CHAPTER 7 "KEEGAN THE JOKER"

2295 Words
Bandang Alas nuebe ay hinatid narin ako ni Keegan sa labas ng Hospital. Bahagya pa syang nagulat nang makita nya ang sasakyan na gamit ko. "Naks, ibang klase ka talaga Ms.Panty, Di ka ma reach." Wika nito saka ngumiti sakin "Hehe..Hindi naman, na reach mo nga ako eh hehe" "Ingat ka ha, Dahan dahan sa Pag dra Drive, Mamahalin pa kita." Nakangiting wika nito, alam kong biro lamang iyon ngunit tila kinikilig ako. Pagkatapos noon ay pinasibad ko na ang kotse at umuwi na sa aming bahay. Hindi ko alam ngunit tila iba ang aking sayang nararamdaman. Nang makarating ako ay agad akong umakyat sa kwarto at nag quick shower lang ako saka nagpalit ng Pangtulog. Hindi ko parin makalimutan ang eksena sa hospital kanina, pero masaya ako dahil kahit papano ay medyo ok na si Tita, kailangan parin syang operahan pero atleast ngayon ok. Ok na sya kahit papano . Nakatulog akong mayroong ngiti sa labi. Samantala .. KEEGAN Hindi ko alam pero tila napakasaya ko, Una, dahil kahit papano okay na si Mama, Pangalawa dahil kasama ko si Kelly kanina, hindi ko alam pero parang ang iba ang saya ko. Nararamdaman ko rin naman ito pagkasama si Sheng ngunit iba ang pakiramdam pag si Kelly. Kaya nang mga oras na yon at tinext ko si Sheng, sinabi ko kung pwede sya bukas, after ng klase nya dahil may i kwe kwento ako sa kanya. Panatag ang loob ko kay sheng kaya palagay koy ok lang naman na magkwnto ako sa kanya. Pwede na namin ilabas si Mama bukas, dahil ok na naman ang kondisyon nya, pero ayon nga Kailangan nya parin operahan sa lalot madaling panahon. Nag tanong ako Kung magkano ang posibleng magastos 5-6 million ang aabutin. Saang kamay ko naman kukunin ang ganong kalaking halaga, Katatapos na lang namin at nagkanda baon baon ako sa utang para sa Bahay namin na di mawala sa amin pero heto at problema na naman, Bat parang Hari naman ata ako ng kamalasan? Minsan natatanong ko parang ang unfair ng Buhay. Lumaki ako sa simple at maayos na pamilya, oo may kaya kami noon, pero wala naman kami inapakang tao, Saka napaka giver ni Papa At Mama kaya hindi ko maintindihan bakit ako ang nakakaranas nito. Wala rin naman akong nasasagaang tao, kahit kelan wala naman akong niloko. Mabuti na lamang at may mga kaibigan pa akong tunay na natitira. Katatapos lamang ng utang ko Kay Major Yohan kaya napakalakinng utang na loob ko don, Hindi sya humihindi sa akin, At minsan sya pa ang nagbibigay. Yung mga pambubudol ko sa kanya kapag kami na lang dalawa sinasabi ko na isama sa listahan ng utang ko, pero sya mismo ang nagsasabi na Hwag na, ok lang, dahil alam nya nga ang gastos ko at iba ko oang pinag kakautangan. Kinabukasan ay inasikaso ko na ang Pag uwi ni Mama. Ngayom rin nag dating ni Ate Vivian, ang syang makakasama ni mama para atleast di ako mag aalala. Tuwang tuwa naman si Mama ng malamang sa amin muna mamamalagi si ate vivian para may kasama sya. Nagreply nga pala si Sheng na makikipagkita sya sakin after ng klase, maaga daw ang labas nila kaya alas dos pa lang ay nasa may ministop na ako malapit sa unuversity. Maya maya nga lamang ay dumating na ito. "Hello Sheng, kumusta? "Ok naman, Si Tita kumusta? "Medyo ok na rin naman, inilabas ko na sa hospital kanina, pero ayon nga sabi ng doctor kailangan parin mag undergo ni Mama ng operation as soon as possible."dagdag ko pa rito Inaya ko sya sa isang malapit na mall sa lugar. Balak ko kasing mag grocery para sa mga stocks sa bahay. Kaya nag grocery muna kami ni Sheng. Kumuha ako ng Cart at sunimulang bilhin ang mga Basic needs namin sa bahay mula sa mga Karne, Gulay, prutas, mga can goods, at maging mga personal hygiene. Kada dadamputin kong product ay binabasa pa ni sheng ang nutrition facts, sinisigurado nya na pwe pwede kay mama. Matapos naming mamili ay pumila agad kami sa cashier at binayaran ang mga ito. Matapos naming mag grocery ay inaya ko sya na mag Snack, tutal nasa loob narin naman kami mg Mall ay doon na rin kami mismo kakain, nakakahiya naman na matapos nya akong samahan at tulungan mag tulak ng cart ay Yayayain ko pa sya sa labas at doon kumain ng LUGAW WITH EGG. Dahil andito narin kami sa Mall syempre di na kami lalayo pa dun kami kakain sa Fastfood ng mga BIDA-BIDA saan pa e di sa Jollibee, hehe. Umorder na ako ng pagkain naming dalwa Spag, Chicken at fries ang pareho naming order, syempre libre ko na si Sheng dito, ako ang nag aya kaya ako na ang taya. Habang kumakain kami ay nagsimula akong mag kwento. "Lam mo sheng, may sasabihin pala ako sayo, Naalala mo ba yung nabanggit ko sayong girl noon, yung na meet ko sa mall alam mo bang ilang beses na kaming nagkikita at ilang beses ko na syang nakakasama" masayang kwentonko sa kanya. "Grabe, ilang beses lang ako di nagparamdam may iba kana, hehe" saad ni sheng sa akin. "Haha, Syempre ikaw parin ang Best friend ko no, di un mababago..." Saad ko saka pinisil sya sa ilong. "Best friend? Tanong nya sa akin na Tila parang nanghihinayang. "Oo best friend, Alam mo yung Panatag ako sayo, masaya ka kausap, nauunawaan mo ako. Kaya mahal na mahal kita eh" wika ko rito saka muling ginulo ang buhok nito. "Mahal na mahal bilang Kaibigan?" saad nito sa akin "Oo bakit? Ayaw mo ba? Hahaha aba di kana lugi nyan sa Gwapo komg to." Saad ko at napangiti naman sya. "Pero alam mo sheng si Kelly, akala ko dati maarte sya hindi naman pala, Kaso mukang suplada lang talaga pero muka lang pala, benta rin sa kanya yung ibamg jokes ko eh, parang ikaw hehe." Nakangiting saad ko rito habang ngumunguya nt fries. "Haha Judgemental ka kasi, hinusgahan mo kaagaad" "Hindi naman sa jinudge ko sya, akala ko lang naman. Pagkatapos naming kumain ay inaya ko na rin sya pauwi dahil kailangan ko pang bumalik mamaya sa HQ, sinabi nya rin sa akin na sa susunod nya na lamang dadalawin si mama dahil may kailangan pa rin syang tapusing homework. Samantala... 3RD PERSON POV Pagkarating ni Sheng ay masaya syang tumakbo patungo sa kwarto. Medyo malungkot rin dahil nalaman nyang Best friend lamang ang tingin sa kanya ni Keegan, kaya panatag ito sa kanya, na hindi nya pala dapat bigyan ng kahulugan ang pagiging magiliw nito sa kanya bilang sheng dahil kaibigan lamang pala ang nararamdaman nito, pero sa isang Banda ay masaya dahil nalaman nyang tila nahuhulog ito sa sheng na totoong sya. Mabilis na naligo si sheng. Gusto nyang dalawin ang ina nito. Hindi nya alam ang bahay ng mga ito, since nabanngit nito na babalik ito sa HQ ay doon na lamang sya pupunta upang magtanong. Pagdating nya sa HQ ay Napansin nya na naka park ang kotse nito sa labas hudyat na naroroon nga ito. Pagsapit nya sa entrance ay binati agad sya ng naka assign sa frontdesk. "Hi po Magandang gabi," "Magandang gabi rin po mam, ano pong maipaglilingkod ko? "Ahm, Kay Officer Ramirez po sana, Ahm kaibigan nya po ako. Kelley po...Kelley Blanchet." saad ko rito, Gamit ko kasing surname as sheng ay ang middle name ko, ang guevarra which is apilyido ni mama nung dalaga. "Ok po mam, tawagin ko lang po si Officer Ramirez." Ilang minuto lamang lumabas agad ito, medyo nagulat pa sya nang makita ito. Nakangiti agad sya pagkakita sa dalaga. "Hi Kelly, Kumusta bat narito ka pala? Na mis mo ba ang kagwapuhan ko? Grabe naman kahapon lang yung last na kita natin ah" Nagbibirong wika pa nito habang nakangiti. "Hehe..Loko, Ahm hindi galing kasi ako sa hospital ang sabi nga na discharged na pala si Tita, e di ko alam ang bahay nyo kaya dito nako dumiretso para magtanong sana, mabuti na lamang at narito ka parin. "Ah..hehe Ganon ba, Oo nga pala sorry di ko nabanggit kahapon, sige mamaya kunin mo ang number ko para i i message mo na lamang ako kapag...Kapag gusto mo akong makita hehe" Nakangiti at Nagbibirong wika ni Keegan. Natatawa naman ang dalaga sa mga Banat nito. "So, Keegan san ang bahay nyo? Mis ko ng dalawin si Tita." "Gusto mo bang sumabay na sa akin, may pa pipirmahan lamang ako, bale iwan nalang siguro natin yung car mo then dito nalang kita ulit Ihahatid mamaya pabalik, what do you think? tanong ng binata sa dalaga. "Good Idea," wika naman nang dalaga. Nagpaiwan ako sa mat Frontdesk at pagbalik ni Keegan ay kasabay nyang maglakad si Major. Medyo kinabahan ako, naalala ko ang mga kaibigan ko, naalala kong hindi lang si Keegan ang naloko sa pagkatao ko kundi pati sila Evren. Nang makalapit sila ay ipina kilala oa sakin ni Keegan si Major. "Major, Si Kelly pala kaibigan ko" "Kelly si Major Yohan Pala, Kaibigan at boss amo ko yan" dagdag pa nito. "Hi, nice to meet you kelly," "Nice to meet you po Major Yohan" "Ingat ka dito kay Keegan ha, baka ma budol ka nyan mabulaklak pa naman dila nyan, hehe" "Hehe Ganon po ba? ""Hehe hindi joke lang, pero mag ingat Ka talaga. "Haha Grabe ka sakin Major, tara na nga Kelly, " aya maman nito sa dalaga. Nagpaalam na sila at tinungo nila ang sasakyan ni Keegan sa Parking. Sakay sya ng Wigo nito, malinis ang sasakyan nito, at mabango rin. "Pag pasensyahan mo na tong HirWigo ko ha, hehe walang panama ti sa mga sasakyan mo," ngingiti ngiting wika ng binata. "Ano kaba, ok lang yon, Ang importanteay sasakyan, sakin nga bugay lang naman yun ni Daddy, eh itong sayo alam kong pinaghirapan mo ito. "Oo Kelly, talagang pinaghirapan ko ito, Nag sasabaw Tubig na nga alang ako dati para may Panghulog dito every month hehe" pabirong wika oa ng binata. "Hehe Ganon ba atleast diba ngayon kahit papaano may sarili ka ng sasakyan, di mo na kaylangan gumising ng maaga para bumiyahe at makipagsiksikan," seryosong wika ng Dalaga. "Oo naman Danas na danas ko yan, Yung CUTE na nga ako tapos Bumyahe pa ako, Edi lalo pakong "COMMUTE" hahaha" tumatawang Banat ng binata. Natawa naman si Kelly sa banat ng binatang pulis. Mukang sasakit ang tyan nya bago sila makarating sa bahay nito. "Ang ganda naman ng Surname mo, akala ko tuloy kung sino ang naghahanap sa akin, BLANCHET ang ganda,parang ikaw, hehe Saang origin ba yon surname mo? Tanong nito. "Ahm, actually, Half French kasi ang dad ko, Doon ko nakuha ang surname na blanchet" paliwanag ng dalaga. "Wow, ang Bongga naman, Tunog Afam no, Half ka pala, e san sa pilipinas ang Mommy mo? "Si Mommy? Ahnm taga dito lang din sa manila at sa south. "Ah i see...Alam mo ba Kelly, may pagka AFAM rin ako." seryosong sabi ng binata na tumingin saglit kay kelly saka muling nag focus sa daan. "AFAM as in A Foreigner Assigned to Manila? "Haha..Nope I mean may pagka AFAM din ako ....AFAMpangan, hehe" Natatawang wika ng Binata Halos masamid naman ang dalaga dahil sa mga banat ni Keegan, wala talagang dull moment kapag kasama nya ito. "Hahaha, Gagi akala ko kung ano" wika ng dalaga rito. "Haha, bakit totoo naman ah AFAMpangan talaga, taga Pampanga kasi ang Mother side nila Mama. Pero bata pa ako ng umalis kami roon, Dito na ako nagkaisip sa Manila. "Haha i know naman pero di ko lang naisip na maisisingit mo pa yon, Ang talino mo talaga Keegan" saad ng dalaga na natatawa pa rin. "Hala sya, di na naka move on." Eto diba sabi mo matalino ako, Sige ikaw naman subukan ko kung matalino ka ulit. Kailangan tama sagot mo." Saad pa nito sa dalaga. "Oh sige nga, Hwag mahirap ah..Yung madali lang dapat." "Oo na, madali lang to, Pag nasagot mo to, ililibre kita nito, pero kapag hindi yung sakin nalang...haha" "Sige nga ano ba yan? Madali lang ha" "Okay, Eto ang Tanong, kahit elementary kaya to. "Ano ang tinatangal sa ITLOG bago ito kainin? Seryoso pa ang binata sa tanong, pero hindi nya rin mapigilan matawa. "Tinatangal sa Itlog bago kainin? Ano ba...Hmm Balat syempre .." saad ng dalaga, Napatawa naman ang binata kaya nadamay narin sa pag tawa ang dalaga. "Bat ka tumatawa, Balat naman talaga ah hahaha..loko ka." "Hahhaa, Mali..mali.." "Luhhh...kung mali sige anong sagot? Anong tinatangal sa Itlog bago kainin? "Hahaha ANO PA E DI YUNG BUHOK" walang kagatil gatol na sagot ni Keegan, nag isip muna sya saka rin sya napatawa. "Gagi, hindi naman kaya, pwede naman sagot ang balat ah" "Haha, pwede pero given na yun dapat yung sagot mo unique, Haha..Buhok, syempre bago kainin yung BALOT yung iba tinatangal muna yung mga buhok buhok di kasi nakain ng sisiw" paliwanag nang binata habang natatawa sa reaction ng dalaga. "Wala ang daya mo, di mo naman sinabing balot sabi mo itlog lang eh, hehe ang daya mo talaga. "Hahaa, Sorry na, Oh eto naman, Knock Knock? "Who's there?" "Pillow Talk" "Pillow Talk who? "Ako ay may lobo, lumipad sa langit di ko na nakita PILLOW TALK na pala...hehe By Zayn Malik hehe" "Hahaha, alam mo timigil kana baka kabagan ako bago tayo makarating sa inyo, hehe" "Haha Sige na nga, anyway malapit na tayo 5 mins nalang. Hindi parin natapos ang kanilang pagkukulitan, Sa isang banda ay masaya si Keegan sa babaeng kasama nya ngayon tila ang dali nya rin nakapa lagayan ng loob ito pasimple nya itong sinusulyapan saka sya napapangiti. Samantala sa side naman ni Kelly, dinadalangin nya na sana ganto palagi, na sana kapag nalaman ni keegan ang totoo sana hindi sya nito kamuhian ng husto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD