CHAPTER 5" PAGKIKITA"

2314 Words
Masaya akong pumasok kinabukasan. Pasipol sipol pa ako. Nakakagana mag trabaho kapag ganito hehe, Naalala ko lang si Sheng, natutuwa ako sa kanya, pakiramdam ko kasi kaya nyang sakyan ang mga pagpapatawa ko, yung mga jokes ko na kahit corny tinatawanan nya parin. Pag dating ko sa Headquarters ay Minessage ko sya upang ipaalam na nasa HQ na ako. Masaya ang araw ko sa mga oras na iyon. Napansin naman iyon ni Major kaya ako naman ang pinuna nya. "Aba, Ramirez, Masaya ka yata,? Anong bagong scam mo? " Nakangiting tanong nito sa akin na wariy nang aasar. "Scam agad major, hahaa Di ba pwedeng masaya lang ako Major dahil, Nag pizza kami kagabe...Kumain kami ng PEPE ni sheng, Hehe" natatawang sabi ko kay Major, Bigla naman kumunot ang noo nito at nagtaka "Ha, Anong kumain ng PEPE? tanong Ni major sa akin" "Kumaing kami ng PEPE ikaw, din naman ah, kumain karin naman ng PEPE kasama si Bata, Aminin mo..aminin mo" natatawang saad ko rito. "Siraulo ka, Pepe pepe na sinasabi mo dyan.. "Hahaha PEPE... PEPPERONI kaw naman major masyado kang ano dyarn" "Ibang PEPE naman yata iyang masa isip mo eh" "Abat, ang Sira ulong ito ah" sabay Abot ni Major ng tisyu saka ambang ibabato sa kin. "Joke lang major, eto naman hindi na mabiro" Apaka seryoso lagi eh TATANDA KA NYAN KAHIT MATANDA KA NA" nakangising wika ko rito kaya Tuliyan nya na akong binato. "Gago ka talaga Ramirez.. "Aray, kalma lang naman major" hehe char lang yon nga pala kumusta na kayo ni Bata mukang ok na ok na kayo ah. "Oo naman syempre, okay na okay kami ni bata" Yan...Yan ang sinasabi ko mga galawang Major ayieee.. Masaya kong ginugol ang oras ko sa trabaho, buti nalang at walang mga gulo ngayon, payapa ang paligid. Nag roving kami sa Kabayanan para tiyakun na peaceful nga, at tahimik naman talaga. Napadpad ako malapit sa unuversity at dooy nakita ko sila Sheng kasama si Bata, at ang iba pa. Nakita ako ni Bata Kaya Binati nya ako. "Hi Officer Ramirez! Good afternoon! "Good afternoon naman Bata, Good after noon sa inyo Sheng. "Good afternooj Keegan" Nahihiyang sagot sa akin ni Sheng, napansin kong yumuko ito na sa wari ko ay nahihiya. "Wow..Taray Keegan lang ang tawag, Hahaha Ayieee" pang aasar na biro sa kanya ni Cat, isa sa mga kaibigan nya. "Ikaw Evren anong tawag mo kay MAJOR YOHAN? "Hmm....MAJOR? eh nasanay na ako na tawagin sya non eh, hehe" Pansin ko naman ang Pamumula ni Sheng. "Ahm..Sige Keegan, mauuna na kami, meron pa kasi kaming sunod na klase eh. "Ah, Ganon ba, ahm Sige lakad na kayo at baka ma late pa kayo. "Ahmm Sige, Mauuna na kami." Nahihiyang wika ni Sheng, Tumango naman ako bilang pag sang ayon. Nang makalayo na sila ay tinext ko pa sya. Matapos kong mag roving ay bumalik na ako sa HQ. Hindi pa ako nag iinit sa upo ng maka received ako ng tawag. "Hello ...Po? Sige po papunta na ako" Saad ko sabay baba ng phone. Medyo nagulat pa si Major "Bakit Ramirez Anong problema? "Major, Si Mama, isinugod ng kapit bahay namin sa hospital, kailangan ko muna pong umuwi, emergency". "Ganon ba, sya sige, balitaan mo ako sa Status ni Tita Erlinda. "Sige Major, Salamat" Pinasibad ko ang aking sasakyan kaya mabilis akong nakatating Sa Hospital. Pagdating ko roon ay naabutan ko si Aling Menang isa sa mga kapit bahay namin na nagsugod kay mama sa hospital. "Aling menang, Si mama po? Kabadong tanong ko rito. "Nasa loob pa Keegan, di pa lumalabas ang Doctor." "Ano po bang nangyari?" Bigla nalang natumba hawak ang dibdib, at ulo, buti na lamang at napadaan ako nagwawalis sya sa labas ng bahay nyo. "Salamat po aling menang" wika ko naman rito. Matapos ang ilang minuto ay lumabas na ang doctor. "Doc, Ako po si Keegan ako po ang anak ng pasyente, kumusta ho ang lagay ng Nanay ko?" "Hijo, Tatapatin na kita, base sa mga senyales ay hindi maganda ang lagay ng nanay mo, bale may mga ginawa na rin kaming test para masigurado, hintayin nalang natin ang resulta." "Ahmm.Doc, a .ano po bang nakikota nyong sakit po ni Mama? "Sa puso,at may kaugnayan din ito sa pagsakit ng kanyang ulo, Hindi pa naman sure kaya nga nag Pa test tayo ipanalangin na lamang natin na Hindi ito malala. Makatapos naming mag usap ay umalis na ang doctor, Nakaupo lamang ako at hinihintay na magising si Mama. Di ko napansin na Alas singko na pala. Ang hirap pala ng ganito, kami lamang ni mama ang narito sa hospital. Wala naman kaming malapit na kamag anak rito, kung meron man ilan lang at yung iba,ay kinalimutan na rin ata na kamag anak nila kami simula ng wala na silang mahita sa amin. Bigla ko naalala Ang ka close ko na pinsan na nasa probinsya, naalala ko nung nakaraan naghahanap sya ng trabaho, agad kong tinawagan si Ate Vivian. At tinanong kung pwede bang sa amin na lang sya magtrabaho bilang kasama ni Mama. Mabutinna lamang at pumayag sya, wala na naman syang maliit na anak, mag kokolehiyo na ang bunso nyang anak na lalaki kaya kailngan nya daw ng trabaho mabuti na lamang at di ko na maghanap ng iba. Samantala, Naisipan kong i text si Sheng, hindi ko alam, parang kailangan ko ng kausap sa mga oras na ito kaya tinext ko sya, Sinabi ko sa kanya kung nasaan ako. nasa kanya naman yon kung pupunta sya o hindi. Samantala SHENG Di pa ako nagtatagal ng upo ay nabasa ko ang message ng isa sa mga Close kong pinsan na si IRENE, nasa Hospital pala sya ngayon dahil isinilang nya na ang panganay nyang anak, Matanda lamang ito sa akin ng isang taon, kaya di ko nakasanayan na tawagin na ate. Nag ayos ako agad bilang Tunay na Ako, tinangal ko ang ilang prosthetic at binura ang makapal kong kilay. Naligo ako pagkatapos noon. Nagsuot lamang ako ng knitted long sleeve na kulay red na tinerniohan ko ng ripped jeans. Tumingin ako sa salamin eto na naman ang tunay na ako, Hindi naman sa oag mamayabang pero maganda at sexy ako, na mi miss ko rin ang tunay na ako, kaya lang di ko alam, parang mas gusto ata ni keegan yung tulad ng Simpleng Sheng, parang walang dating sa kanya ang isang Sheng na side. Pagkatapos kong mag ayos ay tinungo ko na ang hospital maayos naman akong nakarating at natunton ang room nila. Naabutan ko si Irene na nag papasuso sa kanyang bagong silang na sanggol. Napaka cute nito at ang sarap hawakan. Katabi nya ang asawa nyang Si Lester, isang canadian na na naka base dito sa Manila sa makatuwid isa itong AFAM hehe, Tirador din ng AFAM itong si Irene eh. Nag enjoy akong kargahin ang baby, ang gaan lang kasi nito. Halos 30 minutes lamang din doon amg itinagal ko, Ilang sandali lamang ay nagpaalam narin ako dahil mag aalas otso na, kailangan na rin magpahinga ni Irene. Papalabas na ako ng Hospital, tahimik lamang sa pasilyo na aking nilalakaran. Pagliko ko ay Di sinasadyang mabangga ako ng Humahagibis na lalaki na may dalang supot. Nagulat pa ako ng mapagtanto kung sino ito "I'm sorry miss..... "Keegan? "Kelly?.Ah.... Anong ginagawa mo rito?" Tanong sa akin ni Keegan, pansin ko ang Pamumula ng kanyang mata at nasa muka rin nito ang pagod. "Ah, dinalaw ko kasi ang pinsan ko na bagong panganak, ikaw bat andito ka? "Ahm..Si mama kasi eh, inatake bale hinihintay pa namin ang result pero kailangan nya rin i confine. "Ah, ganon ba.. I'm sorry, di ko expect na sa gantong pagkakataon pa tayo magkikita" malungkot na sabi ko rito. "Oo nga eh, May lakad kaba? Baka ma late ka sa pupuntahan mo." "Wala naman akong lakad, pwede pa kitang samahan" nakangiting wika ko rito. "Salamat ha, Ngayon ko kasi talaga kaylangan ng makakausap, hmm..may tinext akong kaibigan pero di nagreply eh, malamang busy siguro baka nag aaral" "Ah, ganon ba..I see" Pasimple kong tiningnan ang phone ko at doon ko nga nabasa na marami pala syang text, parang naawa ako lalo, pero ok lang naman kahit wala ang Sheng na ineexpect nya narito naman ako bilang totoong Sheng. Sinama nya ako sa kwarto kung saan naroroon ang kanyang ina. Nakahiga ito at hindi pa raw nagigising. Lumapit si Keegan rito at hinaplos ang noo nito. Hinawakan nya ito sa kamay, saka sya muling bumalik sa tabi ko. "Ahm..ano pala ang sabi ng Doctor? Tanong ko sa kanya. "Na test na si Mama, may possibilities kasi na sakit sa puso at connected sa pagsakit ng ulo nya madalas, hinihintay nalang din namin ang resulta, pero Sana naman wag malala, Hindi ko kaya pag may masamang nangyari kay Mama." Saad nito sa akin saka yumuko at tinakpan ang Mata, Alam kong umiiyak sya, Ayaw nya lamang ipakita. Hindi ko ineexpect na gantong Keegan ang masasaksihan ko. Hinawakan ko sya sa kanyang balikat at tinapik at hinaplos iyon. "Magiging ok din ang lahat, ipagdasal na lang natin na maging maayos sya, Saad ko pa rito. Nasa ganong eksena kami ng biglang magising ang mama nya at nakatingin ito sa pwesto namin. "Keegan anak, May bisita ka pala." "Ah ma, Gising na po pala kayo, Opo mama kaibigan ko nga po pala Si.... "Ikaw ba Si Sheng" "Opo,Ako nga po Si ..Ke...Kelly po" saad ko, muntikan na akong madulas. "Sya si Kelly Ma, hindi po sya si Sheng, baka po busy sa homework kaya di ako sinasagot. "Ah, ganon ba, So ikaw hija ay kaibigan rin ng anak ko tama? "Opo mam, Kaibigan nya rin po ako" wika ko habang nakangiti na lumapit rito. "Naku, Tita Erlinda na lamang ang itawag mo sa akin" saad ng mama ni keegan. "Ahm..Sige po kung yon po ang gusto nyo." Bigla namang may pumasok na Doctor at tinawag si Keegan, kaya kami lamang ni Tita Erlinda ang naiwan sa loob. "Nagugutom po ba kayo? Gusto nyo po bang ako ang magpakain sa inyo? "Ikaw bahala hija, kung hindi ba nakakahiya sayo ey hehe" "Ay naku hindi po, Sige po kumain po muna kayo, susubuan ko na lamang po kayo." Saad ko habang inaayos na makaupo si Tita Erlinda, Nang maiayos ko ito ng upo ay saka ko ito sinubuan, lugaw ang pinakain ko rito dahil ito ang dala ni Keegan. "Napakagandang Bata mo naman Hija, Sigurado kabang kaibigan ka lamang ng anak ko? Hehehe Bay ikaw palang ang babaeng naipakilala nyan sa akin, may knukwento syang isa yung Sheng nga, akala ko ikaw yon." Wika ni Tita Erlinda, hindi na lamang ako sumagot at bagkus iniba ang usapan. "Wala pa po bang nagiging Girlfriend si Keegan,? Tanong ko rito. "Nakuy di ko alam Hija, cguro mga fling fling, pero kung Girlfriend na pwedeng ibahay ay wala pa, ewan nga ba dyan sabi ko nga eh mag asawa na, para hindi na kako ako mag aalala kung sakaling Mamatay ako, atleast panatag ako na alam kong may Babaeng magmamahal sa kanya at makakatuwang nya sa buhay," wika ni Tita Erlinda saka lumungkot ang tono ng boses. "Naku Tita, ano po bang sinasabi nyo, Hindi pa po kayo ma tetegi, Alam kong sisiw lang sa inyo yang sakit nyo," saad ko na pinipilit pasayahin ang boses. "Hindi ko alam Hija, pero minsan talaga napakasama ng aking Damdam, Naawa nga ako kay Keegan dahil mukang alagain nya pa ako" Matagal pa kaming nag kwentuhan ni Tita Erlinda, Kahit papano ay tumatawa sya kniwento nya sa akin ang ilang masasayang memories ni Keegan nung bata pa ito, Panay ang tingin ko sa labas dahil di pa nabalik si Keegan. "Alam mo Hija, masaya ako at may kaibigan si Keegan na tulad mo, Sana tulad mo ang Mapang asawa nya balang araw, bukod sa Maganda na eh mukang maalaga kapa at maasikaso" saad pa ni Tita Erlinda. Maya Maya ay Bumalik na Si Keegan ngunit nasa may pinto lamang ito, tila ito balisa. Pero maya maya ay lumapit ito sa amin. "Keegan anak, ayos ka lang ba? Tanong rito ni Tita Erlinda. "Ahm..Opo ma, Ahm Ma..Pagabi na po kasi baka gabihin po si Kelly, Ihahatid ko na po muna sya sa labasan," sabay kindat sakin ni keegan at naunawaan ko naman ito. "Ah Ganon ba..oh sya sige Hija, ihahatid kana pala sa labasan." "Opo nga Tita, Dadalaw nalang po ako aa inyo sa susunod" "Sige Hija, walang problema, mag ingat ka pauwi " "Salamat po" saad ko saka nagpaalam rito, maya maya ay may dumating na nurse kaya ibinilin rin muna ni Keegan si Tita Erlinda. Nang nasa labas na kami ng Hospital malapit sa parking, ay ako na ang unang nagsalita. "A .anong sabi ng Doctor Keegan.. Nakatitig ako sa kanyang Mukha,,Hangang sa Hindi nya na napigilan ang lumuha sabay abot sa akin ng papel. Dahan dahan kong kinuha at binasa, halos manginig ang kamay ko, kasabay noon ay ang pagyugpog ng balikat ni Keegan. Umiiyak ito, Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng awa kaya walang ano ano akong lumapit sa kanya at niyakap ito. Base kasi sa resulta ay seryoso ang lagay nito. sa ngayon ay may naiinom pa na gamot para rito ngunit di iyon sapat dahil kailangan nyang sumailalim sa operasyon. "Laksan mo ang loob mo Keegan, Hwag kang susuko ikaw ang lakas ni Tita Erlinda," saad ko rito habang nakayakap parin. "Salamat Kelly, kahit papano may napag sasabihan ako. "Walang problema Keegan, handa naman akong makinig." Wika ko rito Halos 10pm na iyon hinatid nya narin ako sa sasakyan. "Mag iingat ka Kelly, salamat pala ulit." Wika nya sabay kaway. Kaya kumaway din ako pabalik. Pagkatapos noon ay pinaandar ko na ang sasakyan, Halo halong emosyon ang nasaksihan ko kanina. Sana malampasan ni Keegan ang problema nya basta tutulungan ko sya sa paraang alam ko. Kahit sa katauhan nang Totoong Ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD