang ang katawan ko. Hindi ako aamin kay William 'no! Never! No way! Mareject pa lang ako, masakit kaya 'yon! Ayos na ako roon sa paghanga sa kaniya mula sa malayo kaysa sa umamin sa kaniya. "Clemence! Sige na, oh!" "Ano ba ang pinag-uusapan niyo?" Sabay kaming lumingon ni Venice sa likod. Nakita namin si Spencer, paglapit niya sa amin ay hinalikan niya sa ulo si Venice. "Anong pinagmamaktol mo, Venice?" Nakataas kilay nitong tanong. "Ito kasing si Venice, eh! Sinabi kong aamin siya sa crush niya baka may pag-asa siya ro'n para magkaboyfriend din siya!" "Ayaw ko nga." Sumimangoz si Venice at humalukipkip. Halatang nagtatampo ang gaga. "Bata pa ako, Venice. Wala pa sa utak ko ang magb-boyfriend—" "Weh? Kung liligawan ka ni William sasagotin mo siya?" Napaatras ako sa tanong ni Venice at napalunok ng laway. Grabe namang tanong 'yan, ang hirap sagutin. "Kita mo na," sabay turo sa akin. "Ready ka na magkaroon ng boyfriend basta si William." "Huwag mong pilitin si Clemence na umamin sa crush niya, Venice. Ang babata niyo pa pero 'yan na ang iniisip ninyo," "Siya lang, Kuya Spencer. Hindi pa ako ready sa ganiyan." Pagtatanggol ko sa sarili. Bumaling naman si Kuya Spencer kay Venice. "Ikaw, ang dami mong boyfriend, hindi naman kayo nagtatagal." "Eh, ang boring nila kasama, eh." "Ang bata mo pa pero 'yan na ang inaatupag mo. Mag-aral ka muna at huwag 'yan ang atupagin mo, Venice." Panenermon nito sa kapatid. Spencer and Venice are siblings. Grade 12 na si Kuya Spencer, graduating na this year. Isa rin 'to sa heartthrob ng school. Marami ring nagkakagusto rito pero sabi ng kaniyang kapatid na si Venice may crush daw ang kuya niya pero hindi naman siya nito crush. "Naiinggit ka lang kasi hindi ka crush ng crush mo! Kita mo na, Kuya ang guwapo mo at matalino pa pero may isa pa palang hindi nahulog sa kaguwapohan mo!" Humagalpak ng tawa si Venice sa kaniyang sinabi, paulit-ulit niyang tinukso ang kaniyang kuya. Natawa na rin ako habang pinapanood ko silang nagkikilitian. "What are you saying?" Natatawang tanong ni Kuya Spencer at kiniliti si Venice. "W-Wala kang j-jowa!" Nagpatuloy sa pagtawa si Venice at halos humiga na ito dahil sa pangingiliti ng Kuya niya sa kaniya. "Wala akong girlfriend kasi hindi ko siya nililigawan—" "Sus! Palusot! Wala kang jowa kasi baduy ang mga moves mo! Hindi ka niya gusto!" How I wish na sana may kapatid din ako at ganito kami kaclose sa isa't isa. Iyong tipong hindi kami mahihiyang mag-open up sa isa't isa. Kagaya na lang sa dalawang ito. Nang gumabi na ay hinatid nila ako sa bahay. Bumaba ako sa kotse nila at kumaway kay Venice na nakadungaw sa bintana. "See you, tom!" "See you!" Nakangiti akong kumaway. "Bukas, ah dapat aamin ka na sa kaniya," Umiling ako at kumaway ulit. "Ayaw ko nga! Baka mareject pa ang confession ko. Ayaw ko no'n!" "Hindi 'yan." Hindi talaga ata ako tatantanan ng kaibigan ko. Titigil lang siguro siya hanggang sa papayag ako na aamin ako sa crush ko. Umatras ako at hinintay na umandar ang kotse nila. Nagtaka na ako nang hindi pa sila umalis kaya napatingin ako kay Kuya Spencer na nakatingin sa bahay namin habang nakakunot ang kaniyang noo. "Kuya?" Tawag ko sa kaniya. Bumaling siya sa akin. "Nandiyan ba ang Papa mo?" Hindi ako nakaimik sa tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin at umiling. Alam din ni Kuya Spencer na hindi umuuwi si Papa sa bahay dahil kinukwento rin ni Venice ang mga sinasabi ko sa kaniya sa Kuya niya. "Ayos ka lang ba rito?" He asked. Ngumiti ako at tumango. Ayos na lang kahit hindi naman. Ayaw ko namang mag-aalala ang kaibigan ko sa akin. Ayaw kong kaawaan nila ako. "Sure ka ba diyan, Clemence?" Si Venice na naman ang nagtanong ngayon. "Yes. Maraming salamat sa paghatid..." Ngumiti ulit ako at pumasok na sa bahay. Pagsarado ko sa pintu roon ko lang rin narinig ang pag-alis ng kotse nila. Napabuntong