Pagdating ko sa bahay ay napasadlak na lamang ako sa upuan, bigla Kong naalala si Keegan. Bigla kong hinagilap ang cellphone ko at binasa ang kanyang mga mensahe roon.
Nireplyan ko na lamang sya ng Sobrang busy mag review kaya ngayon lamang nakapag reply.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa eskwelahan pagdaan ko sa HQ ay sinisilip ko sya baka sakaling nandoon ngunit wala pa ang kanyang sasakyan.
After ng klase ko na lamang siguro sya pupuntahan, baka nasa hospital pa.
Mabilis lamang na lumipas ang oras bandang 2pm ay wala na kaming klase kaya nagbaka sakali akong makita sa HQ at di nga ako nagkamali, nakita ko sya roon at tila paalis narin kaya tinawag ko sya.
"Keegan!
"Oh..Sheng...kumusta ...
"Ako ang dapat mangumusta sayo, kumusta na ang nanay mo?
"Medyo mabuti na sa ngayon pero madami syang dapat inumin na gamot at higit sa lahat kailangan nya parin operahan.
"Ah.. ganon ba..Ahm..pwede ba ako sumama ngayon." Pagbabakasakali kong taning rito.
"Ah..Sige ikaw ang bahala kung wala ka naman gagawin pwede naman." Saad nito sa akin.
Lulan kami ng sasakyan nya patungo sa hospital. Ilang minuto lamang ang tinagal ay nakarating rin kami agad.
Naabutan namin na kumakain ang Mama ni Keegan,
Parang bigla akong kinabahan ng magtama ang mga mata namin.
"Oh Hijo, nariyan kana pala at may kasama ka ulit' saad nito na nakangiti naman.
"Ma..magandang tanghali po" bati ko rito na tila nauutal.
"Magandang tanghali rin naman hija, Ikaw si?
"Ako po si Sheng, kaibigan po ni Keegan." Nakangiting wika ko rito," hindi ko alam ngunit tila ako ay kinakabahan, Bahagya kong inayos ang aking salamin sa mata, saka inayos ang medyo kulot kong buhok .
"Ah, ikaw pala si Sheng, Kagabe may kasama rin yan na kaibigan babae rin, Si Kelly, napaka swerte naman ng Anak ko at napakababait ng mga kaibigan at magaganda pa.
"Mama talaga, kumusta naman po ang pakiramdam nyo po ma?
"Medyo Ok na naman anak, pwede mo na nga anong iuwi eh .ok na ako anak, Dagdag gastos lang ang stay ko rito kada araw.
"Ma, ang importante po ay kayo, kaya ok lang naman.
"Anak, maayos na ako, kaya relax ka lang ha.." nakangiting saad ni Tita Erlinda, ayaw nya talagang maging pabigat kay Keegan.
Lumabas muna sandali si Keegan dahil may bibilhin itong gamot.
Nakaupo ako sa upuang pang isahan ng tawagin ako ni tita erlinda.
"Hija, Halika dito..mag kwentuhan tayo, kung pano kayo nagkakilala ni Keegan.
Hehe Si Kelly kasi nagkwento kahapon ang kulet ng First meet up nila ng anak ko ng Dahil sa Panty, hehe, Ikaw ba pano kayo nagkakilala? Nakangiting tanong nito, hindi ako makatingin ng diretso sa knaya, dahil tila na guguilty ako.
Pero kahit ganin ay lumapit ako sa kanya. Pero bago ako makipag kwentuhan ay kumuha muna ako ng masanas at tinanong kung gusto nya para ipagbabalat ko sya, Sumang ayon sya kaya kumuha ako ng isa, hinugasan ito saka bumalik sa pwesto nya saka bunakatan ang mansanan habang nag kwe kwento.
"Ahm..Tita sa school po, Sa st.margaret po kasi ako napasok malapit po sa HQ nila, tapos madalas po sila imbitahan sa school lalo na po kapag may event, don ko po sya nakilala saad ko rito.
"Ah, ganon ba, masaya ako dahil kayo ang kaibigan ng anak ko, Si Kelly mabait din, Sana isa sa inyo ang mapang asawa ni Keegan ko, Pareho kasi kayong mabuting mga babae, para sigurado akong nasa mabuting kamay si keegan." Saad ni Tita na nakangiti ngunit bakas ang lungkot sa mukha.
Nagulat nya ako ng hawakan nya ang kamay ko.
"Napakalambot din ng kamay mo, Katulad ng kamay ni Kelly"
"Ganon po ba? " Saad ko saka inayos ang aking salamin dahik tila di ako makatingin ng diretso sa kanyang mga mata. Nasa ganong moment kami ng biglang dumating si Keegan dala na nito ang ibang mga gamot.
Ilang oras din kami roon, bandang alas kwatro ay Nag paaalam na rin ako. Gusto pa akong ihatid ni Keegan ngunit sinabi ko na nasa labas na ang sundo ko, kaya sa labas nya na lamang ako inihatid.
Pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko si Ate Yana,.
Inaasar nya ako, dahil pangdalas ko kasing tinangal ang mga rekotitos na nakalagay sa aking mukha.
"Hahaha...ano Sheng hanggang kelan mo pahihirapan ang sarili mo sa ganyang set up mo."
"Ate, ilang months nalang at graduate na ako kaya matatapos din ito."
Tapos ano, pano mo ipapaliwanag sa mga kaibigan mo as Sheng na Nerd, na di ka naman talaga ganon, na ang Totoo ikaw ay sheng na nakapag mana."
Pano yung mga tao na comfortable sa yo as Simpleng Sheng,? Yung mga taong nag invest ng Feelings sayo as cheerful at simpleng sheng?
Bigla naman akong natigilan sa Pinagsasasabi ni Ate Yana, tama sya ang dami ko ngang masasaktan.
Pero hindi ko alam ang gagawin kung mamahalin at tatangapin din ba nila ako kapag nalaman nila ang totoong ako, Oh iiwasan rin nila ako.
"Ate, hindi ko alam, mas maraming nagmamahal kay Sheng na Simple kaysa sa Sheng na totoong ako, Mas maraming kaibigan ang nerd na sheng kesa sa sopistikadang sheng." Wika ko saka napaupo.
"Bakit di mo subukan, Eh kinaibigan ka nga ni Keegan eh,"
Sheng alam kong mahirap peri kung ako sayo habang maaga pa, mag decide ka na, Dahil lahat ng ginagawa natin ay may consequence sa dulo." Saad ni ate yana sabay tapik sa akin saka umalis at tinuloy ang ginagawa nya sa kusina.
Nagbabad muna ako sa bathtub at nag isip. Tama naman si ate yana, pero na tatakot din kasi ako, pero sige susubukan kong mas madalas ilabas ang Totoong ako,
After maligo ay inayos ko ang aking sarili, Dadalaw ako kay Tita Erlinda as Kelly, naglagay lamang ako ng light make up dahil pagabi na naman, nakasuot ako ng bodycon dress na kulay olive green. Lalo akong namuti sa suot kong kulay.
Pagkatapos kong matiyak na ayos ako ay saka ako kumuha ng sasakyan na gagamitin sa garahe, Gamit ko ang Audi R8 na color grey na regalo sa akin ni Daddy nung 18th birthday ko.
Dumaan ako saglit sa supermarket a upang pick upin ang prutas at iba pang pasalubong kay tita Erlinda.
Mabilis lamang iyon, Ganon ang nagagawa ng maraming contact.
Kung abosado akong anak, ang dami kong pwedeng samantalahin, pero di naman ako ganon kaya sa mga simpleng ganito ko lamang ginagamit iyon.
Nakarating ako sa hospital, ipinark ko muna ng maayos ang sasakyan saka ako bumaba, pagbaba ko pa lamang bitbit ang paperbag ay pansin ko na ang tinginan sa akin ng mga tao na nadadaanan ko. Ang iba ay sumisipol, ang iba naman ay tila humahaba ang mga leeg sa paghabol ng tingin sa akin.
Binilisan ko na lamang ang lakad.
Sinapit ko ang kwarto na inuukupa ni Tita Erlinda, kumatok ako saka pumasok. At gising ito.
"Hi Tita Erlinda" masayang wika ko.
"Oh..Kelly Anak, napadalaw ka ulit" nakangiting bati nito sa akin.
"Opo, umuwi lang po ako saglit saka po ako pumunta rito..Ahm to nga po pala para sa inyo." Saad ko habang inaabot ang aking pasalubong.
"Naku, ano kabang bata ka, nag abala ka pa sa pasalubong."
"Naku tita, maliit na bagay po, basta po magpalakas kayo."
"Oo nga anak, sabi ko nga kay keegan pwede na nya ako ilabas, ayaw pa naman."
"Gusto lang po matiyak ni Keegan na ok kayo kaya ayaw nya pa po kayo palabasin.
"Ahm, asan po pala sya.?
"Ah may pinuntahan lang saglit, tinawagan kasi sya ni Yohan kaya nagmadaling umalis, pero babalik rin yon agad, baka nga pabalik na iyon ngayon." Saad pa ni Tita
Nagkwentuhan muna ulit kami, di sya nauubusan ng kwento ang dami ko tuloy nalalaman about kay keegan nung kabataan nito.
Pati ang mga kakatwang nangyari kay Keegan ay knuwento nya tulad ng tinuli daw ito grabe daw ang iyak at sumigaw pa raw na magpapaka supot na lang sya, dahil ayaw daw nito magpatuli dahil takot, at pati ang pangangamatis ng Pototoy nito ay knuwento din ni Tita, kaya tawa kami ng tawa.
Samantala.....
KEEGAN
Pinatawag ako ni Major Yohan dahik may iaabot silang kinting tulong galing sa mga kabaro pangdagdag pang gastos sa hospitalization ni Mama, kaya pumunta akong HQ at kinuha ito, nagpasalamat rin ako sa kanila.
Pagkatapos noon at bumalik na ako sa hospital dahil walang kasama si mama, sinabi ko lamang dito na pupuntahan ko si Major saglit at babalik rin agad, hinabilin ko lang din sya sa nurse na pakikitingnan.
Ngunit nasa may pinto pa lamang ako ay rinig ko na ang mga hagakhakan, may kasama si Mama sa Loob, Dahan dahan kong binuksan ang pinto at doon ay nakita ko si Kelly, Napaka Ganda nya lalo, at napaka sexy nya sa suot nyang dress, kita kita kasi dito ang magandang kurba ng kanyang katawan. Pansin ko rin ang hikaw nya na bukod sa normal na hikaw ay meron pa sa may bandang taas ng tainga na tila nakapag padagdag sa pagka hot nyang tingnan. Tila may isang bagay na NAGAGALIT sa aking katawan,hindi pa nila ako nakikita kaya Tumalikod ako saka Hinimas ang aking unti unting Nagagalit na alaga, Ngunit nagkamali pala ako Dahil PAGHIMAS ko ay Lalo lamang itong Nagalit.
HINDI PALA LAHAT ng HINIHIMAS AY UMAAMO, dahil itong sakin mas lalong nagalit at tumayo.
"Keegan andyan kana pala" wika ng malamyos na boses ni Kelly. Pero Tang ina, lalo nanigas ang Gago.
"Ahm..Ah Oo ..andito ka pala, wika ko parin na nakatalikod, Di kasi ako makaharap dahil baka mapansin nila ni Mama ang umbok sa uniforme ko.
"Oh anak halika dito, bat ba nakatalikod ka dyan." Wika ni mama
"Ah ma, hinahanap ko lang kasi ang resibo ng gamot mo kanina" pag sisinungaling ko pa, Potek Nakatayo parin ang alaga ko. Bahala na nga,
Dahan dahan akong Humarap sa kanila at patay malisyang WALANG TIGAS na nararamdam pero ang totoo parang Tent ung hitsura ng uniforme ko sa bandang Zipper.
Pagharap ko ay Napatingin ako kay Kelly, Napaka ganda nya talaga, napaka perpekto ng kanyang mukha animo di nadapuan ng lamok. Napatingin naman ako sa Dibdib nya, pinagpala rin iyon.
Lalo ko namang naramdaman ang Pangangalit ng TaruB ko.
Hindi ko alam bat bigla natahimik si kelly at pansin ko ang pamumula nito.
Napatingin sya sa bandang ibaba ko ako naman ay patay malisya lamang.
Ngunit ang nakapag palambot sa akin ay nang magsalita si Mama.
"Keegan anak,"
"Yes Mama,bakit po?
"Anak, Ganan kaba pagnakakakita ng magandang Dalaga, Hahhaa Sa sobrang Galit ng Alaga mo eh BUMUKAS NA ANG ZIPPER mo, nakaharap ka pa man din kay Kelly. Hahahhaa"
Saad ni Mama, Para naman akong Nilanig bigla saka ako Tumalikod, Shet Bukas pala ang Zipper ko di ko naisara ng ayos.
Tawa ng tawa si Mama, hangang sa marinig ko rin nag tawa ni Kelly nahihiya man ay wala akong nagawa kindi harapin sila.
"Pasensya na di ko pala nasara kanina nang mag banyo ako." Pagdadahilan ko
"Haha anak sa susunod ikalma mo yan ha, baka mamaya bigla na lang makatusok yan ay sya" wika pa ni Mama.
Pulang pula naman si Kelly katatawa
Kaya dinaan ko nalang din sa Biro si kelly.
"Woi Kelly Tawa ka ng Tawa Gusto mo naba mag Asawa?
Hahaha , Di kayo maka move on sa Tarub ko." Wika ko sa kanila ni Mama.
"TARUB what is Tarub? Saad pa nito sa inosenteng tanong na bumulong sa akin.
"Hahaa yun yung nasa TV si JAY TARUB....
Charrr..hindi...Haha TARUB means b***t hehehe, pabulong kong Wika kay kelly, tila namula naman ito at napatakip pa sa kanyang bibig.
Napansin naman kami ni Mama Na nagbunulungan kaya sinaway na naman ako ni Mama.
"Hoy FORTUNATO anong kalokohan na naman ang sinasabi mo kay Kelly, Hwag mong lasunin sa kaberdehan ang isip nya" wika ni Mama.
"Woi, grabe ma, lason agad, shinare ko lang naman sa kanya ang aking ibang kaalaman, SHARING IS CARING ma diba.
Wika ko pa, Tawa ng tawa naman si Kelly sa akin.
"Kelly, dahil muka kang matalino may tanong ako sayo, Kapag nasagot mo to, pwede mo akong ligawan, kapag hindi wag ka nang umasa basted ka agad sa akin hehe.."
Saad ko, abangers naman sila ni Mama sa tanong ko .
"Hmmm..Sige nga ano yang tanong mo? Natatawang tanong nito.
"Kelly, Pano malalaman kung babae o lalaki ang karne? Seryosong tanong ko rito.
"Huh? Hindi ko alam pano nga ba malalaman ang gender kung karne na?" Natatawang curious nyang tanong.
"Oh Sige anak paano? Kapag kami di satisfied sa tanong mo yari ka samin" sagot naman ni Mama.
"Wala mahihina kayo, Haha ang simple lang eh.
"Syempre kapag Babae ang karne KIKIluhin, Kapag Lalaki TITIMbangin...ganern Hahaha..
Hindi pa ako nakakalayo ay Tinamaan na ako ng Lumilipad na basahan.
"Woi, bastos na bata ka lumayas ka rito, sa harap pa talaga ng Dalaga ka nag gaganyan Sira ulo ka, ano na lamang ang iisipin ni Kelly na pinalaki kitang ganyan lokong bata ka "
saad ng natatawang si Mama, Si Kelly naman ay hawak ang Tyan sa katatawa dahil sapol ang basahan na binato ni Mama sa Pagmumukha ko.
Ngayon ko lamang napansin na mas lalong gumaganda si Kelly kapag nakangiti.
Masaya rin ako dahil nakikita ko ring masaya si mama, sana gumaling na sya
Bat ganito ang nararamdaman ko, parang bigla nagkaron ng space si kelly sa puso ko, tanong ko sa aking isip habang nananatiling nakatitig sa maganda nyang mukha.