It's saturday.
Alas tres ng madaling araw nagising na ako dahil sa alarm clock na binigay pa sa akin ni Papa noong nabubuhay pa si Mama.
I treasured it so much. Kahit alarm clock ito pero pinahahalagahan ko ang bagay na ito.
Ginawa ko kaagad ang mga assignments at mga gawaing bahay alas tres pa lang dahil mamayang alas singko ay pupunta na ako sa bahay ni Ma'am Mathilda Santiago. Sa kaniya ang magtatrabaho tuwing sabado at linggo para may pera ako sa pocket wallet ko at may pambili na rin ng pera habang wala si Papa.
I'm a scholar pero kailangan kumayod para sa sarili. I don't know kung uuwi pa ba ang Papa ko. Ilang araw na siyang hindi umuuwi at hanggang ngayon hindi pa rin umuwi ni paramdam wala.
Bumati ako sa mga kasambahay sa malaking bahay. Wala si Ma'am Mathilda dahil may trabaho rin ito, isa siyang doctor sa isang pribadong hospital.
Ginawa ko ang trabahong nakaassign sa akin.
Ang maglaba.
Sa murang edad, natutunan ko na maglaba ng mga damit namin ni Papa. Halos hindi na kasi kumikilo si Papa sa bahay, kapag hindi naman ako kikilos baka parang tambakan ng basura namin.
Nang mawala si Mama para na ring nawalan ng gana si Papa pero nang magkaroon ng kabit ay halos nakalimutan na niya si Mama.
Ang mga mabibigat, katulad ng bed sheet at kumut ay ginamitan ko na ng washing machine habang ang magagaan at kaya lang ng katawan ko ay kinusot-kusot ko lang.
"Meryenda ka muna, hija," alok ni Manang Tarsing.
Ngumiti ako tsaka tumango. "Mamaya na po, tataposin ko lang 'to."
"Sigurado ka?"
Tumango ako para sabihing ayos lang.
"Pasensya na, ah? Hindi kita matulongan maglaba diyan dahil maski kami ay marami rin ang ginagawa. O, siya, pagkatapos mo diyan ay magmeryenda ka na at ako na ang magsasampay ng mga 'yan."
Ngumiti ako at nagpatuloy sa paglalaba.
Sumasakit na ang likod ko sa kakayuko pero hindi ako nagreklamo. Ininda ko ang sakit hanggang sa matapos na ako. Tumayo ako at pinatay na rin ang washing machine.
Nag-unat muna ako ng katawan at rinig na rinig ko ang tunog ng mga buto ko sa likod. Pumasok ako sa loob at naabutan ko sila na naglilinis pa rin at si Manang Tarsing ay nagluluto.
"Halika rito, hija. Kumain ka na at magsasampay pa ako," iginiya ako ni Manang papunta sa hapag at pinaupo malapit sa kabesera ng mesa. "Kumain ka lang, ha? Paniguradong gutom ka na at pagod na. Naabutan ka na ng tanghali."
"Maraming salamat po..."
Nang umalis na si Manang ay sinunggaban ko kaagad ang pagkain sa hapag. Gutom na gutom na ako, hindi na nga ako gumamit ng kutsara sa subrang gutom. Ang sarap pa ng mga niluto ni Manang kaya mas lalo akong nagutom. Tumayo ako at nagsalin ng tubig sa baso at diretsong nilagok ang tubig.
Wah! Ang busog-busog ko na! Parang ngayon lang ulit ako nakakain ng masarap na pagkain.
Hinimas ko ang tiyan ko at napapikit. Busog na busog.
"Did you like it?"
Napatayo ako nang wala sa oras nang marinig ang boses ni Ma'am Mathilda sa likoran ko.
"M-Magandang t-tanghali, Ma'am..." Nauutal kong bati at napayuko sa kahihiyan.
Para akong baboy na hindi pinakain ng ilang araw. Ang dungis ko at nagkamay pa ako. Nababastosan at nandidiri siguro si Ma'am Mathilda habang pinapanood akong parang baboy na kumakain. Nakakahiya.
Ngumisi siya at naupo aa kabesera ng hapag.
"Nagutom ka ata sa paglalaba,"
"O-Opo..." I don't know what to say. Parang naputol ang dila ko.
Ano kaya ang iniisip ni Ma'am nang makita akong gano'n kumain? Parang nasa karera at takot na maubusan ng pagkain. 'Yong puno na ang bibig ko pero dinagdagan ko pa.
Gano'n ako kagutom. Nakakabili naman ako ng pagkain pero hindi sapat 'yon. Minsan kumakain ako ng isang beses sa isang araw lamang. Minsan nga ay hindi kapag may paggagamitan ang pera.
"Gusto mo pang kumain?" She asked me.
I shook my head. "H-Hindi na po...s-salamat sa pagkain..." Nahihiya akong yumuko, iniwas ang mukha ko sa amo ko.
"Come here," sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya. Matamis siyang ngumiti sa akin at tinanguan ako.
Kusa naman akong humakbang palapit sa kaniya. Kaba ang bumalot sa akin pero hindi ko iyon pinansin.
"Kumakain ka ba sa inyo? Inaalagaan ka ba ng Papa mo, Clemence?" She asked while wiping the dirt in my face.
I was so shock. Hindi ako nakagalaw kaagad dahil sa gulat. Hindi ko inaasahang pupunasan ako ni Ma'am Mathilda.
Pagkatapos niya akong punasan sa mukha ay tinignan niya ako ng may pag-aalala sa mga mata.
"Nasaan ang pamilya mo? Bakit nagta-trabaho ka?"
My parent? Where are they?
"My M-Mama died when I'm still young...and si Papa...nasa kabit niya..." Pumatak ang butil ng luha sa mata ko.
Pinunasan ko ito pero hindi ito tumigil sa pagtulo. Mabilis kong tinakpan ang mukha ko gamit ang dalawa kong palad habang patuloy pa rin sa pagbuhos ang luha ko. Gumagalaw ang balikat ko dahil sa pag-iyak ko. Hindi ko alam na iiyak ako. Ayos pa ako no'n, eh...pero nang banggitin ko ang mga magulang ko nanghina kaagad ako.
Sumikip ang dibdib ko nang napagtantong...nag-iisa na lang ako. Wala na akong Ina...nasa ibang tahanan pa ang Papa ko. Dapat ako 'yong pagtuonan ng pansin, eh at hindi 'yang kabit niya pero bakit may binibigyan pa niya ng atensyon ang kabit kaysa sa anak niyang nangungulila sa kaniya? Sa anak niyang nahihirapan at nasasaktan?
Hindi ko kayang ignorahin na lang ang mga tsismis ng mga kapitbahay. Nagsasawa na akong marinig nang paulit-ulit tuwing umaga ang pambabae ni Papa.
Nasasaktan din ako.
Oo, fourteen na ako pero kailangan ko pa rin ng Ama. Kailangan ko pa si Papa, pero nasaan siya? Ayon, iba ang inaalagaan at hindi ang anak niya.
Did he ever think of me? Did my father think of me? Hindi ba siya nag-aalala sa akin na baka may magnanakaw na papasok sa bahay at mapapahamak ako? Hindi ba siya nag-aalala na mag-isa lang ako sa bahay? Hindi ba niya iniisip ang nararamdaman ko?
Niyakap ako ng mahigpit ni Ma'am Mathilda. Bumigay na ako. Humagulgol ako lalo dahil sa yakap ni Ma'am Mathilda. I imagine her being my mother. Anong feeling na may Ina pa na mag-aalaga sa akin?
Well, kaya ko namang mag-isa. Kaya kong mabuhay mag-isa. Kailangan ko lang ang pagmamahal nila. Kailangan ko na lang ang suporta nila. Mapapakain ko naman ang sarili ko, eh.
Kung hindi na talaga uuwi si Papa. Okay, fine! Iisipin ko na lang din na wala na akong Ama.
Bumalik din ako kinabukasan kina Ma'am Mathilda para magplansya at pagkatapos ay umuwi na ako sa bahay para gawin ang mga dapat kong gawin.
Nang maglunes na ay hindi ko nakita si William. Naalala kong inter-high na pala ngayon at nasa ibang eskwelahan sila dahil doon ginanap ang inter-high. Hindi ko tuloy siya nakita buong araw, kahit noong pangalawang araw ay wala pa rin sila.
"As in?! Kinausap ka niya?! At kaibigan na kayo?!" Impit na napasigaw si Venice matapos kong ikuwento sa kaniya ang nangyari noong biyernes ng hapon.
Nagalit pa nga siya sa akin dahil bakit hindi ko raw kaagad sinabi sa kaniya. Dahil doon, ang dami tuloy niyang sinasabi at may mga advice pa siyang sinabi pero hindi ko na siya pinakinggan dahil hindi ko rin naman 'yon gagawin.
"Magmake up ka kaya?"
Naagaw ni Venice ang atensyon ko. Kinunutan ko kaagad siya ng noo pagkatapos ay umiling.
"Alam mo, Clemence make up na lang ang kulang sa'yo para mas lalo kang mamumukadkad,"
Umirap ako. "Hindi ko na kailangan ng make up—"
"Kailangan mo 'yan para gumanda ka pa lalo!"
Nilabas na niya ang make up kita niya kaya napalayo na ako sa kaibigan. Hindi ko gustong malagyan ng make up ang mukha ko.
"Kaunting kolorete lang naman!" Aniya, ngumunguso.
Umiling ako. "Ayaw ko," kinuha ko ang salamin sa mesa at tinignan ang sariling repleksyon. "Maganda naman na ako, Venice hindi ko na kailangan ng make up—"
"Maganda ka nga pero kulang pa rin. Para kang hindi dalaga niyan, eh,"
Tumingin ako sa kaibigan ko na lumapit sa akin pero lumayo ako sa kaniya kaya sumimangot siya.
"Mas dinaig mo pa ang elementary, eh! Sila nag m-make up tapos ikaw? Naiwan ng panahon?"
Patuloy ako sa paglayo sa kaibigan. Patuloy din siya sa pagsunod sa akin. Talagang hindi ako tatantanan.
"Para magustuhan ka rin ni William! Hanggang kaibigan ka lang kasi hindi siya nagandahan sa'yo, paano kapag naka make up ka? Baka magkakagusto na 'yon sa'yo!"
Dahil nabanggit niya si William, napatigil ako at kinuha niya ang pagkakataon na 'yon para lagyan ng lip tint ang labi ko. Nagulat ako sa ginawa ni Venice. Diretso kong kinuha ang salamin at tinignan ang labi.
"Venice! Bakit ang kapal?!" Reklamo ko at dinidilaan ang labi, baka sakaling mawala ng kaunti ang makapal na lip tint.
"Hindi ka magugustuhan ni William kung hindi ka mag-ayos sa sarili,"
"Hindi naman kailangan na magmake up para magustuhan ka ng isang tao. Kung gusto ka niya ay tatanggapin ka niya kahit wala kang make up o hindi ka man maganda gaya ng iba."
Ang pula-pula ng labi ko. Hindi ako sanay na mapula ang labi ko. Hindi ako komportable dahil pamiramdam ko ako lang ang titignan ng mga mapanghusgang tao. Parang nagdudugo ang labi ko sa subrang pula.
"Clemence, wala tayo sa panahon ni Rizal. Mga tao ngayon ay nagm-make up na para magustuhan sila ng taong gusto nila—"
"Hindi lahat!" Giit ko.
"Ginagamit ang make up para gumanda ka at para itago ang mga flaws mo,"
Lumapit ang kaibigan ko sa akin at hinawakan ang baba ko tsaka pinaharap sa kaniya.
"Ayan! Hindi na maputla ang labi mo at take note, lip tint pa lang 'yan pero ang ganda mo na!"
Inikot ko ang mata ko at tinignan muli ang repleksyon ko sa salamin.
Panay ang dila ko rito dahil hindi pa rin ako komportable sa subrang kapal nito. Baka kapag nakita ako ng mga tsismosa naming kapit bahay baka pagtsismisan nila akong lumalandi na dahil dumudugo na 'yong labi.
Binaba ko ang salamin at hinarap ang kaibigan pero nagulantang ako nang makita si Kuya Spencer sa likod ng kaibigan ko.
Seryoso ang mukha nito. Tinignan lang niya ako sandali pagkatapos ay bumaling na siya sa kapatid niya.
Dahil sa takot ay tumalikod ako at nagmadaling kumuha ng papel at pinunasan ang labi ko baka mawala ang lip tint pero hindi ito nawala.
"Hindi ako makakasabay sa'yo mamaya pag-uwi dahil may mga aasikasuhin pa ako," malamig nitong sabi.
"Saan ka pupunta? Doon sa girlfriend mo?"
Nagpatuloy ako sa pagpunas habang ang tenga ko ay nakikinig sa pinag-uusapan ng magkapatid.
"Pupuntahan ko ang host ng inter-high, Venice—"
"Tapos didiretso ka sa girlfriend mo? Teka, sinagot ka na ba ni Ate Samantha?"
So, Samantha ang pangalan ng girlfriend ni Kuya Spencer?
Samantha? Samantha Valdez? 'Yong nanalo sa maganda at palaging nananalo sa mga pagent? 'Yong sikat na si Samantha Valdez ba ang tinutukoy si Venice?
"Tawagan mo lang si Manong kong magpapasundo ka na." Hindi niya sinagot ang tanong ni Venice kaya napasimangot ang kaibigan ko at umirap.
"Oo na. Alam ko na ang mga gagawin ko 'no," humarap si Venice sa akin. Suminangot siya nang makitang pinupunasan ko ang labi ko. Tinanggal niya ang kamay ko. "Huwag mong tanggalin, gusto mo lalagyan ko 'yan ulit—"
"Tama na 'yang pag l-lip tint. Gusto niyo bang ipapa-ban ko ang lip tint sa school?" Nakataas kilay nitong tanong.
Napalunok ako at binasa ang labi tsaka pinagpatuloy ang pagpunas sa labi ko.
"Kill joy ka, Kuya! Umalis ka na nga!" Tinulak na niya ang Kuya niya palayo. Nang makaalis na si Kuya Spencer ay humarap ulit si Venice sa akin at akma pa niyang lalagyan ulit ng liptint ang labi ko pero tumanggi na ako.
"Sa'yo na 'to," binigay niya sa akin ang lip tint niya.
Nagtatakang tinignan ko si Venice. "Bakit?"
"Duh, para masanay ka na may lip tint sa labi hindi 'yong panay ka dila sa labi mo para ka tuloy nang aakit ng lalaki niyan."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Venice. Pakiramdam ko namula bigla ang pisnge ko dahil naalala kong binabasa ko ang labi ko kanina noong nandito pa si Kuya Spencer. Baka iniisip ni Kuya Spencer na inaakit ko siya.
"Sanayin mo ang sarili mo na mag lip tint. Bukas mag lip tint ka ulit dahil bukas na ang balik ni William galing inter-high."