hininga ako. Bumalik na naman ako sa bahay. Walang Ina at wala pang Ama. Hindi ko matatawag na tahanan ito dahil ang mga taong mahalaga sa akin ay wala naman. Kahit buhay pa si Papa at humihinga pero parang wala naman siya kasi wala na rin siyang oras sa akin. Kahit pagsabay sa akin sa pagkain sa hapag ay wala siya, hindi niya magawa kasi nasa ibang tahanan siya. Kinabukasan ay maaga akong nagising para pumunta sa bahay na pinagtatrabahoan ko. Pinindot ko ng paulit-ulit ang doorknob hanggang sa bumukas ito at tumambad sa akin ang maid ng bahay. "Ako po si Clemence Safrano..." Pinapasok kaagad niya ako at sinamahan sa kaniyang amo. Nang makarating kami sa kuwarto ng amo niya ay iniwan na niya ako. "Magandang umaga po," magalang kong bati. "Magandang umaga." Ngumiti ito sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Kaya mo ba ang trabaho mo?" Tanong niya. Walang pag-alinlangan akong tumango. Hindi ako papasok sa trabaho na ito kung hindi ko kaya at isa pa kapag hindi ako magtatrabaho ay baka mamamatay ako sa gutom at wala akong pambayad sa paaralan. "O sige, kung 'yan ang gusto mo, papayagan kita. Sa sabado at linggo ka lang magtatrabho rito dahil nag-aaral ka pa." Lumabas din kaagad ako pagkatapos kong matanggap aa trabaho. May naiwan pa naman akong pera kaya nagjeep ako papunta sa eskwelahan. Habang naglalakad ako papunta sa room ay napalingon ako sa soccer field. May naglalaro roon ng soccer, siguro ay nagpa-practice rin sa nalalapit na inter-high. Siguro nasa ibang field ang baseball team. Minsa kasi sila ang naglalaro sa soccer field kung wala ang soccer team. "Ano game ka ba?" "Game saan?" Tanong ko nang hindi nililingon ang kaibigan. "Duh! You know 'yong pag-amin sa kaniya na may gusto ka—" "Ayaw ko—" "Bakit?!" Sumunod ang kaibigan ko sa kiosk. Pinipilit pa rin akong umamin kay William. Ayaw ko namang gawin 'yon kasi nakakahiya at nakakakaba. "Hindi naman niya ako magugustuhan, eh. Kaya wala ring talab ang pag-amin ko," Ang mga katulad niyang lalaki ay magagandang babae rin ang hanap. Maganda rin naman ako pero ang hanap nila ay 'yong pang model talaga ang ganda. "Wala namang mawawala, eh kung aamin ka. Kung i-r-reject ka niya pero mo naman ipagpatuloy ang naramdaman mo sa kaniya." Tumingin ako sa kaibigan ko. Tumaas baba na naman ang kilay na may kakaibang ngisi sa labi. Mabuti pa ang isang 'to walang problema dahil hindi na niya kailangang umamin kasi ang mga lalaki ang umaamin sa kaniya. Kahit siguro tatanda kami ay hindi niya ako tatantanan. "Okay, okay! Aamin na nga!" I surrender. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan 'di ba? "Yes! Kailangan? Ngayon—" "Gaga! Bukas na 'no! Anong ngayon?!" Gulantang kong sigaw. Tumawa siya at kinurot ang pisnge ko at nagpatuloy sa pagtawa. Ang saya-saya niya dahil sinusunod ko ang gusto niya. Natawa na lang rin ako, kakaiba kasi ang tawa niya parang demonyo. Ngunit sabay kaming natigilan at natahimik dahil dumaan sa kiosk namin ang baseball team. Nasa panghuli si William, hawak-hawak ang baseball bat habang iniwasiwas niya ito sa ere na para bang nagp-practice siya pumalo ng bola. "Oh, my gosh! Oh, my gosh!" Impit na tili ni Venice at kinurot ang braso ko. Napapikit ako dahil masakit ang pagkurot ni Venice sa akin pero pinipigilan kong sumigaw dahil baka lumingon sila sa amin. Doon lang ako nakasigaw nang makalayo na sila sa amin. Tinapunan ko ng masasamang titig si Venice at hinaplos ang braso ko na namumula dahil sa pagkirot niya. "Aamin ka bukas! Final na 'yan, walang atrasan!" Tumili siya ulit at pinaghahampas ako. Okay. For the first time in history. Aamin na ako...bukas.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.1K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.2K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.7K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook